Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

LAGUNA NORTHWESTERN COLLEGE SAN LORENZO RUIZ

MONTESORRI CENTER

REAKSYON PAPEL SA
I'BAT IBANG
URI NG TEKSTO

IPINASA NI : JEANNE R.ULAT GRADE - 11 ST.CLAIRE

IPINASA KAY : JUDITH P.AGUSTIN


Panimula

Pagbasa at pagsusuri ng ibat ibang teksto tungo sa pananaliksik

Nagtataglay ng mga babasahin, mga Gawain, mga pagtataya, at mga pag


papahalaga ng iniangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang higit na
maging makabuluhan, napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at
mapanuring pag-iisip, at makapaghahanda sa mga mag-aaral sa mga pagsubok at
realidad ng totoong buhay.
Tekstong impormatibo/ekspositorina nag tataglay dito ng kaalaman tungkol sa isang
anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong ano, kailan,
saan, sino at paano. Pangunahing layunin nito ang magpaliwanag sa mga
mambabasa ng ano mang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Naglalahad
ito ng mga kuwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konsepto ng
nakabatay sa mga tunay na pangyayari, Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong
nagbibigay ng impormasyon sa pagkat na pauunlad nito ang iba pang kasanayang
pang wika gaya ng pagbabasa, pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye
at pagpapakahulugan ng impormasyon. Tekstong Deskriptibo: Makulay na
paglalarawan ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan,
sitwasyon at iba pa. Deskripsiyon: Ang tekstong Deskriptibo ay isang uri ng
paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na eksposisyon. Anguri ng
sulating ito ay nagpapaunlad ng kakayahan ng mag-aaral na bumuo at maglarawan
ng isang particular na karanasan. Nagbibigay din ang sulating ito ng pagkakataon na
mailabas ng mga mag-aaral ang masining napagpapahayag. Tekstong Persuweysib:
Paano kita mahihikayat Deskripsiyon: Ang tekstong persuweysib ay isanguri ng
dipiksiyon napagsulat upang kumbinsihin ang mga mambabasa na sumang-ayon sa
manunulat hinggil sa isang isyu. Tekstong Naratibo: Mahusay na Pagkukuwento
Tekstong Impormatibo

Ito ay nag bibigay ng ipormasyonng nakapagpapalawak ng kaalaman ay


nagbibigay liwanag sa mga paksang inilahas upang mapawi nang lubos ang
pagaalinlangan.
Paglalahad ng mga impormasyon o datos na nakatutulong sa nakakatulong sa
paglilinaw ng mga konsepto upang mapawi ang pagaagam agam tungkol sa isang
bagay.

Sa Facebook
Ni Lhemuel M. Belleza

Hindi naiba o bagosapandinig ng halos karamihan ang salita o aplikasyon na


kinahuhumalingan nangayon ng mga tao ang Facebook. Mapabata man, teenager, o
matanda, may trabaho pa yan o wala, hindi mawawala ang facebook sa cellphone na
lagi nilang dala-dala kung saan man sila mag tungo.

Ayon sa Wikipedi ang Tagalog, ang facebook ay nagsimula noong ika-apat na


Pebrero taong dalawang libo’t apat (2014), na nadiskubre at ipinakilala sa mundo
nina Mark Elliot Zuckerberg kasama ang kanyang mga kamag-aral na sina Dustin
Moskovitz, Eduardo Saverin, at Chris Hughes habang sila ay nag-aaral pa sa
Harvard University. Ang facebook ay dating para lamang sa mga estudyante ng
Harvard hanggang sa ipinakilala na din ito sa iba pang paaralan sa Boston hanggang
sa umabot halos karamihan ng unibersidad sa Canada, at ngayon ay lumaganap na
ito sa buong mundo. Hindi lang sa mga paaralan, kundi maging sa iba’t-ibang
institusyon, sa mga matataas na tao at sa mga karaniwang tao.

Ayon pa rito, ang facebook o “aklat ng mukha” ay libre ang pagsali. Isa itong social
networking website na pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc., na isang
pampublikong kompanya. Dito, maaaring madagdagan ang iyong friends, at mag-
message ka sa kanila, at mag-post tungkol sa sarili. Ang pangalan ng website ay
tumutukoy sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper facebooks), na
isinasalarawan ang mga kasapi nito.

Ang facebook ay isang aplikasyon kung saan maaari kang mag-post ng kung ano
man ang na sasabihin ng iyong puso at damdamin na mayroong #hugot. Ipakita sa
buong mundo ang litrato ng mukhana may #No Filter, #Challenge Accepted, #Selfie.
O di kaya ang picture ng buong barkada na may #friendship forever, #groufie, at
marami pang iba. Maaari pang i-share sa buong madlaang pangyayari sa buhay mo
gaya ng #Reunion, #Birthday, #Anniversary, #Heartbroken, #Just Anything, #walang
forever at kung ano-ano pang hashtag na maisip mo. At sa mga ganyang post mo,
maaari mo itong ipaalam sa lahat (literal nalahat) iyon. Maaari naming mga friends
mo lang ang makakita ng post mo, depende kung anong klase ng pribasya ang pinili
mo.

Facebook.Karamihan nga naman ng tao ay mayroon nang account dito. Kadalasan


kapag pumupunta ang mga bata sa computer shop ay kung hindi facebook ang
unang binibisita, ay games. At ginagawa na rin itong libangan ng tao, kasama ang
kanya-kanya nating #HASHTAG.

