Professional Documents
Culture Documents
Pagsusuri Final
Pagsusuri Final
PAGSUSURI NG AKDANG
PAMPANITIKAN
Ipinasa nina:
Bajao, Cyndy
Borja, Keezha Mae
Damgo, Floriemae
Cabojoc, Myca Kyle
Jabagat, Jequel
Lapitan, Yvonne Jezelle
Montecalvo, Win Love
Tangliben, Kate Darlene
Tuvida, Vaneza
Ipinasa kay:
Prof. Fe S. Bermiso
Guro
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY MINDANAO
National Teacher for Teaching Education
Institute of Teaching and Learning
Prosperidad, Agusan del Sur
I. Panimula
_________________________________________________________________________
Isa ka bang mapanuring mambabasa? Mga kwento ba’y pasok sa iyong panlasa?
Nagugulumihan ba minsan ang iyong isipan sa mga akdang hindi mo maunawaan?
Halina’t ilantad natin ang katotohanan at bigyang kasagutan ang mga katanungan!
LIWANIP: Ibunyag ang Nakakubling Laman!
Ang mga akdang aming ibubunyag ang siyang nagmulat sa aming musmos na
isipan na laliman ang pagpapakahulugan at hukayin pa ang mga nakakubling laman.
Gaya na lamang ng kasabihang “Don’t judge the book by its cover”, dahil hindi lahat
ng mga nakikita ng ating mga mata ay pawang totoo, ang iba’y nalinlang lamang ng
kakaibang kagandahan nito. Sa ibang salita, ang tunay na kagandahan ay hindi basta-
bastang nakikita, ito ay nakatago kaya’t kailangan nating hanapin. Halina’t samahan
ninyo kami sa aming mapangahas na pagbubunyag upang lubos na madama ang tunay
na kariktan ng mga nakakubling laman ng dalawang akdang magbibigay liwanag sa
inyong isipan!
1. May-akda
Sa karera niya bilang isang manunulat, nakatanggap siya ng maraming parangal mula sa
Palanca, PNS/PNC, City of Manila, Quezon City, University of Santo Tomas College of
Education at marami pang iba. Natamo niya ang unang Gawad Palanca para sa Maikling
Kuwento sa Filipino noong 1951, para sa kwentong Kwento ni Mabuti. Ang kanyang
kwentong Paglalayag sa Puso ng Isang Bata ay nagwagi rin ng Gawad Palanca noong 1955, at
ang Parusa noong 1961. Nagtamo siya ng Gawad CCP para sa Sining/Panitikan noong taong
1992.
Ang ilan sa mga naging aklat niya na nailimbag ay ang "Mga Piling Maikling Kuwento"
ng Ateneo University Press, "Ang Tinig ng Damdamin" ng De La Salle University Press at ang
"Sa Anino ng Edsa", na mga maikling kuwentong isinulat niya bilang National Fellow for
Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.
Unang Akda
2. Ang Akda
Bangkang Papel
ni Genoveva Edroza-Matute
Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang
araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob
ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw
nang walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkang papel, nariyang tinatangay ng
tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.
Sa tuwing ako’y may makakikitang bangkang papel ay nagbabalik sa aking gunita ang isang
batang lalaki. Isang batang lalaking gumawa ng tatlong malalaking bangkang papel na hindi niya
napalutang sa tubig kailanman...
Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. Sa loob
ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang
natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit,
nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.
3. Pagsusuri
Ang sunuring akda ay isang maikling kwento. “Isang akdang pampanitikang likha ng
guniguni at bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari sa buhay.” ang
pagpapakahulugan ni Edgar Allan Poe, (ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento) sa maikling
kwento. Ito rin ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan. Tinatalakay din sa maikling kwento ang
natatangi at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
Halimbawa:
“Wala siyang makitang ano man maliban sa isang makitid na silahis.”
“Mula sa malayo’y naririnig niya ang hagibis ng malakas na hangin.”
“Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. ”
“Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli.”
“Ang araw na humalili’y tigib ng pangamba…”
Sa halip na gamitin ang salitang sinag ay silahis ang ginamit, hagibis sa halip na
belosidad, salitang naparam na maaari namang gamitan ng salitang naglaho, nagugulumihan sa
halip na naguguluhan at tigib ng pangamba na maaari namang sabihing puno ng pangamba.
