Professional Documents
Culture Documents
Panimulang Pagtataya - 3rd Quarter
Panimulang Pagtataya - 3rd Quarter
Panimulang Pagtataya - 3rd Quarter
11. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan.
Sa sinaunang China isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa
ng hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
Samantalang sa India, isinasagawa ng mga Muslim at ilang Hindu ang pagtatabing ng tela sa kababaihan
upang maitago ang kanilang mukha at maging hubog ng kanilang katawan. Ano ang tawag dito?
A. Babaylan B. Purdah C. Lotus Feet D. Dowry
12. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa
mga ito maliban sa isa.
A. Pambubugbog C. Sexual Harassment
B. Pangangaliwa ng asawang lalaki D. Sex Trafficking
13. Saklaw ng Magna Carta for Women ang lahat ng babaeng Pilipino. Binibigyang pansin ng batas na
ito ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, mga may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang
larangan. ‘Marginalized Women’, at ‘Women in Especially Difficult Circumstances’. Alin sa mga
sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult circumstances?
A. Maralitang tagalunsod C. Magsasaka at manggagawa sa bukid
B. Kababaihang Moro at katutubo D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
14. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita
niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon
kaysa sa kababaihan.
15. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan ( bata at
matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya.
Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa nito?
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan.
D. Upang mapanatiling puro at dalisay ang babae hanggang sa siya ay maikasal
16. Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang tanong sa ibaba.
Ano ang mensahe ng awit na ito?
17. Suriin ang larawan at sagutin ang tanong sa ibaba. Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa larawan?
A. Ang mga lalaki ay maaring manatili sa
bahay at gawin ang mga gawaing bahay.
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at
karahasan sa kalalakihan.
C. May pantay na karapatan na ang babae at
lalaki
D. Mas maraming babae na ang naghahanap
buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa
bahay
18. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? “LGBT rights are human rights”. – Ban Ki Moon
A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.
B. Ang mga LGBT ay may karapatang-pantao.
C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.
19. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong
kayo ay mga bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong
seksuwal, ano ang iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan.
20. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan. Noong Nobyembre 6-9, 2006 nagtipon-
tipon sa Yogyakarta Indonesia ang 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.