FIL03 Reviewer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

LESSON 1

Wikang Komunikasyon → Wika sa Sektor ng Lipunan → Wika ng Kaalaman at


Produksyon ng Kaalaman

“Anu-ano ang MAKRONG KASANAYAN?”


1. Pagsusulat*
2. Pagsasalita*
3. Pagbabasa*
4. Pakikinig*
5. Panunuod (ayon sa bagong pag-aaral)

* Pinakamadalas na makrong kasanayan

PAKIKINIG
 Pinakamadalas na ginagamit
 Pinaka’open’

PAGSASALITA AT PANUNUOD
 Pangalawa sa pinakamadalas na ginagamit

PAGSULAT
 “Pagsasalin sa papel o sa anomang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o ng mga
tao upang katawanin ang mga tunog at may layuning magpahayag ng mga kaalaman at
mga kaisipan.”
 Mahirap na gawain
 Kinaaayawan ng marami
 Pinakaonti
 TEKNIKAL o MALIKHAIN
 (ay isang) Pisikal at Mental na Aktibiti
 “Kailangan ng puspusang mental at kakonsiderableng antas ng kaalamang teknikal at
pagkamalikhain.” ( Xing & Jin; 1989, Bernales et al., 2006)
 Komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbuo ng
kaisipan, retorika*, atbp. mga elemento
*Retorika → masining na pagpapahayag
 “Mahirap matamo, subalit napag-aaralan ang wasto at epektibong paggawa” (Badayos,
2000)
 “Biyaya, pangangailangan, at isang kaligayahan” (Keller; 1985, Bernales et al., 2006)
 “Ekstensiyon ng wika at karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig,
pagsasalita, at pagbabasa.” (Pect & Beckingham; Bernales et al., 2006)
 Nangangailangan ng SOSYO-KOGNITIBONG PANANAW*
*Sosyo-kognitibong pananaw → pagkakaroon ng mental at pisikal na aktibiti
 Komunikasyong INTRAPERSONAL at INTERPERSONAL
 Gawaing PERSONAL o SOSYAL
 MULTIDIMENSYON na proseso
 May 2 uri:
 Biswal na Dimensyon → paggamit ng mga simbolo
→ Pagsaalang-alang ng manunulat sa mga tuntunin ng pagsulat upang maging
epektibo ang kanyang layunin sa kanyang mambabasa.
 Oral na Dimensyon → pasalita
→ Proseso ng “pakikipag-usap” ng manunulat sa kanyang mga mambabasa.

Batayang Kaalaman sa Pagsulat


 Pagpili ng Paksa
 Organisasyon ng Diwa
 Gramatika → isinasaalang-alang ang mga bantas, ispeling, atbp.
 Lohika ng presentasyon ng anumang paksang nais talakayin → upang higit na
maunawaan ng mga mambabasa ang nais iparating na mensahe
 (x) Personal na Pangangailangan, (v) Propesyunal na kailangan

LAYUNIN NG PAGSULAT
1. Ekspresibo → pagpapahayag ng damdamin, iniisip, at emosyon
2. Transakyunal → Ugnayan sa kapwa-indibidwal

IBA PANG MGA LAYUNIN NG PAGSULAT (Ayon kay Bernales et al.)


1. Impormatibong pagsulat (o Ekspositori writing)
2. Mapanghikayat na pagsulat (o Persuasive writing)
3. Malikhaing Pagsulat → Malalim at Malayang paraan ng pagpapahayag (Hal. katha,
maikling kwento, etc.)

