Tagalog Society and Religion

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PETILLA, Mecy B.

Readings in Philippine History


BSMA 1-5

Tagalog Society and Religion

Ang kamag-anakan ng mga Tagalog ay maituturing na masalimuot, mayroon silang


sariling pangalan at katawagan. Ang bawat kasal ay namumunga ng isang pamilya o kamag-
anakan na nagmula sa salitang ugat na anak. Ang asawa ay tawag para sa lalaki at babae na
pinagbuklod ng kasal at inaasawa naman para sa ikalawang kabiyak. Ang anak ng isang
inaasawa ay tinatawag na anak sa inaasawa, panganay para sa unang anak at bunso para sa
huling anak. Bapa (Beloved) or Ama ang tawag ng mga anak sa kanilang tatay at Bayi (Lady) or
ina para sa kanilang nanay. Ang kapatid at pinsan ay di naiiba pagdating sa katawagan. Ngunit,
ang anak, apo, apo sa tuhod, at apo sa kalapakan ay naiiba depende sa kung saan nagmula ang
kapatid at pinsan. Tinatawag ng mga apo ang kanilang lolo na amba at ang kanilang lola na indo,
at Nono kung nanghihina at matanda na sila.

Ang mga Tagalog ay kilala bilang sagrado at tapat sa pamilya, kaya naman sila ay
nakaimbento ng iba't-ibang katawagan sa kanilang mga kamag-anak. Ang ilan sa mga ito ay
hindi nakadepende sa sekswalidad halimbawa asawa (spouse); biyenan (parent-in-law);
manugang (child-in-law); pamangkin (nephews and nieces). At ang ilan naman ay nakadepende
sa sekswalidad halimbawa hipag (sister-in-law), bayaw (brother-in-law), daga (aunt), amain
(uncles).

Ayon kay William Henry Scott, ang mga Tagalog ay may tatlong istraktura ng lipunan ang
maginoo, timawa, at alipin. Ang Maginoo ay binubuo ng mga namumuno sa lipunan. Ginoo ay
pagbibigay galang para sa lalaki at babae. Panginoon (pinaikling poon para sa kanilang
katawagan) ay parte ng maginoo na nagmamayari ng mga alipin at iba pang bagay na malaki
ang halaga tulad ng lupa at bangka. Maginoo o mga namumuno ay binubuo ng lakan o rajah at
datu. Ang lakan o rajah ay ang mga makapangyarihang datu sapagkat pinamumunuan nila ang
buong bayan (town). Samantala, ang mga datu ay maginoo na may dulohan o barangay, at
karamihan apat hanggang sampung datu na may dulohan ang nakatira sa isang bayan. Ang
tungkulin ng isang datu ay pamunuan ang kanyang mga tao, pangunahan sila sa giyera,
protektahan sila sa mga kaaway, mag-ayos ng mga hidwaan, at ayon kay Dr Morga (1609,191)
ay alalayan ang kanyang mga tao sa oras ng paghihirap at pangangailangan. Ang datu ay
nakakatanggap ng mga produktong agrikultural, serbisyo at respeto sa kanyang mga
nasasakupan. Siya rin ay nagbibigay ng lupang patubig sa kanyang barangay bilang karapatan.
Ang isang barangay ay may iba't-ibang lawak mula sa kunting kabahayan hanggang sangdaan.

Ang timawa at maharlika ay ang malayang alipin ng datu. Ang timawa ay ang malayang alipin na
nakadikit sa datu (Boxer Codex and Plasencia). Maari nilang gamitin at ipamana ang maliit na
lupa ng barangay at mag-ani ng di nagbabayad ng buwis. Ang pangunahing tungkulin nila sa
datu ay ang serbisyong pang-agrikultural, ngunit maari din silang sumama sa mga ekspedisyon
nito, mag-sagwan ng bangka at magtrabo sa palaisdaan. Maaari din silang sumuporta sa mga
pagdiriwang at magtayo nh bahay kahit hindi ito kasama sa kanilang mga tungkulin. Samantala,
ang maharlika ay may pagkakapareho sa mga timawa maliban sa kanilang tungkuling
pagbibigay serbisyong militar sa datu at sila ay may kakayahang bumili ng kanilang armas na
gagamitin.