A. Sarili

Tunay na di mapipigilan ang pagbabago ng ating mundo. Kaalin sabay nito ay


patuloy din tayong binabago nito.Hindi natin mapag kakailang hinaplos nito ang
pang-araw-araw nitong pamumuhay.Masasabi ng isa sa mga may pinakamalaking
impak sa ating buhay ay ang
social media (sosyalmidya).Ginagamit natin ito upang magkaroon tayo ng
komunikasyon sa ating mga kaibigan, kamag-anak, at maging sa mga hind inatin
kakilala.Ilan sa mga nauusongsocial media sites ay ang Facebook, Twitter,
Instagram, at Tumblr. Nakatutulong ito sa atin, ngunit madami rin itong hindi
magandang epekto sa bawat isa.Bilang isang mag-aaral, alam naming isa ito sa mga
salik na nagiging dahilan ng pagiging wala sa pokus ng mga kamag-aral
naming.Maaaring maging adbantaje and social media bilang portal ng madaling
paraan ng pagpapasa ng mga reports, mensahe, at ideya.Ngunit maaari rin nitong
kainin ang ating oras sa mga hindi produktibo at hindi kapaki-pakinabang na bagay
sa puntong ito ay nais naming malaman kung nakatutulong ba o hindi ang social
media sa mga mag-aaral.

B. Pamilya
May mabuti at masamang maidudulot ang Social Media sa pamilya. Mabuti
Dahil sa Social Media magkakasundo kayo ng iyong pamilya kung sila ay marunong
rin sa paggami tnito. Ang masama naman Pwedeng mag away kayong Pamilya kase
ditto nyo nanaituon ang buong yong atensyon at hindi sa ibang bagay.

C. Komunidad
Ang social media para sa komunidad ay may maganda at hindi rin magandang
naiidudulot tulad ng napapanahon ngayon na dahil sa social media nag kakaron ng
fake news at kumakalat sa buong komunidad

D .Bansa

Maaring ang social media para mag karon ng komunikasyon at nag kakaroon din
ng isang pakipag kaibigan sa isang tao.

E. Daigdig

Nag kakaroon ng sapat na pagaaral ang bawat bansa at nag kakaroon ng


kaalaman na nag reresulta ng isang magandang kinalabasan.

Tekstong Deskriptibo

Ay isang uri ng paglalahad at naisasagawa sa pamamagitan ng mahusay na


eksposisyon. Ang uri ng sulatinng ito ay nagpapaunlad ng kayayahan ng mag-aaral
na bumuo at maglarwan ng isang particular na karanasan. Nagbibigay din ang
sulating ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang masining na
pagpapahayag.

Ang Ginto sa ating Kapaligiran

Ni

John Linarson Z. Napoles

May mga bagay na hindi natin napapansin na mahalaga saating pamumuhay at


sa pang araw-araw. Mga bagay na ating napagkukunan ng enerhiya, hangin, at
pagkain. Mga bagay na matatagpuan natin sa ating paligid na nagsisilbing ginto
saating mga tao. Kapag sinabing ginto, ang pumapasok sa ating isipan ay maaaring
ito ay mahiwaga, mahal, mabigat, at makinang. Ngunit hindi lahat ng ginto ay
makinang, mahal, at mabigat, ang ilan ay narito lamang sa ating kapaligiran.

Ang mga punong kahoy, na nagbibigay saatin ng napaka sarap na simoy ng


hangin, at bumubuo sa sangkap na kailangan sa paggawa ng ating mga tahanan.
Mga punong kahoy na may mga malalapad at matangkad, na nagbibigay saatin ng
iba’t-ibang kabuhayan at mapagkaki-kitaan.

Isa rin na nag sisilbing ginto sa ating buhay ay ang mga munting gulay na ating
kinakailangan sa pang araw-araw dahil ito ay nagbibigay saatin ng pagkain. Mga
gulay na masustansya, nangungulay berde, ang iba ay kulay lila, kulay dilaw, at kulay
pula. Mga gulay na bilog na bilog na parang hugis bola, mga gulay na walang kasing
sarap dahil ito ay walang katulad at natural ang pagtubo.

Ang isa rin na ginto na matatagpuan sa ating kapaligiran ay ang tubig na


malayang umaagos. Tubig na nagbibigay inumin kapag tayo ay nauuhaw, ang tubig
ay minsa’y malinaw na kasing linaw ng paningin natin at minsa’y kulay asul na nag
papahiwatig na ito ay malalim.

Ang mga ginto na ito ay napakaganda tingnan dahil sa magagandang


katangian nito, ang mga kulay berde na dahon, ang mga gulay na nagsisigandahan
ang kulay, at ang dagat na nagdadagdag kagandahan sa paligid.

At ang pinaka-magandang ginto sa ating kapaligiran ay ang ating nasisilayan


sa oras ng pagmulat ng ating mga mata, ang araw – na nagbibigay saatin ng
liwanag, ang araw na bilog na mas malaki pa sa ating planeta, araw na nagbibigay
saatin ng buhay at pag-asa sa araw-araw.

http://stemafilipino.blogspot.com/2016/11/ang-ginto-sa-ating-kapaligiran.html

A. Sarili
Marami naiitutulong sa atin ng kapaligiran tulad nalang ng magagandang
tanawin mga halaman at mga puno na nag bibigay buhay sa atin sila din yung nag
bibigay ng mga malilinis na hangin para tayo ay mabuhay.

B. Pamilya

Kapaligiran halimbawa narin dito ay ang tubig na nag tatanggal uhaw sa atin
at pantawid sa gutom.

