Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

“ANNA”

Sa panulat ni Karl Hadrian Manuel


FADE IN

Nakaupo si Anna sa isang upuan. Blanko ang kanyang mukha. Habang maririnig ang
kanyang boses.
ANNA
(Pagsasalaysay)
Ang gulo. Nakakalito. Nasan na nga ba ang pag-asa? Kanino ba
dapat umasa? Hanggang saan nga ba dapat ipaglaban ang isang
bagay? Hanggang mawalan kana ng gana? O kapag ito’y nakamit
mo na? Paano pag wala ka nang kasama? Paano pag yung mga tao
sa paligid mo yung humihila sayo pababa ? Paano? Ako si Anna. At
eto ang kwento sa likod ng aking pangarap.
Magsisimula ang kwento sa loob ng bahay nila Anna. Nahahati sa dalawa ang
entablado; Ang sala at kwarto. Mahimbing na natutulog si Anna sa kwarto habang ang
tatlo niyang kapatid at magulang nila ay nasa harap ng lamesa at kumakain.
MARTA
Oh mga anak, bilis ang kain. baka malate kayo sa eskwela.
TROY
Opo nay, tapos na po akong kumain.
NATHALIE
Tapos na po ako nay.
JIM
Ako din po nay.
MARTA
Yung gamit nyo nak, kunin nyo na muna.
ROBERT
Oh sya pumasok na kayo sa eskwela baka kayo pa ay mahuli.
MARTA
Troy, ikaw na bahala sa mga kapatid mo. Tingnan nyo ang
dinadaan ninyo ah.
ROBERT
Huminto muna kayo bago tumawid mga anak.
TROY, NATHALIE AT JIM
Opo nay, tay, papasok na po kami.
ROBERT
Oh sya lumakad na.
MARTA
Sige mga anak, mag-ingat kayo.

Magpapaalam na sina Troy, Nathalie at Jim. Lalabas sa entablado ang tatlong anak.
Maiiwan si Marta at Robert sa sala. Magliligpit ng kinainan si Marta at kakausapin ang
asawa.
MARTA
Hay, nakakapagod.
Uupo sa sofa si Robert at bubuksan nito ang TV.
Paglalapat ng tunog ng Telebisyon.
MARTA
Oh anong balak mo dun sa panganay mo?
ROBERT
Ano nanamang sinasabi mo?
Kukuha si Marta ng mga damit at titiklupin nito. Pari-ringgan ang asawa.
MARTA
Alam mo kung anong tinutukoy ko.
ROBERT
Marta, nag-usap na tayo tungkol dyan.
MARTA
Patigilin na lang kasi natin yang si Anna sa pag-aaral.

Magigising si Anna. Maririnig nito ang pagtatalo ng kanyang mga magulang.


MARTA
Alam mo Roberto,hindi na minor de edad si Anna at kaya na nyang
magtrabaho dyan sa mga pagawaan.
ROBERTO
Igagaya mo naman yan sayo?
MARTA
Oo na, sige, ikaw na nakapag tapos ng pag-aaral. Pero Robert
tandaan mo hindi edukasyon ang bubuhay sayo. Ni hindi nga ako
nakatapos ng pag-aaral pero naitataguyod ko ang pamilya natin.
ROBERTO
Yan ang mali sayo. Dapat iniisip mo na hindi dapat mangyari sa
anak mo yung mga maling bagay na naranasan natin noon.

Lalabas si Anna sa kwarto. Titigil ang mag-asawa at tila hindi nagtatalo


ANNA
Nay, tay, good morning po.
ROBERT
Good morning din anak.

ANNA
Ano pong Almusal?
ROBERT
Ito anak sa lamesa.
ANNA
Kumain na po ba kayo?
ROBERT
Oo anak. Dun ka muna sa kwarto kumain at may pinag-uusapan
kami ng nanay mo.
ANNA
Sige po tay.

Kukunin ni Anna ang pagkain sa lamesa at babalik ito sa kwarto. Pakikinggan nya ang
pinag-uusapan ng kanyang mga magulang. Papatayin ni Robert ang TV.

MARTA
Pagkagising pagkain agad, hindi muna tumulong dito sa gawaing
bahay. Dapat dyan hindi na pinag-aaral, tinuturuan na magtrabaho
hindi yung lamon lang nang lamon dito.
ROBERT
Alam mo namang pagod at puyat yan kagabi kaka-aral nya.
MARTA
Ayun na nga, mahihirapan lang din naman sya edi dun na sya
magpakahirap sa pagtatrabaho. Kikita pa sya ng pera at
matutulungan tayo dito sa bahay.
ROBERT
At ano? kung saan-saan lang yan magtatrabaho tapos maliit lang
ang kikitain nya.
MARTA
At least dun may tutulong na sa atin sa gastusin dito.
ROBERT
Kaya nga natin pinag-aaral si Anna para makakuha sya ng
magandang trabaho pagkatapos mag-aral. Mas mabibigyan natin si
Anna ng magandang kinabukasan. hindi lang para satin, para din
sa kanya. Bakit ba hindi mo naintindihan ha?

