Professional Documents
Culture Documents
Mga Akda Sa Iba't
Mga Akda Sa Iba't
Mga Akda Sa Iba't
Mga akda sa
Iba’t-Ibang
Larangan
Ipinisa ni:
Mergas, Red Darwin S.
AB PSYCH 1-D
Ipinasa kay:
Dr. Raffy Aganon
Tarlac State University
College of Arts and Social Science
Filipino sa Iba’t – Ibang Disiplina
1. Larangan sa Pagpipinta
Ang Kasaysayan ng Pagpipinta
Maraming salik ang nakaimpluwensya sa kasaysayan ng pagpipinta. Heograpiya,
relihiyon, pambansang katangian, makasaysayang pangyayari, pag-unlad ng mga bagong
materyales-lahat ay nakatutulong sa paghubog sa pananaw ng artist. Sa buong
kasaysayan, ang pagpipinta ay may salamin sa pagbabago ng mundo at ang aming mga
ideya tungkol dito. Ang mga artista naman ay nagbigay ng ilan sa mga pinakamahusay
na rekord ng pag-unlad ng sibilisasyon, kung minsan ay nagsisiwalat ng higit sa nakasulat
na salita.
Prehistoric Painting
Ang mga sinaunang tao ang pinakamaagang artist. Ang mga kulay at
guhit ng mga hayop, mula sa taong humigit-kumulang 30,000 hanggang
10,000 B.C., ay natagpuan sa mga pader ng mga kuweba sa timog France
at sa Espanya. Marami sa mga guhit na ito ay kahanga-hangang
napreserba dahil ang mga kuweba ay natatakan sa loob ng maraming
siglo.
18th-Century Painting
Noong ika-18 siglo, gumawa ang Venice ng maraming magagandang
painters. Ang pinaka sikat ay si Giovanni Battista Tiepolo (1696-1770).
Pinalamutian niya ang mga interior ng mga palasyo at iba pang mga gusali
na may matinding, makukulay na mga fresco na kumakatawan sa mga
tanawin ng kayamanan at pagpapahayag ng pagkakayari na si Francesco
Guardi (1712-93) at Antonio Canaletto (1697-1768) na pininturahan ang
mga magagandang tanawin, marami sa kanila ang nagpapaalala sa mga
nakaraang kaluwalhatian ng Venice.
19th-Century Painting
Ang ika-19 na siglo kung minsan ay itinuturing na ang panahon kung saan
ang modernong sining ay nagsimulang maghugis. Ang isang mahalagang
dahilan para sa tinatawag na rebolusyon sa mga sining sa oras na ito ay
Tarlac State University
College of Arts and Social Science
Filipino sa Iba’t – Ibang Disiplina
ang pag-imbento ng camera, na pinilit ang mga artist na muling suriin ang
layunin ng pagpipinta.
20th-Century Painting
Maraming mga artist sa lalong madaling panahon ang naging hindi
nasisiyahan sa impresyonismo. Ang mga artist na tulad ni Paul Cézanne
(1839-1906) ay naniwala na ang impresyonismo ay hindi naglalarawan ng
katigasan ng mga anyo sa kalikasan. Gustung-gusto ni Cézanne na
magpinta pa rin ng mga lifes dahil pinapayagan nila siyang pag-isiping
mabuti ang mga hugis ng prutas o iba pang mga bagay at ang kanilang
mga kaayusan. Ang mga bagay sa kanyang mga lifeles pa rin ang hitsura
solid dahil binawasan niya ang kanilang mga form sa simpleng geometric
na hugis. (http://www.scholastic.com/browse/article.jsp?id=3753865)
Sarah Bradford Landau
Tarlac State University
College of Arts and Social Science
Filipino sa Iba’t – Ibang Disiplina
2. Larangan ng Sayaw
Katutubong Sayaw
Ang katutubong sayaw ay ang pagpapahayag ng iba’t-ibang saloobin at
damdamin.Gumagawa ang mga tao ng iba’t-ibang galaw at direksyon ng katawan gaya
ng pagkilos ng kamay at mga paa. Sa pagsasayaw ay nakakadama tayo ng kaginhawaan
at narerelaks ang buong katawan. Hanggang sa kasalukuyang panahon ay hindi pa rin
nawawala ang tradisyong kinagisnan
3. LARANGAN SA KASAYSAYAN
(https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/02/11/1892778/tigdas-outbreak-
ikinabahala-ng-who#4ouzBKp0O8wWQ82Y.99) Doris Franche
Tarlac State University
College of Arts and Social Science
Filipino sa Iba’t – Ibang Disiplina
5. Larangan sa Teknolohiya
Ang computer ay may napakalaking tulong sa ating mga mag- aaral lalong lalo na
sa aspeto ng pananaliksik. Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng maraming aklat
para kumuha ng mga kaunting na impormasyon sa bawat libro. Hindi mo na kailangang
maghalungkat sa mga silid-aklatan upang maghanap ng mga datos na kinakailangan sa
iyong takdang aralin. Puntahan mo lang ang google, isulat mo lang ang paksa na
hinahanap mo, mag-antay ka lang ng ilang sandali, at makikita mo na ang iyong
hinahanap.
