Filbas Wew

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PANANALIKS SA KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-

AARAL NG SAINT MARY’S UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL


1

Saint Mary’s University


Kabanata 1

Panimula

Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay nagbigay daan para sa pagkakaisa

ng mamayanan at nagbibgay bigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa

ating bansa. Ang bawat bansa sa mundo ay nangangailangan ng sariling wika

upang sila ay magkaintindihan sapagkat ito ay ginagamit sa pagkikipagtalastasan

at pakikipag-ugnayan ng bawat tao. Mga dayuhang sumakop sa ating bansa , mga

wikang umiral, mga bagong tradisyunal at kulturang nagsulputan. Dahil sa mga

impluwensya ng mga dayuhang wika o ang sariling wika ng mga dayuhan ang

ginagamit ng mga Pilipino hindi naman masama o walang masama sa paggamit

ng wikang dayuhan ngunit kailangan huwag sanang makalimutan ang sariling

wika dapat ito ay tangkilikin at pagyamanin. Baldon et al. (2014)

Sa bawat tao napakahalaga ng wika para sa ating lahat dahil ito ang tanging

instrumentong na magagamit natin upang tayo ay may komunikasyon at

transaksiyon. Hindi lamang ang wikang Filipino ang mahalaga para sa atin

mahalaga rin para sa atin ang kinagisnang wika yun ay ang ating Mother Tongue

na ating ginagamit. Ngunit dahil sa mga dayuhang pumunta sa ating bansa, sa

mga Pilipino na pumapasok sa migrasyon at sa pakikipag transaksiyon na rin ng

mga Pilipino sa ibang bansa na pinagaaralan ang kanilang wika. Hindi natin

maipagkakaila na ang ating sariling pagkatuto sa ibang wika, dahil sa kasalakuyan

mas kailangan na nating makadiskubre ng mga bagong wika tulad na lamang ng


PANANALIKS SA KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-
AARAL NG SAINT MARY’S UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL
2

Saint Mary’s University


Ingles na tinaguriang Global Language na siyang madalas na gamitin ng mga tao

sa iba’t ibang sulok ng mundo sa iba’t ibang paraan; sa magasin, libro, telebisyon,

radio, blog at marami pang iba. Ngunit dapat wag nating kakalimutan ang

kahalagahan ng ating sariling wika na siyang ating sariling pagkakilanlan ng mga

Pilipino.Ang pagkakaroon ng wikang sariling wika ay nagbibigay daan sa

pagkakaisa ng mga mamayanan at nag-bibigay komunikasyon upang mapaunlad

ang iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang ating wika ay napakahalaga at

kailangan ng ating bansa dahil ito ang ginagamit sa pakikipag-ugnayan at

pakikipag-talastasan sa bawat mamayanan. Ang ating ekonomiya ay hindi lalago

o uunlad kung ang mga tao ay walang pagkakaisa o pagkakaintindihan. Cortes et

al. (2016-2017)

Sa henerasyon ngayon laganap na ang teknolohiya kagaya ng social media

pagtetext at iba pa gamit ang mga gadgets, karamihan sa ating mga Pilipino ay

nainmpluwensyahan na mula sa mga ito at tayo’y pilit na nakasasabay sa mga

pagbabagong nagaganap sa ating bansa lalong lalo na sa pagdating sa ating wika.

Ayon sa ginawa ng GMA News, kung saan sinubukan nilang alamin mula sa mga

kabataan natin ngayon at ilan sa mga matatanda ang kahulugan ng mga malalalim

na salita kagaya na lamang ng alimpuyok, papagayo at salakat wala sa mga

kabataan ang nakakuha ng tamang sagot o nakaka-alam ng kahulugan ng mga

salitang ito subalit may isang matanda ang nakakuha ng tamang sagot. Masasabi

natin na ang mga kabataan ngayon ay mahirap para sakanila ang pagpapalaganap

ng kaalaman tungkol sa ating wika mula sa ating kasaysayan.


