Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Ang Panitikan sa Kasalukuyan ay nagsimula noong nakaupo na ang dating

Pangulo na si Ferdinand E. Marcos noong taong Disyembre 30, 1965. Muling nabawi
ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala ng maraming taon at
bumangon mula sa pagkakalugmok nila dahil sa mga lahing gustong sumakop sa
bansang Pilipinas. Bagamat nakamit na ng mamayang Pilipino ang kalayaan sa
panahong ito subalit hindi gaanong maganda ang naging epekto nito sa mamamayang
Pilipino dahil sa mga naganap sa panahong ito.

Tulad na lamang ng Batas Militar na nagbunga ng negatibong katugunan at


maling kaisipan ng mga Pilipino. Ang batas militar ni Pangulong Ferdinand E. Marcos
ay naglalayon ng kanyang pamahalaan na pagkamit ng bansa sa kaunlaran sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng isang Bagong Lipunan.

Bagaman maraming kathang nailathala sa panahon mula 1972-1986 na nauukol


sa pagtaguyod ng mga layunin ng Bagong Lipunan, may mga lathalain ding
naglalarawan ng tunay na nadarama ng marami sa mga Pilipino nang panahon iyon.
Ang mga nasabing akda ay nagpapahiwatig na mapanghimagsik na damdadaming
namayani at pagtutol sa nadaramang pagsupil sa ilang karapatang-pantao katulad ng
kalayaan sa pagpapahayag at pamamahayag. Palihim o pailalim na nalathala ang mga
naturang akda.

Hanggang sa nagkaroon ng rebolusyon sa EDSA na tumagal ng apat na araw


mula pebrero 22 hanggang pebrero 26, 1986. Nagwakas ang panahon ng Bagong
Lipunan at muling nanumbalik ang ganap na kalayaan ng mga mamamayang Pilipino.

Isa pa sa naging makulay na kabanata ng panitikang Pilipino sa kasalukuyang


panahon ay ang pagmulat ng sambayanang Pilipino sa kahalagahan ng pagkakaroon
ng isang wikang pambansa, dili iba ang Filipino, mabilis na lumawak ang sakop at
saklaw ng ating panitikan. Karaniwan nilang layunin sa pagsulat ay pagbabago,
panghihikayat, at pagpapaunlad sa iba’t-ibang larangan ng buhay-Pilipino.

Kasabay ng pagkamit ng bagong kalayaan sa kasalukyang panahon ang pag-


usbong ng makabagong panahon na pinaghaharian ng Agham at Teknolohiya. Narito
na ang kasalukuyang panahon sa dekada ng elektroniko na nagsisilbing daan patungo
sa ganap na pagbabago ng pagpapahalaga, saloobin, kaisipan at paniniwala.

Malayo na ang narating ng midya mula sa dating panahon haggang sa


kasalukuyang panahon na siyang pinakamabisang daluyan ng panitikang pasulat o
pasalita. Maging ang antas ng wikang ginagamit sa midya ay nagbago na rin. Kasama
na rito ang mga pahayagan, magasin, telebisyon, radyo at pulitika.
INTRODUKSYON:

Ang Panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at


namamayaning uri at anyo ng katutubong panitikan. Subalit nakakasama rin dito ang
mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong nasa labas ng sariling bansa,
sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing Pilipino sa malawak
na nasasakupan ng paksa. Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng
panitikan na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino.

Ang panitikan ang nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,


mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan
lalo na sa pagsulat o tuluyan at patula.

Noong 2008, ayon kay Salasar, ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos
sa alinmang uri ng lipunan. Sinasabi ring ito ay bunga ng mga diwang mapanlikha, ng
diwang naghehele sa misteryo ng mga ulap o ng diwang yumayapos sa palaisipan ng
buwan. Ito ay isang kasangkapang lubos na makapangyarihan. Maari itong gumahis o
kaya'y magpalaya ng mga nagpupumiglas na ideya sa kanyang sariling bartolina ng
porma at istruktura. Sa isang banda, maituturing ang panitikan na isang kakaibang
karanasan. Ito ay naglalantad ng mga katotohanang panlipunan, at mga guniguning
likhang-isip lamang. Hinahaplos nito ang ating mga sensorya tulad ng paningin,
pandinig, pang amoy, panlasa at pandama. Kinakalabit nito ang ating malikhaing pag-
iisip at maging sasal na kabog ng ating dibdib. Pinupukaw din nito ang ating
nahihimbing na kamalayan. Lahat ng ito ay nagagawa ng panitikan sa pamamagitan
lamang ng mga payak na salitang buhay na dumadaloy sa ating katawan, diwa at
damdamin. Ang panitikan ay buhay na pulsong pumipintig at mainit na dugong
dumadaloy sa ugat ng bawat nilalang at ng buong lipunan. Isang karanasan itong
natatangi sa sangkatauhan.

