Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

PAG-AARAL UKOL SA EPEKTO NG PAGTATRABAHO HABANG NAG-AARAL SA BUHAY

NG ISANG ESTUDYANTE SA OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

Pangalan (opsyonal): Edad:


Kurso, taon at pangkat: Kasarian:
Panuto: ​Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Lagyan ng tsek (√) ang kahon na
sumasang-ayon sa iyong kasagutan.

1. Isa ka bang manggagawang mag-aaral?


[ ] Oo [ ] Hindi
2. Anong edad kadalasan nagsimulang maging isang manggagawang mag-aaral?
[ ] 14 – 15 [ ] 17 – 18
[ ] 16 – 17 [ ] 19 – pataas
3. Ano ang kalimitang oras ang pinipili ng isang manggagawang mag-aaral kapag sila ay
magtratrabaho?
[ ] 6 - 12 am [ ] 6 - 12 pm
[ ] 12 - 6 am [ ] 12 - 6 pm
4. May kaibigan o kamag-anak ka ba na isang manggagawang mag-aaral?
[ ] Mayroon [ ] Wala
5. Sino ang nag-udyok o naging dahilan ng mga estudyante kung bakit nila napiling magtrabaho
habang nag-aaral?
[ ] Kaibigan [ ] Sarili [ ] Iba pa
[ ] Pamilya [ ] Kaklase
6. Bakit naiisip ng ilang mga kabataan na magtrabaho sa mura pa nilang edad habang sila ay
nag-aaral?
[ ] Dahil karamihan sa nga kabataang nagtatrabaho ay may kagustuhan na makapagtapos ng
pag-aaral.
[ ] Upang makatulong sa gastos sa mga bayarin sa bahay.
[ ] Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing pangangailangan.
[ ] Dahilan ay ang matataas na matrikula.
7. Mataas ba ang posibilidad na bumaba ang mga grado ng mga manggagawang mag-aaral?
[ ] Oo [ ] Hindi [ ] iba pa
8. May mga klase bang hindi napapasukan ng mga manggawang mag-aaral dahil sa pag-aaral?
[ ] Mayroon [ ] Wala
9. Nakakatulong ba ang pagtatranaho habang nag-aaral?
[ ] Oo [ ] Hindi
PAG-AARAL UKOL SA EPEKTO NG PAGTATRABAHO HABANG NAG-AARAL SA
BUHAY NG ISANG ESTUDYANTE SA OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY

Isang Pamanahong Papel na iniharap sa Kaguruan ng Senior High School

Our Lady of Fatima University

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:
Daniel Atun
Grace Calugas
Eunice Lasquite
Aeron Malubay
Jea Faye Marcos
Lance Kristoff Matondo
Princess Angiela Montero
Nieves Sungduan
Trixie Joy Tenio
Christine Jane Tolentino

Pangkat blg. 3
ABM 11-3

Ipinasa kay:
Ms. Shelan Evangelista
Tagapayo
P​animula

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" ayon kay Dr. jose Rizal ngunit paano kung ang
kabataang iyon ay kailangan magbanat ng buto upang matustusan ang kanyang pangangailangan
maging ng kanyang pamilya. Sa panahon ngayon pataas na ng pataas ang bilang ng mga
manggagawang mag-aaral. Isa sa dahilan nito ay ang kahirapan. Sa patuloy na pagtaas ng presyo
ng mga pangunahing pangangailangan, kinakailangan ng mga kabataan na magtrabaho habang
nag-aaral upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Isa pa sa mga dahilan ay ang patuloy
na pagtaas ng matrikula. Karamihan sa mga manggagawang mag-aaral ay nais makapagtapos ng
pag-aaral kaya sila ay nagtatrabaho upang makapagpatuloy sa pag-aaral. Naglabas ang gobyerno
ng batas na libre ang matrikula sa mga state university at iba pang pampublikong paaralan.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang epekto ng pagtatrabaho habang


nag-aaral sa buhay ng isang estudyante. Ang mga manggagawang mag-aaral ay nahahati sa
dalawang uri. Ang full-time working student at part-time. Ang full-time working student ay ang
estudyante na nagtatrabaho ng dalawampu't limang oras o higit pa sa loob ng isang linggo
samantalang ang part-time working student naman ay nagtatrabaho nang hindi tataas sa
dalawampu hanggang dalawampu't limang oras sa isang ling​g​o. Mahalagang malaman ang
epekto ng pagtatrabaho habang nag-aaral upang mamulat tayo sa dinaranas ng mga estudyanteng
ito.

