Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Isang mapagpalang umaga po sa inyong lahat! Taas noo Rizaleno!

Tayo po ay nagkakatipon sa umagang ito upang ipagdiwang ang


taunang Kindergarten Moving Up ng Paaralang Elementarya ng Madilay-
dilay na may Paksang “PAGKAKAISA SA PAGKAKAIBA-IBA: KALIDAD NA
EDUKASYON PARA SA LAHAT.”

I. UNANG BAHAGI
(Pagpasok ng mga kikilalanin, mga magulang, mga guro at mga
panauhin).
Upang simulan ang palatuntunan sa araw na ito, saksihan po natin ang
pagpasok ng mga batang kikilalanin sa kindergarten, mga magulang, mga
guro, mga panauhin mula sa DepEd Family sa pangunguna ng ating
pinunong Namamahala, Tanggapan ng Tagamasid Pampurok ng Purok ng
Tanay II-A, Gng. Nenita A. Gaspar.
Gayundin po ang galing Sangguniang Barangay sa pamumuno ng
ating Punong Barangay, Kgg. Gregorio C. Manalo

II. IKALAWANG BAHAGI


(Pambansang Awit/Panalangin)
Pilipinas, bansang pinagpala, buhay ay inalay ng maging Malaya.
Ating awitin ng buong pagmamahal at pagmamalaki ang Pambansang
Awit ng Pilipinas, Lupang Hinirang sa pagkumpas ni Jhaedi More M.
Tabayag, batang kikilalanin… na sussundan ng Panalangin sa
pangunguna ni Charles Kraven A. Berja, Batang kikilalanin.
Pag-awit ng HIMNO CALABARZON MARCH, RIZAL MABUHAY, AT
TANAY DAKILA KA

Manatili po tayong nakatayo para sa pag – awit ng Himno ng


CALABARZON, Rizal Mabuhay at Tanay Dakila ka sa pagkumpas ni G.
Ramil B. Dela Cruz, Guro sa ikaapat na baitang.

 Maaari na pong maupo ang lahat.

Bating Pagtanggap
Atin pong pakinggan ang bating Pagtanggap ng aming butihing
punong-guro, G. Roberto L. Musa.

 Maraming salamat po.

Pagpapakilala sa mga Kindergarten Completers, Pagpapatunay at


Pagpapatibay ng mga batang completion

Mga isipang pinanday, handa nang makibaka. Sa susunod na


hakbang ay di nangangamba, sila po ngayo’y ating tingalain at bigyan
ng pagkilala.
Ang PAGPAPAKILALA sa mga batang completers na
gagampanan ng ating Officer In Charge (OIC), G. Jessie T. Manalo
….na PATUTUNAYAN ng pinuno ng ating paaralan, G. Roberto L.
Musa.
Susundan ng PAGPAPATIBAY ng Completion sa pangunguna ng
ating pinag kakapitaganang pinunong Namamahala, Tanggapan ng
Tagamasid Pampurok ng Purok ng Tanay II-A, Gng. Nenita A. Gaspar.

 Maraming Salamat po!

Paggawad ng Katibayan ng Paglilipat Antas


Tunghayan po natin ang paggagawad ng katibayan ng Paglilipat antas
sa mga batang completers na pangungunahan ng ating punongguro, G.
Robert L. Musa.

Inaanyayahan sa tanghalan ang gurong tagapayo ng mga batang


completers,Gng. Donna Sheena M. Saberdo.
Maraming salamat po. Mga bata, nawa’y ang katibayan na inyong
natanggap ay magsilbi ninyong inspirasyon upang lalong higit na
magpursigi na matuto at madagdagan pa ang inyong kaalaman, Na siya
naman ninyong magagamit sa pagkamit ng inyong mga pangarap.
Paggawad ng laso at sertipiko sa mga natatanging mag – aaral

Inaanyayahan po sa tanghalan ang Pinuno ng Paaralan, G. Roberto L.


Musa, gayundin ang Kapitan ng Barangay, Kgg. Gregorio C. Manalo at
kagawad ng Barangay, Kgg. Joel B. Villamor upang maggawad ng mga laso
at sertipiko sa mga natatanging mag – aaral.

Muling inaanyayahan sa tanghalan ang gurong taagapayo ng Kindergarten,


Gng. Donna Sheena M. Saberdo.

 Bigyan po natin ng masigabong palakpakan ang mga natatanging


mag-aaral.

Sa yugtong ito, makakarinig po tayo ng isang mensahe na magmumula sa


ating butihing punong Barangay Kgg. Gregorio C. Manalo.
 Salamat po kapitan sa isang makabuluhang mensahe.

 Ngayon po ay matutunghayan natin ang bating pang wakas na


ipagkakaloob ng kagawad ng Barangay, Tagapangulo ng Komite ng
Edukasyon, Kgg. Joel B. Villamor.
Awit ng mga completers
At ngayon ay pakinggan natin ang awit ng mga Batang Completers na
pinamagatang “PANGAKO.”

III. IKATLONG BAHAGI


Paglabas ng mga panauhin, guro, magulang at mga batang
kinilala

Bawat pahina ng buhay ay may simula at katapusan, may ligaya dahil


sa nabuong samahan at lumbay dahil sa nalalapit na paghihiwalay.
Ngayon po ating masasaksihan ang paglabas ng mga panauhin, mga
guro, mga magulang at mga batang kinilala.

PASASALAMAT
Ang mga guro at punongguro sa paaralang Elementarya ng Madilay-
dilay ay buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga magulang at iba
pang taong may magandang kalooban na kusa at walang sawang
nagkaloob ng kanilang tulong upang ang palatuntunan ng Paglilipat taon ay
maging ganap na tagumpay.

 Ito po ang inyong lingkod, Bb. Jane Carine A. Benitez, na nagsasabing


Maraming Salamat po at Mabuhay!

Muli Maraming Salamat po!

You might also like