C. Komunidad

Magandang kapaligiran sa komunidad kay nakaka tulong din sa mga


naninirahan dito. Kapag ang kapaligiran ay malinis ang mga tao sa isang komunidad
ay makakaiwas sa mga iba’t ibang sakit.
D. Bansa

Magandang kapaligiran sa isang bansa ay isa itong pinagmamalaki dahil pag


kilala ang bansa sa mayamang kapaligiran mapupuntahan ito ng mga taga ibang
bansa para mamasyal.

E. Daigdig

Ang isang maayos na kapaligiran ay nakakatulong para maisalba an gating


mundo. Lalo na sa napapanahon ngayon na uti unting nawawasak ang kapaligiran
dahil sa pag babaya ng mga tao dito.

Tekstong Persuweysib

Ay isang uri ng dipiksiyon na pagsulat upang kumbinsihin ang mga


mambabasa na sumang-ayon sa manunulat. Sa halip ay gumagamit ang manunulat
ang manunulat ng mga pagpapatunay mula sa mga siyentipikong pag-aaral at
pagsusuri.

Edukasyon: Susi ng Tagumpay

ni:

Rona Jean M. Diaz

Maraming kabataan ngayon ang tinatamad ng mag-aral, may iilan naman


nahinto dahil sa kahirapan at pinili na lang magtrabaho para may makain. Isa ito sa
problemang kinakaharap ng ating bansa. Dumarami ang out-of-school youth sa mga
lugar na hindi na abot ng tulong ng pamahalaan.
Isa ka ba sa mga kabataan na iyon? Kung oo, isapuso ang bawat mababasa
mo sa tekstong ito. Edukasyon ang susi sa tagumpay mo sa buhay, kung mananatili
ka lamang sa sitwasyon mo ngayon walang uusbong na pagbabago sa ating bansa.
Nahinto ka man sa pag-aaral, maraming ahensya ang gobyerno na nagbibigay ng
pagkakataon sa mga tulad mo na makapag-aral ulit.

Edukasyon ang tanging sandata mo para magtagumpay sa buhay. Hindi ka


matatapakan at yuyurakan ng iba dahil alam mo sa sarili mo na may pinag-aralan ka
at ginagamit mo ito sa tama. Alalahanin mo na pagnakatapos ka magiging masaya
ang mga magulang mo. Mabibigay mo sa kanila ang gusto mo at mapapasyal mo sila
sa magagandang lugar.

Pagnatapos mo ang kursong iyong kinuha magiging madali sa iyo na


makahanap ng trabaho. Makakaipon ka at mabili ang gusto mo. Makakapaglaan ka
ng pera para sa pagbuo mo ng sarili mong pamilya. Isang paalala sa iyo ang naging
karanasan mo noong bata ka pa, mas mabuting makapagtapos ng pag-aaral ang
magiging anak mo.

O ano? Nagising ko ba ang diwa mo? Mag-aral ka ulit kapwa ko kabataan,


hindi pa huli ang lahat. Magsikap ka at may tutulong sayo upang matupad mo ang
iyong mga pangarap sa buhay. Bangon kabataan, bangon para sa kinabukasan ng
ating bayan.

http://g11pietypangkatbpersweysib.blogspot.com/2017/02/edukasyon-susi-ng-
tagumpay.html
A. Sarili

Magmula pa noon hanggang sa kasalukuyan,sadyang napakahalaga ng


edukasyon lalong lalo na sa buhay ng isang kabataan.Sapagkat ito ang naghahatid
ng mga kapaki-pakinabang na kaalaman na makakatulong sa kanilang pang araw -
araw na pamumuhay.Ito din ang siyang nagtuturo ng mga gintong aral sa bawat isa
na siya tulay upang magkaroon ng mabuting asal at pag-uugali.Gayundin ang
edukasyon din ang siyang magsisilbing sandigan ng bawat kabataan upang
magkapaghanap ng magandang trabaho.Dahil sa panahon ngayon mas angat ang
may pinag-aralan lalong lalo na sa mga establishimento.Higitsa lahat,sadyang
napakahalaga ng edukasyon sapagkat ito ang siyang instrumento upang mabigyan
ng katuparan ang mga pangarap ng napakaraming kabataan.Ito ang siyang
magdadala sa bawat isa tungo sa isang maliwanag at maunlad na pamumuhay
sa hinaharap. Sa ating modernong panahon,sadyang napakaimportante ng
edukasyon sa ating buhay.kaya naman marapat lang na bigyan natin ito ng halaga at
huwag ipasawalang bahala .Imulat natin ang ating kaisipan sa mabubuting hatid nito
dahil ito ang magbibigay ng katuparan ang ating mga mithiin.

B. Pamilya

Kahalagahan ng may sapat na kaalaman para sa pamilya upang mag karoon ng


magandang samahan at upang maging tagumpay sa lahat ng pangarap ng pamilya.
Hindi hadlang ang pagigiging mahirap para hindi tayo makapag aral nandyan ang
ating pamilya na lagi nandyan para suportahan sa lahat ng mga pangangailangan
natin.
C. Komunidad

Sapat na kaalaman ang kailangan upang makatulong sa ibang tao, hindi


lang sa isang tao mamaring sa buong komunidad na rin. Di hamak na mangyari na
malaki maiitutulong mo komunidad kapag may sapat kang pinag aralan.

D. Bansa

Edukasyon maaring makatulong din sa asting bansa sa pamamagitan ng pag


natin gamit an gating talino, lakas at iba pa sa pamamagitan iyon mas makikilala ang
ating bansa sa pakikipag laban gamit ang talino.