Sa kabila ng pagsisikap ng mga manggagawang mag-aaral. Kaakibat nito ang mga


masasamang epekto na maaaring makaapekto sa kanilang pang-araw araw na buhay at sa
kanilang pag-aaral.

Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang mga epekto ng pagtatrabaho habang


nag-aaral sa buhay ng manggagawang mag-aaral.
Paglalahad ng Suliranin

Ang mga sumusunod ay ang mga kahaharapin ng mga mananaliksik na suliranin


ukol sa kanilang pag-aaral patungo sa pagtatrabaho habang nag-aaral

1. Ano ang mga mabuti at masamang epekto ng pagiging working student.

2. Ano ang naging dahilan ng mga mag-aaral na sila ay magtrabaho habang nag-aaral?

3. Ano ang mga ginagawa nilang hakbang para mapagsabay nila ang pag-aaral at
pagtatrabaho

Propayl ng mga estudyanteng nag-aaral habang nagtatrabaho ayon sa kanilang edad at


kasarian.

Malinawan ang mga kabataan ukol sa prayoridad nila sa pag-aaral o pagtatrabaho.

Mga pamamaraan upang makatapos ang pananaliksik sa oras na itinakda ng propesor.

P​angkalahatang layunin

Ang pangkalahatang layunin ng aming isinasagawang pag-aaral ay malaman ang mga


epekto sa pag-aaral ng mga estudyanteng nag-aaral habang nagtatrabaho sa Our Lady Of Fatima
University

1.)Bakit o ano ang naging dahilan ng mga magaaral na sila ay magtrabaho habang sila ay
nagaaral?

2.)Matukoy kung paano nila napagsasabay ang pagaaral at ang pagtratrabaho.


3.)Makapagbigay ng sapat na impormasyong nauukol sa mga estudyanteng nagtratrabaho habang
nagaaral.

4.)Maimulat at maunawaan ng mga mambabasa ang mga epekto, adbentahe at disadbentahe ng


pagiging isang manggagawang mag-aaral.

5.)Maibahagi ang ilang buhay ng mga piling manggagawang mag-aaral ng kasalukuyang


panahon at makapagbigay ng mga rekomendasyong maaaring makatulong sa mga estudyanteng
nagtratrabaho habang nagaaral.

Saklaw at limitasyon ng pag-aaral


Ang sakop ng pag-aaral ng pananaliksik na ito ay ang Pag-aaral ukol sa epekto ng
pagtatrabaho habang nag-aal sa buhay ng isang Estudyante sa Our Lady Of Fatima University.
Gagamit ang mga mananaliksik ng isang talatanungan at kwestyoner upang makapangalap ng
sapat na datos na kinakailangan sa pananalksik.

Dalawandaang shs na magaaral na nagtratrabaho ng Our Lady Of Fatima University, Quezon


City Campus. Ang sasagot ng talatanungan, binibigyang pansin lamang ng pag-aaral na ito ang
mga epekto ng pagiging manggagawang mag-aaral sa kanilang pagganap sa paaralan.

I​nstrumento ng pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gagamit ng talatanungsn bilang pangunahing instrumento sa
pagkalap ng nga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan ay isang proseso sa
pagkolekta ng mga impormasyon tungkol sa mga aksiyon o opinion ng mga tao. Ito ang
gagamiting ng mga mananaliksik para magpagkuhanan ng mga sagot sa mga respondente
patungkol sa epekto ng nagtatrabahong mag-aaral sa kanilang pag-aaral. Ito ang sasagot sa mga
katanungan ng nga mananaliksik ukol sa mga manggagawang mag-aaral.

You might also like