Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan IV Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Department of Education

Region III
Schools Division Office of Olongapo
Olongapo District I-B
IRAM I ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IV

I. LAYUNIN

A.Pamantayang Pangnilalaman

Naipamamalas ang pag-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga


pangunahing anyong lupa sa bansa.

B.Pamantayan sa Pagganap

Nailalarawan ang pagkakaiba-iba at pagkakahalintulad ng mga uri ng Anyong


Lupa sa bansa.

C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto

Nakabubuo ng paraan sa wastong pangangalaga ng iba’t ibang anyong lupa sa


bansa. AP4AAB-Ig-h-10

II. PAKSANG ARALIN

A. Paksa: Mga Pangunahing Anyong Lupa sa Bansa

B. Sanggunian:

1.Mga Pahina sa Gabay ng Guro pp. 24-26

2. Mga pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral pp. 53-57

C. Kagamitan: picture puzzle, powerpoint presentation, laptop,

D. Pagpapahalaga: Pagmamahal sa Kapaligiran


III. PAMAMARAAN

A.Panimulang Gawain

1. Balik-Aral

Gamit ang blangkong mapa na nakapaskil sa pisara. Ang mga mag-aaral


ay ididikit sa tamang lokasyon ang ibat’ ibang karagatan o dagat na nakapaligid
sa Bansang Pilipinas ukol sa nakaraang aralin tungkol sa Pilipinas bilang isang
bansang Insular o maritime.

B. Panlinang na Gawain

1.Pagganyak

Pangkatin ang mga mag-aaral sa anim. Ang bawat mag-aaral ay


magpapaunahan buuin ang picture puzzle ng mga anyong lupa sa Pilipinas. Ang
bawat grupo ay bibigyan ng tatlong minuto sa paggawa at ang unang grupo na
makabuo ng picture puzzle ang mananalo.

2. Paglalahad

Itanong ang mga sumusunod:

a. Ano ang mapapansin niyo sa mga larawang inyong nabuo?

b. Naranasan niyo na ba makakita ng mga ito?

c. Ano ang nararamdaman niyo kapag nakakita kayo ng mga bagay na ito?

d.Ano sa tingin niyo ang tawag sa mga ito?

3. Pagtatalakay

Magpakita ng mga larawan at talakayin ang Mga Pangunahing Anyong


Lupa sa bansang Pilipinas.

a.Kapatagan
d.Talampas

b. Bundok

c. Burol

e. Lambak

f. Bulkan

Ano-anong mga Anyong Lupa naman ang makikita sa ating lugar?

4. Paglalapat

Pangkatang Gawain:

a. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Pumili ng lider at tagasulat.

b. Ang bawat grupo ay gagawin ang nakatakdang ibinigay na gawain sa


loob ng limang minuto.

c. Ipapaskil ang output ng bawat mag-aaral sa pisara. Ang bawat lider ay


ipapaliwanag ang kanilang nagawa.
Isulat ang pagkakaiba at pagkakahalintulad ng mga sumusunod:

Group 1- Kapatagan at Talampas

Group 2- Burol at Bundok

Group 3- Lambak at Kapatagan

Group 4- Bulkan at Bundok

5.Paglalahat

Paano natin mapangangalagaan ang ating mga pangunahing anyong lupa?

IV. Pagtataya

` Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tamang sagot sa Hanay A. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B

_____1. Malawak at patag na lupa A. Bulkan


_____2. Anyong lupang sumasabog B. Burol
_____3. Mas mababa kaysa sa bundok C. Kapatagan
_____4. Patag na lupa sa itaas ng bundok D. Bundok
_____5. Patag na lupa sa pagitan ng mga bundok F. Talampas
_____6. Pinakamataas na anyong Lupa G. Lambak

V. Takdang-aralin

Maghanap nang ibat- ibang larawan nang mga anyong lupa sa magazine
at idikit ito sa inyong kuwaderno.

Inihanda ni :

MARIEL M. CUNANAN

Teacher

Noted:

JENNIFER JHAYNE V. DE JULIO

Principal

You might also like