Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Wednesday, May 18, 2011

Busmate I. The Girl

I. The Girl

late na si Gaille kaya nagmamadali niyang hinabol ang papaalis na bus. "first day
ko sa trabaho kaya hinding hindi ako pwedeng ma-late. ma-late na ang lahat wag lang
ako!." hinihingal na siya pero nagawa pa niyang magmonologue. isa kasi ito sa mga
paraan niya para maibsan ang kabang nararamdaman. halos lahat tuloy ng mga taong
madaanan niya ay napapatingin sa kanya. "sige tiganan niyo lang ako. pag ako na-
late ng tuluyan mababaog kayong lahat!" patuloy niya sa paglilitanya. maswerte pa
siya dahil nakaabot siya at nakasakay sa bus.

"ano pa nga bang inaasahan ko? late na ako at rush hour, malamang tayuan na
talaga." sabi ni Gaille sa isipan niya habang nakikipagbuno sa mga taong
nagsisiksikan sa bus. "hay salamat!" saad niya nang makahanap siya ng matinong
pwesto kundi ay baka nakipag-away na talaga siya. nagsimula na siyang magrelax pero
ang hindi niya napaghandaan ay ang biglang paghinto ng bus. sa lakas ng impact ay
na-out of balance siya at naglanding sa isang binatang nakaupo sa tapat niya.

"wow!" saad ng lalaki. tumungin si Gaille sa tinitignan ng lalaki at napagtanto na


sa dibdib niya ito nakatuon. tumayo siyang bigla at binulyawan ang binata. "bastos!
manyak!" buti nalang at naisipan niyang hinaan lang ang pagtatalak niya kasi kung
hindi, malamang kinuyog na ang halimaw na nambastos sa kanya. "sorry, lalaki lang!
palay na ang lumapit kaya bakit di ko pa tukain?" at ngumiti pa ng nakakaloko ang
lalaki. "sira ulo ka ah!" napalakas na sabi ni Gaille na tinawanan lang ng binata
kaya pinagtinginan sila ng mga tao.

"bilib din ako sa kayabangan ng lalaki to. ang hangin!" bulong niya sa sarili
habang humahanap ng bagong mapupwestohan. nananakit na ang paa ni Gaille dahil sa
lintik na 4 inches niya na heels. hindi naman kasi talaga siya sanay na magheels
kaya lang bilang office girl na siya ngayon, she needs to dress appropriately. but
she feels betrayed at the moment kasi nakita niya na hindi naman ganun kataas ang
mga takong ng ibang babae. niloko na naman siya ng ate niya at siya naman si tanga
na nagpauto.

"aray ko. salamat naman at nagbabaan na tong mga to." she felt relief nang dumampi
na ang pwet niya sa upuan. para bang nakaakyat na din siya sa Mt. Everest! ganun
ka-OA ang nararamdaman niya ngayon. kaya lang, may dilemma pa siya, yan ay kung
paano bababa sa pinaka mataas na bundok! joke lang. :) iniisip parin kasi niya kung
makaka-abot siya o tuluyang ma-lelate at mababaog na ang mga taong pinagtinginan
siya kanina.

awa ng Diyos, nakarating naman siya on time as in pagtapak niya sa mismong desk
niya saktong 8 a.m. na. "galing!" sabi niya sa sarili niya. pero bakit
pinagtitinginan siya? "shit! napalakas ko ata." minsan kasi wirdo itong si Gaille
eh, ang dapat sa sarili niya lang sasabihin ay nasasabi niya rin sa buong mundo.
ngumiti siya sa lahat at bumati ng good morning.

Abigail Quijano. ang babaeng pranka na sasabihin ang kahit ano mang maisip niya.
matalino, maganda at galing sa maayos na pamilya. a middle child kaya struggling
for attention. all her life, she keeps on proving her worth -- sa family,
academics, almost every aspect of her life. acheiver pero hindi halata kasi kahit
anjan na yung pressure, hindi siya nagpapaapekto. happy-go-lucky, liberated at
party girl pero simple, ayaw ng heels, make-up at mini skirts. at nbsb because of
her high standards.

Wednesday, May 18, 2011

Busmate II. The Boy


II. The Boy

nananahimik na nakaupo at nakikinig lang sa kanyang ipod si Karl nang biglang


magpreno ang bus at naglanding sa kanya ang isang sexy na nilalang. kahit sino
talaga ay mapapa-wow kapag nakita siya. malas ko nga lang at yung pag-wow ko ay
nakalakas. ayan tuloy, natarayan ako. mabuti nalang at di siya eskandalosa, kundi
yari ako. dagdag pa sa kamalasan ko ay ang pagsagot ko nang di nag-iisip. "sorry,
lalaki lang! palay na ang lumapit kaya bakit di ko pa tukain?" WTH! kahit sinong
babae mababastusan kapag yan ang sinagot mo. nagwalk out tuloy.

"bakit mukhang pamilyar siya?" tanong ni Karl sa sarili. "parang nakita ko na siya
dati." isip siya ng isip kung saan pero wala talaga eh, di niya maalala. tinignan
pa niya kung saan pumwesto ang dalaga at nakita naman niyang nakaupo na ito.
bumalik nalang siya sa pakikinig sa ipod at niready ang sarili sa first day niya sa
trabaho. hiling niya lang talaga na di siya ma-late. kung di lang kasi nasira yung
kotse niya, edi sana di siya nagcommute ngayon. pero okay lang, sanay na din naman
siya sa pagcocommute eh. kahit kasi mayaman ito, sinigurado niyang alam niya lahat
ng mga bagay na ginagawa ng mga ordinaryong tao.

buti nalang at mabait pa rin sa kanya ang Diyos dahil di siya nito pinahintulutang
mahuli sa trabaho. binati niya ang lahat ng madaanan lalo na ang mga babae. "sarap
maging gwapo!" sabi niya sa sarili. mayabang ang dating pero di naman talaga
maitatanggi ang kagwapuhang taglay. kaya naman ang mga kababaihan na mismo ang
nagpapapansin. kahit pa noong nasa high school at college ay habulin na talaga
siya. ang nakakapagtaka nga lang, wala pa siyang nagiging tunay na girlfriend.
weird, right?

pagdating niya sa desk niya, inayos na niya ang gamit niya at papunta na dapat siya
sa men's room nang may marinig siya. "galing!" sabi ng pamilyar na boses. nilingon
niya kung saan galing ang tinig pero hindi naman niya nakita kung sino ang may-ari
nito dahil sa nakatalikod ito. "weird! babae pa naman." napapa-iling nalang si Karl
sa kanyang naiisip.

at dahil first day nga, ipinatawag sila sa HR department para i-ortient sila at
mamaya daw ang boss naman nila ang kakausap sa kanila. marami na agad naging
kaibigan si Karl dahil bukod sa gwapo ay sadya namang sociable ang binata. may ilan
lang siguro na nag-aalangang makipag-usap sa grupo nila dahil mga nahihiya o
sadyang mga suplado at suplada.

