Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Department of Education

Region III
Division of Zambales
SUBIC NATIONAL HIGH SCHOOL
Mangan-vaca, Subic, Zambales
IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 8

I. PANUTO: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.


_____ 1. Si Francisco Baltazar ay ______ na anak nina Juan Baltazar at Juana dela Cruz.
a. panganay b. bunso c. pangalawa d. pangatlo
_____ 2. Ang ama ni Kiko ay isang ______________.
a. panday b. magsasaka c. karpintero d. Tubero
_____ 3. Kinagiliwan ni __________ ang kasipagan at mabuting paglilingkod ni Kiko.
a. Doña Juana b. Doña Trining c. Doña Laura d. Doña Flerida
_____ 4. Natutong bumigkas at sumulat ng tula si Kiko sa tulong ni Padre ______________.
a. Padre Damaso b. Padre Burgos c. Padre Florentino d. Padre Mariano Pilapil
_____ 5. Siya ang tinaguriang Huseng Sisiw at ang kinilalang pinakasikat na makata ng Tondo.
a. Jose Corazon de Jesus b. Jose Corazon Dela Cruz c. Jose Corazon de Guzman
_____ 6. Nakilala ni Kiko si _________________ sa Udyong, Bataan.
a. Maria Asuncion Rivera b. Juana Tiambeng c. Juana Dela Cruz
_____ 7. Naisulat ni Kiko ang Florante at Laura sa loob ng _______________.
a. Bilangguan b. Silid-aralan c. Paaralan d. Tahanan
_____ 8. Ano ang ibig sabihin ng M.A.R. sa buhay ni Kiko?
a. Maria Asuncion Romero b. Maria Asuncion Rivera c. Maria Alexandra Rivera
_____ 9. Ninais ni Kiko na siya ay mamatay nang naghiwalay sila ni ___________.
a. Selya b. Juana c. Flerida d. Floresca
_____ 10. Pakiusap ni ____________ na huwag papalitan ang berso ng kanyang tula.
a. Francisco Baltazar b. Florante c. Huseng Sisiw d. Miramolin
_____ 11. Sa puno ng _______ nakatali si Florante.
a. Balete b. Sepres c. Higera d. Kamatis
_____ 12. Si __________ ang kinilalang hari ng Aberno.
a. Pluto b. Adonis c. Zeus d. Hercules
_____ 13. Ang ilog ________ ay isa sa ilog sa impiyerno na may makamandag na tubig.
a. Kositeng b. Beata c. Tigris d. Jordan
_____ 14. Ang binatang si _________ ang sinintang labis ni Venus.
a. Pluto b. Adonis c. Zeus d. Hercules
_____ 15. Si __________ ang gererong moro mula sa Persiya.
a. Menalipo b. Adonis c. Aladin d. Miramolin
_____ 16. Ang kaliluhan ang namamayani sa loob at labas ng ___________.
a. Albania b. Krotona c. Persiya d. Aberno
_____ 17. Si ___________ ang taong may hangad sa kapangyarihan at kayamanan ng Albania.
a. Miramolin b. Adolfo c. Ali-Adab d. Florante
_____ 18. Nagalinlangan si Florante sa katapatan ni ________ dahil sa angkin nitong kagandahan.
a. Flerida b. Laura c. Venus d. Selya
_____ 19. Hindi ibig ni Balagtas na matulad kay ____________ na sa kababago ng tula ay lalo itong sumama.
a. Osmalik b. Huseng Sisiw c. Seguismundo d. Sultan Ali-Adab
_____ 20. Ang umagaw sa kasintahan ni Aladin ay si ________________.
a. Hen. Osmalile b. Sultan Ali-Adab c. Hen. Osmalik d. Sultan Menalipo
_____ 21. Ilan ang naging supling ni Francisco Baltazar at Juana Tiambing?
a. Labing-apat b. Labing-isa c. Walo d. Dalawampu
_____ 22. Namatay si Kiko sa gulang na _______.
a. 74 b. 64 c. 54 d. 84
_____ 23. Ang monarka ng ____________ ay si Haring Linceo.
a. Albania b. Krotona c. Persiya d. Aberno
_____ 24. Si _________ ay maagang naulila sa pagmamahal at pag-aaruga ng isang ina.
a. Miramolin b. Adolfo c. Ali-Adab d. Florante
_____ 25. Matagumpay na napatay ni Aladin ang t na leon na sisila kay Florante.
a. isang b. apat c. anim d. dalawa
_____ 26. Si Kiko ay ipinanganak noong __________.
a. Abril 2, 1788 b. Abril 2, 1878 c. Abril 4, 1788 d. Abril 12, 1788
____ 27. Si Balagtas ay isinilang sa ___________.
a. Udyong, Bataan b. Bigaa, Bulacan c. Tondo, Maynila d. Pandacan, Maynila
_____ 28. Lumaya si Balagtas mula sa unang pagkakabilanggo noong __________.
a. 1848 b. 1938 c. 1838 d. 1888
_____ 29. Ikinasal si Kiko kay ____________________.
a. Selya b. Flerida c. Maria Rivera d. Juana Tiambeng
_____ 30. Namatay si Francisco Baltazar noong ________________.
a. Pebrero 20, 1862 b. Enero 20, 1862 c. Marso 20, 1862 d. Pebrero 2, 1862

II. PANUTO: Isulat sa patlang ang hinihingi ng mga sumusunod.


_______________ 1. Kilabot na mandirigma ng hukbong Moro na sumakop sa kaharian ng Krotona.
_______________ 2. Ang bantog na pinunong hukbong Turko na lumusob sa Albanya.
_______________ 3. Pinsan ni Florante na pumana sa buwitre na sana’y daragit kay Florante.
_______________ 4. Ina ni Florante at Dukesa ng Albanya.
_______________ 5. Ama ni Aladin na sultan ng Persia.
_______________ 6. Ama ni Adolfo na taga-Albanya.
_______________ 7. Matalino at mabait na guro nina Florante, Adolfo at Menandro sa paaralang Atenas.
_______________ 8. Hari ng Albanya at ama ni Laura.
_______________ 9. Ama ni Florante at tagapayo ng Hari ng Albanya.
_______________ 10. Anak ng konde ng Albanya na Malaki ang inggit at galit kay Florante.
_______________ 11. Kaibigang matalik ni Florante at kaklase sa paaralang Atenas.
_______________ 12. Kasintahan ni Aladin na napupusuan ni Sultan Ali-Adab.
_______________ 13. Mandirigmang Moro na anak ng Sultan ng Persya.
_______________ 14. Prinsesa ng Albanya na katipan ni Florante.
_______________ 15. Mandirigma ng Albanya na anak ng Duke at Prinsesa ng Krotona.
_______________ 16. Ibang katawagan kay Maria Asuncion Rivera.
_______________ 17. Kaagaw ni Balagtas kay Selya.
_______________ 18. Babaeng nagsilang kay Balagtas.
_______________ 19. Maskilala sa tawag na Kiko o Balagtas.
_______________ 20. Isang korido na isinulat ni Balagtas.

“Paghusayan at galingan.”
God bless you!

Inihanda ng mga guro sa Filipino 8


2016-2017

You might also like