Professional Documents
Culture Documents
Intro Disifil
Intro Disifil
Intro Disifil
Exconde, Renz
Lescano, Christine
Introduksyon
Move 1
Sa paglipas ng panahon, kasama nitong binago ang iba’t ibang aspekto ng ating
buhay. Mayroong tayong mga nakasanayan na bagay noon, na maaaring hindi na
nagagawa sa kasalukuyan. Sa nakalipas na panahon, kaakibat ng mga estudyante
ang kanilang mga kwaderno, lapis, at mga libro sa kanilang araw-araw na pag pasok
sa eskwelahan. Ito ang karaniwang gawain ng isang estudyante, marahil karamihan
sa mga mag-aaral ang nasanay na dito. Ngunit sa panahon ngayon, mayroong
sumisubol na makabagong paraan sa sistema ng edukasyon; isang paraan na kung
saan ginamit ang makabagong teknolohiya upang magkaroon ng panibagong
pamamaraan ng pagtuturo sa mga estudyante, ito ang Learning Management System
o LMS. Binanggit nina Guinto, Losarito, at Pural (2013), na mayroong napakalaking
epekto ang teknolohiya sa buhay ng mga tao sa buong mundo. Sa pag usbong ng
teknolohiya, kasabay nitong sumisibol ang iba’t ibang makabagong kagamitan at
serbisyo upang mas maging simple o payak ang buhay.
Sa nakaraang dekada, mayroon malaking dagdag sa pag gamit ng Learning
Management System sa mga institusyon ng mas mataas na edukasyon (Waever at
Nair, 2008). Kaakibat nito ang pag unlad ng learning environment ng karamihan ng
mga estudyante. Ginagamit ng mga institusyon ang LMS upang maging madali at
maginhawa ang mga paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral.
Ayon sa pag-aaral nina Arsenovski, Chungurski, Kakasevski, at Mihajlov
(2008), epektibo ang sistema na ito sapagkat mas napapadali ang pagkuha ng mga
learning materials (binanggit ni Waterhouse, 2005). Sa ganitong paraan, magiging
maalwan para sa mga mag-aaral na makita ang mga paksa na kanilang tinalakay
sapagkat sa loob lamang ng ilang pindot, maaari na nilang makita ang mga learning
materials na inupload ng kanilang guro.
Isa ang De La Salle Lipa sa mga institusyon na nanguna dito at binago ang
pamamaraan ng pagtuturo sa kanilang mga magaaral. Ipinakilala ng De La Salle Lipa
ang LMS, isang platform upang ang mag-aaral at mga guro ay maaaring
makapag-ugnayan digitally. Importante ang pagaaral na ito upang siyasatin ang
opinyon ng mga mag-aaral ng De La Salle Lipa patungkol kasalukuyang Learning
Management System. Sa ganitong paraan, malalaman kung epektibo ba ang LMS ng
De La Salle Lipa at kung sa paanong paraan ba ito nakakaapekto sa pagkatuto ng
mga estudyante.
Move 2
Ang Learning Management System o LMS ay unti-unti nang binabago ang mga
lumang kasanayan at kaugalian na nakasanayan na ng mga mag-aaral sa modernong
panahon gamit ang E-Learning sa pagi-implementa nito sa mga paaralan na
nagsisikap na sumabay sa modernong mga kaisipan. Marahil napakarami ang
positibong dulot nito sa mga guro lalong-lalo na sa mga mag-aaral ay hindi parin
maiiwasan ang pagiiba’t-iba ng pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit nito
sa kanilang pag-aaral at epekto nito sa kanilang academic performance.
Ayon sa Adobe (2009), ang Learning Management System o LMS ay isang
server-based system na dinisenyo upang maglaman ng mga akademikong
impormasyon mula sa mga guro na madaling maa-access ng kanilang mga mag-aaral.
Ang LMS ay naglalayong maging tulay ng interaksyon sa pagitan ng guro at mag-aaral
online a t sa paghahatid ng ang mga impormasyong ina-upload ng mga guro gaya na
lang ng PowerPoint Presentations o ppt na naglalaman ng kanilang mga lessons na
madaling maaaral ng mga estudyante gamit ang kanilang mobile phones o laptop kahit
wala sila sa paaralan. Maaaring positibo ang tingin ng maraming mga mag-aaral sa
LMS dahil mas nadadalian silang gamitin ito kumpara sa tradisyunal na pamamaraan
ng pag-aaral at pagsasagot sa papel.
Sa pag-aanalisa sa LMS na ginagamit ngayon ng maraming mag-aaral kumpara
sa tradisyunal na pagtuturo ng mga guro, malinaw na makikita ang mga epekto ng
paggamit ng LMS sa academic performance ng mga mag-aaral. Ayon kina Balita,
Manimtim, at Santos (2013), iba’t-iba ang tugon at pamamaraan ng mga mag-aaral sa
pagkuha ng impormasyon galing sa LMS. May ibang mga mag-aaral ang mas
nadadalian sa mga impormasyong nasa porma ng visual presentation kaysa sa
tradisyunal na patuturo ng mga guro gamit ang pisara. Ilan na lang sa mga positibong
dulot ng LMS sa mga mag-aaral ay ang paglinang nito ng pamamaraan at skill nila sa
pago-organisa ng mga gawain. Gamit ang LMS, sinasabi na mas nagiging competitive
at quick thinker a ng mga mag-aaral lalo na ang paglinang ng kanilang malikhaing
pag-iisip at paggawa ng mga tasks. Mas nalilinang din ang kaalaman ng mga
mag-aaral sa paggamit ng computer o mobile application at software tulad ng Microsoft
Word at PowerPoint Presentation na malaki ang maitutulong sa kanilang pag-aaral.