PROSESO NG PAGSULAT

* BAGO MAGSULAT → gather info


* AKTWAL NA PAGSULAT → limit data; dagdag-bawas
* MULING PAGSULAT → Proofreading + heRevision; pagsulat ng bagong
komposisyon/burador

6 NA URI NG PAGSULAT
1. AKADEMIKO → lahat ng isinusulat sa PAARALAN
→ May layuning pataasin ang kaalaman ng mga estudyante
2. TEKNIKAL → May layuning bigyan kasagutan o solusyon ang ispesipikong problema
3. JOURNALISTIC → (isinasagawa ng) journalist/mamamahayag
→ Hal. ay Editorial, Feature writing, at Isports
4. REPERENSYAL → pagrerekomenda ng mga sources/hanguan
5. PROPESYONAL → Nakatuon sa tiyak na propesyon
→ ekslusibo
6. MALIKHAIN → masining
→ Imahinasyon ng mga manunulat ang pokus
LESSON 2: PAGBIBIGAY NG SARILING ARGYUMENTO

AKADEMIKONG SULATIN
 Akdang tuluyan/prosa*
*Prosa → Isinulat sa malayang taludturan; essay form
 Impormatib (Ekspositori) o Argyumentatibo
 Ginagawa ng mga mag-aaral, guro, o mananaliksik
 Upang makatupad sa isang pangangailangan sa pag-aaral (In short, isang course
requirement)
 Layuning magpahayag ng mga impormasyon tungkol sa paksa (Dapat malinaw ‘yung
paksang tatalakayin!)

3 KALIKASAN NG AKADEMIKONG SULATIN


1. Katotohanan → konektado sa EBIDENSYA
2. Ebidensya → nagbibigay suporta
→ mapagkakatiwalaan
3. Balanse → walang pagkiling, seryoso, di-emosyonal
→ upang maging makatwiran ang mga salungat na pananaw

MGA KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN


1. Kompleks → ang paggamit ng wika (pasulat) ay kompleks
2. Pormal → bawal ang mga salitang kolokyal, balbal, at mga ekspresyon
3. Tumpak → Facts and figures ay inilalahad ng walang labis at walang kulang
4. Obhetibo → pagbigay impormasyon at argyumento ng walang kinikilingan
5. Eksplisit → nagbibigay ng kumpletong eksplanasyon upang maging malinaw sa
mambabasa kung paano ang iba’t ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa’t-isa
 May kalinawan na ang iba’t ibang impormasyong inilalahad ng teksto ay may ugnayan
sa isa’t isa.
→ ‘coherence’, upang maintindihan ang mga gustong iparating
6. Wasto → maiwasan ang ‘misunderstanding’ mula sa maling wording/phrasing
→ pagpili ng mga angkop na salita at wastong bokabularyo na tumutugma sa
gustong iparating
→ maingat sa paggamit ng mga salitang madalas pagkamalian
7. Responsable → iisa-isahin ang mga impormasyon
→ paglalahad ng mga ebidensya/patunay/argyumento na magpapatibay sa mga
ibinigay na mga impormasyon at mga librong hanguan o references.

IBA PANG MGA KATANGIAN


1. Malinaw ang Layunin → matugunan ang tanong kaugnay sa paksa

2. Malinaw na pananaw → may ‘punto de bisa’


→ mapaninindigan
3. May pokus → bawat pangungusap ay sumusuporta
→ ‘coherence’
4. Lohikal na Organisasyon → mauunawaan
→ May sinusunod na standard na karaniwang: INTRODUKSYON > KATAWAN >
KONKLUSYON
5. Matibay na Suporta
6. Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon
7. Epektibong Pananaliksik → pagbibigay ng napapanahon, propesyunal, at
akademikong hanguan ng mga impormasyon (citations/sources)
8. Iskolarling Estilo sa Pagsulat → madaling mabasa/maunawaan
→ mahalagang maiwasan ang mga grammatical errors and typographical errors
(spelling, bantas, etc.)

LAYUNIN NG AKADEMIKONG SULATIN


1. Mapanghikayat na Layunin (persuasive) → Layunin na mahikayat ang mga
mambabasa na maniwala sa kanyang posisyon hinggil sa isang paksa sa pamamagitan
ng mga suportang katwiran at ebidensya.
→ Hal. Posisyong Papel

2. Mapanuring Layuning → aka analitikal na pagsulat


→ layuning ipaliwanag at suriin ang posibleng sagot sa isang tanong
→ piliin ang PINAKAmahusay na sagot batay sa isang pamantayan
→ ispesipiko at PINAKAimportante
→ Hal. Panukalang Proyekto

3. Impormatibong Layunin (informative/expository)


→ Ipinaliliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mga
mambabasa ng mga bagong impormasyon o kaalaman hinggil sa isang paksa.

TUNGKULIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT


1. Lumilinang ng kahusayan sa wika → grammar, spelling, bantas
2. Lumilinang ng mapanuring pag-iisip → kung ano ang nais iparating
3. Lumilinang ng mga pagpapahalagang pantao → koneksyon ng binabasa at ng
mambabasa
4. Paghahanda sa propesyon →n pagharap sa propesyonal na gawain

MGA ANYO NG AKADEMIKONG PAGSULAT


1. Karaniwang Anyo → mga ipinapagawa sa eskwelahan
 Abstrak
 Buod/Sintesis
 Rebyu
 Talumpati

2. Personal na Anyo → subjective


 Posisyong Papel
 Replektibong Sanaysay
 Piktoryal na Sanaysay
 Lakbay Sanaysay

3. Residual → (pinaghalong) Karaniwang Anyo + Personal na Anyo


 Bionote → masining na pagpapakilala sa sarili
 Agenda at katitikan ng pulong
 Panukalang proyekto → tinatalakay ang mga gustong ipropose para sa ikabubuti
LESSON 3: BUOD/SINTESIS

BUOD
 Tala ng indibidwal sa sarili niyang pananalita ukol sa kanyang napakinig, nabasa,
napanood, o napag-usapan
 Hal. research, report, balita, nobela, maikling kwento, at pakikipag-usap

PANGANGAILANGAN SA BUOD (Swales & Feat, 1994)


1. Tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto (Paghahanguan)
2. Ilahad sa pamamaraang nyutral o walang kinikilingan (Obhetibo)
3. Pinaikling bersyon at gamit ang sariling pananalita ng gumawa

KATANGIAN NG BUOD
1. May obhetibong balangkas ng orihinal na teksto
2. Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo
3. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o impormasyong wala sa orihinal na
teksto
4. Gumagamit ng mga susing salita
5. Gumagamit ng sariling salita

HAKBANG SA PAGSULAT NG BUOD


1. Salungguhitan ang mga mahahalagang punto at detalye.
2. Ilista ang pangunahing ideya, detalye, at ipaliwanag ang bawat ideya.
3. Ayusin ang pagkakasunod-sunod sa lohikal na paraan.
4. Gumamit ng siya, apelyido ng awtor, o manunulat.
5. Isulat ang buod.

SINTESIS
Kahulugan
 Pagsama-sama ng 2 o higit pang mga buod
 Paggawa ng koneksyon sa pagitan ng 2 o higit pang mga akda o sulatin
 Pagsasama ng iba’t-ibang akda upang makabuo ng isang akda nakapag-uugnay

2 ANYO NG SINTESIS
1. Explanatory → Nagpapaliwanag
2. Argumentative → Compare & Contrast
→ HINAHANAP: Panig ng Article

URI NG SINTESIS
1. Background Synthesis → inaayos ang artikulo batay sa tema
2. Thesis-Driven Synthesis → inaayos ang artikulo batay sa punto ng manunulat
3. Synthesis for the Literature → inaayos ang artikulo batay sa sanggunian nito
→ pede rin namang ayusin ang mga artikulo ayon sa paksa

KAILANGANG BIGYAN PANSIN SA PAGSUKAT NG SINTESIS


1. Tamang impormasyon mula sa pinaghahanguan/Sanggunian → Credibility
2. Organisasyon ng Teksto → Mas pinabibilis/pinagagaan basahin
3. Napagtitibay ang nilalaman at napapailalim ang pag-unawang nagbabasa

