Mapeh LP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Di-Masusing Banghay Aralin sa Musika

I. Layunin: Natutukoy sa pamamagitan ng pakikinig at pagtingin ang introduction at


coda ng isang awit
II. Paksang-aralin
A. Paksa : Pagtukoy ng introduction at coda ng isang awitin
B. Lunsarang Awit : “Ohoy Alibangbang”,3/4, Am, re
“Paruparong Bukid”, C, , so
C. Sanggunian : Ilonggo Folk Songs (Book 1), pp. 33-34 by Prof. Romulo J.
Pangan
Musika ng Batang Pilipino 6, pp. 15-19
Sanayang Aklat sa Musika 5, pp. 119-120
D. Kagamitan : Tsart ng awit, laptop, projector
E. Pagpapahalaga : Pagpapahalaga sa mga paruparo
F. Konsepto : Introduction- himig na tinutugtog o inaawit bilang paghahanda sa
pag-awit
Coda- bahagi ng isang awit o tugtugin na nagsisilbing panapos o pangwakas ng
komposisyon

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Ipalakpak ang rhythm:

b. Tonal
Tugtugin ang Am-E7-Am chords bilang intro bago awitin ang mga so-fa
syllable.

2. Balik-aral
Awitin at alamin kung ang direksiyon ng tono ay pahakbang o palaktaw na pataas o
pababa.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Iparinig ang awiting “Paruparong Bukid” sa mga bata gamit ang video na nasa
Powerpoint Presentation.
Bakit kaya dumarapo ang mga paruparo sa mga bulaklak? May alam ba kayong
awitin tungkol sa paruparo?

2. Paglalahad
Iparinig at ipakita sa mga bata ang lunsarang awit ng “Ohoy Alibangbang” gamit
ang video na nasa Powerpoint Presentation.
Ang “Ohoy Alibangbang” ay awiting bayan ng Hiligaynon

3. Pagtatalakay
- Tukuyin sa musical score ang panimulang himig o introduction ng awiting “Ohoy
Alibangbang”.
- Alin ang panapos na himig o coda ng ating lunsarang awit?
- Ano ang masasabi mo tungkol dito?
- (Ito ay bahagi ng isang awit o tugtugin na nagsisilbing panapos o pangwakas ng
komposisyon.)
- Ano ang simbolo na makikita sa bahaging ito ng awitin? ( )

4. Paglalahat
Ang introduction ay himig na tinutugtog o inaawit bilang paghahanda sa pag-awit.
Ang coda ( ) ay bahagi ng isang awit o tugtugin na nagsisilbing panapos o pangwakas
ng komposisyon.

5. Paglalapat
Pangkatang Gawain
Pangkatin ang klase sa tatlo. Ang bawat pangkat ay gagawa ng payak na introduction at
coda ng awit na napag-aralan na.
Pangkat 1 - “Batang Masipag”
Pangkat 2 - “Umawit at Sumayaw”
Pangkat 3 - “Run and Walk.”

6. Repleksiyon
Ano ang kahalagahan ng isang introduction at ng coda sa kaayusan at kagandahan ng
isang awitin o tugtugin?

C. Pangwakas na Gawain
Ipaawit muli sa buong klase ang “Ohoy Alibangbang” at lapatan ng angkop na kilos para
sa introduction at coda.

IV. Pagtataya
Panuto: Awitin ang “Paruparong Bukid”. Kopyahin ang bahagi ng introduction at coda
sa isang pirasong papel. Bilugan ang introduction at ikahon ang coda.
V. Takdang-aralin:
Maghanap ng musical score o piyesa ng isang awitin na napag-aralan na at bilugan
ang introduction at ikahon ang coda.

You might also like