Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Related Literature

SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Sa panahon ngayon, marami-rami na ring mga estudyante ang binabalewala nalang ang pagpasok
sa klase. Minsan ang kadahilanan nito’y ang masasamang impluwensya ng barkada o kung minsan
naman ay may sapat at katanggap-tanggap na dahilan ang mga mag-aaral.

Sinabi ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng
bayan.” Ngunit, paano magiging pag-asa ng bayan ang mga kabataan kung sila mismo ay tumutungo sa
maling landas at mas pinipili pa ang kanilang kagustuhan kaysa sa kanilang kinabukasan.

Alam natin na ang madalas na pagliban sa klase ay nakakaapekto sa ating kinabukasan. Marami
silang nalilibanang mga paksa sa klase, at dahil dito, makakaapekto ito sa kanilang mga grado at maari
rin tong maging dahilan upang bumagsak sila at umulit nanaman sa asignaturang iyon.

LAYUNIN NG PAGAARAL

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay makatutulong upang malaman ng bawat isa ang epekto ng
madalas na pagliban ng mga estudyante sa klase. Magsisilbi din itong gabay upang maiwasan na nila ang
kanilang madalas na pagliban sa klase.

Sinasagot ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang dahilan ng estudyante kung bakit sila lumliban sa klase?

2. Sa paanong paraan makakapaepekto ang paliban sa klase ng mga mag-aaral?

3. Ano ang magiging epekto ng paliban ng mga mag-aaral sa klase?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sapagkat ito ay magbibigay pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga mag-aaral. Ito ay makakatulong sa kanila sapagkat mamumulat sila sa katotohanan na


hindi maganda ang madalas na pagliban sa klase.

Sa mga magulang. Ito rin ay magsisilbing gabay sa mga magulang upang magabayan nila ang
kanilang mga anak at mapaalalahanan ito na huwag lumiban sa klase.
Sa mga guro. Ito ay makatutulong sa mga guro sapagkat maaari silang gumawa ng hakbang upang
hikayatin ang mga estudyante na dumalo sa klase.

Sa mga susunod pang mananaliksik. Ito ay makatutulong sa kanila sapagkat maaari pa nila itong
palawakin at biyan ng mas malawak na solusyon ang mga nabigay na suliranin.

SAKLAW AT LIMITASYON

Sinasaklaw ng pananaliksik na ito, ang pagsusuri sa kung ano ang maging epekto ng pagliban sa
klase ng mga mag-aaral at kung paano ito masusulusyunan.

Nakatuon ito sa reaksyon at opinyon ng mga guro tungkol sa pananaliksik na ito. Ang pananaliksik na ito
ay hango sa pananaw ng mga guro ng Filipino ng antas IED1.

http://filipinotheis102.blogspot.com/p/epekto-ng-madalas-na-pagliban-ngmag.html

Pinaka-karaniwang Dahilan ng Pag-liban ng mga Mag-aaral na Pinoy

Tuwing tag ulan madalas ang class suspension.

signal no. 1 suspended ang kinder at elementary,

signal no. 2 pag highschool, at

signal no 3 naman para ma suspended ang klase ng mga nasa college,

nagrereklamo na nga sila eh, kasi kung minsan este madalas kahit ulan lang, ga-baywang na ang baha,
wala pang masakyan.

madalas pumalpak ang PAG-ASA sa pag predict na hindi naman natin dapat sisihin, kasi sa aking
opinyon sapat na ang common sense para magpasiya. kasi nga naman kahit sabihing may pasok, eh kung
nagliliparan ang mga bubong at lubhang delikado , papasok ka parin ba? sabagay dagdag thrill.

dahil dito pumasok sa isipan ko, na magsagawa ng listahan ng mga pangunahing dahilan ng pagliban ng
mga mag-aaral sa paaralan,narito ang sampung pinakakaraniwang dahilan ng pag absent sa
pampublikong paaralan maging sa pribado at kolehiyo.

di na ako magpapatumpik-tumpik pa, diretso na


UNA: TOOTHACHE

Kung isang araw lang ang absent, pwedeng dalawa araw hanggang isang linggo, kung isusulat mong
namaga po kasi, maawa sayo si ma'am kasi talagang masakit yun, kung hihingan ka ng pirma ng dentista,
sabihin may bayad ang check-up.

PANGALAWA: WALANG BAON/PAMASAHE

Ang hirap ng palaging ganyan, pero nasa iyo na ang desiyon kung isusulat mo yan,

Anong gusto nila pumasok kang walang laman ang tiyan, walang pambili ng kung anong paxerox, papel,
test paper, coupon bond. gusto ba nilang maglakad ka kung napakalayo ng bahay niyo, mag one, two,
three?

sila na ang martir. no choice ka lang talaga.

PANGATLO: MASAKIT ANG ULO

Madalas kong isulat sa excuse letter ko ito, kailangan magaling kang umarte, siguraduhin mong pag
sinabi mong masakit ang ulo mo. ang kamay mo ay nakasapo sa noo at hindi sa pisngi.

PANG-APAT: MAY LAGNAT

Siguro eto na ang pinaka-madalas, walang magagawa si ma'am, pero magtataka siya kung bakit ang liksi
mo ngayon, sabihin mo lang na na-miss ko lang kayo.

