Professional Documents
Culture Documents
17 - 32
17 - 32
Pinuna ni Rizal sa kabanatang ito ang mga gawi at kilos ng mga Pilipino ukol sa
relihiyon. Ayon sa kanya, isang kamangmangan ang paniniwala sa “indulgencia plenaria”- ang
pagbibigay buwis o bayad mula sa simbahan upang maligtas ang kaluluwa mula sa purgatoryo.
Pinuna rin niya na napakahirap amuin ng mga alagad ng simbahan lalo na’t isa kang mahirap.
Kapag hindi natutuhan ng bata ang isang aralin ay huwag ipalagay na siya ay mahina
bagkus ito’y sanhi ng kawalan ng pagsisikap na matutuhan ito.
Sa gayon, makatitipid ang mga mamamayan sa gugulin lalo’t ang bawat isa’y may kaniya
kaniyang ambag upang mapabuti ang pagtatanghal. Sinisikap nitong iwasan na lumabas sa bayan
ang mga salaping gugugulin. Tahasan niyang binabatikos ang walang kabuluhang pagbili ng mga
paputok, ang mga inuupahang palabas, matagal na pagdiriwang (3 araw) at pabonggahan ng mga
dekorasyon. Subalit ang ganitong pagbabago’y hindi tatangkilikin ng mga nasa kapangyarihan
lalo nan g mga pari sapagkat nasa kanila ang kaluluwa ng mga mamamayan. Ang sinumang
hindi sumunod sa kanilang ipag-uutos at itatagubilin ay mapaparusahan.
Ipinakita ni Rizal sa kabanatang ito kung paano nagkaroon ng tipanan (date) ang
kadalagahan at kabinataan sa kanilang panahon. Malimit na grupo kung sila'y mamasyal.
Kasama ang kanilang mga ina, tiya at nagsisilbing tagabantay. Ngunit laging may paraan ang
mga mangingibig upang magkasarilinan at magkalapitan sila ng minamahal. Ang tipanan ay
umiinog lamang pagsasalu-salo sa hapag, pag-aawitan, paglalaro, pakikipagkwentuhan.
Mababatid sa kabanatang ito ang mga plano at pangarap ni Rizal para sa bayan. Ang
pagkakaroon ng mga eskwelahan sa bansa at edukasyon sa bawat isang Pilipino na magsisilbing
gabay sa pagmulat sa katotohanan at paggising sa nahihimbing na kamalayan ng mga Pilipino.
Ngunit ang ganitong pagbabago'y nangangailangan ng sakripisyon. Kailangang tuluyang
magpakababa at magmakaawa sa mga may kapangyarihan upang maisagawa ang mabuting
layunin. Kailangang sumabay sa hihip ng hangip, sa nakagawiang takbo at kalakaran ng mga
namumuno nang hindi mapaghinalaang kalaban ng gobyerno.
Ito mismo ang araw ng pista - ang pagdiriwang na halos pinakahihintay ng lahat.
Aabangan ang banda, dupikal ng kampana at mga paputok. Itinuturing din itong huling araw ng
pagdiriwang. Muling tutuligsain ang epekto ng nasabing pagdiriwang. Ayon kay Pilosopo Tasyo,
ito ay tila pantasya na nagdudulot sa marami ng kaligayahan para pansamantalang malimutan
ang kahirapan ng buhay.