Karl Buenaventura. isang lalaki walang kailangang patunayan. henyo pero average
student. anak mayaman pero ayaw umasa sa magulang. mayabang pero may
maipagmamayabang. gwapo, matalino, mabait. sadya nga lang pilyo kaya misunderstood.
only child at tagapagmana ng family business pero mas piniling mag-umpisa mula sa
baba. independent at liberated. babaero pero stick to one -- pano yun? abangan!
Thursday, May 19, 2011

Busmate III. The Love Story


A. New Work, New Friends, New World

"nako friend, baka naman yung manyak na yun ang soulmate mo?" ani Jasmine, ang
bagong kilalang kaibigan ni Gaille. "yun? soulmate? eh para ngang walang kaluluwa
yun eh!" sagot naman ni Gaille habang inaayos ang mga gamit niya sa desk. "lupet
naman!" sabat pa ni Lino na isa din sa mga bago niyang kaibigan. "eh sa yun ang
feeling ko eh. tsaka please, wag na nga natin siyang pag-usapan. nasisira lang araw
ko eh." at sabay walk-out at punta sa ladies' room.

"ang taray nun ah." sabi ni Jasmine. "ginalit mo eh." paninisi ni Lino. "hayup na
to, ako pa sinisi." hirit pa ni Jasmine na ikinatawa lang ni Lino. "ui Lino, sino
yan? gwapo ah." pagbasag ni Jasmine sa enjoyment ni Lino. "ah, si Karl. gwapo nga,
mukha namang mayabang." ani Lino. "bitter lang?" at inirapan pa ni Jasmine si Lino.
"sinong mapait? asus! ke aga-aga, LQ kayo." sabat ni Gaille na mukhang nasa mood
na. dahil di nagustuhan ng mga kaibigan ang pang-aasar ay bumalik na ang mga ito sa
kanya-kanyang pwesto.

mga ilang minuto pa ay pinatawag na sila ng boss nila sa conference room. "good
morning ladies, gentlemen. kung mapapansin niyo, halos lahat kayo ay baguhan dito.
kung ikinatataka niyo kung bakit, well yun ay dahil nabibilang kayo sa pinaka
bagong department dito sa Buenaventura Group of Companies. oh, let me introduce
myself. i am Carlos Buenaventura, the president. at itong department na ito ay
personal kong binuo para maging in charge sa promotions ng kumpanya. as you all
know, BGC has lots of malls, resorts, restaurants, hotels and the like so it is
important that people will be aware that BGC is for everyone. not only for the
rich, the elite, or the famous but also for the ordinary people too."

nagpalakpakan ang lahat sa mga sinabi ng presidente pero hindi pa tapos ang speech
nito. "today, i am informing you that you will work by pair and will be designated
to some committees. names would be posted after lunch. i'll be expecting big on you
guys! you are young so i assume that you will have fresh ideas on how to promote
the company. i hope that you will not fail me. thank you and welcome to the
Buenaventura Group of Companies!" at doon nga nagtapos ang speech ng presidente ng
kumpanya.

"so tengga muna pala tayo?" sabi ni Lino. "parang ganun na nga. mamaya pa kasi
natin malalaman yung san tayo maaassign eh." sabi naman ni Gaille. "i have a
feeling na matalino ka." sabat ni Jasmine na si Gaille ang tinutukoy. "ui, grabe ka
naman!" depensa ni Gaille. "totoo! diba Lino, mukha siyang matalino?"
pangungumbinsi nito at naghanap pa ng back-up sa katauhan ni Lino. "newly grad ka
diba? san ka nagtapos?" gatong ni Lino. "Ateneo." nahihiyang sagot ni Gaille. "i
knew it! suma ka 'no?" usisa pa ni Jasmine at ngumiti lang si Gaille. hindi kasi
siya sanay na pinupuri kaya madali siyang mahiya.

sa kabilang banda naman, patuloy na nakikipaglandian itong si Karl sa mga babae na


umaaligid sa kanya at natigil lang ito nang ipatawag siya ng sekretarya ng
presidente nila. "yes tita Carms?" pambungad ni Karl dito. "pinapatawag ka ng daddy
mo, sige pasok ka na." nakangiting saad ng sekretarya ng daddy niya. "yow dad,
pinatawag niyo daw po ako?" bati ni Karl sa ama. "kinakamusta lang kita, anak." ani
Mr. Buenaventura. "dad naman, wala pa kaya kaming ginagawa." ani Karl. "i know, ang
ibig kong sabihin, kamusta ang mga kasama mo? wala bang problema?" usisa ng dad
niya. "okay naman po dad. i gained friends. at madaming chick!" pilyong sagot ni
Karl. "ikaw talaga. basta pag trabaho, trabaho ah. tsaka please, wag kang
magkakalat ng lagim dito." paalala ng kanyang ama. "nakakatawa ka dad. basta, trust
me." ani Karl. "i do anak, baka lang makalimot." saad ni Mr. Buenaventura.

Thursday, May 26, 2011

Busmate III. The Love Story


B. Ikaw?!

dumating na ang oras na pinakahihintay ng lahat. ang pagpost ng mga magpair at kung
saang committee sila naasign. kung tutuusin, bente lang naman sila pero para bang
lotto ang pila. ang gulo kasi eh. "pag natapakan niyo paa ko, puputol ako ng bahagi
ng katawan niyo!" pagbabanta ni Gaille kaya naman lahat ay nagbigay daan para sa
kanya. di na siya nagsayang pa ng oras at lumapit na sa bulletin board. "Lino,
Jasmine, pair kayo! sa logistics kayo." ani Gaille habang patuloy na hinahanap ang
pangalan niya. nakarating na ang tingin niya sa baba pero wala dito ang pangalan
niya. "eto oh! Abigail Quijano." sabat ni Jasmine. "Karl Buenaventura? sino 'to?"
napalakas na naman ang pagsabi ni Gaille sa dapat ay ibubulong lang niya.

"over all in charge of the department?! what the F!" at lumingon na si Gaille sa
madla para itanong kung sino ang dakilang Karl Buenaventura. sakto namang
kararating lang ni Karl mula sa pakikipag-usap sa ama. "oh, sino partner ko? tsaka
saang committee ako?" tanong ni Karl sa mga tao sa paligid at lahat ay umatras para
magbigay daan kay Gaille. "ikaw?!" sabay nilang tanong. nagtaka naman ang lahat
lalo na ang mga kababaihang patay na patay kay Karl. "well, look who's here. at
talagang meant to be tayo dahil magpartner pa tayo." pang-aasar ni Karl pero deep
inside ay gusto na niyang batukan ang sarili niya. "over all in charge lang naman.
and may i remind you, trabaho lang, walang personalan." mataray na saad ni Gaille
sabay walk out.

"walk out queen din 'to eh 'no?" puna ni Jasmine na ikinatawa ng karamihan. "isa pa
Jasmine, ipapakain kita sa stapler ko!" pahabol na banta ni Gaille. "we're friends,
right?" pampalubag loob ni Jasmine. "wwwait! over all in charge?! what the F!" ani
Karl na gulat na gulat parin. "don't worry dude, yan din reaksyon ng partner mo."
sabat ni Allan. ang lahat ay nagsipagbalik na sa kanya kanyang pwesto at nakipag-
usap na sa mga ka-pair maliban kanila Karl at Gaille.