E. Daigdig

Edukasyon para sa daigdig maaring makatulong ito dahil sa panibagong


teknolohiya. Magkaroon tayo ng panibagong imbensyon na maaring magamit ng
buong daigdig.

Tekstong Naratibo

Tumutukoy sa pagsasalaysay sa mga pangyayaring naganap; ito ay


naglalahad ng katotohanan o datos sa isang pangyayari na naghahanap na o
magaganap pa.
Pag-iibigan ng Prinsipe at Prinsesa

Ni.

JOSEPH JANSEN MEDIANA

Noong unang panahon may isang prinsesa na ubod ng ganda at may isang
prinsipe naman na naging kasintahan ng prinsesa. Naging masaya ang dalawa sa
kanilang pag-iibigan, ngunit may biglang humadlang sa kanilang pag-iibigan at ito ay
ang nag-iisang matandang mahikero sa kanilang kaharian. Nagbanta ang matanda
na kong hindi mapapasaka niya ang prinsesa ay papatayin niya lahat ng tao sa
kanilang kaharian. Walang nagawa ang hari kundi ibigay ang prinsessa .Pero hindi
pumayag ang prinsipe at nakipaglaban ito sa matanda. Nanalo naman ang prinsipe
at binalikan niya ang prinsesa ngunit nang pabalik na siya ay may biglang sumaksak
sa kanya sa likod at yun pala ang matanda na naghihingalo na. Biglang nahimatay
ang prinsipe at namatay naman ang matanda.Pinahanap ng prinsesa ang prinsipe
pero di na ito nakita pa. Ang prinsipe pala ay dinala ng isang babae sa kanilang
bahay na labas na sa pinaghaharian ng prinsesa kaya di nila nakita ang prinsipe.
Lungkot na lungkot ang prinsesa sa pagkawala ng kanyang minamahal na prinsipe.
Pagkaraan ng ilang araw ay namalayan na ang prinsipe at nakita niya na nasa bahay
pala siya ng isang babae. Nagpasalamat ang prinsipe sa babae at sabay rin na
umalis ang prinsipe pero hindi pumayag ang babae dahil natutunan na niyang
mahalin ang prinsipe, pero nagpaliwanag ang prinsipe kung bakit hindi siya pwede
magtagal at naintindihan naman ito ng babae at bumalik na ang prinsipe sa kanilang
kaharian. Nang makarating siya doon ay nakita niya ang prinsesa na ikinakasal sa
isang binata, pinigilan ng prinsipe ang kasal, pero hindi pumayag ang hari na itigil
ang kasal kaya inutusan ng hari ang kanyang mga tauhan napatayin ang prinsipe,
nakipaglaban ang prinsipe sa mga kawal ng hari pero masyadong madami ang mga
kawal at hindi ito nakaya ng prinsipe at biglang dumating ang isang hukbo ng kawal
na galing sa ibang kaharian at tinulungan ang prinsipe. Nakatakas naman ng ligtas
ang prinsipe at ang prinsesa, at dinala sila nang mga kawal sa kaharian ng Berbania,
ito pala ay pinamumunuan ng babae na nagpagaling sa sugat ng prinsipe,sinubukan
lang pala ng babae ang pagmamahal nang prinsipe sa prinsesa at napatunayan niya
naman ito. Binigyan ng babae ang magkasintahan ng isang lupa at bahay para doon
sila tumira at namuhay sila nang maligaya. Ang magkasintahan ay nanganak ng
isang lalaki hindi alam nang lalaki kung ano ang istorya nang kanyang mga magulang
at namuhay siya nang tahimik haggang sa ipatawag siya nang reyna nang kanilang
tinitirhan na bayan, hindi niya alam na gagawin pala siyang isang magiting na
mandirigma ng kanilang kaharian ng magkaroon ng digmaan sa kabilang kaharian na
pinanggalingan ng prinsessa noon, ay sumali dito ang lalaki, pinasali siya nang reyna
sa susulong na hukbo para sakupin ang kaharian ng Entaryuio (kaharian ng
prinsessa noon) naging madugo ang labanan pero sa kasamaang palad hindi sapat
ang mga hukbo na ipinasugod ng kaharian ng Berbanya sa kaharian ng Entaryuio at
ang lalaki lang at iilang kasamahan ang nakaligtas. Kahit talo na sila ay di parin sila
sumuko at nagbantay pa rin sila sa kaharian ng Entaryuio, naglakad-lakad ang lalaki
nang makita nito ang napakagandang babae na tumitingin sa langit nang hindi
nagiisip niligawan niya ang babae at dahil gwapo rin at mabait ang lalaki pumayag
ang babae na hindi alam kong taga saan ang lalaki nagsama ang dalawa ng
malaman ng hari ng Entaryuio na may mga spy pala sa kanilang kaharian ay
nagpadala siya ng mga kawal para hanapin ito, nalaman naman kaagad ito ng lalaki
at pinauwi niya ang iilan sa kanyang mga kasamahan para sabihin sa reyna ang mga
nalaman nila at ang iba ay nagpaiwan para lituin ang mga kawal, marami sa
kasamahan ng lalaki ang napatay at ang iba ay nakaligtas ang lalaki ay nagpaala
muna bago ito umalis pero nakita siya ng mga kawal ng hari at hinuli siya pero
naglaban ang lalaki at nakapagtago ito sa dilim pagkakinabukasan ay nagpadala ang
reyna nang 10,000 na kawal para sakupin ang kaharian ng hari tumagal ang laban ng
iilang araw at maliit nalang ang pag-asa ng hari na manalo dahil masyadong marami
ang kawal ng reyna compara sa hari , natalo ang hari . Akala ng hari na sisirain nila
ang boung kaharian pero nagkamali siya ibinigay ng reyna ang truno ng hari sa lalaki
na, hindi nakapaniwala ang lalaki at ang hari sabay tanong naman nito kung bakit
niya ibinigay sa lalaki ang trono sinagot naman ito ng reyna na ang lalaki ay ang anak
ng hari na naglayas, laking tuwa ng hari nang malaman ito nabuhay pa pala ang
kanyang apo. At nabuhay ang lalaki bilang hari at ang kanyang kasintahan bilang
reyna sa kaharian ng Berbanya, at nabuhay sila nang matiwasay at maligaya.
Pagkaraan ng ilang taon ay namatay na ang lalaki at pinalitan siya nang anak, may
mga kaharian na gustong sakupin ang Berbanya pero di sila nanalo.