Ang pangatlong pangkat ay ang alipin, sila ay mga taong may utang. Sila ay mga alipin
dahil sa tatlong rason pagkakabilanggo, katwirang buhat sa kapanganakan, at maraming utang.
Ang mga Tagalog ay may dalawang uri ng alipin, alipin namamahay at alipin sa gigilid. Para
magkita ang pagkakaiba, ang alipin namamahay ay mayroong sariling bahay maliban sa bahay
ng kanilang panginoon. Ang alipin na di kayang bayadan ang kaniyang utang, siya at kanyang
panginoon ay magkakaroon ng kasunduan ng kanyang paninilbihan at halaga ng kanyang
babayaran dito. Ang aliping namamahay ay pwedeng magsaka sa maliit na lupa ng barangay,
ngunit siya ay kinakailangang magbigay ng palay at sang garapon na tapay sa pagdiriwang ng
kanilang panginoon. Ang kanyang katungkulan sa kanyang panginoon ay magtayo ng mga
bahay, mag-ani ng mga pananim, mag-sagwan, at magbuhat ng dalahin. Ang mga miyembro ng
alipin namamahay ay yung mga nagmana ng utang sa kanilang mga magulang, timawa na
nagkaroon ng utang, at ang mga dating alipin sa gigilid na nag-asawa ng namamahay.
Samantala, ang alipin sa gigilid ay nakatira sa kanilang mga panginoon at nakadepende dito ang
kanilang tirahan at pagkain. Kapag nag-asawa ang mga lalaking alipin sa gigilid sila ay nagiging
alipin namamahay, sapagkat mas makakatipid dito ang kaniyang panginoon dahil di na nito
kailangang supportahan ang asawa at pamilya nito. Gayon man ang mga babaeng alipin sa
gigilid ay madalas na di pinapayagang mag-asawa. Ang mga miyembro ng alipin sa gigilid ay
yung mga ipinanganak sa bahay ng amo at mga bata na di kayang buhayin ng kanilang
magulang.

Pagdating sa lupa at ari-arian, ang mga kayaman ng Tagalog ay base sa mga naililipat na
pag-aari gaya ng ginto, alahas at alipin. Meron silang hacienda (properties), at sadili (personal
possessions) na kanilang minana sa kanilang mga magulang o kaya naman kasamahan (conjugal
property). Ang mga datu ay may kakayahang magbenta ng lupa ng barangay para ito'y
pagkakitaan.

Ang mga Tagalog ay higit na mangangalakal kaysa mandirigma (Father Martin de Rada,
1577) pero ayon kay William Scott ito'y hindi nangangahulugan na di sila sumabak sa giyera.
Ang datu dala ang kaniyang mga kawal ay lumusob, naghiganti ng kanilang mga karaingan,
nagkaroon ng mga bihag, at kumuha ng buhay bilang pagluluksa sa kanilang mga pinuno. Bilang
tropeyo ay inuuwi nila ang mga ulo ng kanilang kalaban. Sila ay nakipaglaba gamit ang
nakasanayang armas tulad ng balaraw (a single-edged dagger), kalis (the wavy kris), kalasag
(long narrow shields), palisay (round bucklers), at sibat na gawa sa bakal at pinatigas sa apoy
ang tungki. Ang mga tunay na matatapang ay binansagang bayani at sila ay kinikilala sa
pamamagitan ng isang pagdiriwang. Ang kanilang kanta sa kanilang pagkapanalo ay dayaw at
tagumpay. Pagkatapos sabihin na ang mga Tagalog ay hindi mandirigma Rada (1577,484)
kanyang idinagdag na pagdating sa pagnanakaw at pagkamkam ng ari-arin ay wala ng mas
nangunguna pa sa mga Tagalog.

