Phobe L Kate

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Philippine Women’s University

JOSE ABAD SANTOS MEMORIAL SCHOOL


Daang Taft, Maynila

FRIENDS WITH BENEFITS: EPEKTO NG PAGGAMIT NG


ANTAS NG WIKA SA MAMBABASA NG NOBELANG
LIGO NA U, LAPIT NA ME NI EROS ATALIA

Isang kahingian sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibangTeksto


Tungo sa Pananaliksik; Filipino 11 – Core Subject
Na iniharap ng mga mag-aaral mula sa
Baitang 11 – TVL Franklin

Da Silva, Thomas Usher


Santiago, Phobel Kate

Abril 2019

1
Philippine Women’s University
JOSE ABAD SANTOS MEMORIAL SCHOOL
Daang Taft, Maynila

KABANATA II
PAG-AARAL NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA

2.1 Mga Kaugnay na Literatura sa Akda

Sa aming pananaliksik na ginawa marami kaming natuklasan na mga pag-aaral na


tungkol sa antas ng wika. Nakita namin na mayroong mga pag-aaral na kapareho ng aming
sinasaliksik. Sa mga nakalap naming impormasyon kadalasang ipinapabatid ng may akda
ang naging epekto ng paggamit ng antas ng wika . Ilan sa mga katulad ng aming pag-aaral
ay ang sumusunod:

Ayon kay Galvan, Robert D. (Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral, 2016)


sinasabi sa kanyang pananaliksik na ginawa na ang Wikang Filipino sa panahon ngayon ay
patuloy na nagbabago at umuunlad dahil sa paggamit natin ng ibat-ibang paraan para
bigkasin ang ating wika isa na riyan ang paggamit ng mga “slang” na salita o mas kilala
natin bilang mga salitang balbal. Base sa kanya, ang salitang balbal raw ang pinaka
mababang uri ng antas ng wika na ginagamit ng karamihang mga tao sa panahon ngayon ,
kadalasan nating nabubuo ang mga ganitong salita sa mga grupo gaya ng “ Gay Lingo” o
mga salita ng binabae at mga “Jejemon” na salita na madalas natin nakukuha sa mga text
messages o selpon. Ang mga ganitong salita ay kadalasang ginagamit upang maitago ang
tunay na kahulugan upang ang grupong kanilang kinabibilangan ay mas maintindihan ang
kanilang sinasabi. Ang layunin ng kanyang pag-aaral ay maunawan at malaman kung ano
ang epekto ng paggamit ng mga balbal na salita na lumaganap sa taong 2016. Gusto rin ni
Galvan na matuklasan kung ano ang mga bagong salitang umusbong, saan nagmula ang
mga salita at paano lumaganap ang mga salitang itosa panahong 2016.
https://www.academia.edu/29517481/Thesis_in_Filipino_2_Course

2
Philippine Women’s University
JOSE ABAD SANTOS MEMORIAL SCHOOL
Daang Taft, Maynila

Ayon kina Quia, L.M., Rivera, N.R., Rustia, J.R., Tinio, M.L., Varona, A.P. (Pag-
aaral tungkol sa epekto ng paggamit ng mga salitang balbal sa piling mag-aaral ng 11 ABM,
Marso, 2018) sinasabi sa kanilang pananaliksik na ang wikang Filipino ay nahahati sa
pormal at impormal. Ang mga pormal na salita raw ay kadalasang binubuo ng mga
pambansa at pampanitikan na mga salita na kadalasang ginagamit sa mga paaralan,
hukuman at iba pang mga propesyon. Ang mga impormal na salita naman ay binubuo ng
mga kolokyal, balbal at lalawiganin na mga salita na kadalasan nating sinasambit sa pang-
araw-araw, habang tumatagal ang panahon mas lalong lumalawak ang ating wikang
Filipino dahil sa mga nalilikha na mga makabagong salita gaya ng mga balbal o mga salitang
kalye. Kadalasang nabubuo ang mga ganitong salita sa mga estudyante, drayber ng jeep,
artista, empleyado, gay community at iba pang mga grupong kinabibilangan. Ang mga
salitang ito ay nagpapatunay ng pagiging malikhain nating mga Pilipino at maaaring hubugin
at sirain ang ating sariling Wika. Ang layunin ng kanilang pag-aaral ay makabuo ng isang
talahulugan o glosaryo ng mga balbal na salita na maaaring makatulong sa mga estudyante,
propesyunal na tao, mamamayang Pilipino at iba pang mga mananaliksik
https://www.academia.edu/36190494/PAGAARAL_TUNGKOL_SA_EPEKTO_NG_PAGGAM
IT_NG_MGA_SALITANG_BALBAL_SA_PILING_MAGAARAL_NG_11_ABM?fbclid=IwAR3N
ozMR