"matatanggap ko pa yung maging over all in charge eh! pero hindi yung makapartner
yung kumag na yun." ani Gaille na nanginginig sa sobrang inis. "eh bakit ba ang
init ng ulo mo dun? ang gwapo kaya." sabi ni Jasmine. "kasi po, siya yung manyak
kanina." mahinahon na saad ni Gaille. "wow, what a coincidence!" banat ni Lino.
"nakakatawa." pambabara ni Gaille. "tigilan na nga natin 'to. ang isipin nalang
natin, trabaho lang ito. tsaka may purpose ang management sa pagpili sa inyo."
pambawing sagot ni Lino.

ipinatawag ng presidente sina Gaille at Karl bilang sila ang in charge. "come in!"
ani Mr. Buenaventura. "good afternoon, sir." bati ng dalawa. "take a sit. you guys
may be puzzled kung bakit kayo ang naassign na over all in charge." sabi ng
presidente at tumango lang ang dalawa. "well in your case Ms. Quijano, you're no
doubt the brightest among the others and you have exellent feedbacks from your
professors as well as the company wherein you had your OJT. and you Mr.
Buenaventura was recommended by the HR for the position."

tumango nalang ang dalawa bilang tugon sa mga sinabi ni Mr. Buenaventura. wala
naman silang magagawa eh. kahit pa ayaw nilang makatrabaho ang isa't isa, wala
silang chooice. gaya nga ng sabi ni Gaille, trabaho lang ito at walang personalan.
eh ang lagay, talaga bang hindi magpepersonalan ang dalawa? si Karl bilang likas na
mapang-asar at si Gaille bilang mapagpatol din, siguradong kagulo ang kalalabasan.

C. Let The Clash Begin!

matapos silang kausapin ng presidente ay bumalik na sila sa department nila dala-


dala ang balitang tiyak na ikatutuwa ng lahat. "guys, guess what? sabi ng
presidente, we can all go home early today!" masayang balita ni Karl. "that's
right! so anytime pwede na tayong umuwi." dagdag pa ni Gaille. "sinong uuwi? guys,
let's celebrate! punta tayo sa bar to have some drinks! ano, game?" paanyaya ni
Karl. marami namang sumang-ayon sa balak ni Karl, maging sina Jasmine at Lino ay go
na go sa gimik na ito. si Gaille nga lang yata ang bukod tanging di sumang-ayon at
sa kasalukuyan ay nagliligpit na ng gamit.

"Ms. Quijano, don't you think magandang opportunity ito for us all to get along? in
that way, magiging buo ang team natin." pagpapaliwanag ni Karl. "i'm so sorry Mr.
Buenaventura, but we don't share the same sentiment. kayo nalang ang gumimik, i
have other plans for today. good bye. Jas, Lino, just call me, okay?" pagtataray ni
Gaille sabay alis sa vicinity ng department nila. "tss! gimik? who the hell
wouldn't want to go on a party? kung di lang talaga ikaw ang nagyaya, malamang
sumama na ako." bulong ni Gaille sa sarili niya. "huli ka!" ani Karl nang marinig
nito ang binulong ni Gaille habang paalis.

nakasakay na sa taxi si Gaille pauwi nang may tumawag sa kanya. "si Lino. bakit
kaya?? hello, Lino?" ani Gaille pagkasagot sa tawag ni Lino. "hey girl! si Jas to.
emergency! we need you now. i''l text you the details, okay? bye." mabilis na saad
ni Jasmine at wala naman nang nasabi si Gaille. ilang sandali pa ay nakatanggap ng
text si Gaille at sinabihan na ang taxi driver kung saan pupunta. "shocks, ano
kayang nagyari? emergency daw eh." nagpapanic na si Gaille at nang makarating sa
lugar na tinext ni Jas ay agad itong bumaba para hanapin ang mga kaibigan.

"hoy! sino ka? bakit mo ba ako piniringan?? malaman ko lang kung sino ka,
ipapakulam kita!" patiling saad ni Gaille habang inaalalayan siya ng mga nagpiring
sa kanya papunta sa kung saan. nang matanggal ang piring ay laking gulat niya nang
nasa stage na siya ng bar at napapalibutan ng ilang lalaki at babae na sexy ang
soot at sinasayawan siya. nilibot niya pa ang paningin at natanaw niya ang mga ka-
opisina na nagtatawanan maliban kanila Jas at Lino na naka-peace sign. hinanap din
niya ang natitiyak niyang may pakana ng lahat at natanaw nga niya ito na
humahagalpak.

natigilan ang lahat sa pagtawa nang makitang bumababa na ng stage si Gaille at


halata ang panlilisik ng mata nito. "gusto mo nang laro ah. pagbibigyan kita!" ani
Gaille habang tinatahak ang daan patungo kay Karl. wala siyang paki-alam kung may
mabunggo man siya o matapakan o kung ano man dahil direcho lang ang tingin niya sa
taong kinaiinisan niya. may mga kasamang babae si Karl kaya naman lahat at tinulak
papalayo ni Gaille. hinubad niya ang blazer niya at inihagis kay Jasmine at inagaw
ang inumin ni Lino at saka humarap kay Karl. kinwelyohan niya ito para mas marinig
siya. "isa pang beses na paglaruan mo ako, hindi lang ito ang gagawin ko sayo."
pabulong niyang sabi kay Karl at saka tinuhod ang alam niyo na.

D. Lay-low Muna

"day 58, check!" ani Jasmine habang busy sa kanyang journal. "ano ba yan, ha?
kanina pa ako dakdak ng dakdak dito di ka pala nakikinig. nakakainis ka ah!"
nanggagalaiting sabi ni Gaille. "correction, nakikinig ako sayo." lalo namang
napikon si Gaille dahil sa simpleng sagot ng kaibigan at magwawalk out na sana pero
pinigilan lang ni Lino. "hep, san ka pupunta?" tanong nito. "aalis. maghahanap ng
matinong kausap." maktol ni gaille. "wag ka na magalit girl! nakikinig naman talaga
ako eh." ayon kay Jasmine at tinignan lang siya ni Gaille. "okay, okay. para
patunayang nakikinig ako, isasalaysay ko ang mga kinwento mo." dagdag pa nito pero
tinaasan lang siya ng kilay ng kaibigan. "taob!" banat ni Lino. "tumahimik ka kung
ayaw mong tumaob jan sa kinatatayuan mo!" pagbabanta ni Jasmine.