Referecne:2008_PagiibiganNgPrinsipeAtPrinsesahttp://www.maybenow.com/Keywor
ds/narativ-k781006p1

A. Sarili

Naiidulot ng pag mamahalan sa sarili ay yung nag kakaroon ka ng inspirasyon


sa anuman ang iyong nais makamit o gawin.

B. Pamilya

Pag mamahalan sa isang pamilya upang maging buo at maging Masaya.

C. Komunidad

Pag mamahal sa komunidad pagkakaroon ng maayos at masaganang


kapaligiran at pagkakaroon din ng masayang paligid pag may nabubuong pag
mamahalan ang isang kumunidad.

D. Bansa

Mahalaga ang pagmamahal sa bayan ng bawat mamamayan na nakatira


dito dahil dito tayo ipinanganak at dito na rin tayo lumaki. Kung hindi natin magawang
mahalin ang ating sariling bayan ay mas lalong hindi rin ito kayang gawin ng mga
taga ibang bansa. Maraming paraan para maipakita natin ang pagmamahal natin sa
bayan tulad ng pagtangkilik sa mga produktong sariling atin at ang pagmamalaki ng
ating bayan sa buong mundo. HIndi dapat natin ikahiya ang ating bayan bagkus ito'y
ating tulungan pa at lubos na mahalin upang ang ating bayan ay umunlad.
E. Daigdig

Pag mamahal sa daigdig nakakatulong ito para mapangalagaan an gating


mundo.

Tekstong Argumentatibo

Nag lalahad ng mga opisisyong umiiral na kaugnay ng mga proposisyon na


nangangailangan pagtalunan o pagpapaliwanag.

KASALANAN

ni.

SAZON, WAYNE FRANCIS

Ang usapin ukol sa Death Penalty o Parusang Kamatayan ay hindi na bago para
sa ating mga Pilipino. Dati na itong pinapairal sa ating bansa mula pa noong panahon
ng mga Kastila. Pagdating naman sa mga Pilipinong naging presidente ng bansa, sa
panahon ni Ferdinand Marcos naging popular ang parusang ito. Sa pagpalit ng
administrasyon, sinuspindi ito ni Corazon Aquino, mula 1987 hanggang 1999.
Pagdating sa pamumuno ni Fidel Ramos, muling nanumbalik ang parusang
kamatayan sa bansa bago muling itigil noong 2006 sa pamumuno ni Gloria Arroyo.
Naging papalit-palit ang pagpasa at pagbasura sa kaparusahang ito dahil sa mga
isyu ukol sa relihiyon, karapatang pantao, at mga di-inaasahang nangyari, sa loob ng
bilibid at sa lipunan, noong pinapairal pa ito.Ang mga pangulo ng Pilipinas ay may
paiba-ibang paniniwala at kinakampihan pagdating sa usaping ito. Sa kasalukuyan,
supurtado at nais ibalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang parusang kamatayan
bilang suporta sa kanyang adbokasiya laban sa krimen at droga ngunit maraming
Pilipino ang hindi sang-ayon sa pagpapanumbalik sa marahas na hustisyang ito.

Isa sa pangunahing rason kung bakit ibinasura ang parusang kamatayan ay dahil
sa relihiyon. Bilang isang bansang may higit sa 80% Katoliko, mahalaga at
binibigyang pansin at respeto ang buhay ng bawat nilalang sa mundo. Isa pang rason
sa pagbasura nito ay ang karapatang pantao na nalalabag dahil sa batas na ito.
Sinasabi ng mga nauna at kasalukuyang pangulo na mataas ang lebel ng krimen sa
bansa noong hindi na pinapatupad ang parusang kamatayan. Sinasabi nilang
nawawalan na ng takot ang mga masasamang loob na gumawa ng krimen dahil sa
mababaw na kaparusahan para dito. Iniisip nilang ang pagbabalik ng parusang
kamatayan ang sagot sa kanilang problema sa krimen. Ngunit hindi lahat ng
problema ay nadadaan sa dahas kung minsan ay lalo pa lamang nitong napapalala
ang sitwasyon. Ang pag-iisip ng solusyon sa ganitong klase ng problema ay dapat sa
ugat nito hindi kung kalian natapos na ang krimen ay doon pa lamang kikilos.