PANG-LIMA: BUWAN NG DALAW

Siyempre ho para lang sa mga babae ito, wala akong gaanong alam dito. puro kasi english yung
ginagamit na terminolohiya sa mga commercial break, bakit ba ayaw nilang tagalugin.

example:

itchyness = panganngati

Wetness = pamamasa

Odor = amoy

leak = tulo
PANG-ANIM: NAMATAYAN

hindi naman siya madalas magamit na excuse, pero sa tingin bawat taon may isang estudyante sa isang
seksyon na aabsent ng higit isang linggo kase halimbawa ay may pumanaw.

may kilala ako na itinatago niya yung lolo niya kase sinabi niya yun daw yung namahinga.(FUNNY)

PANG-PITO: SORE EYES

Pinapayuhan ang mga estudyante na lumiban na lamang kaysa pumasok, sapagkat baka makahawa sila,

sinasabing ang sore-eyes ay laganap tuwing tag-init, may mga kasabihan ding mas malakas makahawa
ang taong maysore-eyes na pagaling na. ang gatas ng ina ay hindi pa sure pero maaring maging
panglunas, kase ang gatas ng ina ay antibacteria. maaring subukan dahil wala namang mawawala.

ang ilan sa mga maling pamahiin naman ay ang pamahiing makakahawa ang pagtitig "eye-to-eye" sa
taong may sore eyes. mali din ang paniniwalang ang paghilamos ng ihi tuwing umaga ay gamot,

PANG-WALO: L.B.M.

Yes LBM o Loose Bowel Movement, yan madalas na dahilan yan, mauunawaan naman ng titser ang
kalagayan mo na lagi kang pinapatawag sa confession room na puro tiles, may gripo at tabo, kailangan
mong pumunta kasi kung hindi mapipilitan siyang lumantad na. kung naiintindihan mo ang sinasabi ko
tumungo na tayo sa pang 9

PANG-SIYAM: Tinatamad

hindi ko na ipapaliwanag kasi nakakatamad ipaliwanag basta kasali siya sa top-ten, at kung sakaling
tanungin ka ng titser kung bakit wala kahapon sabihin mo lang na "absent ka"

PANG-SAMPU: Birthday

para makaiwas sa palibre, ung may birthday iiwas pumasok. swak siyang dahilan at pagbibigyan ka ng
titser na hindi kill joy.

maidagdag ko lang, pabor ako sa suhestiyon ng ilang kongresista na ilipat ang pasukan sa buwan ng abril
o mayo, kasi yung birthday ko natapat dun eh.
PANGLABING-ISA: NA-STRANDED

Kung ang absent nang isang buwan, eto ang madalas na dahilan. maaring nagpunta ka kasama ang
pamilya mo sa isang probinsya at nagkataong walang pera pauwi.

http://isumbongmo.blogspot.com/2012/08/pinaka-karaniwang-dahilan-ng-pag-liban.html

PAGLIBAN, ISANG SULIRANIN NG KABATAAN

Isinulat ni: Paul Aries A. Estrella

Pagliban… isang malaking suliraning kinakaharap ng mga kabataang mag-aaral

sa kasalukuyan. Ngunit paano nga ba natin ito masusulusyunan? Ano ang

masasamang epekto nito sa ating mga kabataan? Ano ang mga sanhi at bunga

nito? At bilang isang mag-aaral, paano nga ba ako makakatulong sa pagsugpo

nito? Papaano maiiwasan ito? Sa papaanong paraan ito masusulusyunan ng

mga ahensya ng pamahalaan?

Marahil, isa sa mga nalalaman kong dahilan nito ay ang KAHIRAPAN. Marami sa

mga kabataan ngayon ang nakakaranas ng ganitong sitwasyon, gustuhin man

nilang makapasok sa paaralan ay wala silang sapat na pambaon upang

makapasok. Ikalawa ay ang PROBLEMA SA PAMILYA. Ito rin ang dahilan kung

bakit marami sa mga mag-aaral ay nakakaisip ng mag-cutting classes dahil sa

sama ng loob sa mga magulang. Away siguro ng away ang kanyang mga

magulang kaya naisip niya na magbulakbol na lamang sa mga ito. At ang

panghuli ay ang IMPLUWENSIYA NG MASASAMANG BARKADA, ang

masamang dulot ng modernong kabataan na isa ring suliranin ng bayan.

Maraming masasamang epekto ang nakikita ko sa suliraning ito. Una sa lahat,

pag madalas na ang pagliban ng mag-aaral sa klase ay maaaring ibagsak ito ng


kanyang tagapayo. Sumunod dito ang tuluyan ng paghinto nito sa kanyang

nasimulang pag-aaral. Liliit ang pagkakataon nitong magkaroon ng maayos at

marangal na pamumuhay sa hinaharap. Maaari pa silang maging tambay lang sa

tabi-tabi at malulong sa mga krimen. Dahil naniniwala ako na ang pagkakaroon

ng EDUKASYON pa rin ang ating magiging gabay sa pag-unlad at ito lamang

ang pamanang mananatiling taglay natin sa pagtahak natin sa panibagong yugto

ng ating buhay.

Bilang isang mag-aaral, dapat siguro na ipagbigay-alam sa mga magulang kung

ano ang dahilan ng pagliban ng anak sa klase. Nararapat din na intindihin ng

guro ang kalagayan ng mag-aaral kung may kinakaharap man itong problema.

Dapat din nating kausapin ito ng maayos upang mailantad ng mga mag-aaral

ang mga problemang kinakaharap nito. Sa aking palagay, nararapat siguro na

magbigay ng mga scholarships ang pamahalaan para sa mga deserving

students. Sa ganitong paraan, maiiwasan na ang pagliban ng mga mag-aaral sa

klase. Pero para sa akin, ang PAGMAMAHAL AT PAGGABAY pa rin ng mga

magulang ang mabisang paraan upang malunasan ito. Dahil kung pupunan ng

mga magulang ng pagmamahal ang kanilang mga anak ay hindi na nila maiisip

na magbulakbol sa pag-aaral, sa halip ay PAGBUTIHIN pa ito.

http://thegiantroof.tripod.com/HTMLobj-1129/TGRFwinner_2008.pdf

You might also like