HAKBANG SA PAGSULAT
1. Linawin ang Layunin
2. Pumili ng naaayon na sanggunian batay sa layunin at basahin ng mabuti ito
3. Buuin ang tesis ng sulatin
4. Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin
5. Isulat ang unang burador
6. Ilista ang mga sanggunian → APA Format
7. Rebisahin ang sintesis
8. Isulat ang Pinal na sintesis

Link: https://prezi.com/5rnbkuln8xi0/pagsulat-ng-buod-at-sintesis/

ABSTRAK (tinatawag na Sinopsis o Presi ng ibang publikasyon)

 Maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu, o katititikan ng


kumperensya
 May ilang abstrak na nagtataglay ng ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa
teksto ngunit kadalasan ay pinakasentral na mga ideya lamang ang makikita
 Hal. Pananaliksik o Research Paper
 Makikita sa unang bahagi ng pananaliksik (pagkatapos ng paghahandog)
 Pagkuha ng eksklusibong karapatan/ pagmamay-ari ng isang malikhain o intelektwal na
akda o imbensyon
 Upang madaling maipaunawa ang isang malalim at kompleks na pananaliksik
 Ginagamit ng iba’t ibang organisasyon bilang batayan ng pagpili ng proposal para sa
presentasyon ng papel/ workshop/ panel discussion
 Maaaring magpakita ng resulta at konklusyon ngunit mas mabuting basahin ang mga
artikulong siyentipikong papel upang maunawaan ang detalye (metolohiya, resulta, at
diskusyon)

Layunin ng Abstrak
1. “Maibenta” o maipakitang maganda ang kabuoan ng pananaliksik
2. Mahikayat ang mambabasa na ituloy pa ang pagbabasa ng buong papel/ pagbili ng
buong kopya

Uri ng Abstrak
1. Impormatibo
→ motibasyon, suliranin, pagdulog/pamamaraan, resulta, kongklusyon
→ 5 paragraph form usually (pero pede ring 1 paragraph form lang)
2. Deskriptibo (“proposal abstract”)
→ maikli, 100 - 200 words, suliranin at layunin, metodolohiya, at saklaw
* Hindi kasama ang resulta, konklusyon, at rekomendasyon
3. Kritikal
→ Pinakamahaba
→ Parang rebyu
→ Impormatibong abstrak + Evaluation (May kabuluhan, kasapatan, at katumpakan)

*Thesis Writing Abstract (sinusunod ng Mapua Univ.) → Informative Abstract


REBYU
 Akdang susuri o pupuna sa likhang sining
 Maingat na binibigyang pansin ang mga sangkap o elemento ng genre na nirerebyu
upang ang isang kritiko ay makapaglahad ng obhetibo at matalinong analisis
 [Mga halimbawa ng mga uri ng panitikang nirerebyu:] Tula, maikling katha, nobela,
sanaysay, aklat, dula, pelikula*, oral na sining, at biswal na sining
* Pinakatanyag na ginagawan ng rebyu

Katangiang dapat taglayin ng isang kritiko


1. Sapat na kaalaman sa genre/ paksa
2. Sapat na kakayahang magsuri/ kumilala ng kalakasan at kahinaan
3. Tapat, obhetibo, kawalan ng bahid impluho ng damdaming pansarili
4. Pagkakaroon ng likas na kuro-kuro/ hindi pagpapadala sa iba’t-ibang impluwensiyang
may kiling

Katangian ng isang mahusay na kritik


1. Masaklaw → pagsuri ng lahat ng elemento ng genre
2. Kritikal → malalim na pagsuri; simbolismo at pahiwatig
3. Napapanahon → napapanahon ang paksa
4. Walang pagkiling → X pansariling pagkiling; Obhetibo
5. Mapapanaligan → kapani-paniwala; katanggap-tanggap na pamantayan
6. Orihinal → May sariling input; hindi pinagsama-sama lamang
7. Makatuwiran → isinasaalang-alang ang limitasyon ng may akda
8. Natatangi → nagtatangi ng mabuti sa hindi, ng mahusay at mataas na kalidad sa hindi

