Filipino 1st Quarterly Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MALABANIAS INTEGRATED SCHOOL

Tamarind St., Clarkview Subd., Malabanias, Angeles City 2009


S.Y. 2018 – 2019
FILIPINO 2
FIRST QUARTERLY ASSESSMENT

NAME: _______________________________________ DATE: _____________________________


GRADE & SECTION: ___________________________ PARENT’S SIGNATURE: ______________
TEACHER: ____________________________________

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

____1. Isang Sabado ng gabi, pumunta sa inyong bahay ang iyong Tito. Ano ang
sasabihin mo sa kanya?
A. Magandang hapon po,Tito C. Magandang Tanghali po, Tito
B. Magandang gabi po, Tito D. Magandang umaga po, Tito

____2. Maghahapong naglalaro si Amie. Hindi na siya nakaligo kaya siya naging
madungis. Ano ang kahulugan ng madungis?
A. maaliwalas C. madumi
B. maayos D. malinis

____3. Ang salitang “kulay” kapag pinalitan ang unang tunog na “ma”, ano ang bagong
salita?
A. makulay C. kulay
B. malay D. tulay

____4. Alin ang naiiba sa mga sumusunod na salita?


A. matinik C. tahimik
B. tahimik D. tahimik

____5. Ang salitang pasahero ay kabilang sa ngalan ng _______.


A. bagay C. lugar
B. hayop D. tao

____6. Maganda ang sapatos na ibinigay kay Jiro. Alin ang salitang ngalan ng bagay?
A. Jiro C. sapatos
B. Maganda D. ibinigay

____7. Ano ang halimbawa ng isang panuto?


A. Ang aso ay tumatahol. C. Maganda ang panahon.
B. Lumiko sa kanan. D. Natulog ako.

____8. Ano ang salita na matatagpuan sa salitang paaralan?


A. aral C. paara
B. ngalan D. pangalan
____9. Madilim na madilim ang langit. May kulog at kidlat. Ano ang maaaring mangyari?
A. aambon C. sisikat ang araw
B. gaganda ang panahon D. uulan ng malakas

____10. Ano ang kayarian ng unang pantig sa salitang “akda”?


A. KP C. KKPK
B. KKP D. P

____11. Ang hari ay pangngalang _______.


A. bagay C. pantangi
B. pambalana D. walang kasarian

____12. Anong salita sa pangungusap ang may maling baybay?


Nagbakasyon ang mag-anak sa lalawigan ng Quizon.
A. Quizon C. mag-anak
B. lalawigan D. nagbakasyon

____13. Ang ating dyanitor ay naglinis ng paaralan? ______ ay masipag.


A. Akin C. Ikaw
B. Ako D. Siya

____14. Nag-aral ng mabuti si Renz kaya siya ay pumasa sa pagsusulit. Ano ang sanhi na
tinutukoy sa pangungusap?
A. kaya siya pumasa sa pagsusulit C. nag-aral ng mabuti si Renz
B. mabuti si Renz D. pagsusulit

____15. Saan tinitingnan ang bahagi ng aklat upang malaman ang pahina ng hinahanap na
aralin?
A. indeks C. tagaguhit
B. pabalat D. talaan ng nilalaman

____16. Yehey! Mataas ang nakuha ko sa pagsusulit. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag?
A. pagkagalit C. pagkainip
B. pagkahiya D. pagkatuwa

16-18. Si Hadji ay isang batang Muslim na nakatira sa Jolo. Araw-araw ay nagpupunta


siya sa tabing dagat upang manguha ng kabibi. Bukod sa kanyang libangan na ito,
siya ay nakikipag-habulan sa kanyang aso.

____17. Ano ang libangan ni Hadji bukod sa pangunguha ng kabibi?


A. maligo sa dagat C. panghuhuli ng isda
B. pangunguha ng puting bato D. tumakbo kasama ang alagang aso

____18. Saan nakatira si Hadji?


A. Davao C. Luzon
B. Jolo D. Visayas
____19. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kasiyahan ni Hadji?
A. Paborito ni Hadji ang paglalaro.
B. Mahal niya ang kanyang alagang aso.
C. Simple lamang ang buhay niya sa Jolo.
D. Lagi siyang naliligo sa tabing dagat.

____20. Alin sa mga sumusunod na salita ang HINDI maaaring dagdagan o bawasan ng
tunog sa pagbuo ng bagong salita?
A. sala C. bilog
B. mata D. um

____21. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa salitang-ugat?


A. Ito ay mga pantig sa isang salita.
B. Ito ay mga salitang walang kabuluhan.
C. Ito ay mga salitang nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.
D. Ito ay kadalasang makikita sa Alpabetong Filipino.

____22. Kumpletuhin ang analogy na ipinapakita sa ibaba.


inahin – pambabae; kuya – panlalaki; __________ - walang kasarian
A. kubyertos C. prinsipal
B. lola D. Ryan

____23. Aling salita ang mayroong anyong pantig na KKP?


A. aso C. plantsa
B. blusa D. trumpeta

____24. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng tamang gamit ng panghalip
panao?
A. Si Karla ay magaling sa pagsayaw. Ako ang napili upang sumali sa sayawan.
B. Si Leroy ay mabait. Siya ay minamahal ng marami.
C. Ang pangalan ko ay Sara Reyes. Ikaw ay walong taong gulang.
D. “Hanna, tawag ka ng nanay mo.” Siya ang magbabantay sa iyong kapatid kasi
pupunta siya sa palengke.

____25. Alin ang naging bunga sa magandang pagguhit ni Marthel sa paligsahan ng


paggawa ng poster?
A. Nasiyahan ang kalaban niya C. Maganda ang kanyang iginuhit.
B. Itinapon ang ginawang poster D. Pinili ang gawa ni Marthel.
____26. Piliin sa ibaba ang pagkakasunod-sunod ng kuwento ayon sa larawan?

A. 1-2-3-4-5 C. 5-4-3-1-2
B. 3-4-5-1-2 D. 5-4-3-2-1

____27. Alin sa mga salita sa ibaba ang nakaayos ayon sa Alpabetong Filipino?
A. dalandan, lansones, papaya, tsiko C. labanos, ampalaya, talong, sitaw
B. dalawa, buko, sawali, lapis D. papel, lapis, aklat, bag

____28. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama?


A. Ang aso, pusa, ahas at manok ay mga halimbawa ng ngalan ng tao.
B. Kabilang sa ngalan ng bagay ay nars, guro, at pulis.
C. Pook ang tawag sa mga salitang gaya ng kompyuter, telepono, lapis at ubas.
D. Kabilang sa pangngalan ang ngalan ng pangyayari gaya ng Pasko at kaarawan.

____29. Paano ginagamit ang panghalip panaong “Ako”?


A. Ginagamit ito sa taong kausap.
B. Ginagamit ito sa taong pinag-uusapan.
C. Ginagamit ito sa taong nagsasalita.
D. Ginagamit ito sa pakikipag-usap sa maraming tao.

____30. Isulat ang pangalan sa itaas ng bulaklak. Lagyan ng tsek ang pangalan. Alin
ang wasto sa sumusunod?
James√
A. C. James

B. James D. James

You might also like