"sabi mo, nakakainis si Karl. na nasisira araw mo sa tuwing nakikita mo siya.


kanina, pagkatapos kayong ipatawag sa president's office, inakbayan ka niya at
niyayang makipagdate sa kanya. tapos narinig mo din na niyaya niya yung isa pang
girl sa tabi-tabi. oh diba, nakikinig ako?" litanya ni Jasmine. "eh ano ba kasi
yan?" usisa ni Gaille at tinutukoy ang nasa journal ni Jasmine. "gusto mo talagang
malaman??" tanong ni Lino. "kaya nga tinatanong ko diba? tsaka, bakit day 58? ano
ba yun?" pangungulit ni Gaille. "check list!" payak na sagot ni Jas. hindi kuntento
sa sagot na binigay ng kaibigan kaya napataas muli ang kilay niya. "slow. akala ko
ba matalino ka? tss! check list yan ng pag-aaway niyo ni Buenaventura. tinitignan
lang namin kung consistent." pagpapaliwanag ni Lino. "you're keeping a record?
damn! what is wrong with you?" asar na sabi ni Gaille at natuluyan na ang pagwawalk
out.

"oh, bat mag-isa ka?" napalingon si Gaille para makita kung sino ang pangahas na
nag-iistorbo sa pagmumuni-muni niya. "tigilan mo nga akong hinayupak ka." tanging
tugon nito. "wow ah. napakataray mo talaga. ano bang ginawa ko sayo to deserve a
cold treatment?" tanong ni Karl. "at talagang nagtanong ka pa ah?" mataray na saad
ng dalaga. "chill!" at itinaas pa ang mga kamay na parang nagsurrender. "bat ka ba
nandito?" usisa ni Gaille. "nagpapahangin. ikaw?" tugon naman ni Karl. "nagpapawala
ng inis. kaya lang dumating ka eh." seryoso ngunit kalmadong saad ni Gaille. "bakit
ba tayo araw araw nag-aaway?" tanong ni Karl pero parang sa sarili at hindi para
kay Gaille. napatingin lang ang dalaga sa katabi na parang malalim ang iniisip.

"alam mo, hindi naman ako kasing sama ng iniisip mo eh. tsaka nakakapagod din
makipagtalo sayo araw araw 'no." pagbasag ng katahimikan ni Karl. "so what are you
trying to imply? na ako ang masama?" depensa ni Gaille. "no! i just want to say na
titigilan ko na pang-aasar ko sayo." ani Karl. nagtaka si Gaille dahil for the
first time ay nakita niyang seryoso ang kinaiinisan. "good!" tangi niyang sagot.
they stayed there for a while na hindi nag-iimikan. pareho sila na nakatingin sa
kawalan at para bang may malalim na iniisip. pagkatapos ng kanilang pag-uusap,
naging casual na sila sa isa't isa. nag-uusap lang kung kailangan at pure business
lang talaga.

E. Expect the Unexpected

nakatulala si Gaille ng mapadaan si Karl. "woi!" nagulat ang dalaga dahil sa ginawa
ni Karl. "ano ka ba!" halatang naasar ito dahil sa naging reaksyon. "eh bat ka ba
kasi tulala? sige na, sorry na." natatawang saad ni Karl. "ewan ko sayo. alis na
nga!" pangatataboy ni Gaille pero lihim ding natatawa. "tama ba yung nakita ko?"
sabat ni Jas. "huh? na ano?" nagmamaang-maangan na tanong ni Gaille. "you smiled
because of Karl." napapangiting saad ni Jasmine. "alam mo ikaw, kulang ka sa kape
eh." pag-iiba ng usapan ni Gaille. "asus! kayo ah. i smell something fishy!"
pangungulit pa ni Jas. "mag-toothbrush ka kasi!" tugon ni Gaille. "che!" pahabol ni
Jasmine habang papaalis.

muling natulala si Gaille. ang tanong sa isip niya, "ngumiti ba ako dahil kay
Karl?" pero agad din naman niyang inalis sa isip niya ang idea na yun dahil
nakakasagabal yun sa dapat niyang gawin. lalo pa't ngayon ang big day. ang araw
kung kailan ipepresent na nila ang pinaghirapan nila. "nako, sana talaga magustuhan
ni Mr. Buenaventura ang promotionals na prinepare namin." kabadong saad ni Gaille
habang inaayos na ang mga kakailanganin. "okay ka na partner?" bigla na namang
sumulpot si Karl kaya muli na namang nagulat si Gaille. "kelangan ba lagi mo akong
ginugulat?" kalmadong tanong ni Gaille. "sorry, kinakabahan kasi ako eh. so, tara
na?" at tinulungan na siya si Gaille sa pagdadala ng mga gamit nito.
fortunately, their presentation went well at nagustuhan din ng president and mga
promotionals na ginawa nila. may mga bill boards, TVC, parties, charity events, at
kung anu-ano pa. "as a sign of gratitude, i want you to organize a party. para na
naman makapag-enjoy kayo at makapagcelebrate." ani Mr. Buenaventura. "thank you,
sir." saad ni Gaille na halatang walang paglagyan ng tuwa. "no, Ms. Quijano, thank
you. and also to you Mr. Buenaventura, i'm so proud of you." tugon ng presidente.
pagkalabas na pagkalabas nilang dalawa sa conference room ay excited silang tumungo
sa department nila para ibahagi ang magandang balita. they all cheered for their
success at sa sobrang tuwa ay di na namalayan nila Karl at Gaille na nagyakapan na
pala sila. natauhan lang ang mga ito nang mangantyaw na ang lahat.

"so, bati na kayo?" usisa ng isa. "we're cool!" tugon naman ni Karl sabay tingin
kay Gaille para sumang-ayon. "yup. we're cool." ani Gaille. "and by the way, the
president wants us to organize a party. para sa atin. para makapag-celebrate naman
daw tayo." dagdag pa ni Gaille. "Jas and Lino, find a venue. Alfie and Nadia, yung
catering. and yung iba, please coordinate with us para malaman niyo ang mga dapat
niyong gawin." nag-aassign na si Karl ng mga dapat gawin habang chinecheck naman ni
Gaille ang sched nila to pick a perfect date. "how about, next week? May 15?" all
agreed sa napiling date ni Gaille at muli na namang naging busy ang lahat para sa
party na next week na gagawin.

abala si Gaille sa desk niya nang lapitan siya ni Karl. "how about a date?
tonight?" paanyaya nito. "hmm? sino pang niyaya mo?" usisa ni Gaille. "ikaw lang."
seryosong saad ng binata. "i'll think about it." tugon ni Gaille. "i'll consider
that as a yes. so, after work, susunduin kita dito sa desk mo. okay? see you
later." nakangiting bumalik si Karl sa desk nito. "adik yun. di naman ako nag-yes."
natatawang sabi ni Gaille. "tsk! bahala na nga. wala namang masama." dagdag pa
nito. "wala talagang masama sa pakikipagdate." sabat ni Lino at Jasmine. "mga
chismoso't chismosa!" ani Gaille. "ayee! may date sila. nagbati lang kayo may pa-
date date na." pang-aasar ni Jas. "wait lang, napapansin ko lagi kayong magkasama
ni Lino. di niyo na nga ako sinasabayang maglunch eh. kayo na ba?" usisa ni Gaille.
"ha? uhm.. oo?" sagot ni Lino. "sabi na eh! kayo ah. naglilihim na kayo sakin.
nakakapagtampo." pagdadrama ni Gaille at nagtagumpay siya sa pag-iiba ng usapan.
ang bright talaga!