Mga isinasaalang-alang sa pagsusuri ng malikhaing pagsulat (Arogante, 2000)


1. Liwanaging mabuti ang genre
2. Basahin at panuorin ng masinsinan at gawan ng maiksing lagom
3. Bigyang halaga ang: nilalaman, estilo/paraan ng pagsulat
4. Pagbanggit ng kahusayan at kahinaan at karapatang pagpapakahulugan

Karagdagan
 Lakipan ng ilang sipi (quotations)
 Iwasan: pagbigay ng kapasyahan na walang lakip na batayan
 Nakabatay sa takdang pamantayan ng pagpasya
 Gamitin ang pananalitang makatutulong sa mambabasa → pagpasya kung babasahin o
hindi
 Iwasang makulayan ang rebyu ng palagay at kuro ng mga propesyunal na mamumuna
 Pag-ukulan ng pagpapahalaga ang estilo ng pagkakasulat (+ nilalaman)

Impormal na Rebyu Pormal na Rebyu

 Base sa mga emosyon  Obhetibo


 Hal. yung mga pinopost sa social media  BAHAGI NG PORMAL NA REBYU:
Pamagat
May Akda
Panimulang Pananalita
Buod
Sangkap o Elemento
Simbolismo o Pahiwatig
Sanggunian
Sequence Iskrip
Sinematograpiya
Tunog at Musika
Pananaliksik
Pagdidirihe
Pag-edit

LINK: https://prezi.com/rpwmepf-xoy5/pagsulat-ng-rebyu/

TALUMPATI
 Pormal na pagsasalita
 Harap ng audience o tagapakinig
 [LAYUNIN] Magbigay impormasyon/ manghikayat
 Kinapapalooban:
> kakayahan sa pagpapahayag (ideya + organisasyon)
> Talas sa pagsusuri
> Epektibong gamit ng wika (tama/ ispesipikong salitang angkop)

URI NG TALUMPATI AYON SA NILALAMAN


1. Impormatibo
 [Layunin] Magbigay impormasyon
 Maglahad at magpaliwanag
 Maaari maging paksa ang: pagpapaliwanag sa proseso (sistematikong serye ng aksyon)
and/or Kronolohiya (pang-organisasyong pamamaraan)
 Mahalaga ang tulong biswal
 Simpleng pagpapaliwanag ng konsepto (teorya, ideya, prinsipyo, paniniwala)
 Esensyal ang mga halimbawa, analohiya/ paghahambing

2. Mapanghikayat
 Nakatuon sa paksa/ isyung kinapapalooban ng iba’t ibang perspektibo o posisyon
 Partikular na posisyon o tindig sa isyu batay sa malalim na pagsusuri
 Sentro ang pagkuwestyon sa katotohanan, pagpapahalaga (morality), o polisya

URI NG TALUMPATI (BERNALES, 2006)


1. Talumpating Pampalibang → Stand-up comedy
2. Talumpating Pampasigla → paunang pananalita
3. Talumpating Nagbibigay-galang → Foundation week speeches
4. Talumpating Papuri-bayani
5. Talumpating binibigkas sa ibang okasyon:
- Serbisyong Nekrolohikal → eulogy
- Pagtatalaga sa katungkulan → promotion
- Pamamaalam → Paghahandog o Retirement
- Pagmumungkahi o Pagsuporta sa Kandidatura → tuwing eleksyon
Dapat bigyang diin ang mga ss:
 Kredibilidad
 Ebidensya + mahusay na dokyumentaryong inilatag
 Pangangatwiran
 Emosyon → Talas ng ideya at Husay sa paggamit ng wika

2 Paraan
1. Impromptu/ Biglaan
 Walang ano mang paghahanda (Hal. Q&A)
 Masukat ang lalim at lawak ng kaalaman
 Hahasa sa husay sa organisasyon (ideya), talas ng pagsusuri, at pagbibigay diin sa
mahahalagang aspekto ng isang isyu

