Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

MGA TALULOT NA DUGO

Kabanata 2
(Nobela mula sa Kenya)
Salin ni Roemeo G. Dizon ng “Petals of blood” ni Ngugi Wa Thiong’o

Filipino Iskrip
Shadow Puppet

Brennan Damogo
Krysten Marcelo
Myvee Navarro
Marie Espejo
Christine Sta. Cruz
Jeric Santiago
Fariza Uy
Jethro Marquez
Miguel Jamob
Ronan Angluben
Eunji Lee
Allyson Cachola

10 Quantum Physicists
I. ANG PAGDATING NI MURINA

TAGAPAGSALAYSAY: Ngunit lahat ng iyon ay nangyari labindalawang taon pagkaraan, isang


manipis na ulap ng alikabok ang kabuntot niya, dumating si Godfrey Munira sa probinsiya ng
Ilmorog sakay ng isang kabayong bakal patungo sa pintuan ng malumot at may dalawang
kwartong bahay sa dating bakuran ng isang paaralan.

TAGAPAGSALAYSAY: Humakbang siya patungo sa pinto at sinubukan ang seradura habang


itinutulak ito ng kanyang balikat. Lumagpak siya sa isang silid na puno ng patay na mga
gagamba at mga pakpak ng mga langaw ay nasa mga agiw sa lahat ng mga pader hanggang sa
media agua.

TAGAPAGSALAYSAY: Hindi kawasang naging usap-usapan ng bayan ang pagdating ng guro. Ika-
nila’y hindi raw magtatagal si Munira tulad ng ibang guro roon. wala na raw na magtitiyaga na
mga bagong salta sa lugar ng Ilmorog bukod kay Abdulla at Nyakinyua. Ang mga mag-aaral ay
mas pinipili pa ang pagpapastol upang sundan ang kanilang mga ama kung kaya’t hindi sila
nakapagtatapos ng pag-aaral.

TAGAPAGSALAYSAY: Sa kabila ng lahat ng ito ay nanatili pa rin si Munira doon. Kinagabihan,


bilang pagbati kay Munira sa kanilang lugar, dumumi ng gabundok ang isang matandang babae
malapit sa paaralan at sa akasya kung saan nagtuturo si Munira. Kinaumagahan, Nakita ng mga
bata ang duming hindi pa gaanong tuyo at patakbong bumalik sa kanilang mga guro at
isinalaysay ang nakakatuwang kwentol ukol sa bagong guro.

TAGAPAGSALAYSAY: Sa loob ng isang linggo, wala masyadong mag-aaral ang pumasok kaya
sinubukan silang hanapin ni Munira. Ipinakaskas niya ang kanyang kabayo sa kahabaan ng mga
burol at kapatagan sa kanyang pagtugis ng mga nawawalang mag-aaral. Mayroon siyang
naabutang isang bata na nagngangalang Muriuki at pinapangakong babalik siya sa paaralan
kasama ang iba pa.

MUNIRA: “sabihin mo sa akin: bakit ayaw mong mag-aral?”

TAGAPAGSALAYSAY: Ang batang lalaki ay gumuguhit ng tanda sa lupa, “Ewan ko, Ewan ko” sabi
niya na parang mangiyak.
II. ANG MATANDANG BABAE

TAGAPAGSALAYSAY: Pagkabalik ni Munira ay may nadatnan siyang isang matandang babae sa


may bakod ng paaralan. Bumaba si Munira sa kanyang kabayong bakal at tumabi siya sa
kanyang pagkakatayo sa akalang ibig lamang dumaan ng babae. Pero tumindig siya sa
kalagitnaan ng makitid na gasgas, Kinausap siya nito at nagsimulang magkwento tungkol sa mga
kabataan.

MATANDANG BABAE: “Tagasaan ka: Mayroon bang sementadong mga daan?”