Ayon kina Cabuhat, R.O., Dela Crus, G.A, Baluyot, H.P., Mampan, A.P., Atazar,
A.C., Lina, J.J.A, Morales, M.J.A, Castro, A.M (Paggamit ng Wikang Balbal ng mga Mag-
aaral ng Grade 11 sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Bongabon, Oktubre, 2016)
sinasabi sa kanilang pananaliksik na patuloy na umuusbong at nagbabago ang ating bansa
dahil sa mga nabubuong salitang kalye o mga balbal na salita particular sa Mataas na
paaralan ng Bongabon. Pinakita sa kanilang pag-aaral kung bakit patuloy umuusbong at
lumalawak ang wika sa ating bansa. Ang layunin ng kanilang pag-aaral ay malaman ang
bilang ng mga mag-aaaral ang gumagamit ng salitang balbal sa Mataas na paaralan ng
Bongabon na ginagamit sa pakikipag-usap sa ibang tao , gusto rin nilang malaman ang

3
Philippine Women’s University
JOSE ABAD SANTOS MEMORIAL SCHOOL
Daang Taft, Maynila

pwedeng maging solusyon sa problemang kinakaharap ng ating bansa at kung ano ang
magiging epekto ng paggamit ng mga antas ng wika espisiko ang mga balbal na salita. Ang
metodolohiyang kanilang ginamit ay ang pagsasarbey sa mga ikalabing-isang mag-aaral ng
Mataas na paaralan ng Bongabon upang malaman ang bilang ng mga mag-aaral na
gumagamit ng mga balbal na salita.

https://www.academia.edu/33808232/MINI_THESIS_KOMUNIKASYON?fbclid=IwAR0uwyqq
aToqMwZflHG0BNi1VrDsVg_baxeG0aaRNpxy1KB0hK5RGY0562I

Ayon kay Amy Delivios (Implikasyon ng Paggamit ng Wikang Balbal sa mga Mag-
aaral na nasa Unang Taon na kumukuha ng kursong BS Social Work sa PLM, Disyembre,
2012) sinasabi sa kanilang pananaliksik na ang antas ng wika ay may dalawang bahagi kung
saan ito ay ang Pormal at Impormal. Ang Pormal na mga salita ay nahahanap sa mga libro
at mga taong pumapasok sa loob ng opisina at paaralan, habang ang Impormal na mga
salita naman ay may iba't ibang uri gaya nang kolokyal, balbal at lalawiganin. Sa pag-aaral
na ito binibigyang pokus ang paggamit ng mga balbal na salita ng mga estudyanteng BS
Social Work sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Ang layunin ng kanilang pag-aaral ay
malaman ang implikasyon ng paggamit ng wikang balbal ng mga mga-aaral at kung
nakatulong ba ito o hindi sa ating lipunan.

https://www.slideshare.net/amydelivios/implikasyon-ng-paggamit-ng-wikang-balbal-sa-mga-
mag-aaral-na-nasa-unang-taon-na-kumukuha-ng-kursong-bs-social-work-sa-
plm?fbclid=IwAR2JAHI-dg6HRy_aaJq9kLte5KE_n5TpcgmzyniYt_IQb95isVwViLZJ4Og