PANANALIKS SA KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-
AARAL NG SAINT MARY’S UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL
3

Saint Mary’s University


Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na umuunlad at

bumabago. Gumagamit na tayo ng iba’t ibang paraan upang mas mapaikli ang

pagbigkas o paggamit ng ating sariling wika, ilang halimbawa ng pagpapalawak

ng bokabularyo ay paggamit ng akronim o paggamit ng mga simbolo na

nagprepresenta sa isang bagay tumatayo ito bilang kapalit sa salita. Basa (2015)

Ang wikang binibigkas ng ating labi ay naglalahad ng pagkakilanlan ng

kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan upang magkaintindihan at

magkaunawaan ang mga tao sa isang bansa. Ang ating wika ay napakahalaga at

kinakailangan ng lahat ng bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa

pakikipag-usap at pakikipag talastasan ng bawat mamayanan ng bansa. Lanojan et

al. (2017)

Napakahalaga ang ating wika sapagkat malaki ang ginagampanan nito sa ating

buhay noon at ngayon. Nagiging tulay ito tungo sa kapayapaan ng ating bansa at

ito ay ang Pilipinas. Wikang Filipino ang nagiging susi ng Pilipinas tungo sa ating

pagkakaisa ng mamayanan na siyang kadahilanan ng patuloy na pagunlad ng

ekonomiya ng Pilipinas. Quijote et al. (2015) Kasabay ng modernisasyon at

paglunsad sa makabagong teknolohiya, ay patuloy din ang pag-unlad ng

pagbabago ng Wikang Filipino. Ang mga halimbawa na lang ay ang paggamit ng

iba’t ibang lengguwahe na mas inaaral at mas pinapahalagahan ng mga kabataan

ngayon. Ang iba pa ay mas itinuturo ang wikang Ingles sa mga bata kesa wikang
PANANALIKS SA KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-
AARAL NG SAINT MARY’S UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL
4

Saint Mary’s University


Filipino kaya’t ang wikang Ingles ang nagigingg unang wika nila at pangalawa na

lamang ang wikang Filipino. Albay (2016)

Ang ating wika ay napakahalaga sa kasalukuyan dahil ito ang nagpapatunay

na mayroon tayong sariling wika maipagmamalaki ng ating bansa. Kailangan

natin itong protektahan, ipagtanggol, mahalin, alagaan at wag ikakahiya ang

sariling wikang Filipino. Dapat nating mahalin ang bayaning nagbuhos ng

kanilang panahon para lamang magkaroon tayo ng wikang pansarili, para

maibuklod ang ating bansa at hindi ito mapasama sa mga bansang walang sariling

wika at nakikigamit lang ibang wikang banyaga. Pulog 2016

Ang pananaliksik na ito ay patungkol sa kahalagahan ng wikang Filipino sa

pag-aaral ng mga Senior High School sa Saint Mary’s University. Ang mga

mananaliksik ay humantong sa paksang ito dahil aming napapansin na hindi na

napapahalagahan ang wikang Filipino mas pinapahalagahan na ngayon ang

wikang Ingles.

Layunin ng Pag-aaral

 Natutukoy ang kahalagan ng wikang Filipino.

 Nalalaman din dito kung ginagamit pa ng mga Pilipino ang wikang

Filipino o mas inaaral na ang wikang Ingles sa Pilipinas.

 Nakadadagdag ng bagong kaalaman sa mga kapwa mag-aaral.


PANANALIKS SA KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-
AARAL NG SAINT MARY’S UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL
5

Saint Mary’s University


 Nakatutulong ito napalawak pa ang kaalaman patungkol sa wikang

Filipino

 Nakagagawa ng bagong aksyon upang malaman ang kalagayang ng

wikang Filipino sa ngayon.

 Nakagagawa ng bagong aksyon upang mapalawak ang bagong kaalaman

sa kahagalagahan ng wikang Filipino ngayon.

 Nakabubuo ng isang rekomendasyon

Kahalagahan ng pag-aaral

Mahalaga ang pag-aaral na ito upang matukoy kung ang wikang Filipino pa ba

ay dominante sa paggamit dito sa ating bansa o ang wikang Ingles ba ang mas

mahalaga. Sa henerasyon ngayong mas itinuturo na ang wikang Ingles sa mga

bata kesa ang wikang Filipino at ito ang kanilang nagiging pangunahing wika. Sa

pananaliksik na ito ay makakatulong sa amin upang masagot ang mga katanungan

sa aming pananaliksik.

Sa mga Mag-aaral, upang mas lumawak pa ang kanilang kaalaman sa wikang

Filipino.

Sa mga Guro, dahil makakatulong ang pananaliksik na ito upang mapahalaga pa

ang pagtuturo sa wika.

Sa Lipunan, upang malaman nila na ang wikang Filipino ay hindi na

napapalawak at hindi na ganon ginagagamit sa kasalukuyan.


