Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SANHI AT EPEKTO NG PAG-INOM NG ALAK NG

MGA SHS SA NCBA


I. INTRODUKSIYON

A.PAUNANG KAALAMAN O BACKGROUND

Ang pag inom ng alak. Isang napaka-karaniwang karanasan para isang pilipino. Mapababae o
lalake, bata o matanda, halos lahat yata ng pilipino ay umiinom ng alcohol. Bakit nga ba marami
ang umiinom? At bakit parang pabata ng pabata yata ang natututong gawin ito? Tamang bang
ang alak ay nakaka bawas o problema? At bat nga ba ang hilig uminom ng mga Pilipino? Bakit
isinasabay sa problema ang pag inom ng alchohol? Ano nga mas naidudulot nito masama o
maganda? Anu nga ba nag tutulak sa mga mga kabataan ngayon sa pag inom? Ito siguro ang mga
tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi umiinom. Hindi ba nakakapagtaka sa lahat ng
okasyon ata lagi perfect attendance ang alak o beer. Minsan nga tayong mga Pilipino ay umiinom
ng walang dahilan. Lalo na ang mga matatanda halos ginagawang na nilang tubig ang alak. Mga
Pilipino talaga hindi mapakali ng walang ginagawa. Yan tuloy naging hobby na ng halos lahat ng
Pilipino ang uminom. Isa pa kahit na hindi masarap ang lasa ng alak ay mahilig pa rin tayo dito.
Siguro dahil ito sa “tama” na nadadala ng pag inom ng maraming alak. Hindi rin mawawala ang
all time partner ng alak at ito ay ang pulutan. Kaya namin ito napili para madagdagan ang
kaalaman namin tungkol sa bagay na ito, kasi kami mismo ay ginagawa ito. Isa pa para
mabigyan linaw namin ang bagay na ito sa mga taong hindi umiinon ng alcohol. Mayroon na
kaming onti kaalaaman tungkol dito, ngunit sa tingin namin kulang pa ito, marami pang bagay
ang gusto namin malaman tungkol sa pag inom.

B.LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay naglalayun na ipaalam sa mga mambabasa ang iba’t ibang dahilan
kung bakit napakaraming kabataan sa panahon ngayon ang nalulong sa pag-inom ng beer at alak.
Ang pananaliksik ding ito ay nagnanais magtampok ng mga paraan kung paano sosolusyonan
ang lumalalang problema sa pagiging lulong sa alak ng mga kabataan. Sa pananaliksik ding ito
nais naming ipahayag an gaming pagaalala bilang isang estudyante sa kolehiyo sa kadahilang
maraming buhay ang sisirain ng pagkalulong sa beer at alak ng kabataan ngayon lalo na ng
estudyante sa kolehiyo.

C.PAHAYAG NG THESIS

Ibat iba ang kanilang dahilan kung bakit sila umiinom ng alak. Dahil sa okasyon at kapag sila ay
may problema. At ito ay nagiging bisyo na nila. Kaya’t nagiging pangkaraniwan na para sa mga
kabataang uminom ng alak. Malalim ang mga dahilan kung bakit maraming nahihilig uminom
nito. Napakaraming naaapektuhan dahil dito. Isa itong lason na sumisira sa buhay ng maraming
kabataan. Ang pag inom ng alak ay isang napaka karaniwang karanasan para sa isang Pilipino.
Mapababae man o lalake, bata man o matanda, halos lahat yata ng Pilipino ay umiinom ng alak.

Ayon sa pag susuri ng Unibersidad ng Pilipinas, tinatayang 2.3 porsyento ang kabuuang
ginagastos ng mga Pilipino para sa alak lamang. Sinasabing 5.3 milyon o 60 pursyento ng mga
kabataan ang umiinom. 4.2 sa mga kalalakihan at 1.1 naman sa kababaihan. Tinatayang 1.25
bilyong litro o 3.9 bilyong bote ng alak ang nauubos sa loob lamang ng 24 oras. Sinasabi ring
ang alak ang puno’t dulo ng mga aksidente, gulo, kriminalidad, at iba pang mga di-kanais nais na
pangyayaring gumigimbal sa maayapang lipunan.

