Pagbasa Si Damon at Pythias

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

SI DAMON AT SI PYTHIAS

1 Sina Damon at Pythias ay matalik na magkaibigan. Para na ring magkapatid ang turingan
ng dalawa. Sila ay nanirahan sa siyudad ng Roma, na noo’y pinamumunuan ng isang
malupit na hari.

2 Isang araw, si Pythias ay napagbintangang nakagawa ng isang bagay na labis na ikinagalit


ng hari. Ipinakulong ng hari si Pythias. Lumapit si Damon sa hari at nagmakaawa na
palayain ang kanyang kaibigang si Pythias.

3 “Hindi ko siya palalayain! Pagbabayaran niya ng kanyang buhay ang kanyang kasalanan!”
sigaw ng hari.

4 Nang marinig ni Pythias ang matigas na pasya ng hari, nakiusap siya rito. “O, mahal na hari,
bago ako mamatay, pahintulutan sana ninyo ako na madalaw ang aking asawa’t mga
anak.”

5 “Malayo rito ang tinitirhan ng iyong asawa’t mga anak,” sabi ng hari. “Paano akong
makakatiyak na ikaw ay babalik?”

6 Nagsalita si Damon: “Hayaan ninyong ako muna ang pumalit sa kanya sa kulungan
hanggang hindi siya bumabalik.”

7 “At kung hindi siya magbalik?” mabagsik na tanong ng hari.

8 “Kung makakaganoon, ako ang mamamatay kapalit niya,” matatag na tugon ni Damon.

9 Napapayag na rin ang hari na palayain si Pythias at si Damon ang ipinalit sa kanya sa
bilangguan. Dumating ang araw ng pagbabalik ni Pythias ngunit hindi pa siya dumarating.

10 “Iniwan ka na ng iyong kaibigan at ikaw ang mamamatay para sa kanya,” parang nang-
iinis na sabi ng hari kay Damon. “Hindi na siya babalik.”

11 “Naniniwala akong babalik si Pythias,” sabi ni Damon.

12 “Kung hindi makakabalik si Pythias ngayong gabi, alam mo na ikaw ang mamamatay
bilang kapalit niya,” paalala ng hari.

13 “Nakahanda po ako,” sagot ni Damon. “Si Pythias ay isang tapat na kaibigan. Anumang
sandali ay darating na siya,” tiwalang sabi ni Damon.

14 Halos hindi pa natatapos ang sinasabi ni Damon nang marinig ang isang sigaw. Ito ay mula
kay Pythias.

15 “Narito ako! Bungad ni Pythias. “Namatay ang sinasakyan kong kabayo kaya’t kinailangan
kong takbuhin ang natitirang distansya ng paglalakbay. Ngayon, mahal na hari, handa na
akong mamatay.”
16 “Ako na lamang ang inyong ipapatay,” sabi ni Damon. “May asawa’t mga anak ang
kaibigan ko samantalang ako ay wala.

17 Hindi makapaniwala ang hari sa kanyang nakita’t narinig. “Palalayain ko na kayong


dalawa,” sabi nito. “Ibibigay ko ang kalahati ng kayamanan ko kung makakakita ako ng
isang tunay na kaibigan na katulad ninyong dalawa.”

18 At si Damon at Pythias ay nakauwi nang ligtas.

I. Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

________1. Ang sumusunod ay mga tauhan sa kuwento maliban sa ______.

a. hari b. Damon
c. Pythias d. guwardiya

________2. Si Damon at Pythias ay matalik na magkaibigan at parang magkapatid ang turingan


ng dalawa. Ang matalik na kaibigan ay ________.

a. kamag-anak b. mortal na kaaway


c. pinakamalapit na kaibigan d. kapatid

________3. Paano inilarawan ang hari sa talata 1?

a. masayahin b. malupit
c. mapagbigay d. tapat na kaibigan

________4. Ano ang naging problema sa kuwento?

a. malupit ang hari b. napagbintangan si Pythias na gumawa ng


isang bagay na ikinagalit ng hari

c. nagkagalit si Damon at Pythias d. pinalaya ng hari ang magkaibigan

________5. Ano ang ibig sabihin ng napagbintangan sa talata 2?

a. nahuli sa akto b. nakulong


c. naakusahan d. napagalitan

________6. Dahil sa kanyang galit, ipinakulong ng hari si Pythias. Ang taong nakakulong ay _____.

a. walang kalayaan b. nagtatrabaho


c. nakakapaglakbay d. nag-aaral
________7. Ano ang katangian na ipinakita ni Damon sa talata 8?

a. madaling magalit b. madaling mataranta


c. matatakutin d. mabuting kaibigan

________8. Ano ang maaaring naramdaman ng hari sa pagbalik ni Pythias?

a. pagkamangha b. pagkalungkot
c. pagkagalit d. pagkatakot

II. Sagutin ng buong pangungusap

1. Ano ang pinakamahirap na sakripisyo ang ginawa mo para sa iyong kaibigan?

______________________________________________________________________________________________

Bakit mo ito nagawa? ________________________________________________________________________

2. Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Damon at Pythias? Bakit?

______________________________________________________________________________________________

III. Bilugan ang titik ng pinakatamang kahulugan ng may salungguhit na salita.

1. Si Pythias ay isang tapat na kaibigan.

a. duwag b. walang daya c. mapagkunwari

2. Sa galit ng hari, nagpasya siya na ikulong si Pythias.

a. naghanda b. sumigaw c. nagdesisyon

3. Namatay ang kabayo ni Pythias kaya tinakbo niya ang natitirang distansya ng paglalakbay.

a. layo b. kulang c. lugar

You might also like