Worksheets in Filipino 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

WORKSHEETS IN FILIPINO 6

November 27, 2017, Lunes

Basahin at unawain ng mabuti.


ASPEKTO NG PANDIWA
Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ang pandiwa ay may tatlong aspekto na nakabatay
sa kapanahunan kung kailan ito naganap, nagaganap o magaganap.
1. Pangnagdaan o Naganap – kung ang kilos ay nagawa o ginawa na o natapos na.
Halimbawa:
Umuwi siya nang maaga kahapon.
Ang mga bata ay naglaro ng volleyball kaninang tanghali.
Binaha ang buong Metro Manila dahil sa bagyong nanalasa kahapon.

Nakatutulong sa pagkilala ng pandiwang nasa pangnagdaan ang mga salitang pampanahon tulad ng kahapon, kanina,
kagabi, noong isang araw, at marami pang iba. Ito ay nagpapahiwatig na ginawa na o tapos na ang kilos.

2. Pangkasalukuyan o Nagaganap – kung ang kilos ay hindi pa natatapos o ginawa pa lamang.


Halimbawa:
Umuuwi siya nang maaga.
Ang mga bata ay naglalaro ng volleyball.
Binabaha ang buong Metro Manila dahil sa bagyong nanalasa.

Ginaganit ang mga salitang pampanahong gaya ng araw-araw, palagi, tuwing, ngayon, at iba pa.

3. Panghinaharap o Magaganap – kung ang kilos hindi nasimulan, gaganapin pa lamang o magaganap pa.
Halimbawa:
Uuwi siya nang maaga mamayang gabi.
Ang mga bata ay maglalaro ng volleyball sa susunod na linggo.
Babahain na naman ang buong Metro Manila dahil sa bagyong paparating.

Subukin Natin at Sagutan Natin

I. Panuto: Salungguhitan ang mga pandiwang ginamit sa mga pangungusap at tukuyin kung nasa anong aspekto ang mga ito. Isulat
ang sagot sa patlang.

_________________ 1. Ang malikot na bata ay napaso sa kalan.


_________________ 2. Manghuhuli ng mga gumagalang aso ang lalaki.
_________________ 3. Sina Mabelle at Paolo ay sumasayaw ng Tinikling.
_________________ 4. Ang magkakapatid ay nagdadasal gabi-gabi.
_________________ 5. Ang mag-aaral ay magsisimba mamayang hapon.

November 28, 2017, Martes

MGA IMPORMASYONG MAKUKUHA SA GRAP


Ang grap ay balangkas na nagpapakita ng ugnayan ng dalawa o higit pang mga bagay o dami sa pamamagitan ng tuldok at
guhit.
Ang grap ay may iba’t-ibang uri:
1. Bar Grap – ito ay nagpapakita ng paghahambing ng dami.
2. Line Grap – nagpapakita ng pagbabago sa halaga o dami. Ang datos dito ay ipinakikita ng mga tuldok ng pinagdurugtong ng
linya.
3. Pabilog na Grap (Circle o Pie Grap) – nagpapakita ng ugnayan ng mga bahagi ng isang kabuuan.
4. Grap na Palarawan (Pictograph) – naghahambing ng dami sa tulong ng mga larawan.

Basahin ang kuwento sa ibaba.

KAYAMANAN NG PILIPINAS
(Pinagkunan: Filipino V – Diwa Textbook)

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa bunong mundo na may pinakamalaking populasyon. Ito ay itinuturing na isang kayamanan, ang
yamang tao (human resources).
Noong 1570, tinatayang kalahating milyon ang populasyon ng bansa na noo’y nasa ilalim ng pananakop ng mga Kastila. Noon namang
1591, naitala ang populasyon sa 667, 612 batay sa bilang ng mga nagsisipagbayad ng buwis sa mga encomienda. Tinatayang 1, 502, 574 ang naging
populasyon dahil sa naranasang pagbuti ng kalusugan ng madla. Noong 1896, ibinatay ang muling pagtataya sa populasyon sa ginawang census ng
mga Kastila buhat noong taong 1877. Sa kabuuan, ang populasyong nakuha ay mahigit anim na milyon na may taunang paglaki sa bilib na
kalahating bahagdan mula noong census ng 1887.

Bumilis ang paglaki ng populasyon dahil sa naranasang pagbuti ng kalusugan ng nakararami. Napigilan ang pagkalat ng mga epidemya ng
kolera, bulutong at salot nang itatag ang Kawanihan ng Kalusugan at Paglilingkod Kwarentenas. Ang mga mamamayan ay natuto ng wastong
pangangalaga sa kalusugan at kalinisan. Sa pag-alis ng mga Amerikano noong 1948, tinatayang 19, 234, 182 ang dami ng mga Pilipino.

Lumaki ang populasyon ng Pilipinas habang lumilipas ang panahon. Mula noong 1970, ang populasyon nating 36.7 milyon ay umabot sa
48.39 milyon noong 1980. Ang antas ng pamumuhay noon ay tumaas din.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa kuwentong iyong binasa.


