Filipinolohiya Final Paper

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pag-uugnay ng Filipinolohiya sa Kahalagahan at Gampanin ng

Inhinyeriyang Pang-industriyal sa Lohistika

I. Introduksiyon

Ang inhinyeriya ay maituturing na paglalapat ng disiplina mula sa agham at

sipnayan na naglalayong matugunan ang mga pangangailangan ng sangkatauhan sa

iba’t ibang aspeto. Proseso ang pundasyon na inilalapat ng mga inhinyero upang

maisagawa ang layuning mapabuti ang buhay ng sangkatauhan. Nagmula ang

inhinyeriya sa salitang Kastila na “ingeniera”, mas nabigyang lalim ang kahulugan nito

sa paglipas ng maraming panahon. Ang inhinyeriya, sa panahon ngayon ay mayroong

malawak na sangay ng larangan, ang ilan sa mga ito ay: Inhinyeriyang Sibil,

Inhinyeriyang Mekanikal, Inhinyeriyang Industriyal, Inhinyeriyang Agrikultural,

Inhinyeriyang Elektrikal, Inhinyeriyang Pang-Marina, at marami pang iba. Ang bawat isa

sa mga larangang ito ay mayroong angkop at natatanging kahalagahan na tumutugon

sa kani-kaniyang layuning pagpapabuti sa buhay ng sangkatauhan at ng daigdig.

Sa pag-aaral na ito, mas bibigyang pansin ng mga mananaliksik ang larangan ng

Inhinyeriyang Industriyal. Ayon kay Medina (2014), ang Inhinyeriyang Industriyal ay

sangay ng inhinyeriya na nagpapakadalubhasa sa aspeto ng integrasyon ng kaalaman

sa karunungang panlipunan, sipnayan, at pang-inhinyero upang mapag-aralan at

mapabuti ang isang proseso o sistema. May malawak na saklaw ang inhinyeriyang

industriyal. Maaaring makilala ito bilang inhinyeriyang sistema, inhinyeriyang

pagmamanupaktura, inhinyeriyang pangkaligtasan at ergonomika. Bilang paglilinaw,


nakatuon ang malawakang saklaw ng inhinyeriyang industriyal sa walang mintis na

pagpapatakbo ng isang sistema o proseso; itinuturing itong sandigan ng lahat ng

larangan sa trabahong pang-industriya.

Ang lohistika ang pagkakaayos ng proseso sa isang sistema upang maisagawa

ang paglilipat ng mga daladalahin sa pinaka-mahusay na paraan na walang nasasayang

na kagamitan, oras, at enerhiya. Malawak ang sakop ng lohistika sa industriya, ito ay sa

kadahilanang ang mga impormasyon o material ay hindi nananatili sa isang lugar,

bagkus ay umiikot pa sa iba’t ibang sector sa industriya. Ito rin ay madalas na

naihahalintulad sa Supply Chain Management o Pangangasiwa sa Daloy ng Produkto

at Serbisyo dahil sa parehas na layunin nito na maghatid ng mga kagamitan. Subalit

nagkakaiba ang dalawa sa lawak ng sakop nito.

Kabilang sa lohistika ang pagsasama-sama ng impormasyon, transportasyon,

imbentaryo, paglalagay sa bahay-imbakan, paghawak ng mga materyal, paghahatid ng

impormasyon, at serbisyo na umaayon sa pangangailangan ng mga parokyano. Unang

ginamit ang lohistika ng mga militar buhat ng pangangailangang mapunan ang kanilang

mga sarili ng kagamitang pang-armas tulad ng amunisasyon. Kabilang pa rito ang

pagpapadala ng rasyon sa kanilang nililipatan na himpilan. Sa pagkakaugnay nito sa

paggamit ng panahon, itinuring ito na sistemang pan-tao sa halip na sistemang

materyal.