papunta na ngayon sina Gaille at Karl sa resto para mag-DATE. "buti pumayag ka."
ani Karl. "i didn't, remember? nag-assume ka lang that i said yes." pambabara ni
Gaille pero natatawa. "okay then, buti sumama ka." saad ni Karl at nagtawanan na
sila. habang nasa dinner ay marami naman silang napag-usapan. pinagtatawanan na din
nila ang mga pag-aaway nila at mukhang nagkakaigihan na din sila. "i had a great
night." sabi ni Gaille bago pumasok sa bahay. "me too. thank you." tugon naman ni
Karl. "Abigail, ikaw na ba yan?" ang Daddy niya yun. "opo, Dad. papasok na po."
sagot ni Gaille. "oh pano, una na ko?" pagpapaalam ni Karl at magpapaalam na din
sana si Gaille nang biglang sumingit ang Daddy niya. "bakit di ka muna pumasok at
magkape, iho." walang nagawa si Karl kundi pumasok at naipakilala na nga siya sa
buong pamilya Quijano. "balik ka ulit ah." pahabol pa ng Mommy ni Gaille. "mukhang
gusto ako ng magulang mo ah." nakangiting sabi ni Karl. "alis na. maaga pa tayo
bukas." pagtataboy ni Gaille at nagpaalam na sila sa isa't isa.
Thursday, May 26, 2011

Busmate III. The Love Story


F. Let's Take it Slow

may 15 na. araw ng celebration ng team nila Karl at Gaille at halos isang linggo na
din na nagdedate ang dalawa. gabi-gabi ay hinahatid ni Karl si Gaille sa kanila at
di na rin matatawaran ang closeness na nabuo sa pagitan ng binata at ng pamilya ng
dalaga. ang akala nga ng mga Quijano ay sila na. well kahit naman si Gaille, ang
akala niya ay nanliligaw na si Karl. busing busy ang lahat sa pag-aasikaso sa mga
final details para sa party nila mamaya nang mapadaan si Lino sa mga ka-opisina
nila na kinukulit si Karl. "so, kayo na ba?" tanong ng isa. "hindi" blankong sagot
ni Karl. "nanliligaw?" tanong pa ng isa. "hindi rin." tugon ni Karl at umalis na
din dahil may gagawin pa siya. dahil sa narinig ay nagpanting ang tenga ni Lino.

"Gaille, mag-usap nga tayo." ani Lino. "wow ah. why so serious?" pangungulit naman
ni Jasmine at tinignan lang siya ng masama ni Lino. minsan lang maging ganoon ang
mood nito kaya alam ng dalawang babae na seryoso ito. "ano ba yun, Lino?" usisa ni
Gaille. "nanliligaw na ba sayo si Karl?" direchong tanong nito. naguluhan man ay
sinagot parin ito ni Gaille. "actually, hindi ko alam pero it's been a week na
nagdedate kami. close na din siya sa family ko. ano bang tawag dun?" sagot ni
Gaille na mejo kinikilig. "tawag dun? LARO!" napataas ang boses ni Lino. "ano bang
problema mo?" pag-aawat ni Jasmine dahil alam niyang naasar na si Gaille. "Jas,
kaibigan natin si Gaille at ayoko lang na pinaglalaruan siya." paliwanag ni Lino.
"narinig ko kanina na kinukulit si Karl kung nanliligaw na siya kay Gaille at ang
sagot niya ay tumataginting na HINDI!" dagdag pa ng binata. natahimik lang si
Gaille at piniling bumalik sa ginagawa.

halos buong araw nang tahimik si Gaille at maging sa party at tahimik ito. kanina
pa din siya nilalapitan ni Karl pero dinededma niya lang ito. "may problema ba
tayo?" usisa ni Karl. "ako wala. ikaw ba?" pilosopong sagot ni Gaille. "bakit mo ba
ako tinatarayan?" ani Karl. "bakit mo ba ako pinaglalaruan?!" pagalit na tugon ni
Gaille sabay walk out. hinabol siya ni Karl at pareho na sila ngayong nasa labas ng
venue. buti na lang at walang nakapansin para na din hindi magulo ang celebration.
"Gaille ano bang pinagsasabi mo?" furious na tanong ni Karl. "at ikaw pa galit
ngayon?!" nilingon nito si Karl at tumaas na din ang boses ni Gaille. "akala ko ba
okay na tayo?" ani Karl na clueless sa ikinagagalit ni Gaille. "aminin mo nga
sakin, bakit lagi mo akong niyayayang magdate? bakit sobrang close ka sa family ko?
may balak ka bang manligaw? o isa lang to sa mga laro mo? sabihin mo na ngayon para
di ako magmukhang tanga sa susunod!" sunud-sunod na pang-iinterrogate ni Gaille.

hindi agad nakasagot si Karl dahil sa pagkabigla. he didn't see this coming. wala
sa balak niya na paglaruan si Gaille pero wala din sa balak niya na paasahin ito.
sa lahat ng babae na nakilala niya, si Gaille palang ang sineryoso niya at gusto
niya sanang tumagal sila pero hindi siya handa sa isang relationship. "i'm sorry.
di kita pinaglalaruan. gusto kita, komportable ako sayo tsaka sa pamilya mo. pero
hindi pa ako handa sa mga seryosong relasyon. please understand." kalmadong tugon
ni Karl. hindi na sumagot si Gaille pero kalmado naman na din ito. nilapitan siya
ni Karl at niyakap. "let's just take it slow, okay?" bulong nito kay Gaille.

G. The Revelation

"oh anak, kamusta paty niyo kagabi? belated happy birthday pala ah." bati ni Mr.
Buenaventura kay Karl. "wth. he's your dad? and kahapon, birthday mo?" ani Gaille
na kapansinpansin ang pagkagulat. "yup. we have the same surname. haven't you
notice? and yup. birthday ko nga kahapon." sagot ni Karl sabay ngiti. "kala ko
coincidence lang. sorry pala, inaway kita kagabi. di mo naman kasi sinabing
birthday mo. edi sana ngayon nalang kita inaway." pabirong sabi ni Gaille. "sapat
na sakin yung okay na tayo." at inakbayan niya si Gaille. papunta sila ngayon sa
isang resto para magdate ulit.

pagkahatid ni Karl kay Gaille, dating gawi. nagstay muna siya sa bahay nila at
nakipagbonding sa mga Quijano. nagpaalam muna si Gaille na magbibihis kaya naman
nakipagkwentuhan muna si Karl sa mga magulang nito. "daddy. wag kang magkwento ng
di dapat ikwento ah." pahabol ng dalaga bago pumanik sa kwarto. nagtawanan ang mga
naiwan sa sala at inilabas naman ng mommy ni Gaille ang photo album noong mga bata
pa sila. "mula pagkabata, achiever na talaga si Gaille. lahat ginagawa nun para
mapasaya kami. nakakaguilty nga lang kasi hindi namin siya madalas mapuri. ang
feeling tuloy niya di namin siya napapansin." kwento ni Mrs. Quijano. napagtanto ni
Karl na baka ito ang dahilan kaya seryoso si Gaille sa lahat ng bagay. pero may isa
pa siyang iniisip. una palang kasi niyang makita si Gaille ay parang pamilyar na
ito sa kanya. lalo pa nang makilala niya ang pamilya nito. at lalo pa siyang
napaisip nang makita ang mga litrato nito noong bata. he's sure na nagkita na sila
dati pero di niya maalala kung saan.