Ako, kasama na ang karamihan ng mga Pilipino, ay tumututol sa planong


pagpapanunumbalik ng parusang kamatayan. Ang parusang ito ay sumasalamin sa
masamang kinahinatnan ng mga tao sa mundo ngayon. Naiiba na ang kanilang
paniniwala sa sarili nila.Ang batas na ito ay hindi makatutulong sa problema ng mga
tao sa kasalukuyan, maaari lamang itong magdagdag ng komplikasyon sa proseso
ng pagkamit ng hustisya. Isang halimbawa na lamang nito ay ang kaso ni Marcial
“Baby” Ama na nahatulan ng kamatayan gamit ang silya-elektrika noong 1961. Si
Ama ay 16 na taong gulang pa lamang nang bitayin dahil sa pagsaksak sa isang
lalaki sa isang kaguluhan. Sa mata ninuman, hindi tama ang ginawa ni Ama, pero
tama bang pumatay ng isang menor de edad para sa hustisya?

Ang pagsisintensiya ng kamatayan ay isang desisyong hindi nakaatang sa kamay


ninuman. Nasa Diyos lamang ang pagpapasya sa magiging kahihinatnan ng tao. Ang
isang maling pagdedesisyon ay kapalit ng buhay ng isang tao na kailanman ay hindi
na maibabalik. Isang halimbawa nito ay ang nangyari kay Eduardo Agbayani na
ginahasa ang kanyang tatlong anak na babae. Sa araw ng pagbitay sa kanya ay
sinabi ng tatlong biktima na handa nilang patawarin ang kanilang ama at ipatigil ang
pagbitay. Agad itong itinawag ng pangulo noong si Joseph Estrada noong 3:12 ng
hapon ngunit hindi na umabot ang kanyang balita dahil nabitay na ang akusado sa
ganap na 3:11 ng hapon. Hindi kailanman magiging katanggap-tanggap ang ginawa
ni Eduardo. Dapat lamang na harapin niya ang kanyang mga kasalanan at
pagsisihan ang mga ito lalo na’t handang magpatawad ang kanyang mga biktima.
Ngunit, dahilan na lamang sa batas na ito, nawalan na siya ng pagkakataong
magawa ang mga ito. Hindi na maibabalik ang mga nakalipas na segundong lumipas.

Ang parusang kamatayan ay hindi naiiba sa krimen na ginagawa ng mga


masasamang loob ngayon. Hindi ito nalalayo sa paraan na pareho itong nagdudulot
ng matinding kapahamakan at kasalanan, hindi lamang sa taong naaagrabyado,
kundi pati na rin sa Diyos. Bilang isang bansang binubuo ng mahigit tatlong-kapat na
Kristiyano, kinikilala natin ang mga utos at turo ng ating Bibliya. Ang ikalima sa
“Sampung Utos ng DIyos” ay ang huwag kang pumatay nang kapwa mo tao. Sa
pagpanig natin sa parusang kamatayan, tayo ay sumusuway sa isa sa
pinakamahalagang utos ng Diyos para sa atin. Sa paglabag sa kautusang ito, hindi
ba’t nagiging katulad na rin natin sila? Ano ang kinaiba nila sa atin?

Sa kasalukuyan, pinaniniwalaan ng Pangulong Duterte na para sa ikabubuti ng


bansa ang muling pagbabalik ng parusang kamatayan. Inaasahan niyang
mapapababa nito ang lebel ng krimen sa bansa, mababawasan ang laman ng
mga congested na mga kulungan, at maibibigay ang hustiya para sa mga
biktima.Matatawag bang tagumpay ang isang panukalang pambansa kung pinapairal
ito gamit ang takot? Makokonsidera bang tamang rason ang dami ng mga tao sa
kulungan para isa-isahin sila upang lumuwag? Mahirap ang proseso ng hustisya,
pero kailan nga ba masasabing nakamit na ang hustisya?Hustisya ba ang
maitatawag sa paglabag sa kautusan ng Diyos para lamang makaganti sa ibang tao?
Mapapagaan ba ang kalooban ng biktima kung makikita niyang wala ng buhay ang
gumawa sa kanya ng masama?

Sa lahat ng mga bansang demokrasya sa mundo, ang Pilipinas ay ang pangalawa


sa may pinakamataas na bilang ng nasa death row noon. Sa muling pasusulong ng
parusang kamatayan sa Pilipinas, unti-unti muling lalaganap ang maling pag-iisip
ukol sa hustisya.Ang buhay ng tao ay isang sagradong biyaya mula sa Diyos. Wala
sa ating mga kamay ang pagdedesisyon para sa magiging katapusan nito. Binibigyan
ng batas na ito ang tao ng kapangyarihan na hindi kailanman ibinigay sa atin ng
Panginoon. Sa paghahangad ng hustisya, hindi kinakailangang gumawa ng
karagdagang kasalanan. Hindi dapat tumbasan ng kasalanan ang isa pang
kasalanan. Ang akdang ito ay sumasalamin sa pagtutol ko sa muling pagbabalik ng
parusang kamatayan sa aking bansa. Mag-uumpisang mawalan ng saysay ang
buhay kung magiging pipi tayo tungkol sa mga bagay na mahalaga.

https://sites.google.com/site/2017changeiscomingduterte/mga-akda/tekstong-
argumentatibo

A. Sarili

Napakahalaga ng kamalayang karapatang pantao sapagkat ito ay


nagsisilbing unang panangggalang sa anumang katiwalian at paglabag sa
karapatang pantao. Kung ang bawat isa may ay sapat na kamalayan sa karapatang
pantao, hindi magiging madali sa mga ibang tao na labagin ang karapatan na
naisasaad sa Article III ng 1987 Philippine Constitution at sa Universal Declaration of
Human Rights ng United Nations. Masusugpo ang anumang katiwalian sa
karapatang pantao kung mayroong sapat na kamalayan sa mga karapatang pantao.