Oras ito ng panunuyo ng mga kandidato sa mga botante at tamang oras din
upang mas makilala ang mga kumakandidato, kasama ang kanilang mga programa at
plataporma para sa bansa at mga Pilipino. Mas maging mapanuri lang dahil baka ang
mga pangakong ito ay muli na namang mapako. Sa pag-arangkada ng campaign period
ngayong araw sa buong bansa para sa mga tumatakbo sa pagka-senador gayundin ang
mga party-list group ay nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) sa mga
itinakdang dapat at hindi dapat gawin ng mga kandidato sa panahong ito.
• Ang isang media practitioner, media personality, o kaya naman ay artista (radio, TV at
print) na tumatakbo sa eleksyon ay kailangan munang mag-file ng ‘leave of absence’ sa
kani-kanilang mga palabas o mag-resign sa kanya-kanyang posisyon.
• Ipinagbabawal ang pagbibigay donasyon pera man o ‘in kind’ sa mga religious at civic
organizations.
• Ang mga poster ng kandidato na susuway sa tamang sukat ay babaklasin. Ang mga
campaign poster para sa party-list groups ay kailangang may sukat na 12ft x 16ft; 4ft x
6ft naman para sa independent candidate at 2ft x 3ft para sa mga individual poster.
Base sa datos na inilabas nitong Huwebes, bumalik sa 6.1 porsiyento ang paglago
ng ekonomiya ng bansa mula Oktubre hanggang Disyembre, na bahagyang mas mataas
sa 6 porsiyentong paglago noong Hunyo hanggang Setyembre 2018. Dahil dito, nasa 6.2
porsiyento ang kabuuang GDP noong 2018. Naitala ang 6.9 porsiyentong paglago sa
sektor ng industriya - na hudyat umano ng magandang usad sa "Build, Build, Build"
program ng gobyerno.
(https://news.abs-cbn.com/business/01/24/19/ekonomiya-lumago-sa-huling-3-buwan-ng-2018)
Bruce Rodriguez
Tarlac State University
College of Arts and Social Science
Filipino sa Iba’t – Ibang Disiplina
8. Larangan sa Etika
Sa ating mga paghuhusgang etikal o mga paghuhusga sa kung ang isang kilos ng
tao ay mabuti o masama, ang isa nating tinitingnan ay ang prinsipyo o batas na
sinusunod o sinusuway ng tao sa kanyang paggawa ng isang kilos. Sa ganitong pananaw,
ang mga kilos ay pinaniniwalaang walang likas na halagang etikal, ibig sabihin, walang
kilos na pinaniniwalaang sadyang masama o mabuti. At ito ay dahil ang halagang etikal
ng isang kilos ang pagka-mabuti o pagka-masama ng isang kilos ay nanggagaling sa
prinsipyo na sinusunod, o kaya naman ay sinusuway, sa paggawa ng nasabing kilos.