Gumamit din ang awtor ng salitang konotasyon (Ang pagpapakahulugang iba kaysa sa
pangkaraniwang pakahulugan), narito ang pahayag:
Nagkatuwaan ang mga bata sa pagtatampisaw sa baha. Ito ang pinakahihintay nilang
araw mula nang magkasunud-sunod ang pag-ulan. Alam nilang kapag iyo’y nagpatuloy sa loob
ng tatlong araw ang lansangang patungo sa laruan ay lulubog. At ngayon, ay ikalimang araw
nang walang tigil ang pag-ulan.
Ilang maliliit na bata ang magpapalutang ng mga bangkang papel, nariyang tinatangay ng
tubig, naroong sinasalpok at inilulubog, nariyang winawasak.
2. Saglit na kasiglahan
Isang batang lalaking nagising sa isang gabi, sa mag dagundong na nakagugulat. Sa loob
ng ilang saglit, ang akala niya’y Bagong Taon noon. Gayon ding malalakas na ugong ang
natatandaan niyang sumasalubong sa Bagong Taon. Ngunit pagkalipas ng ilan pang saglit,
nagunita niyang noon ay wala nang ingay na pumapatak mula sa kanilang bubungan.
3. Suliranin
Ang paghihintay ng batang lalaki sa pagbabalik ng kanyang ama.
Patuloy na hinihintay at hinahanap ng batang lalaki sa kanyang ina kung kailan babalik
ang kanyang ama. Walang kaalam-alam ang bata sa kung saan namamalagi ang kanyang ama sa
tuwing wala ito sa kanilang tahanan. Maraming katanungan ang sumasagi sa kanyang isipan
kung bakit hindi pa umuuwi ang kanyang ama at hindi ipinapaliwanag ng kanyang ina ang mga
pangyayaring nagaganap sa kanyang paligid.
4. Tunggalian
Tao laban sa Kalikasan: Patuloy na pag-ulan sa loob ng limang araw sa lugar na tinitirhan
ng batang lalaki at ng kanyang pamilya .
Tao laban sa Tao: Pagkamatay ng kanyang ama sa sagupaan sa pagitan ng mga kawal at
ng taong-bayan.
Isang kamay ang dumantay sa kanyang balikat at nang magtaas ng paningin ay nakitang
yao’y si Aling Berta, ang kanilang kapitbahay. Hindi niya maunawaan ang tingin noong tila
naaawa. Biglang-biglang naparam ang nalalabi pang antok. Gising na gising ang kanyang ulirat.
Naroon ang asawa ni Aling Berta, gayon din sina Mang Pedring, si Aling Ading, si Feli, at si
Turing, si Pepe. Nakita niyang ang kanilang bahay ay halos mapuno ng tao.
6. Kakalasan
Nagugulumihang lumapit ang bata kina Mang Pedring at Aling Feli. Ang pag-uusap
nila’y biglang natigil nang siya’y makita.
Wala siyang narinig kundi... “Labinlimang lahat ang nangapatay...”
Hindi niya maunawaan ang lahat. Ang pagdami ng tao sa kanilang bahay. Ang anasan. Ang ayos
ng kanyang ina. Ang pag-iyak ni Aling Feli nang siya ay makita.
Sa pagitan ng mga hikbi, siya’y patuloy sa pagtatanong...
“Bakit po? Ano po iyon?”
7. Wakas
Tagpuan
Lansangan: Ang lugar kung saan naglalaro ang mga bata.
C. Tema
Ang kwento ay tungkol sa batang lalaki na hinihintay ang pagdating ng kanyang ama,
kasama na dito ang paghahangad niya na palutangin ang mga bangkang papel na kanyang
ginawa.
Ang akdang ito ay hindi lang tungkol sa literal na paglalaro ng bata sa bangkang yari sa
papel. Ito ay sumisimbolo rin sa pangarap ng bata sa kwento na naudlot dahil sa pagkasawi ng
kanyang ama. Isa lamang siya sa mga batang maagang naulila dahil sa pangyayaring naganap sa
kanyang ama na namatay sa kasagsagan ng giyera. Mahirap mamuhay lalo na kung ang nasa
paligid mo ay hindi payapa. Sa madaling salita, ipinapakita dito ang masamang epekto ng giyera
lalo na sa mga kaanak ng mga taong nasawi. Ganito rin ang magiging epekto kapag patuloy ang
tunggalian sa pagitan ng mga sundalo at mga rebelde, maraming pamilya ang magkakawatak-
watak at maraming mga bata ang masisira ang kinabukasan.
Ito ang mangyayari sa ating bansa kung patuloy tayong mag-aaway lalo na kung patuloy
ang pagrerebelde ng mga tao. Sa madaling salita, walang kapayapaan at katahimikan.