B. Pamilya

Inilalarawan ng Alintuntunin ang “katayuan ng pamilya” bilang “pagiging nasa


isang relasyon ng magulang at bata.”Ito’y maaari rin nangangahulugang isang “uri"
ng relasyon ng magulang at bata, na maaaring hindi batay sa dugo o pag-ampon,
pero batay sa pangangalaga, pananagutan, at pangako. Ang ilan sa mga halimbawa
ay ang pangangalaga ng mga magulang sa mga bata (sa pamamagitan ng pag-
ampon, anak-anakan, at amain/inahin), pangangalaga ng mga tao para sa mga
tumatandang magulang o mga kamag-anak na may mga kapansanan, at mga
pamilya na pinamumunuan ng lesbian, bakla, bisexual o transgendered na mga tao.

C. Komunidad

Malaki ang papel na ginagampanan ng mga kasapi o mgamiyembro dahil


sila mismo ang bumubuo ng komunidad. Ang totoo, hindi nabuo ang komunidad
kundidahil sa mga kasapi. At sila rin angmagpapatakbo nito sa anumang
programang ipatutupad nila sa ikabubuti ng lahat. Ang mga usaping babangon sa
bawat indibidualat pamilya ay tintugunan ng mga kasapi ng komunidad. Kaya sa
paglipas ng panahon, nagigingpamilyar ang mga ito sa ibat-ibang isyu o suliraning
sagabal sa pag-unlad. Ang mga kasapi rin ang may kapangyarihang magluklok ng
isangpinuno, bigyan ito ng antas ng kapangyarihan at magpataw ng kaukulangan

pananagutan sa anumang pang-aabuso at karapatang pantao. Sila rin ang may


kakayahang pababain otanggalan ng kapangyarihan o pribilihyo ang isang pinuno.

D. Bansa

Ang pag-alam ng karapatang pantao ay hindi lang para sa ibang tao, para
rin ito sa sarili. Dapat malaman ng tao ang mga karapatan na dapat nilang
mapakinabangan. Magiging tunay na makabuluhan ang karapatang pantao kapag ito
ay kinilala na ng lahat ng mga tao, kung binigyang kahalagahan ito at nirerespeto.
Ang kilos ko ay nakadepende sa mismong paglabag na aking masaksihan at kung
kanino ito nagawa. Gagawin ko ang makakaya ko sa loob ng aking kakayahan
ngunit hindi rin ako mag-aatubili na maghanap ng tulong kung hindi ko kayang gawin
mag-isa.
E. Daigdig

Sapagkat ang pagkilala sa katutubong karangalan at sa pantay at di-


maikakait na mga karapatan ng lahat ng nabibilang sa angkan ng tao ay siyang
saligan ng kalayaan, katarungan at kapayapaan sa daigdig. Sapagkat ang
pagwawalang-bahala at paglalapastangan sa mga karapatan ng tao ay nagbunga ng
mga gawang di-makatao na humamak sa budhi ng sangkatauhan, at ang pagdatal ng
isang daigdig na ang mga tao ay magtatamasa ng kalayaan sa pagsasalita at ng
kaligtasan sa pangamba at pagdaralita ay ipinahayag na pinakamataas na mithiin ng
mga karaniwang tao.

Tekstong Prosidyural

Ay kahalintulad ng isang manwal. Naglalaman ito ng mga hakbang na


kailangan sundin upang makamit ang ninanais na resulta. Ito ay isang maliit na aklat
na makakatulong sa mga nangangailangan ng gabay upang maisagawa ang isang
bagay.

Paano makalimot?

Ni

JAEANNETABILE

Sa lahat ng ginagawa natin sa pang araw araw ay parang isang lutong


ulam, ihahanda mo ang mga rekado, mga kagamitang na gagamitin, mga proseso o
mga hakbang upang matapos mo ang isang producto. Katulad sa buhay ng isang tao
may proseso kung paano tayo ginawa ng ama, paano tayo pinanganak, paano tayo
pumasok sa paaralan, paano tayo maligo, paano tayo kumain, paano tayo
magpamahal, paano tayo masaktan at higit sa lahat paano tayo magmove on? Lahat
ng mga yan may proseso, may mga sangkap, may kagamitan upang patuloy mo
siyang makalimutan. Patuloy mawala ang mga alala niyong magkasama. O sa
madaling salita mawala na siya sa buhay mo.

Ang pinakamahirap gawing sa buhay ng isang tao ay kalimutan ang taong


minahal mo, pinahalagahan mo, pinagkatiwalaan mo, binigay mo ang lahat
makunteto lang sya siyo. Kasama sa ilang taon at gumagawa kayo ng masasayang
bagay, bumubuo ng bagong memorya, nangakong walang iwanan at habang buhay
magsasama. Paano bang mabuhay ng wala siya? Paano bang maging independe sa
pagmamahal mo sakanya, kung gaano ko sya kamahal, ganun din kahirap kung
paano ko sya makakalimutan. Sa bawat lungkot na dati’y saya na hinawi na kasabay
ng hanggin. Sinubukan ko na ang lahat ng paraan para makalimutan sya. Ang hirap
pala talaga kapag wala na siya siyo. Yung may kulang sa bawat araw mo. Yung may
hinanap hanap ka. Ano ba ang kailangan kong gawin makalimutan lang sya.

Kaytagal na pala, anim na buwan na ang nakakaraan, di ko parin sya


makalimutan, ginawa ko na ang lahat, di pa ba sapat mga yun.