I. A. Panuto: Isulat ang inyong sagot sa patlang.
1. Sa kuwento, ano ang tinutukoy na kayamanan ng Pilipinas? __________________________________________________
2. Ano ang populasyon ng Pilipinas noong taong 1570?________________________________________________________
3. Ano ang naging bunga ng pagkatatag ng Kawanihan ng Kalusugan at Paglilingkod Kwarentenas?
__________________________________________________________________________________________________
4. Ano ang pinakamataas na populasyong naitala na may pinakamataas na bahagdan ng pagtaas ng populasyon?
__________________________________________________________________________________________________

B. Panuto: Piliin sa kahon ang ipinahihiwatig sa sumusunod.

Populasyon Encomienda Epidemya Census

________________ 1. Sakit na kumakalat sa isang pook


________________ 2. Pagtatala ng bilang ng mga mamamayan
________________ 3. Bilang ng mga mamamayan
________________ 4. Sistema ng pagsasaka noong panahon ng Kastila

II. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod. Isulat ang inyong sa sagot sa patlang.

A. Kilalanin ang iba’t-iabng uri ng grap ang sumusunod.

1. ____________________________
Series 1
5

0
Category Category Category Category
1 2 3 4

Series 1

2. Series 1
_________________________________
5
4
3
2
1
0
Category 1 Category 2 Category 3 Category 4
Series 1

3.
SALES IN PERCENTAGE _________________________________

15%

15%
60%

20%

1st Qtr 2nd Qtr 3rd Qtr 4th Qtr

4.

B. Normal na Timbang ng mga Bata

NORMAL NA TIMBANG NG MGA BATA


45
MGA BATA

50
40 35 35 36 35

30 25
1. Ilang bata ang normal ang timbang noong Hulyo? ________________________
2. Anong mga buwan pantay ang bilang ng mga batang normal ang timbang?________________________________
3. Mula sa Hulyo, ilang bata ang nadagdag sa mga normal ang timbang? _______________________________
4. Sa anong buwan pinakamababa ang bilang ng mga batang normal ang timbang? ____________________________
5. Sa anong buwan pinakamataas ang bilang ng mga batang normal ang timbang? ____________________________

C. Pumili at gumawa ng isang uri ng grap. Punan mo ito sa mga sumusunod na mga datos.
ANING KAMATIS NI MARIO
BILANG NG MGA ANI NI MARIO
ARAW NG LINGGO
(AYON SA KILO)
LUNES 8
MARTES 12
MIYERKULES 5
HUWEBES 10
BIYERNES 15

IKATLONG ARAW
PAGGAMIT NG PANGKALAHATANG SANGGUNIAN
May mga salita talagang mahirap maintindihan kahit na ang mga ito ay ginagamit sa pangungusap. Kaya sa ganitong
pagkakataon, kailangan nating sumangguni sa pangkalahatang sanggunian tulad ng DIKSYONARYO, ATLAS, ENSIKLOPEDYA.

DIKSIYONARYO – Aklat na naglalaman ng piling mga salita ng isang wika na nakaayos ng paalpabeto at may kaukulang paliwanag
o kahulugan; talatinigan. Sa pagbasa ng diksiyonaryo, ang agad na makikita ay ang dalawang pamatnubay na salita sa itaas ng
bawat pahina nito. Nakatutulong ang mga ito sa mabilis na paghahanap ng salita. Magkatulad ang unang pamatnubay na salita sa
kaliwa at ang unang salita sa itaas ng talaan sa kaliwang hanay. Magkatulad naman ang pamatbubay na salita sa kanang bahagi ng
pahina at ang huling salita sa ibaba ng talaan sa kanang hanay.

Halimbawa ng mga diksiyonaryo: Webster’s Dictionary, Oxford Dictionary, English-Filipino Dictionary

Bukod sa kahulugan ng salita a

ENSIKLOPEDYA – Aklat o katipunan ng mga aklat ng nagbibigay ng mga kaalaman sa lahat ng sangay nang karunungan, kung
saan ang mga lathalain ay inayos nang paalpabeto.

Halimbawa ng mga ito ay: Collier’s Encyclopedia, World Book

ATLAS – Aklat ng mga mapa na nagsasabi ng lawak, distansiya at lokasyon ng mga lugar.

ALMANAC - aklat na nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga punto ng kawilihan, mga pangyayari sa ibang
bansa, palakasan, relihiyon, politika, atbp.

ATLAS
Ito ay aklat ng mga mapa na nagsasaad ng lawak, distansya, at lokasyon ng mga lugar.
Ipinakikita rito ang mga anyong-tubig at anyong lupa na matatagpuan sa isang lugar.

DIKSYUNARYO
Ito ay aklat na nagsasaad ng pagbabaybay, pagbigkas, pagpapantig, at bahagi ng
pananalita na kinabibilangan ng salita. Maaari rin itong magbigay ng iba’t ibang mga
kahulugan ng isang saita. Nakahanay nang paalpabeto ang mga salita rito.

ALMANAC
Ang almanac ay aklat na naglalaman ng kalendaryo ng mga araw sa isang taon na
kinasusulatan ng mga oras sa iba’t ibang mga pangyayari at katotohanan tulad ng
anibersaryo, pagsikat at paglubog ng araw, pagbabago ng buwan, pagtaas at pagbaba ng
tubig, at iba pa.

ENCYCLOPEDIA
Ang encyclopedia ay aklat ng kalipunan ng mahahalagang impormasyon tulad ng
ekonomiya, teknolohiya, kabuhayan, edukasyon, pulitika, at iba pa. Makikita rin dito ang
mga artikulong nagsasaad ng katotohanan sa isang tao, bagay, pook, o pangyayari.
ssss

You might also like