2nd Periodical

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

IKALAWANG PERYODIKONG PAGSUSULIT

Araling Panlipunan 7
Ika-27 ng Setyembre, 2017

TABLE OF SPECIFICATIONS

Mga Kakayahang Remembering Understandin Applying Analyzing Evaluatin Kabuuan


Pampagkatuto g g
1. Napaghahambing- Test II Test IV 15
hambing ang mga sinaunang 1,1a,2,2a,3,3a 1,2,3,4,5,6
kabihasnan sa Timog Asya ,7,8,9
at ang mga dinastiya sa
Silangang Asya.
2. Nasusuri ang mga Test I Test I Test III Test V 25
mahahalagang pangyayari 1,2,3,4,5,6, 7 1,2,3,4,5,6 1,2,3,4,5,6
sa Timog at Silangang Asya ,7,8 ,7,8,9,10
mula sa sinaunang
kabihasnan hanggang ika-16
siglo sa larangan ng
pamahalaan, kabuhayan,
teknolohiya, lipunan,
edukasyon, paniniwala,
pagpapahalaga, sining at
kultura.
Kabuuan 6 7 8 9 10 40
IKALAWANG PERYODIKONG PAGSUSULIT
Araling Panlipunan 7
Ika-27 ng Setyembre, 2017

Pangalan: Seksyon: Iskor:

I. Maramihang Pagpipilian: Piliin ang titik ng iyong napiling sagot. Isulat sa patlang.

_____ 1. Alin sa mga sumusunod ang nag-ugnay sa Tsina, India, at Kanlurang Asya sa pamamagitan ng kalakalan?
a. Grand Canal b. Great Wall ng Tsina c. Ilog Yangtze d. Silk Road

_____ 2. Ito ay karaniwang ginagamit ng mga taga-Indus upang gawing paso, tubo, tisa, at iba pang mga iskultura.
a. Terracotta b. Rig Veda c. Kamasutra d. Pagodas

_____ 3. Ayon sa mandato ng langit o mandate of heaven ay


a. ang mga maharlika lamang ang maaaring maging pinuno ng pamahalaan
b. mararating ng tao ang langit kung siya ay dudulog sa kanyang mga ninuno
c. naitakda na ng langit ang pagpapalit ng dinastiya sa Tsina
d. tanging mahuhusay na pinuno lamang ang may basbas ng langit upang mamuno

_____ 4. Nakasentro sa mga turo nito ang nakapaloob sa Civil Service Examination sa Tsina
a. Confucianismo b. Taoismo c. Buddhismo d. Shintoismo

_____ 5. Sa templong ito pumupunta ang mga mamamayan ng Sumer upang sambahin ang kanilang mga diyos-
diyosan
a. ziggurat b. platform c. pyramid d. guillotine

_____ 6. Pinalitan ng mga Brahmin ang mga Kshatriya sa pinakamataas na antas sa caste system sapagkat
a. ang mga Brahmin ay tagapagmana ng mga diyos
b. hinalal ng mga Hindu ang Brahmin
c. natalo ng mga Brahmin ang mga Kshatriya sa digmaan
d. relihiyon at hindi na digmaan ang sentro ng pamumuhay ng mga Aryan
_____7. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit lumago ang sistema ng edukasyon at sining at kultura sa iba’t ibang
sinaunang kabihasnan sa Asya
a. dahil nakapag-aral na ang mga mamamayan ng kanilang sibilisasyon
b. dahil wala nang kaguluhan o digmaan na nangyari sa kanilang sibilisasyon
c. dahil sa malulupit na mga pinuno ng kanilang sibilisasyon
d. dahil sa dumami na ang mga patron ng sining

II. Pagsusuri at Pagpapaliwanag ng Larawan: Una, pumili ng apat na larawan at piliin naman sa kahon ang salitang
tumutukoy sa bawat napiling larawan. Pagkatapos ay ipaliwanag ang mahalagang pangyayari sa Tsina na may kinalaman
sa iyong napiling larawan.