Napakarami ang positibong dulot ng LMS sa mga mag-aaral ngunit mayroon din itong
negatibong dulot gaya nalang ng kawalan ng motibasyon at gana sa pagsasagot ng
kanilang mga online quizzes, seatworks, at iba pang mga gawain na kadalasan ay
nagreresulta sa pandaraya o pagkuha nila ng sagot mula sa kanilang mga kamag-aral
o sa Google. Hindi rin lahat ng mag-aaral ay binubuksan ang mga files na naglalaman
ng kanilang mga aralin kaya minsan ay nababalewala ang impormasyong ibinibigay
ng LMS sa kanila at dahil dito, hindi gaanong nagiging epektibo ang paggamit ng LMS
sa kanilang academic performance.
Binanggit ni Brown (2010) na ang isa sa pinakamalaking problema sa LMS ay
ang disenyo nito. Ang mga features ng LMS ay kadalasang magkakahiwalay at ang
ibang impormasyon ay mahirap hanapin. Dahil dito, maaaring mahirapan ang isang
mag-aaral na hanapin ang kinakailangan nyang impormasyon lalo na kung ang isang
gawain ay groupings a t kailangan ng mga mag-aaral na gumawa ng online forum o
group chat u pang pagdiskusyunan ang gawain na dapat nilang isagawa. Marahil
malaki ang tulong ng mga social media, lalong-lalo na ang Facebook s a
pakikipag-komunikasyon ng mga mag-aaral sa isa’t-isa tungkol sa isang ispesipikong
gawain, ngunit maaaring may ibang mga miyembro parin sa grupo ang hindi
tumulong sa gawain na nagpapakita ng hindi epektibong dulot ng LMS sa academic
performance ng isang mag-aaral.
Move 3
Nais ng mga mananaliksik na malaman ang ibat ibang pananaw ng mga
mag-aaral tungkol sa Learning Management system o LMS at kung ano ang mas
mainam na paraaan ng pagtuturo sa modernong paraan ba tulad ng Learning
Management system o Tradisyunal na pag tuturo sa De La Salle Lipa. Dahil sa
pagiging mederno na ng panahon ngayon marami na ang nagbabago sa uri ng
pagtuturo at pag-aaral ng mga mag-aaral. Bakit mas pabor sa mga mag-aaral ang
Learning Management System kaysa sa tradisyunal na pagtuturo. Anu-ano ang mga
nagiging apekto sa “Academic performance” n g mga mag-aaral ng Learning Managment
system . Ayon sa pagaaral ni Brown (2010), ang isang disbentahe sa Learning
Management System ay ang disenyo nito. Dahil makabagong paraan na ito maaaring
makasama ito sa Academic performance n g mga mag-aaral dahil hindi ito ang kanilang
nakasanayan at maaaring mahirapan sila na maka adapt sa sistemang ito. Ang pokus
ng “e-learning activities” ay ang pagunlad ng kurso at pangangailangan ng mga
mag-aaral. Ang collection system ay kasama ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa
pag-aaral (Alexander, 2009). Mula sa karanasan ng mga mag-aaral mas mapapaunlad
pa ang kanilang pag katuto. Mas malilinang ang kasanayan ng mga mag-aaral sa pag
hanap ng impormasyon na makakatulong sa kanilang pag-aaral.
Ang De La Salle lipa ay mas pinahusay pa ang edukasyon sa pamamagitan ng
pag momoderno ng paraan ng pagtuturo at inimplementa anf D-Campus o Digital
campus. Ito ay ang pag gamit ng modernong teknolohiya bilang midyum ng pagaaral.
Dito ay binabawasana ng pag gamit ng nilathalang libro at mas tinangkilik ang
technolohiya sa pag aaral. Isa ang learning management system sa paraan na naisip
ng mga admin n g De La Salle lipa. Dito mas bibilis ang proseso ng pag tuturo at
resulta ng mga pagsusulit ngunit ano ang maidudulot nito sa mga mag-aaral?.
Anu-ano ang mga hakbang na maaring gawin para sa nasabing isyu.
SANGGUNIAN
Weaver, Debbi & Spratt, Christine & Nair, Sid. (2008). Academic and student use of a
learning management system: Implications for quality. Australasian Journal of
Educational Technology. 24. 10.14742/ajet.1228.
Kakasevski, Gorgi & Mihajlov, Martin & Arsenovski, Sime & Chungurski, Slavcho.
(2008). Evaluating usability in learning management system Moodle. 613 - 618.
10.1109/ITI.2008.4588480.
Guinto, R., Losrita, J., & Pural, H. (2013). Learning Management System for St.
Joseph Institute.
Balita, Manimtim, & Santos (2013). Learning Management System for The Nazareth
School.