Naging masigla ang talakayin tungkol sa Realismo noong unang bahagi ng siglo 1900.
Nakatulong dito ang kilusang anti- Romantisismo sa Alemanya kung saan mas nagtuon ng
pansin ang sining sa pangkaraniwang tao. Idagdag pa rito ang patataguyod ni Auguste Comte
(kilalang Ama ng Sosyolohiya) ng proditibistikong pilosopiya sa paglulunsad ng siyentipikong
pag-aaral; ang pag-unlad ng propesyunal na journalism kung saan inuulat nang walang bahid ng
emosyon o pagsusuri ang mga kaganapan at ang paglago ng industriya ng potograpiya.
Sa maikling kwentong ito, tunay na naliwagan ang aming mga isipan at diwa sa
ipinakitang lantad na katotohanang maaaninag sa masalimoot nating lipunan. Ang palasak na
tunggalian ng mga paniniwala, ang paninindigan ng mga taong nasa tuktok ng tatsulok at ng mga
mamamayang nasa paanan nito.
Sa mga mata ng isang bata, lahat ng bagay ay maganda at makulay. Lahat ay simple at
hindi komplekado. Walang kadenang galit, poot, inggit at pagkukunwaring gumagapos at unti-
unting nagpapatigas sa puso ng mga tao. Puro at totoo ang kanilang pagkatao, sumasalamin sa
personang bigong maisakatauhan ng nakararami sa atin.
Sa ating lipunan tunay na masasaksihan ang mga batang mababaw ang kaisipan, walang
pakialam sa mundo at ang nais lamang ay ang maglaro at magsaya sa kahit anong paraan na
makapagbibigay sa kanila ng kaligayahang walang katapusan. Ang mga bagay na nais nilang
gawin ay nagsisilbing mga pangarap na kay hirap abutin, dahil kaakibat nito ang mga dahilang
hindi nila maiintindihan, para bang sinadyang ginawan sila ng utak na hindi maunawaan ang
realidad ng buhay. Ang mga musmos na nilalang sa ating lipunan ay patuloy na dadalhin ang
mga inipong mga tanong kung bakit sila napapagitnaan ng lungkot at kapighatian habang sila’y
nakikipagsapalaran. Narito ang isang videong nagpapatunay na ang mga bata ay walang gustong
gawin kundi ang maging masaya at tunay ngang malayong-malayo sila sa mundong puno ng
pangangamba at pagdurusa. https://youtu.be/s6z1FZfBuE
“Noon po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na magulang sa isang mayamang pamilya
na nakatira sa lungsod.” Ito’y isang kataga na mababasa sa sanaysay na pinamagatang “Ako
po’y Pitong Taong Gulang”. Dahil sa kahirapan ay nakaya ng kanyang mga magulang na
Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung nakaligtas
siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin, siya'y hindi
magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan. Sa akin, siya'y
mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman, at may walong taong gulang.
Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at lumisan
pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali, ang ila'y nagmabagal at ang ila'y
nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang kanyang mukha at ang kanyang
pangalan. Nguni't ang buhay sa lahat ay ang isang bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang
siya ang aking maging guro at ako ang kanyang tinuturuan. Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At
isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at
tingnan lamang iyo'y mahahabag na sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng
pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang kakatuwang "punto" na nagpapakilalang
siya'y taga- ibang pook. Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito,
kahit sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng
gayon. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin ang mga
naiiwang panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang mga ito sa
lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay ng upuan upang
Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y
naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo, umagang-
umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking ginawa - napatangay ako sa bugso ng
damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking
ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang
pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa,
ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y
mahalaga at minamahal. Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng
upuan. Ngunit siya'y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang
paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang katapat
upang bilhin ang aking minindal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga kagamitan sa
paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok. Pinagpantay-pantay rin niya ang
mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin
minsan man lamang nang hapong iyon. Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y
kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin
nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-
iisa't kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na
siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso. Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na
tila may binubuong kapasiyahan sa kanyang loob. Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga
yabag ay mabibigat na tila sa isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon
lamang siya hindi lumingon upang magsabi ng, "Goodbye, Teacher." Lumabas siya nang tahimik
at ang kanyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo. Ano ang ginawa kong ito? Ano ang
ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At
ito'y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili. Bukas…. Marahil, kung pagpipilitan ko
Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin. Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo,
ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa
kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa.
Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.
A. Pagsusuri
1. Porma ng Wika at Istilo
Isang maikling kwento ang akdang sinuri at ito’y nakasulat sa Wikang Filipino.