2. Ekstemporanyo/ Pinaghandaan
 Inihanda, pinagplanuhan, at ineensayo
 Sinasaulo/ Memoryado
 Kumbersyunal
 Praktisado
 Paggamit ng maiksing tala upang maalala ang mahalagang punto ng inihandang
talumpati

! Tip: AVOID Mannerisms


BIONOTE
 Naglalaman ng impormasyon tungkol sa isang indibidwal
 Layuning magpakilala sa tagapakinig/mambabasa
 [Nilalaman] Edukasyon, Parangal, Paniniwala
 Pataasin ang (kanyang) kredibilidad
 Volatile → dahil sa mabilis magbago = karagdagang impormasyon sa isang indibidwal

Magagamit ang Bionote sa:


 Aplikasyon sa trabaho
 Paglilimbag ng artikulo/aklat/blog
 Pagsasalita sa mga pagtitipon (seminars)
 Pagpapalawak ng network propesyonal (maihahalintulad sa isang calling card)

! DAPAT TANDAAN
1. Balangkas ng Pagsulat
2. Haba ng Bionote
3. Kaangkupan ng Nilalaman
4. Antas ng Pormalidad ng Sulatin
5. Larawan

Hakbang:
1. Layunin
2. Haba ng Bionote
3. Ikatlong Pangunahing Perspektib
4. Simulan sa pangalan
5. Ilahad ang propesyong kinabibilangan
6. Isa-isahin: mahahalagang tagumpay
7. + mga di-inaasahang detalye ( local/international competitions + awards)
8. Contact information → Company number/ email address
9. Basahin & Isulat muli and Bionote

AGENDA (ADYENDA) & KATITIKAN

ADYENDA (AGENDA)
 Pagpupulong
 “Agere” (Latin) → gagawin
 Listahan ng napag-usapan/pag-uusapan/tatalakayin

Konsiderasyon: Pagdidisenyo ng Agenda


 Saloobin ng kasamahan
 Paksang mahalaga para sa buong grupo
 Estrukturang patanong ng mga paksa
 Layunin ng bawat paksa
 Oras na ilalaan (per paksa)

Hakbang
1. Layunin
2. Sulatin ang agenda 3 or more days before meeting
3. Simulan sa simpleng detalye
4. Hanggang 5 na paksa lamang
5. Ilagay ang nakalaang oras para sa agenda
6. Isama ang ibang kakailanganing impormasyon

Sample Format:

PULONG (MEETING)
 Pagtitipon ng 2+ na mga indibidwal
 Pag-uusap; mayroong 1 common na layunin (pangkalahatang kapakanan ng
organisasyon/grupong kinabibilangan)

*Para masabing balido ang pagpupulong, dapat:


 Awtoridad ang nagpatawag ng pulong
 Nakuha ng mga inaasahang kalahok ang invitation
 Nakadalo ang quorum (mag-eexplain ng meeting)
 Nasunod ang alituntunin/ regulasyon

Hakbang:
1. Pagbukas ng pulong
2. Paumanhin
3. Adapsyon sa Katitikan ng nakaraang pulong (Review & Approve minutes of last
meeting)
4. Paglilinaw mula sa nakaraang katitikan ng pulong
5. Pagtalakay sa mga liham
6. Pagtalakay sa mga ulat
7. Pagtalakay sa mga paksang ‘di nakasulat sa agenda
8. Pagtatapos ng pulong

KATITIKAN (MINUTES)
 Mga napagpasyahan
 Includes attendance
 Opisyal na rekord ng pulong (organisasyon, korporasyon, asosasyon)
 Tala ng mga napagdesisyunan & pahayag
 Hindi dapat isama ang mga mosyon, bilang ng boto, at pamamaraan ng pagboto ng mga
kalahok

 Mga dapat makita sa katitikan ng pulong:


 Kailan ang meeting
 Sino-sino ang dumalo at hindi dumalo (attendance)
 Anu-ano ang paksang tinalakay
 Anu-ano ang mga napagpasyahan
 Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos & kailan dapat ito
matapos?
 Mayroon bang kasunod na meeting (follow-up meeting)? Kung mayroon, Saan,
Kailan, at Bakit kailangan?