Alinsunod dito, ang isang kilos ay itinuturing lamang na mabuti kung ito ay ginawa bilang
pagsunod sa isang prinsipyong mabuti, o kaya naman ay bilang pagsuway sa isang
prinsipyong masama, at masama kung ginawa bilang pagsunod sa isang prinsipyong
masama, o kaya naman ay bilang pagsuway sa isang prinsipyong mabuti. Walang
gaanong pagtatalo sa paniniwala na ang prinsipyo ng isang kilos ang nagbibigay ng
halagang etikal sa nasabing kilos, dahil ang mga iba’t ibang pananaw sa etika ay
maaaring ipaliwanag din sa perspektibo ng nasabing paniniwala.
Ang pagtatalo sa mga pananaw na ito ay umuusbong sa tanong na kung ano ang
batayan ng pagturing sa isangprinsipyo na mabuti o masama. Una sa lahat,
nagkakasundo ang mga pananaw na ito na ang lohikal na kasagutan dito ay ang
pagkakaroon ng isang sukdulan o pinakamataas na prinsipyo na siyang nagtatakda sa
pagka-mabuti o pagka-masama ng mga prinsipyong direktang gumagabay sa ating mga
kilos. Halimbawa, ipagpalagay nating ginawa ng isang tao ang kilos na paggalang sa mga
magulang bilang pagsunod sa batas na “Dapat nating mahalin ang ating mga magulang.”
Kung ituturing natin na mabuti ang batas na ito, ang kilos na ginawa bilang pagsunod
dito ay, samakatuwid, mabuti rin. Subali’t ang pagturing na mabuti ang nabanggit na
batas ay nangangailangan pa ng mas mataas na prinsipyo ang sukdulang prinsipyo kung
saan naaayon ang batas na ito. Ngayon, kung ano ang sukdulang prinsipyong ito, dito
umuusbong ang pagkakaiba ngmga iba’t ibang pananaw.
Halimbawa, may pananaw na ang isinusulong na sukdulang prinsipyo ay ang
kalooban ng Diyos, kung saan ang isang prinsipyo ng isang kilos ay mabuti kung ito ay
naaayon sa kalooban ng Diyos, at masama naman kung hindi. Mayroon ding pananaw na
ang isinusulong na sukdulang prinsipyo ay ang pagpapahigit ng kasiyahan sa mas
maraming tao, kung saan ang isang prinsipyo ng isang kilos ay mabuti kung ito ay
magpapahigit ng kasiyahan sa mas maraming tao, at masama naman kung hindi. At isa
pang pananaw ay isinusulong na ang sukdulang prinsipyong ito ay ang pagpapalakas ng
ating hangaring magpatuloy mabuhay, kung saan ang isang prinsipyo ay mabuti kung ito
ay nagpapalakas sa atin upang magpatuloy mabuhay, at masama naman kung hindi. Ang
isang gumawa ng isang sistematikong pagsusuri sa kung ano ang sukdulang prinsipyo ng
Tarlac State University
College of Arts and Social Science
Filipino sa Iba’t – Ibang Disiplina
etika ay ang pilosopong si Immanuel Kant. Sa paniwala ni Kant, ang sukdulang
prinsipyong ito ay nakapaloob na sa isa pang konsepto na karaniwan din nating
ginagamit bilang batayan sa ating mga paghuhusgang etikal. Ang konseptong ito ay
tumutukoy sa mabuting kalooban.
Alinsunod sa batayang ito, ang isang kilos ng isang tao ay mabuti kung ang
kalooban ng taong ito sa paggawa niya ng nasabing kilos ay mabuti, at ito naman ay
masama kung ang kanyang kalooban ay masama. Dahil dito, ang kailangan na lamang
gawin, ayon kay Kant, ay gumawa ng isang sistematikong pagsusuri sa posibilidad ng
mabuting kalooban kung ano ang mga kondisyon sa pag-iral ng mabuting kalooban o
mga kondisyon kung kalian maituturing na mabuti ang isang kalooban upang mapalitaw
o mabigyang-linaw ang sukdulang prinsipyo ng etika.
