Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Agyu

Isa sa mga gawain ng mga Illanon ay magtipon ng pagkit at pagkatapos ay ipagpalit ng pagkit
at ipagpalit ito sa mga Moro para sa kanilang pangunahing pangangailangan. Inutusan ni Agyu
asina Kuyasu at Banlak na dalhin ang siyam na kamu at tingkal na pagkit sa isang datung Moro.
Nagalit ang Datu dahil maliit lang ang halaga nito bilang kabayaran at inihagis it okay Kuyasu.
Dahil dito napatay ni Kuyasi ang Datu. Sa pangyayaring ito nagpasya si Agyu na umalis sa
kanilang bayan at gumawa ng kuta sa itaas ng bundok sa paniniwala na gaganti sa kanila ang
mga Moro. Gumuwa sila ng Kuta at nagtipon ng mmga bato at pumutol ng torso pang digma.
Sinugod ng mga mandirigmang Moro ang pangkat ni Ayu ngunit hindi sila nagtagumpay.
Marami ang namatay sa kanila. Mula dito nagpalipat lipat nan g kuta mula sa Pinamatun
papuntang Tigyandang. Nagkaroon ng labanan sa baybayin ng Linayagon. Nang kakaunti na
ang tauhan ni Agyu, nagbolontaryong lumaban si Tanagyaw, and batang anak na lalaki ni
Tanagyaw. Natalo lahat ni Tanagyaw and mga kalaban. Mula dito maraming nang laban and
sinagupa ni Tanagyaw at nagtagumpay. Dahil sa kanyang kagalingan sa pagdirigma, gustong
ipakasal ng mga kaaway na Datu ang kanilang mga anak katulad ni Buy’anon at Paniguan.
Ngunit dahil sa pamimilit ni Paniguan, sumama ito at nang dumating sila sa bayan ng tinitigilan
ng mga Illanon , ikinasal agad sila. Patuloy na nagtatagumpay si Tanagyaw sa kanyang mga
digmaan. Dahil ditto, ibinigay ni Agyu and bayan ng Sunglawon sa anak. Dito na rin nanirahan
si Paniguan.

Si Kesa at Morito

Si Morito at may masidhing paghanga kay Kesa na asawa ni Wataru Saemonno-Jo. Ang
panibugho na nararamdaman nya ay napawi at hindi nagiwan ng anumang bakas sa kanyang
isip at puso. Wala syang nararamdamang pagkamuhi o masamang hangarin sa kanyang karibal.
Nabangit ng kanyang tiya na si Komorogawa na kung paano niya pinagsikapan at pingkasitan
makuhaang puso ni Kesaat mapangasawa ito. Ang isang simpleng lalaki ay pinaghiran na
matuto makapagsulat ng tula. Naatig si Morito sa pagkamasuyo ng isang lalaki na ginawa ang
lahat para makuha ang isang babae. Ngayon tumitingin sya sa kanyang puso, malinaw ito sa
pangaalinlangan nya na patuloy nyang mahalin si Kesa kung sakali ang kanyang hangarin ay
natupad. Bagaman at nananatili sya sa isip sa sumusunod na tatlong taon pagkaraan maputol
ang kanilang ugnayan, hindi nya tiyakang masasabi na mahal nya si Kesa. Sa kasunod na
paguunagyan nila, ang pinaka malaking pagsisisi nya ay ang hindi nya nakilala ng lubos.

Inihanda ni : Juliana C. Mijares


Grade 7 – Marian devotee
Indarapatra at Sulayman

Ipinatawag ni Indarapatra ang kapatid nyang si Prinsipe Sulayman at inutusan niya itong
ipaghiganti ang mga buhay ng mga nasawi. Unang pinuntahan ni Sulayman si Kurita sa Bundok
Kababalan. Naglaban ang dalawa hangang sa natalo nys ang halimaw. Isinunod nyang
puntahan si Tarabusaw. Hinamon ni Sulayman na lumabas si Tarabusaw at makipaglaban.
Makalipas ang mahabang paglalaban, nagapi ni Sulayman si Tarabusaw. Pagkatapos ang
pagkapanalo ni Sulayman pumaunt asya sa susunod niyang kalaban na si Pab. Nang tinaaas ni
Sulayman ang kanyang espada, nahati sa dalawa ang pakpak ng ibon at nadaganan si
Sulayman nito. Nalaman ni Haring Indarapatra and nangyari sa kapatid kayat sumugod siya sa
bindok. Nang ibinuhos ni haring Indaraptra and tubig na nangaling sa Bathala ay muling
nabuhay muli si Sulayman. Si haring Indarapatra na anghumarapsa halimaw na may pitong
ulo. Pagkatapos ng kanyang tagumpay ay isang diwata nagpasalamat sa kanya. Dahil sa taglay
na kagandahan nito, nabihag ang puso ni haring Indarapatra at sila ay nagpakasal.

Ang Mayaban na Salaginto

Isang umaga namamasyal ang salaginto, ma nakita syang langaw sa basurahan, nagyabang
ang salaginto sa langaw kayat napahiya ang langaw at ibig umiyak. Sa samang loob, pumunta
ang salaginto sa kinaroroonan ng salagubang, bubuyog at alitaptap at nagyabang. Wala rin
nagawa and salagubang, bubuyog at alitaptap kayat nanahimik nalang sila at lumipad na
nagtatawa ang salaginto. Kinabukasan nakita ng bata and salaginto. Nagandahan ang bata at
hinuli. Nakita ng langaw ang nangyari sa salaginto kaya pinuntahan nya ang mga kaibigang
alitaptap, salagubang at bubuyog para humingi ng tulong. Sa kanilang pagsisikap. Nailigtas ng
apat ang salaginto. Pagkagising ng salaubang, nagpasalamat siya saapat na dumulog sa kanya.

Inihanda ni : Juliana C. Mijares


Grade 7 – Marian devotee

You might also like