Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

PANALANGIN PARA SA TAON NG KABATAAN

Amang makapangyarihan

Diyos ng buhay at pag ibig

Minamahal mo kami,

lalo na ang mga Kabataan

Ngayong Taon ng mga Kabataan

Bigyan Mo sila ng lakas

upang manindigan sa pananampalataya

sa tulong ng Espiritu Santo.

Mailapit nawa namin sila sa iyo.

Patibayin mo sila,

Kasama ng Simbahan, Pamilya at lipunan

na umaakay sa kanila

upang makatugon sa panawagang maging banal

at sa isang ganap at mabungang buhay;

kumikilos sa pag-ibig

sa pagsunod kay Hesukristo.

Sa pakikiisa namin sa Simbahan,

ngayong Taon ng Kabataan,

maging panahon din nawa ito ng kaligtasan

sa tulong ng mga gawaing

isinusulong ng Simbahan ukol sa kanila.


Mapasigla nawa nito ang mga Kabataang Filipino

at maging natatanging panahon ito

upang lumago sila sa iyong biyaya

habang isinasabuhay ang kabanalang nauukol sa Kabataan.

Maabot nawa namin bilang Simbahan ang mga malalayong naghihintay sa iyong pag-ibig.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen !

Maria, Ina namin lalo na ng mga Kabataan,

Ipanalangin mo kami !

You might also like