Sa sanaysay na ito, nais kong gumawa ng isang kritikal na pagsusuri sa ginawang
pagsusuri ni Immanuel Kant sa posibilidad ng mabuting kalooban at sa kung ano ang
sukdulang prinsipyo ng etika na kanyang pinaniniwalaang nakapaloob dito. Ang isang
mahalagang bahagi ng layuning ito ay ang mapalitaw ang mga argumentong ginamit ni
Kant sa kanyang pagsusuri at ang maipakita ang lohikal na pagkaka-ugnay-ugnay ng mga
argumentong ito. Nahahati sa apat na bahagi ang aking diskusyon. Sa unang bahagi,
tinatalakay ko ang palagay ni Kant na ang pagka-mabuti ng mabuting kalooban ay likas
at walang kinalaman sa mga bagay-bagay na labas sa kalooban tulad ng mga
kahihinatnan ng mga kilos. Sa ikalawang bahagi, tinatalakay ko ang pag-unawa ni Kant sa
kalikasan ng kalooban ng tao, o, sa partikular, sa ugnayan ng kalooban ng tao sa kanyang
kalayaan at katwiran. Sa ikatlong bahagi, sinusuri ko ang mga argumento ni Kant sa
kanyang pagsulong a paniwala niyang sukdulang prinsipyo ng etika na nakapaloob sa
mabuting kalooban. At sa ika-apat na bahagi, tinatalakay ko ang pag-iiba ni Kant sa
dalawang uri ng imperatibong taglay ng mga prinsipyo ang kondisyonal at kategorikal na
imperatibo
at kung paano pinag-iiba ni Kant ang kanyang pananaw sa etika sa iba pang mga
pananaw.
(https://www.academia.edu/21855400/Ang_Mabuting_Kalooban_at_ang_Sukdulang_Prinsipyo_ng_Etika_
Mula_sa_Pananaw_ni_Immanuel_Kant) Napoleon M. Mabaquiao, Jr.
Tarlac State University
College of Arts and Social Science
Filipino sa Iba’t – Ibang Disiplina
9. Larangan sa Lohika
Kilala ang mga Pilipino sa pagiging relihiyoso. Madalas na iugnay ang pagiging
relihiyoso sa pagiging ispiritwal ngunit sa panahon natin ngayon, tinitingnan na rin ang
kaibahan ng dalawa (Zinnbauer et al. 1997). Sa kalinangang Pilipino, matagal nang
binigyang-diin nina Enriquez (1994), Covar (1998), at Obusan (1998) na bago pa man
masakop ng iba't ibang relihiyon ang Pilipinas, mayroon na tayong mga ritwal na
maaaring iugnay sa relihiyon. Nilayon ng pag-aaral na itong malaman ang mga
paniniwala at pagpapakahulugan ng mga Pilipino tungkol sa ispiritwalidad at relihiyon.
Mga key informant sa iba't ibang larangan ang ginawan ng panayam para lubusang
maintindihan ang mga paniniwala at pagpapakahulugan ng mga Pilipino tungkol sa
ispiritwalidad at relihiyon.
Pinapakita ng mga resultang ang ispiritwalidad ng mga Pilipino ay nakaugnay sa
mga paniniwala sa relihiyon. Makikita sa mga resultang isang penomenolohikal o
personal na karanasan ang ispiritwalidad at tumutukoy ito sa kaugnayan ng ating sarili
sa isang mas mataas sa atin at sa ibang tao. Sa kaugnayan ng ispiritwalidad at relihiyon,
hindi maaaring maihiwalay ang ispiritwalidad sa relihiyon. Sa gayon, upang lubusang
maunawaan ang ispiritwalidad ng mga Pilipino, nararapat na pagtuunan ng pansin ang
mga paniniwala at karanasan sa relihiyon. Tinalakay ang mga resulta at implikasyon ng
pag-aaral sa konteksto ng Sikolohiyang Pilipino.
