Kabanata 2 El Fili

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Buod:

Pagkatapos ng usapin ng mga mayayaman at ni Simoun, bumaba si Simoun


patungo sa ilalim ng kubyerta. Masyadong masikip ang ilalim ng kubyerta
dahil sa mga iba’t ibang bagahe at pasaherong mahihirap. Inihiwalay ang
mga tao sa kubyerta kung saan ang mga mahihirap ay andoon sa ilalim na
masyadong masikip at punong-puno ng mga bagahe ng iba’t ibang tao. Ang
nandoon naman sa itaas ng kubyerta ay yung mga mayayamang tao kung
saan ay masyadong maluwag na walang kaano-anong pagpupunyagi.

Nakita ni Simoun ang mga binatang mag-aaral na tinitingala ng iilang


kapwang mag-aaral at tao. Sila ay sina – Basilio na isang mahusay na
estudyante na nag-aaral ng medisina, ang isa namang mag-aaral ay si
Isagani na isang makatang estudyante. Nakita niyang nag-uusapan sila ni
Kapitan Basilio at napunta ang pag-uusapan nila tungkol sa pagpapatayo
nila ng paaralang pag-aaral ng wikang Kastila.

Pagkatapos ng iilang oras ng pag-uusap nina Kapitan Basilio, Isagani at


Basilio, unti-unting lumayo si Kapitan Basilio sa kanilang harapan.
Lumapit naman si Simoun sa dalawang binata ngunit ang hindi inaasahang
pangyayari ang mapapaloob. Hinamon ni Isagani si Simoun tungkol sa
lalawigan ni Basilio, pag-iinom ng serbesa at ang itinutugon niya. Tumugon
naman si Isagani, “Kapag pinainit ang apoy; sa sandaling ang mumunting
ilog na watak-watak ay magkakasama sa kailalimang hinuhukay ng tao.”

I. Tauhan

 Simoun– ang mang-aalahas na napadako sa kasamahan ng mayayaman


sa itaas ng kubyerta
 Basilio– isang matalino at mahusay na manggagamot na itinitingala ng
marami at siya ay nag-aaral ng medisina; siya ay ang mag-aaral na
kasama ni Isagani sa ilalim ng kubyerta.
 Isagani-ang inampon na anak ni Padre Florentino na isang makatang
mag-aaral; siya ay ang kasintahan ni Paulita Gomez.
 Padre Florentino-siya ang kumupkop kay Isagani na sa gayon ay naging
pamangkin niya ngunit itinuturing sariling anak
 Kapitan Basilio-siya ay ang naaalinlangan sa pangarap ng dalawang
binata at siya ang nagtatanong ng iba’t ibang tanong tungkol sa
akademiyang isasagawa nila na akalý hindi matutuloy o hindi
magkakatotoo.

II. Suliranin Napapaloob sa Kabanata

Sa kubyerta, inihati ito sa dalawang kategorya ayon sa katayuan at ito ay


ang itaas ng kubyerta at ang ilalim ng kubyerta. Sa itaas ng kubyerta,
andoon ang mayayaman na mayroong kalayaan at sapat na ispasiyo. Sa
ilalim naman ng kubyerta ay naroroon ang mga mahihirap at ang iba’t
ibang bagahe ng lahat na sumasakay sa bapor. Humamak ang mga taong
naroroon sa itaas ang mga taong naroroon sa ibaba ng kubyerta dahil sila
raw ay mga Indio.

III. Isyung Panlipunan

 Diskriminasyon – Inilalagay ng mga taong naroroon sa itaas ng


kubyerta ang mga Indio sa ilalim ng kubyerta kung saan ay masyadong
masikip.
 Pagkakalimot ng importansya ng sariling wika-Hindi na namalayan
nina Basilio at Isagani na hindi na nila ibinibigay ang sariling wika na
wikang Filipino ng tugon dahil sa pagtatayo ng sarili nilang akademiya
na nagtuturo ng wikang Kastila.
 Kabilanin- Mas ibinibigay ng masariwang ispasiyo ang mga mayroong
maraming salapi kaysa sa mga nangangailangan.
Gintong Aral:
“Huwag sarili ang palaging iisipin, dahil hindi lahat ng pagkakataon ay
ikaw lagi ang may kinakailangan. Bigyan ng atensyon ang iba pang
nangangailangan dahil ang Diyos ang siyang huhusga sa kilos at galaw
mo sa buhya.”

You might also like