Magtataasan ang boses ng mag-asawa. Mapakikinggan ni Anna ang pinag-tatalunan ng


kanyang mga magulang at tila magiging emosyonal sa kwarto.
MARIA
Alam mo kung bakit? Robert pagod na pagod na ako, may tatlo pa
tayong inaaalagaan at pag-aaralin.
ROBERT
Bakit kulang pa ba yung binibigay ko? Hindi pa ba yun sapat?
MARTA
Oo! Robert kulang na kulang!
ROBERT
Sa public school lang naman natin yan pinag-aaral at libre ang
tuition fee ngayon.
MARTA
Libre? Anong libre? Robert walang libre ngayon. Kahit sabihin mong
libre ang edukasyon, sa mga bayarin sa eskwelahan ang mahal
parin. Hindi natin kinakaya.
ROBERT
Ewan ko ba sayo bakit ganyan ang tingin mo sa buhay.
MARTA
Praktikal lang akong tao Robert. Tama na yung nagsayang tayo ng
dalawang taon dyan sa K-12 na yan. Dalawang taon Robert.
Dalawang taon ang daming mga bayarin sa eskwelahan nila. Ni
hindi nga maayos ang pamamalakad nyang K-12 na yan.
ROBERT
Bago at kakaimplimenta palang kasi yun ng gobyerno.
MARTA
Ayun na nga, maglalabas sila ng batas, dadagdagan ng dalawang
taon ang high school tapos hindi naman silla handa sa mga
mangyayari dyan sa K-12 na yan.
ROBERT
Ee nakapag tapos na naman sya ng K-12, ang mahalaga itong
kolehiyo nya.
MARTA
Sabi nila matutulungan ang mga bata para sa tatahakin nila sa
kolehiyo, e parang naguluhan lang ang mga bata at nagsayang ng
dalawang taon dyan sa Grade 11 at 12.

Hindi sasagot si Robert, titigil pa nandali ang usapan. Magsasalita muli si Marta.
MARTA
Nakita mo yung kapit bahay natin? Si tristan, oh diba honor student
yun, oh tingnan mo ngayon, pinatigil narin ni Aling Nita.
Nagtatrabaho na dyan sa paktori. Kumikita na ng pera.
ROBERT
Marta maraming pwedeng mangyari pag napagtapos natin si Anna
ng pag-aaral nya. Mas magandang trabaho ang pwede ng makuha
at tyak na matutulungan nya na tayo umasenso sa buhay.

Lalabas si Anna ng Kwarto. Magtitigil sa pag-uusap ang mag-asawa. Nakatingin si Anna


sa kanyang Ina.
ANNA
Nay ako na naman ba ang pinag aawayan ninyo?
ROBERT
Nak, hindi naman sa ganun. Makulit lang talaga itong nanay mo.
ANNA
Yung pag-aaral ko na naman po ba?

Hindi kikibo ang mag-asawa.


Magtitiklop ng damit si Marta at hindi papansinin si Anna. Biglang tutunog ang
cellphone ni Robert at sasagutin nya ito.

Paglalapat ng tunog ng teleponong may tumatawag.


ROBERT
hello? Ay opo, ito nga po. Sino po sila?
Lalabas ng entablado si Robert.
ANNA
Nay bakit? bakit ba pinipigilan ninyo ako sa gusto ko?
ANNA
Nay sabihin nyo naman sakin kung bakit ayaw ninyo akong pag-
aralin. Hindi nyo ba talaga ako mahal?

Paglalapat ng malungkot na musika o instrumental.

Tahimik paring gumagawa si Marta.


ANNA
Dahil ba sa hindi na ako nakakatulong dito sa gawaing bahay nay?
Araw-araw po akong pumapasok sa eskwela, halos buong araw ko
nay ginugugol ko sa pag-aaral. Nagpapakahirap po ako magsunog
ng kilay para sa inyo. kasi nay gusto ko po maging proud kayo
sakin.

Magiging Emosyonal si Marta.


ANNA
hindi nyo ba alam nay na nagtitinda pa ako sa loob ng classroom
namin pandagdag lang sa baon ko. Ultimo assignment nga ng
kaklase ko ginagawa ko na nay, para lang may extra akong pera.
Napapagod din po ako nay.

Lalapit si Anna sa kanyang Ina. Hindi parin papansinin ni Marta si Anna.