 Pormat
 Walang istandard
 Petsa, Oras, Lokasyon
 Aytem sa Agenda
 Desisyon, Napagkasunduan
 Pangalan ng Taong Nagtaas ng Mosyon
 Pangalan ng Opisyal na Tagapamahala (chairperson)
 Pangalan ng Kalihim (secretary)

Example Format (Libro):


Usual na Format:

! DAPAT TANDAAN
 Isulat ang katitikan sa loob lamang ng 48 hours
 Gumamit ng mga positibong salita
 Huwag isama ang mga impormasyong magdudulot ng kahihiyan sa sinumang kalahok

PANUKALANG PROYEKTO
 Karaniwang nakasulat, minsan bilang isang oral na presentasyon o kombinasyon ng
dalawa
 Internal = loob, organisasyong kinabibilangan
 Eksternal = labas, organisasyong di kinabibilangan ng proponent
 Solicited/ invited o imbitado → may pabatid ang isang organisasyon sa kanilang
pangangailangan ng isang proposal
 Unsolicited/ Prospecting → wala & kusa o nagbabakasakali lamang ang proponent

DEFINITION
 Detalyadong deskripsyon ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong maresolba
ang isang tiyak na problema (Nebiu)
 Makikita ang detalyadong pagtalakay sa dahilan at pangangailangan ng proyekto
(project justification), panahon sa pagsasagawa ng proyekto (activities and
implementation timeline), at kakailanganing resorses (human,material, and financial
resources required).

2 URI/ BERSYON NG PANUKALANG PROYEKTO


 Maikli → 1-10 pages, anyong liham
 Mahaba → 10+ pages, elaborated, may structured format

TAGUBILIN
1. Magplano nang maagap
2. Gawin ang pagpaplano nang pangkalahatan
3. Maging realistiko sa panukala
4. Matuto bilang isang organisasyon
5. Maging makatotohanan at tiyak
6. Limitahan ang paggamit ng teknikal na salita/ jargon
7. Piliin ang pormat ng panukalang malinaw at madaling basahin
8. Alalahanin ang prayoridad at ang hihingian ng suportang pinansyal. Gumamit ng mga
salitang kilos sa pagsusulat ng panukalang proyekto

BAGO ISULAT ANG PANUKALANG PROYEKTO


1. Pag-interbyu (ng dati at inaasahang tatanggap ng benepisyo)
2. Pagbabalik tanaw sa mga naunang panukalang proyekto
3. Pababalik tanaw sa mga ulat sa ebalwasyon ng mga proyekto
4. Pag-organisa ng mga focus group
5. Pagtingin sa mga datos estadistika
6. Pagkonsulta sa mga eksperto
7. Pagsasagawa ng sarbey atbp.
8. Pagsasagawa ng pulong o porum sa komunidad

BAHAGI NG PANUKALANG PROYEKTO


I.Titulo (Pamagat)
II.Nilalaman
III.Abstrak
IV.Konteksto
V.Katwiran ng Proyekto
1. Pagpapahayag sa suliranin
2. Prayoridad ng pangangailangan
3. Interbensyon
4. Mag-implementang organisasyon
VI. Layunin
a. Dapat isa lamang ang masaklaw na layunin
b. Konektado ang masaklaw na layunin sa bisyon ng pagpapaunlad o pagpapabuti
c. Dapat napatunayan ang merito ng kontribusyon ng layon sa bisyon
VII. Target na benepisyaryo
VIII.Implementasyon ng Proyekto
1. Iskedyu
2. Alokasyon
3. Badyet
4. Pagmomonitor & Ebalwasyon
5. Pangasiwaan & Tauhan
6. Mga Lakip (yung mga liham)

You might also like