Professional Documents
Culture Documents
Anong Proteksyon Ang Maaaring Hingin NG Babaeng Nakakaranas NG Karahasan
Anong Proteksyon Ang Maaaring Hingin NG Babaeng Nakakaranas NG Karahasan
Anong Proteksyon Ang Maaaring Hingin NG Babaeng Nakakaranas NG Karahasan
ng karahasan?
Sa ilalim ng RA 9262 (2004), maaring humingi ng protection order upang itigil ang karahasang
nararanasan ng babae o kaniyang anak. Dagdag dito, marami pang maaring makuha sa pamamagitan
ng protection order kasama ang sustento, pagpapalayo sa nananakit, at iba pa.
Marami ang maaring tulumong sa babaeng nakakaranas ng violence against women o VAW. Ang mga
sumusunod ay maaring humiling ng protection order:
A. ang nakakaranas ng karahasan;
B. mga magulang o tagapangalaga ng nakaranas ng karahasan;
C. ninuno, inapo, o kamag-anak hanggang sa ikaapat na antas-sibil (sa dugo o sa kasal);
D. mga opisyal o social worker ng DSWD o ng mga LGU;
E. mga pulis, lalo na ang mga nakatalaga sa mga women’s at children’s desk;
F. punong barangay o barangay kagawad;
G. abugado, tagapayo, therapist o healthcare provider ng nakaranas ng karahasan; o
H. dalawa o higit pang responsable at nagmamalasakit na mamamayan sa lungsod o munisipyo kung
saan nangyari ang karahasan, na mayroong personal na kaalaman ukol sa nangyaring krimen.
TANDAAN: Hindi maaaring hikayatin na makipagkasundo ang victim-survivor sa taong nanakit sa kanya.
Ipinagbabawal ng batas ang anumang pakikipagkasundo sa mga kaso ukol sa karahasan sa kababaihan
at kabataan.
Dahil sa halagang ibinibigay ng batas sa BPO, maaaring ipagpaliban ang iba pang gawain ng barangay
upang bigyang-priority ang isang aplikasyon para sa BPO.
Gaya ng nasaad sa itaas, maaaring pigilan ng isang BPO ang anumang aktwal o bantang pisikal na
karahasan.
Dapat din nating tandaan na saklaw ng RA 9262 ang iba pang uri ng karahasan – sekswal, sikolohikal, at
pang-ekonomiya o pinansyal. Bagamat labas ang mga ito sa bisa ng BPO, may tungkulin ang mga
opisyal ng barangay na tumulong sa biktima ng anumang uri ng karahasan, pisikal man o hindi.
Ito ay dapat ihain sa punong barangay, o kung wala ang punong barangay, sa sinumang kagawad na
matatagpuan. Kung kagawad ang nag-isyu ng BPO, dapat siyang maglagay sa mismong order ng pasabi
na wala ang punong barangay, kung kaya’t siya na ang nag-isyu nito.
Sa paghanda ng aplikasyon, maaring tumulong ang sinuman, kasama na ang mga opisyal ng
barangay. Sa katunayan, tungkulin ng mga opisyal ng barangay na tulungan ang aplikante sa pagbuo ng
aplikasyon.
Maaari itong ibigay ng korte sa araw ng pag-file ng application kung totoong may pangangailangan ayon
sa petisyon. Ito ay may bisang 30 araw at maaaring ma-renew.
Ang PPO naman ay ipinagkakaloob ng korte pagtapos ng abiso at pagdinig, may bisa saan man sa
Pilipimas at hangga’t hindi binabawi ng korte.
Q: Anu-ano ang mga tulong o remedyo na maaaring ibigay sa
biktima sa pamamagitan ng PPO?
Ang mga sumusunod ang maaring tulong ng PPO:
1. Pagbabawal sa respondent na gawin muli ang anumang akto ng karahasan laban sa petisyoner at
sa kanyang mga anak
2. Utusan ang respondent na layuan ang petisyoner at ang kanyang pamilya, bahay, paaralan, lugar
ng trabaho, o kahit anong lugar na madalas pinupuntahan ng petisyoner at ng kanyang pamilya.
3. Pagbibigay sa petisyoner ng gamit ng sasakyan at iba pang kailangang kagamitan, sinuman ang
may-ari, at pag-direkta sa tamang ahensya na nagpapatupad ng batas na samahan ang petisyoner para
siguraduhin na makuha niya ang sasakyan at ibang kagamitan.
5. Pagdirekta sa respondent na suportahan ang petisyoner at kanyang anak. Maaaring iutos ng korte
na parte ng sweldo ng respondent ay regular na ibigay sa petisyoner.
7. Pagbabayad ng respondent sa pinsalang dulot ng karahasan, kasama ang pagkasira sa mga ari-
arian, gastusing medikal, gastusin sa pag-alaga ng bata, at kawalan ng sweldo
Pagdirekta sa DSWD o iba pang ahensya na bigyan ang petisyoner ng anumang tulong na kailangan
niya
Q: Ano ang "Battered Woman Syndrome?"
A: Ito ay tumutukoy sa kabuuan ng mga sikolohikal na sintomas na nakikita sa mga babaeng biktima ng
pang-aabuso at may medikal o siyentipikong patunay, na kadalasa’y sanhi ng matagal na kasaysayan ng
karahasang dinaranas ng isang biktima sa loob ng mapang-abusong relasyon.