Mapapansin na payak ang pagkakasulat ng kwento. Inilalarawan ng may-akda ang pang-araw-
araw na gawain o mga pangyayari sa pagitan ng isang guro at kanyang mga mag-aaral sa isang
klasrum at kung paano ang isang mag-aaral ay nagsilbing tagapagturo sa kanyang mismong guro.
Ang kwento ay isinalaysay sa paraang “flashbacking” na kung saan inilahad ng guro ang
mga pangyayari sa simula pa lamang nang makilala at makasama niya ang bata. Mapapatunayan
ito sa bahaging ito ng kwento:
Halimbawa:
“Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang
tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon,
sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging
guro.”
Mapapansin na ang mga salitang ginamit ng akda ay pormal at simple. Ito ay pormal
sapagkat seryosong paksa ang tinatalakay nito at ang kwento ay simple at natural dahil
kinapapalooban ito ng matatapat na mga pahayag.
2. Saglit na kasiglahan
“Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa kanyang buhay.
Payak ang mga katotohanan: siya'y isang munting ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa
malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang pumapasok sa paaralan upang
may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng kanyang panginoon.”
Nalaman ng guro ang mga katotohanan tungkol sa buhay ng bata, isa itong ulila at
walang sinumang nag-aalaga nito kundi ang sarili lamang. Lumuwas ito ng Maynila upang
magtrabaho para buhayin ang sarili at para makapag-aral.
3. Suliranin
“Nais kong makita siyang nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa
mga pook na ipinagbabawal, napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata.
Kahit na hindi siya marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at kaligayahan
ng buhay-bata.”
4. Tunggalian
Tao laban sa Sarili:
Ang bata ay mahiyain, gumagawa nang tahimik, nag-iisa at umiiwas sa iba.
Tao laban sa Tao:
Ang hindi pagkaaunawaan ng guro at ng bata.
5. Kasukdulan
“Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong nagdaa'y
naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang aking ulo,
umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking ginawa - napatangay ako sa
bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na
aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang
pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang
pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa
kanyang siya'y mahalaga at minamahal.”
Dumating ang araw na pinagalitan ng guro ang bata dahil sa hindi malamang dahilan.
Dahil sa bugso ng damdamin ay nagawa niya ang bagay na ito at hindi man lang niya inisip
ang maaaring maramdaman ng bata at nalimutan niya rin ang pagiging mapag-isa at
kalumbayan nito.
6. Kakalasan
“Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong iyon.
Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan niya ako ng pagkapoot
na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga huling buwan. Ang isa mang
Labis ang pagsisisi ng guro sa kanyang nagawa sa bata na hanggang sa lumipas man ang
panahon ay hindi niya parin malimutan ang mga pangyayaring iyon. Nagdulot ito ng pagkapoot
ng bata sa kanya na naging dahilan din ng paglayo ng loob nito sa kanya at dahil doon ay
bumalik ang dati nitong pag-uugali -- ang pagiging tahimik nito, pagkamahiyain at ang pag-iwas
nito sa iba.
7. Wakas
“Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang paulit-
ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y sinabi ko rin nang paulit-ulit sa aking sarili.
Bukas…. Marahil, kung pagpipilitan ko bukas…
Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan. Ang mga
mata niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin. "Goodbye, Teacher,"
ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya. Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin. Kung
gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon. Ang tangi kong
nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa
nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging
guro.”
Nagwakas ang kwento na na labis ang pagsisisi ng guro sa kanyang ginawa sa bata. Hindi
na bumalik sa dati ang kanilang pagsasamahan at ang pagkakaibigang nabuo. Dahil sa mga
nangyari nasabi ng guro sa kanyang sarili na minsan ang bata ang kanyang naging guro at siya
ang tinuturuan nito sapagkat ang kanyang nagawang pagkakamali noon ay nagkaroon ng
malaking epekto sa kanyang katauhan at ito ay nagsilbing aral sa kanyang buhay.
Tagpuan
Umiikot ang buong pangyayari sa kwento sa loob ng isang silid aralan. Nagsimula at
nagwakas ang kwento sa loob parin ng klasrum na sa paggugunita ng guro sa buong pangyayari
noon ay hindi na niya namalayan kung gaano siya katagal na nakaupo sa silid-aralang iyon.
Tema
Malaki rin ang epekto ng pagiging ulila ng isang bata sa pagharap ng kanyang buhay.
