Suri Kabuuan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 43

EPIKONG DARANGAN

Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na
lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa
murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian na higit sa kanyang
nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama
na si Prinsipe Bantugan ay napakatalino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit
ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas na kayang makipaglaban sa tatlo o limang tao sa
mano-manong labanan.
Ang unang tanda na siya ay magiging isang magaling na sundalo ay nang makita siya nang
mapatay niyang mag-isa ang isang malaking buwaya na nakapatay sa ilang taong-
bayan. Hindi makapaniwala ang mga taong-bayan sa kanilang nakita pagkatapos ng pagtutuos.
Napakalakas niya! ang sabi ng isang matandang lalaki nang makita ang patay na buwaya.
Paano nakaya ng isang tao na ganito kabata na patayin ang buwaya? Sinasapian siguro siya ng
mga diyos! sabi naman ng isa.
Halika, pasalamatan natin ang prinsipe sa pagpatay niya sa halimaw! sabi ng pinuno ng
bayan.
Nang umabot na si Prinsipe Bantugan sa kanyang kabinataan, siya ay naging
pinakamagaling na sundalo sa kaharian. Lagi niyang pinamumunuan ang mga sundalo sa
labanan. At lagi silang nagwawagi laban sa mga kalabang kaharian. Ang kanyang pangalan ay
naging bukambibig ng lahat ng mga sundalo ng mga kalapit na kaharian. Hindi nagtagal ay
wala nang kaharian na nangahas kumalaban sa kanila. Kapayapaan at pag-unlad ang naghari
sa kaharian dahil natamo nilang respeto at pagkilala ng mga kalapit kaharian.
Nang mamatay ang kanilang ama, ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe
Madali ang hinirang na bagong hari. Nagkaroon ng protesta ang mga nasa ranggo. Nais nila
na si Prinsipe Bantugan ang maging bagong hari. Kahitang mga ordinaryong mamamayan ay
nagsasabi na si Prinsipe Bantugan ang mas karapat-dapat maging hari sa dalawang prinsipe.
Si Prinsipe Bantugan ay matapang at malakas, kaya niya tayong protektahan laban sa mga
kaaway! sabi ng isang matanda sa pamilihan.
Sang-ayon ako sa iyo, sagot ng matandang lalaki.
Hindi ito pinansin ni Prinsipe Bantugan. Alam niya na ang kanyang kapatid ang karapatdapat
na tagapagmana ng trono dahil si Prinsipe Madali ang panganay sa kanilang dalawa. Siya
mismo ang nagpatunay para sa kanyang kapatid.
Nararapat lamang na ang kapatid ko ang maging bagong hari dahil napag-aralan na niya
kung paano magpatakbo ng gobyerno, sinabi niya sa kapwa niya sundalo at mga ministro sa
kaharian. Alam niya kung paano ang pamamalakad sa ugnayang panlabas. At marami siyang
magandang ideya upang mapaganda ang buhay ng bawat mamamayan!
Tumango na lamang ang mga ministro at mga kawal. Ngunit nagkaroon ng isang bitak sa
pagitan ni Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali. Sapagkat si Prinsipe Bantugan
ay hindi lamang matapang at malakas, siya rin ay napakakisig. Maraming magagandang babae
sa kaharian ang nahuhumaling sa kanya. Kahit ang mga babaeng gustong kanyang kapatid na
si Prinsipe Madali ay sumuko sa kanyang gayuma. Dahil sa galit at inggit, nagpahayag ang
hari ng kautusan.
Hindi ko gusto na kahit sino, kahit sino, ang makikipag-usap sa aking kapatid na si
Prinsipe Bantugan. Sino man ang makita na nakikipag-usap sa kanya ay ipapakulong o kaya
ay parurusahan ng malubha.

Nalungkot si Prinsipe Bantugan sa iniutos ng kanyang kapatid. Nakita niya ang sarili na
parang mayroong nakakahawang sakit. Lahat ay lumalayo sa kanya, kahit ang mga
kababaihan. Kahit ang mga taong kanyang minahal. Walang gustong kumausap sa kanya sa
takot na baka makulong maparusahan ng hari. Dahil hindi na niya matagalan ang mga ito,
nagpasiya ang prinsipe na lisanin ang kaharian at manirahan sa malayong lugar kung saan siya
nanirahan habambuhay.