pagkababa ni Gaille, ang mga magulang naman niya ang umakyat at matutulog na daw
sila. nagprepare naman ng coffee ang dalaga para naman makapag-usap pa sila ni
Karl. "alam mo bang di pa ako nagkakagirlfriend?" Karl opened up. "talaga? di
halata ah. playboy ka kasi." tugon ni Gaille na ikinatawa ni Karl. "playboy nga,
stick to one naman. noon kasi, may naipangakuan na ako. na siya lang ang magiging
girlfriend ko habang buhay." patuloy ni Karl. natahimik si Gaille dahil sa mga
sinabi ng binata. nalungkot ito at halata ito sa mga mata niya. "pero parang di ko
na matutupad pangako ko. dumating ka kasi eh." dagdag pa ni Karl. agad namang
napangiti si Gaille. "baliw to. sinisi mo pa ako." ani Gaille. "seriously. gusto
sana kitang ligawan. yan ay kung papayagan mo ako." sabi ni Karl.

hindi siya sinagot ni Gaille. sa halip ay nag-open ito ng ibang topic. "alam mo,
nung bata pa ako, di naman talaga ako ganito eh. iyakin ako, lampa, bobo, loser.
pero may isang pangyayari na nagpabago sakin." mataimtim na nakikinig lang si Karl
sa pagkukwento niya. "dati kasi, nagfield trip kami tapos may nanghostage sa bus na
sinasakyan namin. takot na takot ako nun pero may batang lalaki na nagsabi sakin na
dapat daw maging matapang ako. tinabihan niya ako at sabi pa niya, proprotektahan
niya ako kahit ano pang mangyari. kaya ayun, mula noon sinabi ko sa sarili ko na
dapat di na ako maging loser." dagdag pa ni Gaille. nagtaka naman siya kasi tahimik
parin si Karl. "ui?" ani Gaille. "oh, sorry. i think i have to go. malalim na ang
gabi eh. good night." hinatid na ni Gaille si Karl sa labas at umakyat na din
pagkatapos.

"nakakainis yun ah. wala man lang reaksyon sa mga kwento ko." sabi ni Gaille sa
sarili. "pero sabi niya, gusto niya daw akong ligawan. ay tanga! di ko pala yun
sinagot. bukas na nga lang." aniya bago makatulog. "bakit parang pamilyar yung
kwento niya?" usisa ni Karl sa sarili. pilit niyang inaalala ang nakaraan. "Abigail
Quijano. sino ka ba?" patuloy niyang pag-iisip hanggang sa nakatulugan na niya.
____________________________________________________________________
Friday, May 27, 2011

Busmate IV. The Past


waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!! "sino kayo? parang awa niyo na. mga bata
pa sila." sabi ng isang babae nang may pumasok na ilang lalaki sa bus na sinasakyan
nila. "tumahimik ka! kayong lahat, maupo kayo at wag kayong mag-ingay!" sabi naman
ng isa sa mga lalaki. "wag kayong mag-alala. walang masasaktan kung makukuha lang
namin ang hinihingi namin." paliwanag ng isa pa sa mga lalaki. takot na takot na
ang lahat ng nasa bus lalong lalo na ang mga bata. ang dapat na masayang field trip
nila ay naging isang nakakatakot na bangungot. may isang batang babae na walang
kasamang magulang. sa lahat ng bata, siya lang ang walang guardian. nanginginig na
ito at iyak na ng iyak sa takot. "wag ka matakot. dapat maging matapang ka. dito
lang ako sa tabi mo. poprotektahan kita kahit ano pang mangyari." sabi ng isang
batang lalaki.

napabalikwas ng bangon si Karl. madaling araw palang ay nagising na siya. basang


basa sa pawis ang hinahabol pa ang hininga. "could it be?" aniya. nagbihis siya at
lumabas ng bahay. nagjogging siya para malinawan ang isipan at para na rin
mahimasmasan. ilang oras din siyang paikot-ikot lang sa subdivision nila at
naisipan niyang tawagan si Gaille. "hello? ang aga mo namang tumawag. bakit ba?"
saad ni Gaille. "papunta ako jan." sabi ni Karl na pabalik na ng bahay para kunin
ang susi at nagdrive na papunta sa bahay nila Gaille. "seryoso ba yun? di man lang
ako binigyan ng chance na sumagot. hay! ang labo niya ah. kagabi pa siya." ani
Gaille na bumangon na din at nag-ayos ng sarili para hintayin si Karl.
mga ilang minuto lang ay nakarating na din ang binata. "pinalipad mo ba ang
sasakyan mo? bat ang bilis mo?" tanong ni Gaille sa kanya pero di naman ito
sumagot. sa halip ay kinitilan niya ito ng isang halik. ilang sandali ding natulala
at muntik nang madala si Gaille pero nang mahimasmasan ay tinulak niya palayo si
Karl. "ano bang problema mo ah?!" galit na saad nito. "Be! di mo na ba ako
naaalala?" sabi naman ni Karl. napataas ng kilay si Gaille at ngayon ay
nakapamewang na. "the last time i check, hindi pa tayo. so bakit mo ako tinatawag
na Be at bakit mo ako hinalikan?!" ani Gaille. "Abigail! Bi-ge! ako to. di mo na ba
ako naaalala? diba sabi ko sayo poprotektahan kita kahit ano pang mangyari? diba
sabi ko pagtanda natin ikaw lang magiging girlfriend ko?" hinawakan na ni Karl si
Gaile sa magkabilang balikat habang sinasabi ang mga ito. napaatras naman si Gaille
dahil sobrang naguguluhan na ito.

tinitigan ni Gaille ng matagal si Karl. hindi talaga niya maintindihan why he's
acting weird. maya maya pa'y naglabas siya ng isang lumang picture galing sa wallet
niya. "i told you that the reason why i'm still single is because i've already
promised someone that she'll be my only girlfriend and this. this is her. look."
ani Karl habang ipinapakita ang picture na matagal na niyang itinatago. habang
nakatitig sa picture ay nagflash back ang lahat kay Gaille. "Kaloy?" aniya. tumango
si Karl at ngumiti. "Kaloooooyyyy!!!!!!" tili ni Gaille sabay yakap ng mahigpit kay
Karl. "baka naman gusto mo pa akong makahinga?" pagbibiro ni Karl. "i.. i.. i can't
believe it's you." di parin makapaniwalang saad ni Gaille. "well, it's really me.
and a promise is a promise. so, will you be my girlfriend?" diredirechong sabi ni
Karl.