MUNIRA: “Oo”

MATANDANG BABAE: “Maganda sila at bihasa sa mga pamumuhay ng puti: hindi ba?”
MUNIRA: “Ganoon nga masyadong bihasa, kung minsan”

MATANDANG BABAE: “ang bagong henerasyon ng Ilmorog ngayon ay parang pareho sa


pangyayari noong sinalakay ng Mzungu ang bayan – mga malas o walang magandang
naidudulot. Hindi na gumagawa ng tama ang mga batang babae at lalaki sa Ilmorog. Natatakot
na sila na sa tuwing may dadating bagi ay salot lamang ang maidudulot nito”.

TAGAPAGSALAYSAY: Nalingat lamang sandali si Munira at nang ibalik na niya ang tingin sa
matanda ay nawala na ito.

MUNIRA: “Nakapagtataka,misteryosa”

III. ANG INUMAN

TAGAPAGSALAYSAY: Pagtapos ng pangyayaring iyon ay nagpunta si Munira sa tindahan ni


Abdulla. Si Abdulla ay bagong salta rin doon at kasa-kasama niya si Joseph. Noong una ay hindi
kasundo ng mga taga roon ang dalawa ngunit nang makalaon ay nagalak na sila dahil mayroong
tindang asin, paminta at alak si Abdulla. Nakarating na si Munira doon at binigyan ng beer.

TAGAPAGSALAYSAY: Hindi pa siya nagsisimulang uminom ay may sumali sa kanya na tatlong


matatandang lalaki na sina Muturi, Njuguna at Ruoro. Silang tatlo ay kilala bilang mga tagalutas
ng mga hidwaan sa pagitan ng pamilya, komunidad at mga nagpapastol. Sinimulan ng tatlo na
kausapin si Munira.

MUTURI: “Itong mga bata, maraming banyagang mga pananalita sa iyong kukote. Nagkaroon ba
kayo ng mabuting aning gathro sa inyong lugar? Dito, masama at hindi naming malalaman kung
ng mga butyl ng mais at munggo’y aabot hanggang sa katapusan ng mga ulang Njahi. Iyon ay
kung darating ang mga ulan”

MUNIRA: “Hindi naman ako talagang magbubukid” dali-daling ipinaliwanang ni Murina, ang
usapan nila’y ikinalilito niya.

TAGAPAGSALAYSAY: Sinabi nila na ang kamay ng mga taga nayon na dumarating sa lugar nila ay
mistulang may suot na ngome kung kaya’t sila ay malinis at hindi nadadapuan ng lupa.
Ambisyon iyon ni Njuguna. Ang makapag suot ng ngome at magmistulang isa sa mga
mayayamang tao. Naisip ni Njuguna na hindi siya magiging isa sa mga ito sapagkat may sapat na
mga tagapagmana ang pinuno ng malalaking pamilya. Si Njuguna ay hindi nawawalan ng pag-
asa kahit na pinagkakasya niya lamang ang kanyang maliit na lupain at mahihinang pansaka.

ABDULLA: “kaya mo ba na pangasiwaan nang mag-isa ang paaralan?”

MUNIRA: “Umaasa akong kapag nagsimula na ang klase sa standard I at II ay makakukuha ako
ng ilan pang guro.”

ABDULLA: “standard I at II paano?”

MUNIRA: “Ganito, Standard II ay sa umaga lamang. Standard I sa hapon” sinabi niya

ABDULLA: “Talagang masyado kang delikado”

ABDULLA: “Ang ilang magaaralan saamin…Nahihiling iwanan ang pakikibaka para Uhura sa
karaniwang mga tao. Tumindig kami sa labas…ang kanta, dapat kong sabihin. Ngunit ngayon,
dahil sa Kalayaan, may pagkakataon kaming makaganti…para maipakitang…hindi naman
palaging ginustong tumayong magkahiwalay..kaya nga…pinili kong mapalipat dito sa Ilorog”.

