Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

DAKILANG PAG-IBIG (PIETA)

(ROY TOLENTINO)

Dakilang Pag-Ibig saan man manahan,


Diyos ay naroon, walang alinlangan.

RUTH: O Ina, ika'y nagluluksa, Anak mong Dakila, ngayo'y pumanaw na.
Duyan-duyan muli ni Mariang Ina si Hesus, sugatan at aba.

CHORUS: Dakilang Pag-Ibig saan man manahan,


Diyos ay naroon, walang alinlangan.

ANTHONY: O Poon, Iyong nakikita, Mag-Anak na aba, salat sa pag-asa.


Nawawalay at nangungulila silang hanap lamang ay guminhawa.

CHORUS: Dakilang Pag-Ibig saan man manahan,


Diyos ay naroon, walang alinlangan.

CHOIR / DUET: O Poon, Iyong namamasdan, Anak Mong dayuhan, pinagtatabuyan;


Lumilikas, nawa'y makalaya mula sa bansang biniyak ng digma.

CHORUS: Dakilang Pag-Ibig saan man manahan,


Diyos ay naroon, walang alinlangan.

FINALE: Diyos ay naroon, walang alinlangan.

You might also like