Ang Darangan ng mga Muslim ay mga salaysay na patula hinggil sa kabayanihan ng


mga nasa Magindanaw, mga gawaing kahanga-hanga at di sukat mapaniwalang kabayanihan
at kagitingan ng mga mandirigmang Muslim. Ang Darangan ay hindi iisang epiko – marami –
ngunit tatatlo lamang ang napasalin pa sa Ingles at ito’y utang sa pagsasaliksik ni
G. Frank Lauback. Ang mga Darangan ay nasusulat sa wikang Maranaw. Ang lalong popular sa
lahat ay ang Bantugan, na paulit-ulit na binibigkas sa dating pagkakakatha sa palibot ng Lawa
ng Lanaw. May ilang mga Muslim ngayon na nakapag-uulit sa kabuuan ng Bantugan.

MAIKLING KWENTO-LUPANG TINUBUAN


Lupang Tinubuan
Narciso G. Reyes
Ang kwentong Lupang Tinubuan nabuo tungo sa karanasan sa buhay ng
awtor. Pinapakita din dito ang kasaysayan ay bahagi ng pagkahubog at bahagi ng buhay ng tao
at ng mundo.
Nagpapahiwatig sa bawat tauhan sa kwentong Lupang Tinubuan na dapat balikan mo ang
lugar kung saan ka ipinanganak at nagkamulat. Ang mga tauhan sa kwento ay si Danding, Tiya
Juana, Tiyo Gorio, Tata Inong at Lolo Tasyo.
Ang pamilya ang pinaka-ugat ng isang komunidad at mahalaga ang pamilya sa pagbuo ng
sambayanan at ang magkaroon ka ng isang tunay na pamilya na may pagmamahalan ay
napakalaking nang kayamanan na maituturing.
Sa kabuuan ng kwento na dapat kung saan tayo pinanganak, saan tayo namuhay at nakaranas ng
ating pagkabata ay dapat balikan natin ito at huwag natin kalimutan.
Ang tren ay tumulak sa gitna ng Sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga batang
nagtitinda ng mga babasahin, Tribune, mama, Tribune, Taliba? Ubos nap o. Liwayway,
bagong labas. Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong kalimutan,
Sindo, ang baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong, huwag mong
mabitiw-bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-ingat ka!
Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal Na Araw na kami uuwi. Ang
pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez. Ngumiti ka
naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulta ako araw-araw. Kamusta na
lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli.
Ang tren ay nabuhay at dahan-dahang kumilos. H-s-s-s-Tsug. Tsug. Naiwan sa likuran
nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y napagitna sa malayang hangin at sa
liwanag ng umaga.
Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, ‘Salamat at tayo’y
nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.’ Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at
nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan.
Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na’t tugma-tugma, tila pintig ng isang pusong
wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng pag-
alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman ang
kanyang Tiay Juana, ‘Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola
Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.’
Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita kailanman ang namatay
na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi ng
kanyang puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala niya
na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa
kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o
dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang
kanyang butihing ate ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang
larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik.
Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa
Kallagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at
manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay
na pawid, luma na ang karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong. Pasalit-
salit, isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at ditto, nasisilip sa
kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng lahat, nakangiti at puno
ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na langit.
‘Walang maganda rito kundi ang langit,’ ang sabing pabiro ng kutsero ng karitelang
sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa kanyang dibdib.
’ Hindi po naman,’ ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga nayong tulad
nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa gayong mga bukid
nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga Kastila. Ang alaalang
iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng bagay sa paligid-ligid.
Kay rami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng
kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga
pinsan mong Juan, Seling, Marya at Asyas. Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng.
Yukod at ngiti rito, halik ng kamay roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at
hawa lamang, matatanda at mga bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga
nangasapuno ng hagdan hanggang sa nagasaloob ay pawang kamag-anak ni Danding.
’Mabuti na lamang at likas na sarat ang ilong ko,’ ang naisaloob niya. ’ Kung hindi ay
pulpol na marahil ngayon.’
Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay napako
kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Balana ang nagtanong
kay Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng kanyang inang
siya na lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng kanyang Tiya
Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa
pagkamaramdamin ng kanyang pamangkin, at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay
talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon sai Danding,
na tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-anak
na ngayon lamang nakilala.
Isang manipis na dingding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa
pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At sa bukas na lagusan, na
napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga puting kurtina salo ng pinagbuhol na
lasong itim, ay walang tigil ang pagyayaut-yaot dito ng mga taong nakikiramay sa mga
namatayan, nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay nag-
iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa labas,
at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan siyang
lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya ang
bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan. Nabakas ni Danding
ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng ilong,
ang bahagyang pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa at
lungkot.