ANNA
Nay. Alam ko hindi ako matalino nay. Hindi matataas yung mga
markang nakukuha ko pero nay hindi basehan ang grado sa
kakayahan ko bilang tao. Hindi kailanman masusukat nito yung
mga bagay na kayang kong gawin.

Iiwas si Marta sa kanyang anak. Uupo ito sa sofa at susundan ito ni Anna. Tatalikuran
ni Marta si Anna.
ANNA
Nay alam kong hirap na hirap na kayo ni tatay... kahit sinasabi
nyong purwisyo lang yung K-12 program, e kahit din naman ako
nay, hindi ko din ginusto yun nay. Alam ko namang kapos po tayo.
MARTA
Anna tama na.
ANNA
Nay napapagod na ako.

Yayakapin ni Anna ang kanyang Ina. Ilang segundo itong umiiyak sa balikat ng kanyang
Ina.
ANNA
Minsan naiisip ko nay kung mahal nyo pa ba ako? Ni hindi nyo na
ako tinatanong kung kumusta ang araw ko. Anong mga nangyari
sa school. Pagod na pagod na ako na.
MARTA
Anak tama na.
ANNA
Pressure na pressure na ako nay... Kulang pa yung bente kwatrong
oras sa dami ng ginagawa ko sa school. Wala na nga akong
panahon para sa mga kapatid ko.... Kasi panganay ako, dapat ako
yung nagtuturo sa mga assignment nila. Ako dapat yung
nagaalaga sa kanila. Pero hindi... Halos yung panahon ko nasa
eskwela, nakatuon yung pansin ko kung papaano ako makakaraos
sa pag-aaral. Pero nay bakit ganun? Bakit parang yung mga
inspirasyon ko sa pagkamit ng tagumpay, yun pa yung hadlang
para makuha ko yung hinahangad ko sa buhay.

Tatayo si Anna.
ANNA
Ano nay? Hindi ba talaga kayo mag-sasalita? Sige tutal yun naman
yung gusto nyo. Ano nga bang karapatan ko para magreklamo sa
inyo. Kayo naman yung nag-papaaral sakin. Sige titigil na ako sa
pag-aaral. Susukuan ko na yung pangarap ko, yung pangarap ko
sa inyo, sa mga kapatid ko, yung pangarap ko!

Iiyak si Marta sa harap ng kanyang anak.


MARTA
(Emosyonal)
Patawarin mo ang inay.
ANNA
Nay hindi ko na maintidihan... Sabi ng titser ko edukasyon daw
yung solusyon sa lahat ng bagay. Ito daw yung sagot sa kahirapan,
sabi nya yun daw ang pinakamayamang pagmamay-ari ng isa tao...
kaya nag susumikap ako nay na mag-aral.
MARTA
Anna, alam kong mali ako. Mali nanay. Patawarin mo ako.
ANNA
Nay bakit? Bakit?
MARTA
(Emosyonal)
Kasi naiinggit ako sayo anak. Hindi nakapagtapos ang nanay dahil
ipinagkait sa akin ‘to ng lolo nyo. Patawarin mo ko kung ganito
ako. Alam kong wala kang ginagawang masama anak, ako yung
may pagkukulang sayo. Madami akong bagay na dapat pinunan
para sayo. Hindi ako naging sapat na ina para sayo.

Yayakapin ni Anna ang kanyang Ina.


ANNA
Nay hindi po. Kailanman hindi ko inisip na nagkulang kayo sa
amin... Kasi napakasipag nyo po. Maalagain. Responsable. At
hinahangaan ko kayo dun. Kayo po yung una kong guro nay. Kayo
yung nagturo sakin kung pano magsalita, kung pano lumakad,
kung pano bumasa’t sumulat. Mahal na mahal ko po kayo nay.
MARTA
Salamat anak. Salamat... Patawarin mo ako anak kanina sa mga
narinig mo. Hayaan mo susuportahan ka namin ng buo ng tatay
mo. Kahit mahirap lang tayo, sisikapin kong makapagtapos kayo ng
mga kapatid mo.

Pakakalmahin ng dalawa ang isa’t isa. Magpupunasan ng luha.


ANNA
Salamat po nay.

Papasok si Robert dala ang magandang balita.


ROBERT
Marta, tumawag si Mayor.
MARTA
Oh anong sabi?
ROBERT
Makakatanggap daw si Anna ng iskolarsyip. Sasagutin daw nila
buwan-buwan ang gastusin sa pag-aaral ni Anna.
ANNA
Talaga po tay?

Magpapasalamat si Anna sa Diyos habang nakatiklop ang dalawang kamay.


ANNA
Salamat po Panginoon.
MARTA
Anak, makakapag-aral kana.

Magyayakapan si Anna, Robert, at Marta.

FADE OUT

You might also like