Ayon kay Apigo (2002), ang filipinolohiya ay ang disiplina ng karunungan na

nakasalig sa maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan at ugnayan ng wika,

panitikan, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon, at iba pang batis ng

karunungang Pilipino. Bilang pagpapatibay, marapat lamang na maisapraktika ang


wikang Pilipino at maging ang mga pilosopiya’t kaisipang Pilipino sa iba’t ibang disiplina

at larangan. Dahil sinasaklawan ng Inhinyeriyang Industriyal ang ugnayan ng wika,

lipunan at komunikasyon buhat ng isang proseso tulad ng lohistika, layuning ilathala ng

mga mananaliksik ang kahalagahan at gampanin nito sa larangan ng lohistika habang

iniuugnay ang filipinolohiya.

II. Balangkas

Ang Filipinolohiya, bilang pang-akademikong programa, ay sinasaklaw ang wika,

panitikan, at kultura. Kasabay ng pag-unlad ng edukasyon ay siya ring pagyabong ng

Filipinolohiya. Ayon sa ABF Kurikulum (2002), mayroong malaking ambag ang kursong

Batsilyer ng Sining sa Filipinolohiya sapagkat pinupunan nito ang pangangailangan ng

Sistema ng edukasyon ng bansa ayon sa mga sumusunod: (1) pagpapataas ng

pagkilala at pagpapahalaga sa pagka-Pilipino; (2) pakikisangkot sa pagtatatag ng isang

lipunang makabansa, maunlad, makatao, at maka-Diyos sa panahon ng sibilisasyong

cyberspace; at (3) pagkakamit ng karunungan sa dalawang wika—Filipino at Ingles.

Ang Inhinyeriyang Industriyal ay sumasaklaw rin sa wika at kultura, sapagkat

importante ito sa larangan ng lohistika, na siya namang tumatalakay sa paggalaw ng

mga materyal at serbisyo. Sa pamamagitan ng Inhinyeriyang Industriyal, mas

napadadali nito ang komplikadong proseso ng lohistika.

Mayroong mga pantayong pananaw ang isang mamamayang Pilipino na

lumalangkap sa iba’t ibang uri ng kultura sa paggawa. Lumalabas ang natural na

diskarte ng mga Pilipino pagdating sa mga gawain sa loob ng industriya. Ang mga
inhinyerong pang-industriiyal sa Pilipinas ay nakaka-debisa ng epektibo’t mahusay na

plano upang mas mapadali ang mga kumplikado’t malwak na sistema o proseso—tulad

na lang ng lohistika, sistema ng paggawa, at ergonomika. Nakikilala ang dinebisang

sistema ng isang Pilipinong inhinyerong pang-industriyal sapagkat malawak ang

sinasakupan ng sistemang ito. Isa pang matibay na ebidensiya ay ang paghanga ng

mga dayuhang kompanya sa larangan ng inhinyeriya dito sa Pilipinas. Sa madaling

salita, maraming dayuhang kompanya ang nagnanais na tumanggap ng mga

manggagawa at inhinyerong Pilipino. Sa kadahilanang umaabot ng tawid-dagat na layo

ang mga manggagawa at inhinyerong pang-industriyal na Pilipino, naiaangat nito ang

pagpapahalaga at pagkilala sa pagka-Pilipino sa mga paraang nabanggit. Bilang

paghihinuha, napagtitibay ng Filipinolihiya ang kahalagahan at gampanin ng

Inhinyeriyang Industriyal sa larangan ng lohistika.

Ang Inhinyeriyang Industriyal sa Pilipinas ay kinikilala at tintangkilik maging sa

ibang bansa, sapagkat napakahusay at epektibo ng mga planong nadidebisa ng mga

inhinyerong pang-idustriyal sa Pilipinas. Masasalamin dito ang layunin ng filipinolohiya

na makapagtaguyod ng lipunang makabansa dahil sa

III. Konklusyon

IV. Sanggunian
V. Glosaryo

You might also like