Hindi na bago sa atin ang ganitong sitwasyon, maraming ulilang mga bata na nagtagumpay sa
buhay kahit na walang magulang na gumagabay sa kanila dahil na rin sa sariling pagsisikap na
magtagumpay ngunit hindi rin lingid sa ating kaalaman na marami ring napariwara dahil
nawalan na sila ng pag-asa sa buhay. Ipinapakita rito na maraming naidudulot ang kahirapan sa
buhay ng isang tao, maaaring magsilbi itong inspirasyon sa iba para magtagumpay o
kabaliktaran.
Maraming taon man ang lumipas, sadyang may mga tao sa ating paligid na kusang
dumarating, nanatili saglit at nakakalungkot man isipan ay lumilisan. Minsan, may mga taong
nagmamadali at nagbabagal, tulad ng gurong nagsasalaysay sa kwento, nakintal sa kanyang
gunita ang isang bagay na mahalaga at isang karanasang mananatili habang-buhay.
Sa mga pahayag na “Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak.
Ito ay kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa
akin, siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng Bataan,”
ginugunita ng isang guro ang isang mag-aaral na hindi niya makalimutan. Patunay lamang ito na
iniisip din ng isang guro kung ano ang kahihinatnan at magiging buhay ng kanyang mga
estudyante sa hinaharap.
May mga pagkakataon talaga na binabalikan natin ang ating mga nakaraan. Likas sa atin
ang pagbabalik tanaw sa mga taong naging bahagi ng ating kahapon. Mga alaalang hinding-hindi
malilimutan ilang taon man ang lumipas. Kung minsa’y ating iniisip na sana mabagal ang ikot ng
mundo upang matamasa natin nang matagal ang buhay ng ating kabataan. Tayo man sa ating
mga sarili’y hinangad din nating balikan ang mga nagdaan at baguhin ito kung mabibigyan lang
tayo ng pagkakataon.
Magkaiba man ang istorya ng akdang “Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata” at video clip
na “Unsung Hero”, mayroon pa rin silang pagkakapareho. Ang guro sa akdang sinuri ay
ginugunita kung ano na ang kalagayan ng batang kanyang naging estudyante. Ang taong
tumulong naman sa batang lansangan ay inisip niyang niloko siya nang makita niyang wala sa
pwesto nito ang bata pagkalipas ng ilang araw. Ngunit ang totoo ay wala roon sa pwesto niya ang
bata dahil sa siya’y handa ng pumasok sa eskwela. Napagtanto niya na sa konting tulong na
naibibigay niya ay mayroon pala talaga itong mapatutunguhan.
Mapapansin natin sa ating lipunan na ang mga tao ay binabalik-balikan ang mga bagay na
nagiging daan upang bigyan sila ng panibagong pag-asa at lakas para harapin ang bukas at mga
mga suliranin na darating sa kanilang buhay.
Kaugnay sa kwentong sinuri ay ang kwentong pinamagatang “Impeng Negro”. Narito ang
mga katagang mababasa sa akdang iniugnay “Ang itim mo, Impen,” itutukso nito. “Kapatid mo
ba si Kano?” isasabad sa mga nasa gripo.“Sino bang talaga ang tatay mo?” “Sino pa,”
isisingit ni Ogor, “di si Dikyam.” Kung papansining mabuti ang dalawang akda ay parehong
hinuhusguhan ang kanilang katauhan. Pangit man ang kanilang mga panlabas na katangian pero
hindi mawawala ang pagkakaroon nila ng magagandang kalooban. Hindi nila iniinda ang mga
panghuhusgang ginagawa ng mga tao, bagkus ito ang kanilang naging kalakasan. Hindi
nagpapaapekto ang dalawang tao sa dalawang akda sa mga ginagawang panghuhusga laban sa
kanila. Patunay lamang na sa realismong pagdulog ay mas nangingibabaw ang katotohanan
kaysa sa kagandahan. Katotohanang ang mga tao ay hindi maiiwasang hindi makapanghusga sa
kapwa tao. Ito’y laganap na sa ating lipunan dahil ang mundong ating ginagalawan ay tunay na
mapanghusga dahil halos lahat ng tao ay nabubuhay sa mga panlalait ng mga taong pangit ang
panlabas na anyo. Hindi na bago sa ating mundo ang diskriminasyon na kung saan minamaliit at
hinuhusgahan ng lipunan ang pisikal na kaanyuan ng isang tao.