Ang panitikan, tulad ng kasaysayan ay nagtataglay ng mga ulat sa mga naganap


sa lahi at mga naisip na dakila at marangal ng lahing ito. Ito din ay isang pamamaraan
upang maipahayag at maisalarawan sa mga tao ang mga nangyari sa nakalipas na
ilang dekada ng Pilipinas. Isa na dito ang panitikan tungkol sa kasalukuyang panahon.
II. KATAWAN

PANITIKAN SA KASALUKUYAN

URI NG PANITIKAN PANITIKAN SA KASALUKUYAN

Ang katangian ng maikling kwento


MAIKLING KWENTO sa ngayon ay dala o buhat sa
nakagawiang pagsusulat ng mga makata
noong panahon ng hapon. Noong
panahon na iyon ay ipinagbawal ang
paggamit ng ibang salita maiban sa
kanilang wika. Kaya’t nailimbag sa gintong
pahina ng panitikang Filipino ang maikling
kwento. Bagamat sa panahong ito ay
naging masigasig ang mga manunulat sa
kanilang katha, nagkaroon ng iba’t-ibang
pamamaraan ng pagkuwento. Ang mga
paksa dati ay hindi naisusulat at
napapansin. Madula ngunit maligoy. Ang
katangiang iyan ay namalagi hanggang sa
kasalukuyan at ito’y tinawag na
kontemporaryong maikling kwento.

TULA Ang tula noon maging sukat o


malaya man ay nararapat na nagtataglay
ng magandang-diwa at sining o kariktan
subalit simula ng pumasok ang panitikan
ng kasalukuyan ang tula ay naging
romantiko at rebolusyonaryo, mga
nagaganap noon sa pamahalaan,
maapoy, marahas at makulay.

DULA Ang dula dati ay isang uri ng akda


na ang kaisipan ng sumusunod ay
inilalagay sa bibig ng mga tauhang
gumaganap sa tanghalan o dulaan,
sapagkat ng pumasok ang panitikan sa
kasalukuyan naging makatotohanan at
mapangahas na ang mga salitang
ginagamit ng mga tauhan.
NOBELA Ang nobela sa kasalukuyan ay hindi
naiba sa mga nobela noon. May iilan
lamang na nadagdag at nabawas. Tulad
na lamang ng mga paksain tungkol sa
pag-ibig, ugaling Pilipino, sa pamilya at iba
pa.

PELIKULA Ang pelikula sa kasalukuyan ay


naging masyado ng lantaran gaya na
lamang na napapanood natin sa mga
palabas ngayon. Malalaswa, Gulo ng
namamayapag, komiks, at karamihan sa
mga palabas ngayon ay inilalantad na rin
ang hubad na katotohanan.

RADYO Maririnig na sa panitikan ng


kasalukuyang panahon ang mga
mamahayag na nakakapagpahayag na
sila ng kanilang tunay na saloobin ng
walang takot o pangamba. Marami na sa
panahong ito ang mga komentarista sa
radyo kung saan pawang laman ng bibig
ng mga ito ang mga hayagang pagpuna
nila sa mga gawain ng mga nasa pwesto.
Tulad na lamang ng magkakapatid na
tinaguriang “Tulfo Brothers”.

TELEBISYON Sa panahong kasalukuyan malaya


nang naipapahayag ng mga tagapagsalita
sa telebisyon ang kani-kanilang mga
opinion. Ang mga komentarista sa
telebisyon ngayon ay 4agging isinasaad
sa buong Pilipinas ang napapansin nila sa
mga gawain ng mga taong sikat, nasa
pwesto, maging nakagawa man ng mabuti
o hindi at iba pa.
III. KONKLUSYON

Mababatid natin mula sa impormasyon sa katawan na sumasabay ang panitikan


sa modernisasyon ng mundo sa pabago-bagong aspeto ng teknolohiya at internet. Ang
modernisasyon na ito ang nagluwal sa makabagong anyo sa pamamaraan ng pagtula,
pagkukuwento at iba pang anyo ng panitikan. At dahil parte na ng ating buhay ang
teknolohiya, mabilis ang pagbabagong idinulot nito sa buhay at lipunan. Mabilis din ang
pagbabago sa papel na ginagampanan ng impormasyon sa ating trabaho, buhay, at
pag-iisip. Ang mabilis na pagbabagong naganap sa buhay natin ay dala ng mabisang
sandata ng teknolohiya. Makikita natin kung papaano unti-unting nabago ang panitikan
ng Pilipinas, mula sa pagsakop ng mga kastila hanggang sa pagpasok ng kasalukuyang
panahon. Malayo na din ang narating ng panitikan ng Pilipinas maging ang midya at
antas ng wikang ginagamit nito.

Gayunpaman, bilang kami ay mag-aaral at nanaliksik sa Panitikang Filipino,


talagang malayo ang naging agwat ng panitikan mula sa pagsakop ng kastila hanggang
sa kasalukuyan. Mula sa dating paggamit ng mga salitang pormal, pambansa o
pampanitikang mga salita naging mas tutok ang mga tao ngayon sa mga palabas o
pelikula sa telebisyon kaysa magbasa ng mga akdang-pampanitikan. At bilang kami ay
bahagi na ng modernisasyon. Masasabi namin kahit na mabilis ang paglago at may
negatibo man ang teknolohiya at internet sa atin. Mahalaga pa din ang papel na
ginagampanan nito dahil sa kalagayan ng lipunan ngayon laganap na ang pang-aapi,
pang-aabuso at higit na kailangan ang teknolohiya upang makapasigwalat at
makapagbahagi pa sila ng impormasyon hindi lamang sa lokal na lugar maging pati na
din sa internasyonal.
PANANALIKSIK SA PAMANAHUNANG-PAPEL SA PANITIKAN NG KASALUKUYANG
PANAHON NG PILIPINAS

Isang pananaliksik na iniharap para kay

Dr. Juvy Jane S. Reyes

Bilang pagtupad sa Pambahaging Pangangailangan sa Panitikang Filipino

Nina:

John Carlo A. Maravilla

Lyrench Joy H. Monge


MT – NPBST – 12 – A1

Mayo 2019

You might also like