nadismaya si Gaille sa sinabi ni Karl. pakiramdam kasi niya, kaya lang siya
tinanong ni Karl ay dahil nakapagpromise ito at ang totoong mahal nito ay ang
batang siya. "bakit? ayaw mo ba sakin? di mo ba ako mahal?" tumamlay na sabi ni
Karl. "ikaw, mahal mo ba talaga ako?" tugon ni Gaille. "oo naman! diba kagabi i
almost break a promise? mahal kita. at bonus nalang na ikaw si Bi-ge na pinangakuan
ko noong bata pa ako." pangungumbinsi ni Karl sa nagdududang si Gaille. "talaga?
promise?" ani Gaille. "alam mo, ang cute mo! oo nga." sabi pa ni Karl. nagulat
nalang siya nang siya naman ang halikan ni Gaille. halatang halata sa dalawa ang
tuwa at kitang kita sa mga mata nila ang pagiging in love. "alis na! may pasok pa
tayo." pagputol ni Gaille sa crazy moment nila. ilang minuto na kasi silang
nagtititigan lang at nakangiti na parang ewan. "sweet mo ah. sige, see you later."
ani Karl sabay kindat.

Monday, May 30, 2011

Busmate IV. The Past


cont...

masayang pumasok si Gaille sa opisina. lahat ay nginitian at binati niya. "in


love??" usisa ni Jas. "pakelamera??" pambabara ni Gaille pero di parin naaalis ang
ngiti. "ay, F.O??" sabat naman ni Lino at saka sila nagtawanang tatlo. "girl, share
mo na yan!" pangungulit ni Jas with matching pag-aayos pa sa buhok ni Gaille. di pa
man nakakapagsalita si Gaille ay dumating na si Karl. "good morning, Be!" bati nito
at napatili naman sa kilig si Jas. "ay, teh. moment mo??" ani Gaille at natawa
naman ang dalawang lalaking kasama nila. "sorry naman! kinilig lang." sabi naman ni
Jas sabay yakap kay Lino. "so, kayo na??" usisa ni Lino. "kaninang madaling araw
lang." nakangiting pagkukumpirma ni Karl.

masaya sina Lino at Jasmine para sa kaibigan nila pero di pa rin maaalis sa kanila
ang mag-alala dahil sa imahe ni Karl. pero as the days, weeks and months passed by,
nakita naman nila ang sinseridad ng binata sa kanilang kaibigang si Gaille.
nawitness din ng mga tao sa paligid nila Gaille at Karl ang saya at pagmamahal na
bumabalot sa kanila. hindi naging sagabal ito para sa kanilang trabaho at ang
maganda pa ay mas lalo nilang nagawa ng maayos ang mga gawain sa BGC. ngayon nga ay
ipinadala sila sa Subic para doon maisagawa ang isang event na inorganize ng team
nila para sa promotion ng mall na ipapatayo nila doon.

"good job everyone! Mr. Buenaventura called at nabalitaan niya ang success ng event
natin. and in return, we can extend daw for another day para makapamasyal and all."
announcement ng isa sa mga board member ng BGC na kasama nila. lahat naman ay
natuwa and they took this chance para makapag relax. on their way pabalik sa Manila
ay may mga humarang sa sinasakyan nilang bus. ang sabi ng mga lalaki ay check point
daw ito pero ang totoo ay pakay nilang hostage-in ang buong bus at papatayin daw
sila ng mga ito sa oras na hindi sila mabigyan ng sampung milyong piso. nagtitilian
na ang mga babae at nagpapanic na halos lahat pero si Gaille ay nananatiling
tulala.

"Be, okay ka lang? don't worry, andito lang ako." pag-aalo ni Karl. "alam namin na
sa Buenaventura Group of Companies kayo nagtatrabaho at ang gusto namin ay may isa
sa inyo na tumawag sa Presidente niyo para maibigay ang gusto namin." demand ng isa
sa mga hostage takers. "ikaw! tawagan mo ang boss ninyo!" utos nito kay Gaille.
nanginginig na lumapit si Gaille at nagdial. "boss, wag na siya. ako nalang po ang
kakausap sa President namin." pakiki-usap ni Karl. "tumahimik ka kundi babarilin
kita!" sabi ng isa sabay tutok ng baril sa ulo ng binata. muli na namang nagtilian
ang mga nasa bus at nag-umpisa nang maiyak si Gaille.

"sir, hinostage po kami. kailangan daw.." di na natapos ni Gaille ang pakikipag-


usap dahil inagaw na ng isang lalaki ang telepono sa kanya. "bibigyan mo kami ng
sampung milyon o papatayin namin ang mga nasa loob ng bus na ito!" aniya.
pagkatapos maka-usap sa telepono si Mr. Buenaventura ay tinulak na nila palayo si
Gaille. sinalo naman agad siya ni Karl at niyakap. patuloy parin sa pag-iyak si
Gaille at nanginginig parin ito sa takot. naaalala kasi niya noong mahostage din
ang bus nila nang magfield trip sila dati. "shh. tulad ng dati, masusurvive din
natin ito." sabi ni Karl na patuloy na kinakalma ang girlfriend.

mag-iisang oras na ang nakalipas at naiinip na ang mga hostage takers.


napapalibutan na din sila ng mga pulis pero wala pang kumikilos sa mga ito.
hinihintay pa kasi nila ang pagdating ni Mr. Buenavebtura. kinalabit ni Karl si
Lino. "we have to make a plan. mas madami tayo kesa sa kanila kaya makakayanan
natin silang labanan." suggestion ni Karl. "pero armado sila. pano tayo
makakalaban?" tanong ni Lino. "let's wait until mawala sila sa konsentrasyon. at
pag nangyari yun, madali na natin silang malalabanan. kailangan lang natin ipaalam
ang plano sa iba." ani Karl. palihim nilang sinesenyasan at binubulungan ang mga
kasamahan nila hangang sa nakabuo sila ng plano. dumating na si Mr. Buenaventura at
ito na ang hinihintay nilang pagkakataon.

tama ang hinala nila na ang atensyon ng mga hostage takers ay matutuon sa pagdating
ng Presidente nila kaya inumpisahan na nila ang kanilang plano. ang mga kalalakihan
ay pumwesto na sa mga likuran ng mga hostage takers at sa oras na bumukas ang pinto
ng bus ay kikilos na sila. papalapit na ang negotiator sa bus at pagkabukas na
pagkabukas ng pinto ay kumilos na sina Karl sa kanilang plano. nagtagumpay sila sa
pag-agaw ng mga armas ng mga ito at sumenyas na din ang negotiator para kumilos ang
mga pulis. nang makalapit ang mga pulis ay isa-isa nilang pinababa ang mga hostage
gayun din ang mga hostage takers.