Sa ating lipunan, may mga taong naging matagumpay sa kabila ng kanilang pagiging
kakaiba. Ang kanilang mga kapansanan ay hindi naging hadlang upang maipagpatuloy ang
karera ng kanilang mga buhay. Sa kabila ng panghuhusga ng ibang tao ay pinagpatuloy pa rin
nila ang kanilang pag-aaral. Mas naging pursigido sila na makapagtapos upang mapatunayang
Sa kasalukuyan, ang mga bata sa kwento maging sa mga videong napanuod ay mga
patunay na ang edukasyon ay para sa lahat. Walang pinipiling estado sa buhay, mayaman man o
mahirap, may kapansanan man o wala, lahat ay may karapatang matuto’t makamit ang
minimithing edukasyon upang makaahon sa kahirapan ng buhay.
Talaga nga namang tunay na naiiba ang mga taong espesyal. Naiiba sapagkat biniyayaan
ng kagandahang hindi basta-bastang nakikita ng mga tao sa lipunan. Kagandahang nakatago
kaya’t hindi napapansin. Isang patunay na hindi sa lahat ng pagkakataon ay masisilayan ang
kagandahan sa pisikal o panlabas na kaanyuan.
Sa ating lipunan, nababalot ng mga panghuhusga sa mga taong walang kasalanan kung
bakit ganoon na lamang ang kanilang pisikal na kaanyuan. Sa Pilipinas, marami na rin ang
nakakaranas ng bullying sa kahit anong paraan. Sa kasamaang palad, ito’y nagdudulot ng
depresyon at kung minsan ay nagiging kapalit ang buhay ng isang inosenteng tao.
Humigit 1,700 ang naitalang kaso ng bullying sa Metro Manila mula 2013 hanggang 2014.
Sa kasalukuyang sarbey http://www.pacer.org/bullying/resources/stats.asp sa taong 2016
mayroong humigit isa sa limang (20.8%) bata ang nakaranas ng bullying at humigit kumulang
nasa 27.9% ang kabuuan nito. Nagpapatunay lamang ito na mataas ang kaso sa pangungutya at
pang-aapi sa mga inosenteng bata.
Isa rin sa katangiang ipinapakita ng bata sa kwento ay ang kanyang pagiging matatag na
labanan ang kahirapan sa buhay. Hindi nagpatinag at hinarap ng buong tapang ang mga bagyong
paparating at maaaring sumira sa kanyang kinabukasan. Ang mga linyang “siya'y isang munting
ulilang galing sa lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw
siyang pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng
kanyang panginoon,” ay nagpapakita ng pagiging positibo ng bata. Sa kabila ng kanyang
pagiging ulila ay nakahanap pa rin siya ng paraan upang matugunan ang kanyang
pangangailangan sa pag-aaral.
Tunay nga na namamana ang kahirapan. Kung wala ka nga namang gagawin upang ito’y
malutas ay magiging laganap pa rin ito hanggang sa susunod na henerasyon. Ngunit ang batang
ito’y may determinasyon, pangarap at may malaking hangarin sa buhay dahil kahit kailangan
niyang pagsabayin ang magtrabaho at ang kaniyang pag-aaral ay gagawin niya para
Mahalaga ang tungkulin ng isang guro upang higit na maging matagumpay ang
kinabukasan ng kanyang mga mag-aaral. Ang guro ang siyang nagiging dahilan kung bakit
mayroong pagbabago sa buhay ng mga estudyante. Pinatunayan ito ng mga katagang “Nahuhuli
ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa magkanghihiga sa
likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat sa mga pook na
ipinagbabawal.”
Makikita natin ang pagbabagong nagaganap sa pangit na batang ito na kung saan
nagkakaroon na ng saya’t pag-asa ang kaniyang puso. Ito ang nagpapatunay na ang akda ay
napapabilang sa sikolohikal na uri ng realismong pagdulog dahil ang tauhan ay nagkakaroon ng
pagbabago batay na rin sa kanyang mga naging karanasan at sa mga taong nakakasama niya.
Lubos pa itong pinatunayan ng mga linyang “Sa mga ganoong pagkakatao'y naiiwan sa akin
ang katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at hindi na totoong nalulumbay.”
Kahit na sinumang bata’y nangarap na maranasan din ang lumigaya kahit saglit lamang.
Maihahalintulad din natin ito sa mga batang yagit na naglalaro kahit panandalian lamang upang
maranasan din nila kung paano tumawa’t humalakhak na may galak. Makikita rin natin sa ating
lipunan ang mga pangyayari na kung saan ay may mga taong naging instrumento upang
maranasan ng kabataan ang kasiyahang habangbuhay nilang babaunin kahit saan man sila dalhin
ng kanilang kapalaran.