Ayon kina Baldon, J., Carolino, C.J.A., Clitar, J.A.C., Fwlix, N.P., Gomez, R.F.,
Infermo, L.A.M., Leonardo, A.P., Ramos, B.G., Vista, M.M.J, (Wikang Filipino, sa
makabagong Panahon, Nobyembre, 2014) sinasabi sa kanilang pananaliksik na nagkakaisa
ang bawat mamamayang Pilipino at umuunlad dahil sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa.
Ang wikang Filipino ay napakahalaga at kinakailangan ng ating bansa dahil ito ang nagiging
paraan upang makipag-ugnayan sa ibang tao. Sa panahon ngayon ay patuloy pa rin
umuunlad ang ating wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang paraan

4
Philippine Women’s University
JOSE ABAD SANTOS MEMORIAL SCHOOL
Daang Taft, Maynila

upang mabigkas at gamitin ang ating wika. Isang halimabawa nito ay ang paggamit ng mga
balbal na salita, ang mga salitang ito ang pinakamababang uri ng antas ng wika at
kadalasang ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw na pamumuhay, kadalasang mga
gumagamit ng ganitong mga salita ang mga kabataan at mga bakla. Ang layunin ng kanilang
pananaliksik ay mapakita ang pananaw ng bawat mag-aaral ng BS Education major in
Filipino sa patuloy na pag-unlad ng ating wikang Filipino. Ang metodolohiyang kanilang
ginawa ay pagsasarbey sa mga kumuha ng kursong BS Education major in Filipino sa taong
2014-2015 sa ICCT College ng Pilipinas, lungsod ng Cainta Rizal, kung saan gusto nila
mahanap ang mga dahilan kung bakit patuloy ang pag-unlad ng ating wika sa panahon
ngayon.

https://www.slideshare.net/armialeonardo/thesis-wikang-filipino-sa-makabagong-
panahon?fbclid=IwAR1-LMkIfhKIiYUNwe6sNEwCS_yCtCl8cfK0mWA-
lTATKFRbysbtJs82J_s

Ito ang ilan sa mga pag-aaral na aming nakita na maiuugnay namin sa aming
pananaliksik na ginawa tungkol sa antas ng wika. Makikita rito na patuloy nga ang pag-unlad
ng ating Wikang Filipino dahil sa mga bagong salitang umusbong sa panahon ngayon.
Makikita rin dito na ang mga balbal na salita ang pinakamababang uri ng antas ng wika
ngunit ito ang isa sa pinakamalaking naiambag sa ating Wikang Filipino.

2.2 Mga Kaugnay na Literatura sa Suliranin

Ayon kay Blanch, A. ( Pare: Hayag at Lingid na Panawagan Marso, 2010 ) sinasabi
sa kanyang artikulo na ang mga balbal na salita ay malawak at maaaring hulmahin ang ating
lipunan dahil sa nabubuong salita ng iba’t-ibang grupo sa lipunan gaya ng mga drayber,
estudyante, gay community at marami pang iba grupong kinabibilangan ngunit sa sobrang
makapangyarihan ng mga salitang ito ay maaari ring wasakin ng mga balbal na salita o mga

5
Philippine Women’s University
JOSE ABAD SANTOS MEMORIAL SCHOOL
Daang Taft, Maynila

salitang kalye ang ating Wikang Pambansa o ang ating identidad bilang Pilipino at ang mas
malala ang ating pagkakaisa.

https://austinblanch.blogspot.com/2012/01/pare-hayag-at-lingid-na-
panawagan.html?fbclid=IwAR0TOxFNAP1b0iEW09JLBSERYgTtEPDS6A-
mj_z5ge_1nlGgUpHKSjB_tkA

https://www.academia.edu/36190494/PAG-
AARAL_TUNGKOL_SA_EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_MGA_SALITANG_BALBAL_SA_PI
LING_MAGAARAL_NG_11_ABM?fbclid=IwAR0WVkE1SdefuI6pbUMUfk2N4qg_iGLQxKcny
FM7_KZJpb_j_2z0g9lMoA0

You might also like