PANANALIKS SA KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-
AARAL NG SAINT MARY’S UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL
6

Saint Mary’s University


Sa mga Mananaliksik, sapagkat sila ay makakakuha ng mga impormasyon at

mapalawak pa ang kanilang pag-aaral patungkol sa kanilang sasaliksikin.

Kaya mahalaga ang pag-aaral na ito upang mabigyan ng kaalaman ng mga

mananaliksik ang mga kapwang Filipino upang ito ay mapahalaga at

mapalawak sa ating henerasyon sa ngayon.

Balangkas Konseptwal

Ang pananaliksik na ito na may paksang “Pananaliksik Patungkol sa


Kahalagahan ng Wikang Filipino sa mga Pilipino” ay binibigyan ng
konseptong koseptwal upang higit na maintindihan at malaman ang tulungan ng
pag-aaral na ito. Ang pananaliksik ay dumaan sa sistematikong proseso na
nagsimula sa paghahanap ng kaugnayan na literatura na naglalayong ipaintindi ng
mabuti at malinaw ang nais iparating ng mga mananaliksik at upang matulungan
sila sa kanilang pangangalap ng mga bagong datos na isasagawa sa masinsinang
interbyu. Ang pananaliksik ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagtatanong ng
mga talatanungan sa mga taga-tugon na may bilang isa hanggang labimpitong (1-
15) mga tanong, kabilang dito ang kanilang taon, kasarian, at seksyon/kurso na
makapagbibigay ng impormasyon ng mga taga-tugon. Pagkatapos makakuha ng
sagot,ang mga mananaliksik ay makabubuo ng dokumentasyon at pangkalahatang
impresyon ukol sa kahalagahan ng wikang Filipino.

Kaya mahalaga ang pag-aaral na ito upang mabigyan ng kaalaman ng mga

mananaliksik ang mga kapwang Filipino upang ito ay mapahalaga at mapalawak

sa ating henerasyon sa ngayon.


PANANALIKS SA KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-
AARAL NG SAINT MARY’S UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL
7

Saint Mary’s University

PANIMULANG PROSESO INAASAHANG


GAWAIN BUNGA

 Propayl ng  Upang  Pananaw sa


mag-aaral malaman ang paggamit ng
 Ang wikang kung gaano wikang
Filipino kahalaga ang Filipino dito
ngayon wikang sa ating bansa
 Disbantahe Filipino sa at
ng wikang mga Pilipino kahalagahan
Ingles

Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw nang aming pananaliksik ay tungkol sa kahalagahan ng wikang

Filipino kung ito ba ay ginagamit parin sa kasalukuyan ng mga Pilipino o gaano

kabahisa ang mga Pilipino sa pagsalita ng wikang Filipino at hindi ang wikang

Ingles. Ang mga sasagot lang rito ay ang mga nasa edad 13-25 taong gulang at

sila ay ang mga kabataan na nag-aaral at mga Pilipino na nagtratrabaho na.

Makatutulong ito sa aming pananaliksik upang malaman naming kung paano pa

mas mapapa-unlad ang wikang Filipino dito sa ating bansa at mapakita na kahit

magbago man ang henerasyon ay ginagamit parin natin ang sariling atin at yun ay

ang wikang Filipino.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


PANANALIKS SA KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-
AARAL NG SAINT MARY’S UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL
8

Saint Mary’s University


Ang mga sumusunod na salita ay ginamitan ng depinisyong operasyonal
na kung saan ito ay binibigyan ng kahulugan ng naaayon sa konteksto ng
pananaliksik:

Senior High School Ang karagdagang dalawang taon ng

pag-aaral na may kinalaman sa

ispesipikong kurso na tatahakin upang

magsilbing paghanda sa kolehiyo.

Henerasyon Salinglahi, mga taong ipinanganak at

nabubuhay sa iisang panahon,

propagasyon ng nabubuhay na nilalang.

Ekonomiya Ang ekonomiya ay binubuo ng mga

sistemang ekonomiko ng isang bansa o

ilang area.

Ingles Ang wikang Ingles ay nagmula sa mga

wikang Aleman na isang sangay ng

Indo-Europeong pamilya ng wika.

Dayuhan isang taong dayo


PANANALIKS SA KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-
AARAL NG SAINT MARY’S UNIVERSITY SENIOR HIGH SCHOOL
9

Saint Mary’s University


Wika isang bahagi ng talastasan na

ginagamit araw-araw

Pilipino isang mamayanan ng republika ng

Pilipinas

Filipino wika ng mga Pilipimo

You might also like