nang akala nilang ligtas na ang lahat, isang hostage taker naman ang nakawala sa
pagkakahawak ng mga pulis at nakaagaw ng baril. kinaladkad niya ang isa sa mga
babae at nagkataong si Gaille iyo. "sige lumapit kayo! pasasabugin ko ang ulo
nitong babaeng ito!" banta ng hostage taker. nagulat ang lahat sa bilis ng
pangyayari at halatang halata kay Gaille na nasasaktan siya sa paraan ng paghandle
sa kanya ng mamang may hawak sa kanya. nagpaplano na ang mga pulis kung paano nila
nahuhuli ang hostage taker ng di masasaktan si Gaille pero si Karl ay hindi na
makapaghintay pa ng isa pang minuto dahil awang awa na siya kay Gaille.

kumilos si Karl ng di namamalayan ng lahat. he managed to go at the back of the


hostage taker and used his own might to fight him. napakawalan ng hostage taker si
Gaille pero aksidente naman itong nabagok sa sahig at si Karl naman ay nabaril sa
dibdib. lahat ng nakasaksi ay di makapaniwala sa nakita at ang tangi nalang na
umaalingawngaw sa pailigid ay ang sigawan at sirena ng ambulansya at ng police
cars. nagkagulo na din ang lahat habang parehong isinasakay sina Karl at Gaille sa
ambulansya. tulala pa rin ang mga kaibigan nila lalo na sina Jasmine at Lino.
sumakay na din sa kanikanilang sasakyan ang pamilya ng dalawa ay tumungo na sa
ospital. walang makakakalimot sa gabing iyon. lahat ng media ay nagcocover at lahat
ng tao ay nakatutok. ang isang araw na sana ay puno ng saya ay naging madugo at
madrama.
after 4 years...
nagmamadaling lumakad si Gaille dahil sa malelate na siya sa unang araw niya sa
trabaho. dagdag pa sa kabadtripan niya ay sobrang dami ng tao ngayon sa dinaraanan
niya. "padaraanin niyo ako o mababaog kayong lahat?!" malakas na sabi nito kaya
naman ang lahat ay nagbigay ng daan para sa kanya. "ayan, pwede naman pala akong
makadaan ng maayos eh. thank you!" dagdag pa nito. agad niyang itinaas ang kanyang
kamay para parahin ang bus na paparating. "hay thank God, hindi standing." aniya
nang di mapansing pangalawa na pala siya sa maswerteng magsastanding ovation sa
bus.
"deym!" napamura nalang siya nang matauhan at mapagtantong nagkakamali siya.
papalapit na siya sa may gitna ng bus nang mapatingin sa kanya ang binatang kasing
palad niya. ang wirdo kasi para bang biglang nagslow motion ang lahat.
nagakatinginan sila sa mata at para bang hinihila siya nito palapit. at lalo pa
niyang ikinatunaw nang ngumiti ito. "hay nako. di ko keri ito!" saad ni Gaille sa
isip niya at saka umiwas ng tingin. napakunot pa ang noo nito dahil parang nagkita
na sila ng lalaking yun. hindi nga lang niya alam kung saan o kailan.
nung pumasok yung babae sa bus, di mapigilan ni Karl na mapatingin. hindi din niya
alam kung bakit pero para bang may kung anong force na humahatak sa kanya palapit
sa dalagang ito. matagal din silang nagkatitigan at di naiwasan ni Karl na
mapangiti. natigil lang ang kahibangan nito nang umiwas ng tingin ang dalaga.
napayuko nalang si Karl at napahawak sa ulo. "she looks familiar." aniya. pilit
niyang inaalala kung saan o kailan niya nakita ang dalaga pero wala naman itong
maalala.
matagal-tagal na at silang dalawa parin ang nakatayo sa bus. aksidenteng napabreak
ang driver ng bus dahil sa may biglang nag-over take na motor. sa sobrang lakas ng
impact at napasubsob si Gaille kay Karl. nang magkalapit sila ay may kung ano mang
kuryente silang nadama kaya naman agad silang umiwas sa isa't isa. lumayo na si
Gaille at di na din sila nagkita nang marami nang nagbabaan at naka-upo na din
sila.
"good morning Ms. Quijano, i would like you to meet your partner." ani Ms. Linda
habang pinagbubuksan ng pinto ang magiging partner ni Gaille sa kanyang bagong
trabaho bilang logistics officer ng isang malaking company that handles malls,
condos, and the like. all smiles si Gaille habang hinihintay na makapasok ang
magiging partner niya. "Mr. Buenaventura." ang ngiti kanina ay naging ngiwi na
ngayon. "ikaw?!" sabay na sabi nila Gaille at Karl nang makita ang isa't isa. "so,
i think you'll get along. good luck, then!" bati ni Ms. Linda at iniwan na ang
dalawa.
"sinusundan mo ba ako?" sabay na namang sabi nila Karl at Gaille sa isa't isa. "hay
nako. walang patutunguhan itong usapang ito." mataray na saad ni Gaille. "Karl
Buenaventura. nice to meet you Ms.?" bati ni Karl ang di pinapansin ang himutok ng
dalaga. "Abigail Quijano. nice meeting you too." pabalang na sagot ni Gaille at
nagpunta na sila sa kanikanyang desk. dahil sa silang dalawa lang ang baguhan sa
opisina, wala silang choice kundi pakibagayan ang isa't isa. ipinapatawag sila sa
opisina ng Presidente at sabay naman silang pumunta doon.
"good to see you Ms. Quijano. and you too, son." bati ni Mr. Buenaventura sa
kanila. napatingin naman si Gaille kay Karl nang marinig nito at salitang "son".
"natutuwa ako na tinanggap niyo ang alok kong trabaho sa inyo and i am hoping na
sana everything will go back to normal." patuloy pa ni Mr. Buenaventura.
naguguluhan man ang dalawa sa mga sinabi ng Presidente ay hinayaan nalang nila ito.
nang makalabas sila sa office of the President at hinarap ni Gaille si Karl. "is it
just me, o nagkita na talaga tayo dati?" pangahas na tanong nito. "alam mo, yan din
gumugulo sa isip ko eh." tugon naman ni Karl. "Mr. Buenaventura and Ms. Quijano,
you are now needed in the conference room." saad ng sekretarya ng presidente.
pagpasok nila sa conference room ay wala namang ibang tao. nagulat nalang sila nang
marinig nila ang pag click ng door na para bang inilock ito. agad nilang sinubukang
buksan ito pero tama nga ang hinala nila na-ilock ang pinto. napalingon silang
pareho nang may marinig silang ingay. nakaproject ngayon sa screen ang isang eksena
ng hostage taking sa isang bus. nag-umpisang kumirot ang ulo ni Gaille at maging si
Karl ay napapahatak na sa kanyang buhok. after a while ay pareho na silang umiiyak
while seeing themselves in the screen.
"Be" ani Karl at napayakap na sa kanya si Gaille. "i'm sorry, it's my fault. i was
so weak." pagpapaumanhin ni Gaille. "hindi. ako dapat humingi ng tawad dahil sa
pagiging impulsive ko." pagpapaumanhin naman ni Karl. "i missed you." ani Gaille.
"i love you." sabi naman ni Karl. they hugged each other na para bang pambawi sa
mga panahong nawalay sila sa isa't isa. bumalik na ang alaala nila at mula ngayon
ay makakabalik na din sila sa piling ng isa't isa.
END

You might also like