Una, sa dahilan ng mga kabataan sa pag inom ng alak ay impluwensya ng kanilang mga
kaibigan.

Pangalawa, hindi lingid sa ating kaalaman na maraming mga kabataan ngayon ang hindi
nakakapag tapos ng pag-aaral at pinipiling mag trabaho na lamang. Dahil sa labis na pagkapagod
dulot ng kanilang trabaho ang iba sa mga kabataan ay umiinon ng alak sapagkat naniniwala sila
na mawawala ang kanilang pagod at makakaramdam sila ng kaginhawaan.

Ikatlo, naghahatid ng kasiyahan sa mga kabataan ang pag-inom ng alak.

Ikaapat, maraming bagay ang gusting subukan ng mga kabataan ngayon. Dahil parte ng kanilang
pagkatao ang pagiging mapuso o mahilig sumubok ng mga bagong bahay.

Ikalima, ang ilan sa mga kabataan ngayon ay ginagawa na ring libangan ang pag-iinom.

Ayun sa Kalusugan Ph may masamang epekto sa katawan ang paglalasing o epekto ng pag-inom
ng sobrang alak.

Ang paglalasing ay nakakasira ng buhay, bukod sa mga epekto ng alak sa katawan, ang
paglalasing ay nakakasira rin ng buhay. Ang pagiging-adik ay umuubos ng panahon at
pagkakataong makapag-aral, makapagtrabaho, at maging kapakipakinabang na miyembro ng
pamilya at lipunan.

Ang paglalasing ay nakakasira ng atay, ang epekto ng alak sa atay ang pinakamabigat. Dahil ang
alcohol ay isang lason sa katawan at ang atay ang pangunahing bahagi ng katawan na tiga-linis
ng mga lason at iba’t ibang kemikal, kapag sobra ang nainom mong alak, hindi kinakaya ng atay
na linisin lahat ng alcohol sa katawan, at ito’y namamaga at nasisira.

D.MGA TANONG NA NAIS SAGUTIN NG PAPEL

 Ano ang dahilan ng paginom ng alak ng mga estudyante sa shs ng ncba?

 Nakakaapekto ba sa kanila ito bilang magaaral?


 Ano ang alternatibong solusyon dito?
makakaapekto ba ito sa reputasyon ng eskwelahan?

E.KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ito ay kinakailangan upang maipabatid sa mga mambabasa nito ang lumalalang
kondisyon ng pagkalulong mga kabataang mag-aaral sa beer at alak. Ang mga estudyante ng
kolehiyo ang karaniwang biktima ng mapanirang alak. Sa panahon ngayon ang mga kabataan ay
mas lalong nalulong sa paginom dahil sa madaming dahilan nariyan ang pinakamadalas na
dahilan ang problema sa pamilya, pagiging mapangahas sa pagsubok sa madaming bagay, ang
pageendorso ng mga alak na ito gamit ang media sa diyaryo man o telibisyon.

F.LAWAK AT DELIMITASYON NG PAPEL

Ang paksang ito ay tumatalakay sa dami ng mga kabataan na nalululong sa bisyo lalo na sa alak
o ang paginum ng alak. Ang paksa ay nakatuon sa dami ng umiinum ng alak sa loob ng paaralan
ng NCBA , sa mga Senior high school student , sa edad na 16 -18 taong gulang natutoto ang mga
kabataan na magkaroon ng bisyo, dahil na rin sa impluwensiya nga mga taong nakapaligid sa
kanila. Isang magandang halimbawa dito ang mga kaibigan o barkada maaari ka nilang
maimpluwensiyahan ngunit nakadepende rin ito sa kagustohan mo, at maging ang kulang na
atensiyon na ibinibigay ng mga magulang ay sapat ng maging dahilan upang tayo ay malulong sa
anumang bisyo.
Ipapaliwanag namin dito ang mga maaaring sanhi o dahilan ng mga kabataan upang malulong sa
mga bisyo at ang maaaring epekto nito sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay at lalo na sa
kanilang kalusugan, at kung papaano nila ito maiiwasan.

Leader: jenny vibe gener

Members:

Angelica delmendo

Juanita pontawe

Angelu servidad

Thalita lopez

You might also like