Linibot ko na ang lahat. Naghanap ako sa internet, magazine at iba pa. Ngunit
wala talaga! Pero sa isang telebisyon ko lang pala makikita ang sagot sa kalahating
buwan na sakit sa puso ko, yung kirot sa pakiramdam ko, at yung lito sa isip ko. Ang
apat na mga hakbang para makalimutan sya. Ang dalawang sangkap na kaylangan,
ang puso at isip ko. Ang kagamitan na namumukud tanging sarili ko lang pala. Ako
lang pala kamamasagot sa mga tanong kung paano ko makakalimutan ang taong
nagpahirap sakin ng sobra, makalimutan lang siya.

Tatawagin natin itong oplan makalimutan sya.Una, ihanda mo ang puso at isip
mo bilang mga sangkap.Ang sarili mo bilang kagamitan. Ingatan mo ang mga ito
upang maging maayos ang ating plano. Isipin mo para sa iyo rin ang mga ito.
Pangalawa, alamin mo ang mga hakbang upang makalimutan sya. Pangatlo, gawin
nyo na nga mga ito.
Gawin mo ang unang hakbang, Acceptance lang pala. Ibaon mo sa puso’t
isipan ang pagtanggap na wala na sya. Tanggapin mo na tapos na ang lahat. Isipin
mo na dahil sa kanya di ka totoong naging masaya. Di ka bitter kapag ganun ginawa
mo, kundi inisip mo lang ang ikabubuti mo. Mahal mo sya pero kaylangang mong
tanggapin na hanggang dun lang yun. Mahal mo sya pero wala na. Pangalawa,
Forget. Kalimutan mo na sya, katulad ng paglimot niya siyo. Isipin mo ang lahat ng
bagay sa positibong paraan tulad ng: iniwan ka nga kasi may taong mas karapat
dapat para saiyo. May nagmamahal pa sayo na di nya katulad. Dapat mo syang
kalimutan kasi ang pangit nya. Lahat ng bagay na nagpapaalala sa kaniya, simula sa
mga litratong magkasama kayo, sa mga konbersasyong nabuo niyo nung masaya pa
kayo, at higit sa lahat yung numero nya, kahit pa ito’y kabisdo mo pa.Pangatlo,
Change. Magbago ka para sa sarili mo, magbago ka hindi para sa kanila. Tandaan
mo, sa huli ang taong mapapagkatiwalaan mo ay ang sarili mo lang, wala nang iba.
Magbago ka kasi mahal mo yung sarili mo at mahal mo ang mga taong nakapaligid
sayo at nagaalala na bakit malungkot ka. Magbago ka para makalimutan
sya.Magbago ka kasi mahal mo sarili mo. Magbago ka kasi wala ng pakakataon
mabalik sya sayo.Pang-apat, Walk Away.Magsimula kang muli, maging masaya,
ienjoy mo ang bawat araw mo. Bumuo ka ng panibagong journey, mag isa ka? Ok
lang yun, subalit mas masaya kapag kasama mo ang mga taong sumusuporta sayo.
Maglakad ka patungo sa kasiyahan mo. Maglakad ka hanggang sa walang hanggan.

Ang mga hakbang na ito ay tungo sa paglimot mo sa kanya at para sa


ikakabuti mo. Sige lang, ipagpatuloy mo tungo sa ikakaganda ng buhay mo. Hindi
lang sya ang nagmamahal siyo. Madami sila. Huwag mong ipagsiksikan yung sarili
mo. Sa taong di mo deserve. Maging masaya ka, okay na yun. Susuportahan kita.

Ihandanda mo ng maigi ang sarili, puso at isipan mo. Gawin mo ang lahat
lahat para maging success at maayos ang plano natin. Ayos lang masugatan ang
puso mo dahil tama ang desisyon ng isip mo. Subukan mo lang, hindi masamang
subukan, wala namang mawawala sayo eh.

https://jaeannetabileblog.wordpress.com/2017/03/11/tekstong-prosidyural-paano-
makalimot/
A. Sarili

Binubuo ang pagpapahalaga sa sarili ng mga paniniwala (halimbawa na ang


pagsasabi ng "Mabisa ako", "Magaling ako", "Ako ay mahusay" o "Ako ay nararapat")

B. Pamilya

Pamilya ay mahalaga sapagkat dito nag uumpisa at dito hinuhubog ang isang
pagkatao ng bawat isa. Ito ang sandigan ng bawat isa sa twing may problema at dito
rin humuhugot ng lakas ng loob ang bawat isa kapag may dumadating na problema.

C. Komunidad

Ang katagang pamayanan o komunidad ay may dalawang magkaibang mga


kahulugan. Ito ay maaaring isang pangkat ng nag-uugnayang mga tao, na
nabubuhay na magkakalapit, na ang kalapitan ay ayon sa puwang, oras, o ugnayan.
Ang pamayanan ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit na panlipunan o
pakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang tahanan, mag-anak, o pamamahay
(kabahayan) na may pinasasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may
matibay na pagsasamahang panlipunan (kohesyong panlipunan).

D. Bansa

Marami kang maaring gawin sa sarili mo at sa mundo mo hindi mo kailangan


ikulong ang sarili mo sa iisang lugar lang.

E. Daigdig

Ang planetang daigdig ang nagsisilbing tirahan ng mga bagay-bagay, may


buhay man o wala. Nagbibigay rin ito ng kinakailangan ng mga tao o hayop ng
kanilang mga kailangan.

You might also like