Folk Catholicism ay ang pinakaunang kaalaman ukol sa relihiyon ng mga Tagalog. Meron
silang diyos na manlilikha na malalapitan at makakausap lamang sa pamamagitan ng ritwal sa
mga namatay na pamilya o kaya naman sa pagsamba ng mga idolo ang mga deities ng
magsasaka, mangingisda, pumapalaot, at mandirigma na nakakatanggap ng sakripisyo at
adorasyon. Bathala (galing sa salitang Sanskrit na bhattara na nangangahulugang dakilang
diyos) ay ang kanilang higit na kinikilala sa mga ito. Inilirawan nila si bathala bilang maykapal sa
lahat (maker of everything), at ito ay ang kanilang binansagang pinaka mahalagang anito. Bukod
kay bathala ang mga Tagalog ay sumasamba din sa iba pang anito tulad ng Lakan Bakod (the
lord of fences/bakod), Aman Sinaya (the inventor of fishing gear), Lakambini (the
advocate/abogado of throat), Lakapati (a major fertility deity), etc. at itong mga ito ay
binansagang bathala’s agent. Ang mga imahe ng deities ay tinatawag na likha or larawan.
Ipinagpilitan ni Father Buenaventura (1613, 361) na ang anito ay isa lamang gawain ang
pagsamba naga-anito ay ang gawain mismo, at pinaganitohan ay ang pinagdasal na kaluluwa.
Itinuring din na deities ng mga Tagalog ang mga bagay sa kalangitan Tala (the Morning Star),
Mapulon (the Pleiades), and Balatik ( the Big Dipper).

Sa kamatayan at paglilibing, dinadamitan ng mga Tagalog ang kanilang pamilyang


namatay na parang sila ay buhay at nilalamayan ng apat na araw. Sa pulaw o lamay ay
nagkakaroon ng sambitan at libaw o lubos na pag-iinom. Mayroon silang dalawang paraan nf
paglilibing una ay ang paghuhukay ng libingan sa tabi ng kanilang bahay o bakuran, at ang
pangalawa ay ang pag-sunog ng mga buto at ilagay ito sa sisidlan at ideposito sa pa ng puno ng
balete or ilagay sa bahay. Pagkatapos ng libing ay nagkakaroon sila ng wakas upang tiyakin ang
ligtas na pagdating ng kaluluwa ng patay sa kabilang mundo. Sa wakas sila ay nagkakaroon ng
magarbong pagdiriwang kung saan sila ay magkakatay ng baboy at ipapakain ito sa mga bisita.
At nakasanayan na ng mga Tagalog ang pag-iwas sa pagsasaya sa loob ng dalawang taon
hanggang sa sila ay makatanggap ng ginto o pilak na regalo para wakasan ang kanilang
kalungkutan.

Ang mga Tagalog ay mayron ring mga katulonan (babaylan sa Bisaya) ito ay pwedeng
maging babae o lalaki pero karamihan ito'y babae na galing sa prominenteng pamilya. Sila ang
responsable sa mga ritwal at medisina sa kanilang barangay o komunidad. Ang mga katulunan
ay nagtatanghal ng pampublikong seremonya para sa kasaganahan, magandang lupain o
magandang panahon, sila rin ay lumilikha ng mga gayuma, mag-kunsulta at manggamot, mag-
handa ng kababaihan para sa kasal, dumalo sa seremonya ng libing at gumamit ng dasal at
mangkulam. Sa pagdating ng mga Kastila ang mga Tagalog ay natuto ng pa ng iba't ibang kataga
tulafld ng binyag (isang ritwal kung saan nililinis ang isang tao sa kabyang kasalanan) , samba
(pagpupuri), simbahan (lugar kung saan sumasamba), siyak (guro), at mantala (sapi).

You might also like