Ilan sa mga Kontribusyon ng Tsina sa Daigdig

A B C D E

Acupuncture Great Wall of China


Anaesthesia Imperial University
Calligraphy Magnetic Compass
Civil Service Examination Oracle Bones
Grand Canal Seismograph
Halimbawa:

1. A. (depende kung aling letra-larawan ang iyong napili) Footbinding

1a. Nagsimula sa Dinastiyang Sung na kung saan ang paa ng babae ay binabalot sa puting tela upang pigilan
ang paglaki nito.

1. _______________________________

1a. __________________________________________________________________________________________

2. _______________________________

2a. __________________________________________________________________________________________

3. _______________________________

3a. __________________________________________________________________________________________

III. Noon at Ngayon: Isulat sa patlang ang NOON AT NGAYON kung ang mga nakasalungguhit ay nararanasan,
ginagawa, o makikita pa rin hanggang ngayon, at NOON LANG kung wala na ngayon.

________ 1. Ang dahilan sa matagumpay na pagkakaisa ng mga kaharian sa pamumuno ni Chandra Gupta ng
Imperyong Gupta ay ang pagtatatag niya ng isang pamahalaang sentral na sinuportahan ng
pamahalaang lokal na hinahalal ng mga mangangalakal at mga manggagawa na may espesyal na
kakayahan o tinatawag na artisan.

________ 2. Ang mga Tsino sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa ng foot binding upang mapigilan ang paglaki ng
kanilang paa at ito ay simbolo ng kagandahan ng mga kababaihan sa Tsina.

________ 3. Ang mga pinunong Dravidian ay siya ring pinuno ng relihiyon o tinatawag na priest-king. Sila ay
naniniwala sa diyosa ng paglikha na may gawa ng lahat. Maraming estatwa ng mga hayop ang
nakapaligid sa kanilang siyudad at ang toro ang itinuturing na banal na hayop.

________ 4. Isa sa mga pinuno ng Imperyong Mongol sa India ay si Shah Jahan. Sa kanyang panunungkulan ay
ipinatayo niya ang pamosong Taj Mahal sa Agra, India na libingan ng kanyang asawang si Mumtaz
Mahal.

________ 5. Sa panahon pa rin ng Dinastiyang Chou ay pinag-aralan ng mga iskolar ang paggalaw ng mga
planeta at ang eklipse at mula roon ay nakagawa sila ng kalendaryong may 365 ¼ na araw kada
taon.

________ 6. Sa panahon ng Dinastiyang Shang, tanging ang hari lamang ang maaaring humingi ng tulong sa
kanyang mga ninuno dahil pinaniniwalaang ang mga ordinaryong mortal ay hindi pakikinggan ng
diyos. Kaya ang hari na tumatawag sa kanyang ninuno na dati ring hari ay ipinapanalangin ang
kanyang nasasakupan.

________ 7. Kahit mayroong kakulangan ng mga punong kahoy at bato sa Sumer, natuto ang mga Sumerians
na gumamit ng ladrilyo upang gamitin sa paggawa ng kanilang mga imprasktraktura.

________ 8. Naimbento ng mga Sumerians ang irigasyon upang bigyan ng suplay ng tubig ang kanilang mga
sakahan na nagdulot ng surplus sa pagkain
IV. Pag-aanalisa:
Panuto: Basahin at intindihin ang artikulo tungkol sa kabihasnang Indus. Mula sa inyong nabasa ay
punan ng tamang impormasyon base sa artikulo ang talahanayan sa ibaba.

The Indus Valley civilization flourished in the basins of the Indus River, which flows through the length of Pakistan,
and along a system of perennial, mostly monsoon-fed, rivers that once coursed in the vicinity of the seasonal Ghaggar-
Hakra river in northwest India and eastern Pakistan. A number of gold, terracotta and stone figurines of girls in dancing
poses reveal the presence of some dance form. These terracotta figurines included cows, bears, monkeys, and dogs. The
animal depicted on a majority of seals at sites of the mature period has not been clearly identified One Indus Valley seal
shows a seated figure with a horned headdress, possibly tricephalic and possibly ithyphallic, surrounded by animals.
Marshall identified the figure as an early form of the Hindu god Shiva (or Rudra), who is associated with asceticism, yoga,
and linga; regarded as a lord of animals; and often depicted as having three eyes. The training of the students took place
at the home of a Brahmin teacher. The relationship between the student and the teacher was most important in shaping
up the entire education process. In some texts, the teacher is depicted as the poor ascetic and it is the duty of the student
to beg for his teacher.

