Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pangalan:

ARALING PANLIPUNAN 10
Mga Kontemporaryong Isyu
Handout #12

Modyul 3 Mga Isyu at Hamong Pangkasarian


Aralin: Mga Tugon sa mga Isyu at Hamong Pangkasarian
Markahan: Ikatlo
Guro: G. Mike Allen D. Religioso, LPT

Pamantayang Pangnilalaman (Content Standard) Pamantayan sa Pagganap (Performance


Standard)
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga Ang mga mag-aaral ay nakakagawa ng mga
epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan malikhaing hakbang na nagsusulong ng
sa kasarian at lipunan upang maging aktibong pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian
tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan. tao bilang kasapi ng pamayanan.

Hindi maitatanggi na marami pa rin na mga miyembro ng LGBT ang nakararanas ng mga pang-
aabuso at diskriminasyon sa lipunan. Sa kabila nito, maraming mga hakbang ang isinagawa at isinasagawa
pa ng mga pambansang pamahalaan upang matugunan ang mga isyu at hamong pangkasarian na laganap
sa pamayanan.

1. Ang “YOGYAKARTA PRINCIPLES ON THE


APPLICATION OF INTERNATIONAL HUMAN RIGHTS
LAW IN RELATION TO SEXUAL ORIENTATION AND
GENDER IDENTITY”.
Ito ay ang napagkasunduang mga prinsipyo na
tumutukoy sa mga karapatang pantao sa larang ng
oryentasyong sekswal (sexual orientation) at katauhang
pangkasarian (gender identity) na nabuo matapos ang
pagpupulong ng mga pandaigdigang grupo na nagsusulong
ng karapatang pantao sa lungsod ng Yogyakarta sa
bansang Indonesia noong ika-6-9 ng Nobyembre taong
2006.
 Mayroon itong 35 na pahina na naglalaman ng mga prinsipyo patungkol sa paglalapat ng
pandaigdigang batas sa karapatang pantao sa oryentasyong sekswal at katauhang pangkasarian.
 Nabuo ito sa Gadjah Mada University sa lungsod ng Yogyakarta sa pangunguna ng mga grupo at
eksperto sa mga karapatang pantao.
 Ang Yogyakarta Principles ay binubuo ng dalawampu’t siyam na prinsipyo.
 Inilunsad ang pinaka-huling bersyon ng Yogyakarta Principles bilang “Global Charter for Gay
Rights” noong Marso 26, 2007 sa United Nations Human Rights Council sa Geneva, Switzerland.
 Noong Nobyembre 7, 2007 ay inilahad naman ito sa United Nations na siyang sinuportahan ng
mga bansang Argentina, Brazil at Uruguay.
 Ayon sa Human Rights Watch, ang unang hakbang upang maging epektibo ang Yogyakarta
Principles ay ang pag-alis ng pagiging homosexual bilang krimen sa 77 na mga bansa na siyang
nagpaparusa pa rin sa mga taong nakikipagrelasyon sa kapwa kasarian at ang pag-alis ng parusang
kamatayan sa ilang mga bansa na nagpapataw nito sa mga taong nakikipagrelasyon sa kapwa
kasarian.
 Nagkaroon ng impluwensiya ang Yogyakarta Principles sa binalangkas na United Nations
Declaration on Sexual Orientation and Gender Identity noong 2008 na siya ring sinuportahan ng
Pilipinas.

*Ang mga bansang nagpaparusa ng kamatayan sa mga taong nakikipagrelasyon sa kapwa kasarian ay Syria, Iraq, Saudi Arabia,
Iran, Sudan, Yemen, Nigeria at Somalia.