Link: https://www.youtube.com/watch?v=C9eGz9hXfEI&feature=youtu.be
Tunay ngang ang mga guro’y tao lamang at hindi perpekto. Minsa’y nagkakamali na
siyang nagiging dahilan upang mapagbuntungan ng galit ang kanyang mga estudyante. Isa rin ito
sa mga katotohanang hindi maitatago ng lipunan. Sa akda ay kapansin-pansin ang nagawang
pagbulyaw ng guro sa bata, “Mainit noon ang aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi ko
dapat gawin ay aking ginagawa - napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita
ngayon kung ano ang ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit.” Patunay lamang ito na hindi
maiiwasang dahil sa kainitan ng ulo ng guro ay nakagagawa siya ng mga bagay na hindi dapat
niya gagawin sa kanyang mga mag-aaral. Isa pang patunay ang mga linyang “Ang nagugunita ko
lamang ngayon ay ang matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanaliit
niya sa kanyang upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang
mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal.”
Kung minsan, ang mga damdamin ay hindi natin mapigilan kaya’t ito ay nakapagdudulot
ng masama gaya ng pagkasira ng isang relasyong kay tagal na at kapag kumupas na ang
damdaming ito saka pa natin mapupunang mali at hindi nararapat. Ganoon talaga ang buhay,
minsa’y nagagawa natin ang mga bagay na hindi natin aakalaing magagawa natin. Mayroong
mga pagkakataon na tayo ay nasa kondisyong mainit ang ulo’t madaling nagagalit at nasa
kondisyong mahinahon. Hindi maiiwasan lalong-lalo na sa ating mga gurong maraming
ginagawa kaya kung minsa’y napapansing nakakapagsalita na pala sila ng masasakit sa kanilang
mga mag-aaral. Nakakalimutan ng mga guro ang kondisyon at sitwasyon ng kanilang mga
Ang mga katagang, “Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y
kinapopootan niya ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin
nitong mga huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-
iisa’t kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis na
siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso,” ay nagpapakita ng maling nagawa ng guro.
May mga pangyayari talaga sa loob ng paaralan na natatakot na ang mga mag-aaral na
pumasok dahil takot o ayaw nila ang kanilang guro. Ang iba’y lumiliban na lamang dahil
natatakot na baka mapagalitang muli ng kanilang guro. Isa rin ito sa mga katotohanang hindi
maiiwasan lalo na sa relasyon ng guro’t mga mag-aaral. Saka na lamang mapagtutuunan ng
pansin ng mga guro kapag nagbibigay na ng motibo o dahilan ang mag-aaral lalo na kapag nakita
ng mga guro na kakaiba na ang kilos ng isang estudyante. Sa kasamaang palad, ang ganitong
mga pangyayari ang minsa’y nagiging dahilan kung bakit hihinto na lamang ang estudyante o
lilipat ng ibang paaralan upang maiwasan lamang ang kanilang takot sa guro.
Ang ginawa ng bata ang siyang naging dahilan ng pagsisisi ng guro sa kanyang maling
nagawa bugso ng kanyang damdamin. Napatda siya sa kabutihang ginawa ng kanyang mag-aaral
na higit na nangibabaw ang pagpapakumbaba ng bata kahit na ito’y walang kasalanang ginawa.
Patunay lamang ang mga sinabi ng guro na “Ang tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba
ko sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang
kaluluwa. Nang sandaling yaon, siya ang aking naging guro.” Dahil dito, ang batang maliit ang
karunungan, maitim, pangit, at pipis ang ilong ang siyang nagturo ng isang aral na hindi
kailanman malilimutan ng kanyang guro. Naging mapagkumbaba at nagpakatotoo siya sa
kanyang sarili dahilan upang hindi siya makalimutan sa gunita ng kanyang guro.
