Paschal Triduum Reflections

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Paschal Triduum Reflections

[HUWEBES SANTO]
Amare et Servire (To Love and Serve)
“Kung paanong inibig ako ng Ama, gayundin naman, iniibig ko kayo; manatili kayo sa aking pag-
ibig.” – Juan 15:9, MBB
Nais ko kayong bahaginan ng mga titik sa dalawa sa mga paborito kong awitin. Mula sa
AMARE ET SERVIRE (Bukas Palad), “In everything, love and serve the Lord.” at sa
PAGKAKAIBIGAN (Hangad), “Sa pag-ibig Ko, kayo sana ay manahan, at bilin Ko na kayo ay
magmahalan.”
Mula sa mga ito ay magnilay tayo. Sa gabing ito, isinasariwa natin ang mga pangyayari sa
Huling Hapunan ni Jesus kasama ang mga alagad: ang paghuhugas ng paa, at ang pagtatalaga ng
Banal na Eukaristiya. Ang tema ng buong pagdiriwang na ito, pati ng buong Triduo Paskwal ay
PAG-IBIG.
Ipinamamalas sa atin ni Jesus ang Kanyang dakilang pag-ibig sa pamamagitan ng
paglilingkod sa mga alagad.
Papaano tayo magiging kalarawan ni Kristo sa diwa ng pag-ibig?
Sa sarili, lagi nating mahalin ang ating spiritwalidad sa tulong ng pagbabasa ng Biblia at
pagninilay sa mga ito, pati na rin ang palagiang pananalangin para sa sarili at kapwa.
Sa pamilya, igalang natin at paglingkuran ang isa’t isa sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila sa
mga gawaing bahay. Ipakita nating lagi ang ating pagmamahal sa kanila. Sabihin natin lagi sa
kanila ang “po, opo” at “I love you.”
Sa iba, huwag tayong magkakaroon ng masamang pakikitungo sa kapwa mo lalo na’t
kung hindi mo kakilala. Maging mahinahon ka sa pakikipag-usap sa kanila. Sa huli,
magpasalamat dahil nagkaroon ka ng magandang panahon kasama sila.
Narito ang ilang pagninilay natin sa Huwebes Santo. Batid kong ang ilan sa inyo ay
dadako sa iba’t ibang simbahan pagkatapos ng Misa ng Huling Hapunan. LAGI NINYONG
TATANDAAN NA WALA SA DAMI NG SIMBAHAN ANG TUNAY NG PAGMAMAHAL SA DIYOS.
NASA GAANO TAYO KALALIM SA PAKIKIPAG-USAP NATIN SA KANYA AT NASA KUNG GAANO
TAYO KATOTOO MAGMAHAL.
PURIHIN NATIN ANG PANGINOON.
[BIYERNES SANTO]
In manus Tuas (Into Thy hands…)
“Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?” – Mateo 27: 46, MBB

Nasa ikalawang araw na tayo ng Triduo Paskwal: ang pag-aalaala sa pagpapakasakit at


pagkamatay ng Panginoong Hesus sa krus sa Kalbaryo. Isa sa mga pitong huling wika Niya ay
ang nasasaad sa itaas.
Pagnilayan natin ang mga salitang ito. Ito ay nasusulat sa Salmo 22. Sa mga huling
bahagi nito ay masusulat, “Sa Panginoon ang paghahari, sa mga bansa’y siya ang
nakapangyayari (v. 29, BSP).” May pagpupuri sa harap ng mga pagsubok.
Ikaw ba ay nakararanas ng mga pagsubok ngayon? Pinagdudahan mo ba ang Diyos?
HUWAG MAG-ALALA. NARIRIYAN ANG DIYOS! Dumalangin ka lang sa Kanya nang buong puso,
at siguradong tutulungan Ka niya.
Nabasa ko minsan sa isang GM, “God gives the toughest challenges to His bravest
soldiers.” HUWAG MAWALAN NG PANANALIG KAY KRISTO. ILAGAY NATIN ANG ATING MGA
PUSO SA KANYA NANG MASUNOD NATIN ANG KANYANG NAIS.
Sa mga nasa kani-kanilang mga parokya ngayon, makibahagi sa Pagpaparangal sa Krus
na Banal.

[PASKO NG PAGKABUHAY]
Resurrexit Sicut Dixit
“Bakit sa piling ng mga patay ninyo hinahanap siyang nabubuhay?” – Lucas 24: 5, BSP
ALLELUIA! ALLELUIA! ALLELUIA! ALLELUIA! ALLELUIA! ALLELUIA!
Ang buong kalangitan ay umaawit sa muling pagkabuhay ng Anak ng Tao. Dapat masaya
tayo dahil kundi dahil sa muling nabuhay si Kristo ay wala ang ating mga ginagawang ito, tulad
ng sabi ni San Pablo.
Sa muling pagkabuhay Niyang ito, paano mo mapapatunayan sa sarili mo na nananahan
sa iyo ang Muling Nabuhay na Hesus? Kung naipangako mo sa sarili mo at sa Diyos na
patatatagin ang pananampalataya at tatalikdan ang kasalanan, tiyak mananahan Siya sa iyo.
PAGPALAIN NAWA TAYO NG PANGINOONG MULING NABUHAY! ALLELUIA! ALLELUIA!

You might also like