(https://www.researchgate.net/publication/282905631_ISANG_PAGLILINAW_SA_MGA_PANINIWALA_AT_
PAGPAPAKAHULUGAN_SA_ISPIRITWALIDAD_AT_RELIHIYON_NG_MGA_PILIPINO) Homer Yabut
Tarlac State University
College of Arts and Social Science
Filipino sa Iba’t – Ibang Disiplina
10. Larangan sa Arkitektura
Pinoprotektahan ng UNESCO ang mga lugar na ito, at ang iba pang World
Heritage Sites sa ilalim ng mga patakarang ginawa sa Convention Concerning the
Protection of the World Cultural and Natural Heritage noong 1972. Isang halimbawa ang
patakarang nagsasabing maaaring humingi ng pinansyal na tulong ang isang bansa sa
pagsagip sa isang World Heritage Site na nanganganib. Tinalakay din ni Turalba sa
simposyum ang arkitektura sa Pilipinas bago at ng dumating ang mga Kastila, at sa
panahon ng mga Amerikano.
Pamanang arkitektura
Ayon kay Turalba, ang vernacular period bago dumating ang mga Kastila ang panahon
ng katutubong arkitektura tulad ng bahay kubo na gumamit ng kawayan, yantok, at iba
pang katutubong kagamitan. Nang dalhin ng mga Kastila ang Katolisismo sa bansa, higit
na napagyaman ang arkitektura sa paggamit ng batong materyales.“Kasama ng
Tarlac State University
College of Arts and Social Science
Filipino sa Iba’t – Ibang Disiplina
Katolisismo ang pagmamahal sa arkitektura, ang mga pari ang mga arkitekto noong
pahahong iyon,” paliwanag ni Turalba.
Itinayo ng mga Kastila ang mga batong simbahan na nagagamit pa rin hanggang ngayon.
Matapos ang pananakop ng mga Kastila, dinala naman ng mga Amerikano ang
makabagong arkitektura sa bansa. Itinayo noong panahong ito ang mga gusaling
pampamahalaan tulad ng Post Office at Legislative House sa Maynila. Ito din ang
panahon ng art deco na nagdala ng mga gusaling tulad ng Metropolitan Theater sa
Maynila,
Makabagong arkitekto
Natalakay din ang isyu ng pagpapagiba sa mga lumang gusali sa Maynila, at ang
ideya ng adaptive reuse o ang paggamit ng mga lumang gusali sa bagong paraan na hindi
sinisira ang mga makasaysayang tampok nito. “Magaling ang mga Pilipino pagdating sa
adaptive reuse. Likas na sa atin ang paghanap ng bagong gamit sa mga bagay na hindi na
napapakinabangan,” aniya.
Hindi biro ang sakit na tigdas, lalo na sa mga bata. Posible itong magdulot ng
matinding sakit sa mga bata, at nakamamatay ang komplikasyon nito. Kaya't lubos na
nakababahala ang estima ng DOH na mayroon nang 4,300 na kaso ng tigdas sa
nangyaring tigdas outbreak 2019.
Tigdas outbreak 2019: 4,300 na ang kumpirmadong may tigdas. Ayon sa DOH, sa
bilis ng pagkalat at pagdami ng mga kaso ng tigdas ay posible raw itong maging isang
pandemic.
Lubhang mapanganib ang tigdas para sa mga batang 1 taong gulang pababa,
dahil mahina pa ang kanilang mga resistensya. Bukod dito, sila rin madalas ay hindi pa
nabibigyan ng bakuna laban sa tigdas. Kapag napabayaan, posible itong maging
nakamamatay. Sa tala ng DOH, may 70 katao na raw ang namatay dahil sa pagkakaroon
ng tigdas, at karamihan sa mga ito ay mga bata.
Nagbabahay-bahay na nga ang ibang mga tauhan ng DOH upang makumbinsi ang
mga magulang na magpabakuna. Ang kawalan ng tamang impormasyon at pagkalat ng
misinformation tungkol sa pagpapabakuna ay ang pangunahing dahilan kung bakit
nagkaroon ng outbreak ng tigdas sa Pilipinas.