1
2. Ang CONVENTION ON THE ELIMINATION OF ALL
FORMS OF DISCRIMINATION AGAINST WOMEN (CEDAW)
 Ito ay karaniwang inilalarawan bilang “International Bill
for Women”, “The Women’s Convention” at “United
Nations Treaty for the Rights of Women”.
 Ito rin ang kauna-unahan at tanging kasunduan na
komprehensibong tumatalakay sa mga karapatan ng
mga kababaihan sa iba’t ibang aspeto sa lipunan.
 Inaprubahan ang CEDAW noong Disyembre 18, 1979 at
naging epektibo noong Setyembre 3, 1981.
 Noong Hulyo 15, 1980 ay pumirma ang Pilipinas at niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
 Ang CEDAW ay ang pangalawa sa may pinakamaraming bansa na nagratipika kasunod ng
“Convention of the Rights of the Child”.

Ang konteksto ng CEDAW ay alinsunod sa tatlong prinsipyo.

PRINCIPLE OF EQUALITY

- Tumutukoy sa konsepto ng karapatan na maging pantay sa mga kalalakihan.

PRINCIPLE OF NON-DISCRIMINATION

- Kinikilala ang diskriminasyon bilang isang “socially constructed” na gawi kaysa natural.

PRINCIPLE OF STATE OBLIGATION

- Ang bansang nakapirma sa CEDAW ay kinakailangang sumunod sa mga alituntunin nito at magsagawa
ng aksyon laban sa mga paglabag sa mga karapatang pangkababaihan.

Bilang “state party” ng CEDAW ay kinakailangang tugunan ng Pilipinas ang diskriminasyon sa mga
kababaihan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga komprehensibong programa at pagpasa ng mga
kaukulang batas. Inaasahan din ang bansa na magbigay ng ulat tuwing apat na taon tungkol sa mga
isinagawang hakbang ng pamahalaan upang mabawasan ang insidente ng diskriminasyon sa bansa.

Sanggunian: https://www.iwraw-ap.org/cedaw/what-is-cedaw/cedaw-principles/

3. Ang ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN (REPUBLIC ACT NO. 9262)

Ang Anti-Violence Against Women and Their


Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito,
at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga
lumalabag dito.
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito
ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang
“kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa
kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at
babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng
babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga
anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol
ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang
pangangalaga.

Hango mula sa AP 10 Learners’ Material at http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf


Larawan mula sa twitter account ni Marko Jovasevic

2
4. Ang MAGNA CARTA OF WOMEN (REPUBLIC ACT NO. 9710)

 Isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang diskriminasyon sa mga kababaihan at
nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng mga kababaihan at kalalakihan.
 Alinsunod sa Saligang Batas at mga pandaigdigang pamantayan katulad ng Convention on the
Elimination of all forms of Discrimination Against Women (CEDAW).
 Isinusulong ng batas na ito ang pagkilala sa kakayahan ng mga kababaihan at ang kanilang
karapatan bilang karapatang pantao.
 Sinasaklaw ng Magna Carta of Women ang mga babaeng Pilipino na nasa anumang edad o antas
ng pinag-aralan, propesyon, relihiyon at pangkat-etniko.
 Binibigya din nito ang kalagayan ng mga bata at matatandang babae, mga babaeng may
kapansanan, Marginalized Women at Women in Especially Difficult Circumstances.

*Marginalized Women – mga babaeng namumuhay sa kahirapan at walang sapat na kakayahan upang matamo ang mga
pangangailangan.
*Women in Especially Difficult Circumstances – mga babae na nasa mapanganib na kalagayan katulad ng “human trafficking”,
pang-aabuso o “harassment” at prostitusyon.

5. Ang HeForShe MOVEMENT

 Ang HeForShe ay isang kampanya ng UN Women (United Nations


Women) na nagsusulong sa pagkamit ng pagkakapantay-pantay ng
karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan sa pamamagitan ng
paghikayat sa mga kalalakihan na maging instrumento ng pagbabago
laban sa mga inekwalidad sa mga kababaihan.
 Ito ay inilunsad noong Hunyo 20, 2014.
 Itinalaga bilang UN Women Goodwill Ambassador ang aktres na si
Emma Watson na nagtapos sa Brown University. Siya ay isang humanitarian at nagsusulong ng
gender equality.

“All that is needed for the forces of evil to triumph is for good men and
women to do nothing.”
-Edmund Burke

You might also like