Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan - Glyceryl L.

Handugan
Espesyalisasyon - Major in Filipino
Taon ng pagtuturo - 7yrs
Mahalagang Impormasyon - College degree and with units in MA

Pangalan - Glenn A. Galon Jr.


Edad - 20 na taong gulang
Kurso - Bachelor of Secondary Education Major in Filipino
Nagsasanay na guro sa - Highway Hills Integrated School
NARATIB

Unang pasok ko sa silid ng Newton, Curie, Thomson, Galilei ay nabigla ako dahil ibang iba sila sa baitang
7 na nahawakan ko noong unang semestre. Sa ilang araw ay sinikap ko na obserbahan sila upang malaman
kung papaano ko sila sasalubungin upang lahat kami ay magkatagpo.

At nagkatagpo nga kami dahil bago ko simulan ang aking pormal na turo ay naglaan ako ng isang araw
upang magkaroon kami ng oryentasyon at paglilinaw sa maaaring maganap sa aming pagsasama sa
kapirasong paglalakbay.

Nagsimula na nga ang aking unang turo: Nakakapanibago. Nakasisiya. Nakakakaba. Nakaka-excite.
Ginalingan ko. Nakuha ko naman ang loob ng karamihan. Tinatantiya ko pa rin sila upang maihain nang
maayos ang sarili at maihain din nila ang sarili pabalik.

Kumagat naman, at sa kalagitnaan ng aking pagtuturo ay mahal ko na sila, sobra, pero may limitasyon
syempre. Naging masaya ang aming talakayan. Masaya dahil 'di lang tawa: kasama ang pagkalito,
pagkaloka, pagkalungkot, pagalit, at marami pa. Lagi ko silang binibitin kaya abang na abang sila para sa
susunod na talakayan (siguro ang iilan, madalas kasi absent ang karamihan) kinabukasaan.

Hindi ito ang huli, pero parang gano'n na nga. Mamaalam na ako ngunit 'di pa rin namin natapos ang El
Fili... sinikap ko naman pero ganoon talaga. Hindi natapos. Ngunit masaya ako dahil mula sa kanila ay may
natutuhan ako at sila rin namana sa'kin. Ika-22 ng Marso ang naging takda ng aking pinal na pamamaalam
sa klase (kaarawan ko) sinikap ko na magpa-evaluate sa CT ko at sa mga bata. Nagka-diabetis ang aking
puso sa lubos na pagbati, pagkamiss, at higit sa lahat, sa pagmamahal. Ang matunghayan ang mga luha at
ngiti na umaamot sa napupuyos kong damdamin. Mga mukha na bahagi na ng aking puso.

REPLEKSYON
Sa maikling panahon na aking ginugol sa pagtuturo sa baitang VII at X ay natutuhan ko na hindi madali
ang pagtuturo. Sa madaling sabi - mahirap. Ang umunawa sa higit sa isang klase na binubuo ng higit sa
isang bata na may iba't ibang pangangailangan ay lubhang mahirap para sa isang guro. Sa kabila ng hirap
ay may saya rin sa pagtuturo, ito ay ang matuto.

Ang mga bata na pumapasok ay napanghuhugotan ng lakas at inspirasyon ng isang guro upang magpatuloy
sa araw-araw na pagtuturo sa kabila nang pabulok nitong sistema. Natunghayan ko na marami pang
suliranin ang dapat tugunan sa pagtuturo at paaralan. Ang mga ito ay hindi kayang gamutin ng mga guro
kung hindi kikilalanin ng pamahalaan. Ang gawing inobatib o mapagbago ang pagkatuto.

Ang guro ay patuloy na magtuturo, hamunin man ng pagkakataon, lipasan man ng panahon.

Thankd gie

You might also like