Hindi lang naman sa wika na ginamit masusukat kung OPM ba ang isang kanta o
hindi—simple lang! Kung gawang Pinoy, lalo pa kung proud Pinoy, aba’y hindi
maitatanggi na tatak OPM ang kantang iyon. Kung hindi man sa taong ito tuluyang mag-
bo-boom ang kabuuang industriya ng musika sa Pilipinas, paniguradong sa susunod na
mga taon ay talk of the town, ‘ika nga, ang mga awiting nilikha ng ating kapwa-Pilipino.
Mapa-liriko man ito ng mga kanta o mapa-tula, may kapares man itong himig o purong
pagbabato ng linya at makabagbag-damdamin ang tanging laman, hindi maikakailang
unti-unti nang nakakarating sa kaalaman ng nakararami ang malaking potensyal na
kasunod ng musikang Pilipino.
Oblation
Ang Oblation o Pahinungod ay isang kongkretong rebulto na likha ni
Guillermo Tolentino. Ito ay nagsisilbing imahen o simbolo ng Unibersidad ng
Pilipinas. Ito ay naglalarawan ng isang lalakeng hubad, nakaharap paitaas at
nakaunat ang bisig na nagangahulugang ang pag-aalay ng sarili para sa sariling
bayan na walang pag-iimbot. Ang orihinal na oblation ay nasa U.P. Diliman Main
Library. Ang ideya ng likha ay mula kay Rafael Palma na siyang umalok na si
Tolentino ang gumawa nito. Nais din niyang ang rebulto ay ibase mula sa
ikalawang taludtod ng tulang Mi Ultimo Adios ni Rizal.
Monumento ni Bonifacio
Ito ay likha ng isang Pambansang Alagad ng Sining na si Guillermo
Tolentino. Ang monumento ay matatgpuan sa Avenida Rizal, Caloocan. Naging
tanyag ang eskulturang ito dahil ito ay sumisibolo sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang
obrang ito ay inaalala ang nangyaring rebolusyon sa Pilipinas, sa pangunguna ni
Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan kabilang ang kanyang mga
kasamahan upang mag-alsa laban sa mga Kastila. Mayroon din ibang mukha sa
monumento katulad ng tatlong paring martyr at ibang pangyayaring naganap sa
ating kasaysayan. Ang Monumento ni Bonifacio ay nilikha noong 1933, sa ilalim
ng utos ni Gobernador Heneral Frank Murphy.
Bantayog ng Lakas ng Bayan
Bantayog ng Lakas ng Bayan o mas kilala sa pangalang People Power
Monument ay nilikha ni Eduardo Castrillo noong 1993. Ito ay matatagpuan sa
Epifanio de los Santos Avenue o EDSA sa Barangay Camp Aguinaldo, Quezon City.
Ang eskulturang ito ay nagpapaala sa nangyaring People Power Revolution
noong 1986. Ito ay alay para sa mga matatapang na Pilipinong naglakad sa kalye
ng EDSA upang patalsikin ang diktador sa naturang panahon na si Ferdinand
Marcos upang maisabalik ang demokrasya sa Pilipinas. Ang planong paglikha ng
Tarlac State University
College of Arts and Social Science
Filipino sa Iba’t – Ibang Disiplina
monumento ay naisip ni Cardinal Sin dalawang araw makalipas ang pagtakas ng
pamilyang Marcos. Kanyang nilapitan ang pamilyang Ortigas at Gokongwei na
siyang nag-alok ng lupa kung saan mismo nakatayo ang mga madre at mga
karaniwang tao sa harap ng mga sasakyang pangmilitar at nag-alay ng bulaklak sa
panahong iyon. Ang disenyo ay gawa ng isang arkitekto na si Francisco Mañosa
sa tulong nina Leandro Locsin at William Coscolluela.