ABDULLA: “Hindi ako nakatitiyak kung ang iba’y hindi pa nagsimulang atupagin lamang ang
kanilang tiyan”

MUNIRA: “hindi ako makapagsasalita para sa bawat isa-pero waring mayroon pa ring
kasigasigan at isang paniwalang makagagawa kami ng mga bagay para maging tunay ang ating
Kalayaan”

ABDULLA: “ganyan dapat magsalita”


ABDULLA: “iyon ang mabubuting salita”
TAGAPAGSALAYSAY: Hindi rin nawawalan ng pag-asa si Munira na ipaliwanag ang kanyang pag-
asam sa kinabukasan ng paaralan. Hiningi niya rin ang pakikiisa ng mga tao sa kanyang
pangarap. Ngunit walang nangyari matapos ang ilang araw. Masusungit pa rin ang mga taga-
Ilmorog at wala silang pakialam kay Munira. Walang nakikiisa sa kanya at miski ang ibang mag-
aaral ay hindi pa rin nagpapakita.

IV. ANG ASAMBLEYA

TAGAPAGSALAYSAY: Kinalaunan, nagpatawag ng asambleya si Munira. Subali’t limang mag-


aaral lamang ang dumalo.

MUNIRA: Makinig kayo, Nakita ko sainyo ang higit sa karaniwang pagsisikap at maging
katalinuhan sa pagdalo ninyo rito. Kaya itinataas ko kayo ng gurong magtatanggol sa ganitong
masungit na pakikitungo at pagwawalang-bahala ng sambayanang laban sa kaliwanagan at pag-
unlad.”

TAGAPAGSALAYSAY: Winakasan ang una niyang asamblea sa paaralan ng may bantang


kailanma’y hindi na babalik sa itinakwil na lugar na ito.

TAGAPAGSALAYSAY: Matapos sabihin ni Munira ang lahat ng iyon, nakita niya ang mukha ng
ilan na tinatawanan siya dahil sa kanyang pagsuko. Inisip niya na ginawa lang syang loko-loko ng
mga iyon.

V. ANG PAGBALIK

TAGAPAGSALAYSAY: Umalis si Munira sa llmorog at siya’y nagbalik sa distrito ng Chiri. Muling


nasilayan ang golf course na may damuhang makinis ang pagkagupit. Nagtatawanan ang mga
Aprikano, ‘di batid ang katatahonan ng kahirapan. Palibhasa’y sanay na sa pamumuhay ng mga
puti. Tinungo niya ang Ruwa-ini kung nasaan ang napakalinis at maayos sa opisina ni Mzigo.

MZIGO: Kamusta na ang iyong paaralan.


MUNIRA: Pinadala mo ako sa walang lamang paaralan. Walang mga guro.
MZIGO: Akala ko gusto mo ng isang lugar na tahimik? Isang lugar na mapanghamon?
MUNIRA: Wala ring mga mag-aaral.
MZIGO: Talagang hindi mo alam kung ano’ng mali sa paaralang iyan. Walang gustong manatili
roon. Isang taon, dalawang taon, at sila’y lumilisan. Kung makahahanap ng guro, kahit na mga
UT’s, talagang uupahan natin”

TAGAPAGSALAYSAY: Muling naisip ni Munira si Abdulla, ang lumpo: si Nyakinyua, ang


matandang babae, ang mga bata na higit pang pinili ang pag pstol kaysa sa paaralan.
Inihambing niya ang tahasang pagdulog sa mga kaartehan ng nayon: ang kanilang pagtago sa
mga sulok ng magarang Mercedes benz, sa dingding ng mansiyon, at mga pribadong kulb.

Nakaramdam siya ng pagkagiliw sa ilimorog. Mas determinado siya na turuan ang mga bata at
palakihin ang paaralan doon. Babalik siya sa Ilmorog upang ituloy ang kanyang pangarap para sa
paaralan pati na rin sa mga tao roon.

Nangolekta siya ng mga tisa, aklat, pansanay, at mga papel sulatan.

You might also like