Ang akdang sinuri at ang pelikula ay mayroon pagkakapareho dahil sa huli ay nagbago ang
mga paniniwala ng mga guro. Sa akdang sinuri, ang guro roon ay natuto sa ginawa ng kanyang
mag-aaral. Natutunan niyang magpakumbaba dahil napagtanto niyang hindi sa lahat ng
pagkakataon ay ang matanda ang nagtuturo sa bata. Sa pelikula naman ay makikita ang
pagkamangha ng guro sa ginawa ng kanyang estudyante. Unti-unti niyang natatanggap ang
katotohanang may kakayahan rin pala ang kanyang mag-aaral. Napatunayan iyon ng estudyante
sa pamamagitan ng pagligtas sa anak ng guro at sa buhay ng kanyang apo. Sa paglabas ng bata
ay hindi ito humihinga pero sa tulong ng estudyante at dahil na rin sa kanyang kakayahan at
pananalig sa panginoon ay nailigtas niya ang bata. Hindi nagdalawang isip ang guro na purihin
ang ginawang kabayanihan ng estudyante sa palabas. Ang pangyayaring iyon ang naging dahilan
ng kanyang pagtanggap na hindi lang siya ang may matalas na isip at may kakaibang natatanging
galing. Natuto siyang magpakukumba dahil para sa kanya ang lahat ng tao ay may kakaibang
talento. Ang dalawang akda ay magkakapareho dahil sa huli ay nagsisi at natuto ang mga guro sa
mga pagkakamaling nagawa nila sa kanilang mga mag-aaral.
Sa larangan ng edukasyon, responsibilidad ng mga guro na turuan ang kanilang mga mag-
aaral. Gayunpaman, ang pagkatuto ay hindi lamang para sa mga mag-aaral ngunit para na rin sa
mga guro. Isa itong patunay na hindi sa lahat ng oras ay ikaw ang nagbibigay ng karunungan,
kailangan mo ring tumanggap ng aral o matuto sa tulong ng ibang tao kagaya na lamang ng mga
nangyayari sa ating lipunan. Hindi man aminin ng ibang mga guro ngunit minsan na rin silang
binago at nagbago dahil sa kanilang mga mag-aaral. Ang mga may matigas na puso ay
lumambot, ang mga gurong mapagmataas ay kalauna’y natutong maging mapagpakumbaba.
Higit sa lahat natuto ang mga guro na maging totoo sa kanilang mga sarili at napagtantong hindi
lahat ng bagay ay alam nila at kailangan din nilang matuto mula sa ibang tao.
Masasabi naming ang ginawa naming pagsusuri sa mga akdang kontemporaryo ay hindi
madaling gawain sapagkat nangangailangan ito ng malalimang pag-unawa sa mga akda. Ang
mga akdang sinuri ay may mga nakatagong kahulugan o mensahe na kahit na sa isang basa nito
ay hindi agad dali-daling maintindihan ng mga mambabasa kung kaya’t kinakailangan na
unawain ang akda ng mabuti at kinakailangan nito ng proseso para sa malalimang pagsusuri.
Hindi ito madaling gawain ngunit malaki naman ang naitutulong nito sa amin bilang mga
estudyante na nag-aaral tungkol sa panitikan. Sa pamamagitan ng pagsusuring ito ay may mga
bagong kaalaman kaming nalaman tungkol sa panitikan at kasama na rito ang paggamit at
paglapat ng iba’t ibang dulog. Ang mga pangyayari sa dalawang akdang sinuri ay napapanahon
sapagka’t ang mga pangyayaring naganap sa kwento ay nangyayari rin sa ating kasalukuyan na
kung saan ay nasaksihan o masasaksihan pa natin.
https://meviasy.wordpress.com/
http://nielbertmalimit.blogspot.com/2014/03/bangkang-papel-ni-genoveva-edroza-matute.html
https://meviasy.wordpress.com/
https://pinoycollection.com/maikling-kwento/
http://aprilmbagonfaeldan.blogspot.com/2012/03/mga-teoryang-pampanitiikan-pat-v.html
http://biography.yourdictionary.com/articles/genoveva-edroza-matute-biography.html
https://dakilapinoy.wordpress.com/2009/03/26/genoveva-edroza-matute-1915-2009/
http://genovevamatute.wikia.com/wiki/Buod_ng_%22Paglalayag..._Sa_Puso_ng_Isang_Bata%2
2, http://208500232771798456.weebly.com/mga-elemento.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Maikling_kuwento
http://kwentistablog.blogspot.com/2013/05/inukit-na-pag-ibig-at-kabayanihan-ni.html
http://jalajalanhsfilipinoiii.blogspot.com
http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/07/ako-poy-pitong-taong-gulang.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Teorya_ng_realismo
http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-pampanitikan.html
https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-36790003
https://youtu.be/s6z1FZfBuE
https://www.youtube.com/watch?v=gEoyn-Tn9Eo
https://www.youtube.com/watch?v=vVEdtVpJgEY
http://jalajalanhsfilipinoiii.blogspot.com
https://www.youtube.com/watch?v=CODJGDkd_nI.