MacArthur Landing Memorial National Park
Ang eskulturang ito ay likha ni Anastacio Caedo at pinasinayaan ito noong
ika-37 anibersaryo ng A-Day, 1981. Ang memoryal na ito ay matatagpuan sa
munisipyo ng Red Beach ng Palo, Leyte at itinuturing na isa sa mga tanawin ng
mga turista doon. Ito ay tanyag sapagkat ito ay hindi lamang kasinlaki ng tao, ito
ay doble sa laki ng tao. Ipinapakita nito ang makasaysayang pagbabalik ni
Heneral Douglas MacArthur sa Leyte upang tuparin ang kanyang pangakong, “I
shall return.”at upang simulan ang pagtulong sa Pilipinas laban sa pananakop ng
Hapon noong Octobre 1944. Naghudyat ito sa pinakamalaking labanang
panghukbong-dagat noong World War II at ang pagsuko ng mga Hapon matapos
ang halos tatlong taon.
Monumento ni Rizal
Ang Bantayog ni Rizal ay isa sa mga tanyag na eskultura dito sa Pilipinas
na alay para sa ating pambansang bayaning si Gat Jose Rizal. Ito ay matatagpuan
sa Rizal Park ng Maynila. Ito ay tanyag sapagkat si Rizal ay kilala ng bawat Pilipino
at ang mismong kinatatayuan ng bantayog ay ang kung saan siya namatay. Ang
planong kontruksyon ay naganap noong panahon ng pamamahala ng mga
Amerikano sa Pilipinas. Mabusisi ang naging pagpili sa iskultor na siyang gagawa
nito. Nagdaos ng isang paligsahan na dinaluhan ng mga iskultor na nagmula pa sa
Europa at Estados Unidos. Ang napiling gagawa ay si Richard Kissling na isang
Swiss at ang siyang nanalo sa ikalawang puwesto dahil nagkaroon ng
kontrobersya tungkol sa mismong nanalo na si Carlos Nicoli.
Sandugo (Blood Compact) Shrine
Ang iskulturang ito ay likha ng tanyag na iskultor at itinuturing na Ama ng
Makabagong Iskultura ng Pilipinas na si Napoleon Abueva. Ito ay matatagpuan sa
Barangay Bool, Tagbilaran City, Bohol. Isa ito sa tanyag at makasaysayang lugar
sa Pilipinas kung saan ipinapakita nito ang naganap na sanduguan sa pagitan nina
Datu Sikatuna at Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 upang pagtibayin ang
kapayapaan at relasyon ng mga Kastila at Pilipino. Naging kakaiba ang
eskulturang ito sa iba sapagkat ito ay nagpapaala ng kasunduan ng pagkakaibigan
ng magkaibang lahi kaysa digmaan at pag-aalsa
(https://kupdf.net/download/mga-tanyag-na-eskultura-ng-pilipinas_59f181dfe2b6f5454df35b11_pdf)
Cristy Jean Lapiz
Tarlac State University
College of Arts and Social Science
Filipino sa Iba’t – Ibang Disiplina
15. Larangan sa Antropolohiya
Nitong Mayo ibinunyag ng mga mananaliksik ang tao sa Kalinga na 10 beses ang
tanda, mga 631,000-777,000 taon na. Pangunahing katibayan ng sibilisasyon ang kinatay
na rhinoceros at ang tools -- matatalas na bato -- sa pagkatay nito. Inalam ang edad ng
buto at bato sa pamamagitan ng carbon dating, ng French Museum- of Natural History,
na namumuno sa saliksik.
Ang teorya dati ay dumating ang mga tao sa Minda-nao, Visayas, at Luzon mula
sa mga isla na ngayo’y Indonesia. Pero dahil sa bagong tuklas, lumalabas na sabay
namayani ang tao sa Kalinga at Java.
Saan kaya siya galing? Isang palagay ay nagbuhat siya mula sa mainland Asia, kung saan
naglipana ang homo erectus, o ancient man. Maari rin na umusbong siya nang sarili
mula sa apes sa Luzon.
(https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2018/06/26/1827957/unang-tao-sa-luzon-
700000-taon-noon#JsZU0uMHPBhgxumh.99) Jarius Bondoc