Source: https://en.wikipedia.org/wiki/Indus_Valley_Civilisation
http://www.thisismyindia.com/ancient_india/ancient-india-education.html

1-3. Sining 4-6. Paniniwala 7-9. Edukasyon

V. Pagbibigay-Opinyon: Bawat aytem ay tungkol sa mga pangyayari sa Timog at Silangang Asya sa iba’t ibang larangan
ng kanilang kabihasnan at dinastiya. Ito ba ay makatarungan o hindi sa kasalukuyang panahon? Magbigay ng dalawang
rason. PROVERBS
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos:
2 puntos - Nailahad nang maayos ang sagot at nakapagbigay ng dalawang rason
1 puntos – Hindi masyadong nailahad nang maayos ang sagot

1-2 Ayon sa batas ng Hinduismo, ikaw ay dadaan sa proseso ng reincarnation o muli kang isisilang sa mundo. Ang iyong
kapalaran sa susunod na buhay ay depende kung paano mo ginampanan ang iyong dharma o tungkulin. Dito pumapasok
ang karma, kung gumawa ka ng mabuti, tataas ang iyong posisyon sa susunod na buhay, at kung gumawa ka ng
masama, bababa ang iyong posisyon sa susunod na buhay.

3-4. Ayon kay Meng Tzu o Mencius na sumuporta sa pilosopiya ni Confucius, may karapatan ka na paalisin sa pwesto
ang mga pinunong hindi namumuno nang maayos dahil obligasyon nila sa iyo at sa bansa ang magsilbi ng tama.

5-6. Sa panahon ng pamamahala ni Shih Huang Di sa Dinastiyang Chin ay nagpakalat siya ng mga espiya (spy) na
magbabantay sa mga lokal na pinuno upang siguraduhin na ginagawa nila ang kanilang tungkulin. Ang mga maharlika
naman ay sapilitang pinatira sa syudad kung saan madali niyang mababantayan ang kanilang pagkilos.
7-8. Ayon kay Siddhartha Gautama Buddha, dapat sundin mo ang Eightfold Path upang marating mo ang nirvana (paraiso
o langit). Ang Eightfold Path ay binubuo ng: (1) tamang paniniwala, (2) tamang adhikain, (3) tamang pananalita, (4)
tamang pag-uugali, (5) tamang paghahanapbuhay, (6) tamang pagsisikap, (7) tamang pag-aalala, at (8) tamang
meditasyon.

9-10. Ayon kay Hsun Tzu, ikaw ay natural na makasalanan at makasarili kaya kailangan na maging istrikto ang
pamahalaan sayo. Ang pinuno ang nag-iisang dapat na may kontrol sa kapangyarihan upang tayo ay madali niyang
maiorganisa tungo sa pag-unlad.

Me and I: Introduction, Orientation, and Discovery


IKALAWANG PERYODIKONG PAGSUSULIT
Araling Panlipunan 7
Ika-27 ng Setyembre, 2017

I. Maraming Pagpipilian

1. 3. 5. 7.
2. 4. 6.

II. Pagsusuri at Pagpapaliwanag ng Larawan


1. ______________________
1a. ______________________________________________________________________________________________
2. ______________________
2a. ______________________________________________________________________________________________
3. ______________________
3a. ______________________________________________________________________________________________

III. Noon at Ngayon

1. ________________________ 5. _________________________
2. ________________________ 6. _________________________
3. ________________________ 7. _________________________
4. ________________________ 8. _________________________

IV. Pag-aanalisa
1-3. Sining 4-6. Paniniwala 7-9. Edukasyon

V. Pagbibigay-Opinyon

You might also like