’Hindi mo nababati ang Nana Marya mo,’ ang marahang paalala ng kanyang Tita Juana.
’At ang pinsan mong si Bining,’ ang pabulong pang habol. Humalik ng kamay si Danding
sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang nasabing anuman.
Puno ang kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng isang album sa
mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at makapangyarihang
kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao.
Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid sa may likuran ng
bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at namandala ana ang ani. Malinis ang
hubad na lupa, na naglalatang sa init ng araw. Naupo si Danding sa ilalim ng isang
pulutong ng mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid.
Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na
nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na kumikislap sa araw.
Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ang unang nagsalita.
’Kaparis ka ng iyong ama,’ ang wika niya.
’Bakit po?’
’Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.’
’May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.’
’Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.’
’Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?’
’Nasaksihan!’ Napahalakhak si Lolo Tasyo. ’Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng inunan
ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa ama.’
Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng bukid. ’Doon siya
malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak siya
nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan siya
noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.’
Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang likuran. ’Sa itaas ng
punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan ng
himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito. At doon, sa
kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula-isang maikling
papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May tagong
kapilyuhan ang ama mo.’
Napangiti si Danding. ’Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng pagkakaluwas niya
sa Maynila?’
’Oo,’ natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga nangyari. ’Nahuli sila sa
tabi ng isang mandala ng palay.’
’Nahuli po?’
’Oo – sa liwanag ng aandap-andap na bituin.’
Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at ang mga tao sa
bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya ang pag-uusap nila ni Lolo Tasyo,
at iniwan ang matanda sa mga alaala nito.
’Ano ang pinanood mo sa bukid?’ ang usisang biro ng isa sa mga bagong tuklas niyang
pinsan.
’Ang araw,’ ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang naninibago at hindi
halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong sa bahay.
Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay Danding ng sumpa
ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at batbat – sakit na pagkakawalay
nila, na kamatayan lamang ang lubusang magwawakas. Nagunita niya na sa maliit na
bakurang ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno, ang abang labi
ng Katipunan, ng mga pag-asa, pag-ibig, lumbay at ligaya, ng palalong mga pangarap at
mga pagkabigo na siyang pumana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan ang pagyapak
ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling maging ang
pinakamaliit na halaman.
Handa na ang hukay. Wala na ang nalalabi kundi ang paghulog at pagtatabon sa
kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli ang takip sa tapat ng mukha ng
bangkay, upang ito’y minsan pang masulyapan ng mga naulila.
Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga piping
pananangis na higit na makadurog-puso kaysa maingay na pag-iyak.
Pinagtiim ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng kanyang pagtitimpi
ay naramdaman niyang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.
Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang kanyang puso ng
matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya man ay dumaranas ng isang
uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikap ang dibdib ng damdaming ito, si Danding ay
dahan-dahang lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay.
Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan sa bahay ay patalilis
siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at nagsisimula nang lumamig ang
hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay nakaamba na sa himpapawid. Tumigil si
Danding sa tabi ng pulutong ng mga kawayan at pinahid ang pawis sa kanyang mukha
at leeg.
Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit na noo
ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata. Dahan-
dahang inunat niya ang kanyang mga paa, itinukod sa lupa ang mga palad; tumingala at
binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin.
Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.
Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay ang pagod niyang
katawan. Sa kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan ng ama niya, ay napanatag ang
kanyang puso.
Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at kay bango ng
nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa
kanyang ama, at siya’y napangiti nang lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang
pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang
gunita. Tumawa nang marahan si Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak
niya sa lupa. Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng
pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig na mga luha at umalingawngaw sa mga
halakhak ng kanyang ama.
Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig
sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay
napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa
bagyo at baha makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng
dugo sina Rizal at Bonifacio.
Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga pagmamalasakit, at
ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni Danding ang kapirasong lupa, na
kinatitirikan ng kanilang mga tahanan, kinabubuhayan ng kanilang mga kamag-anak,
kasalo sa kanilang mga lihim at nagtatago na pamana ng kanilang mga angkan. Muli
siyang napangiti.
Sa dako ng baybay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan niyang tinatawag ang
kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi na, kagat na ang dilim sa lahat
ng dako. Walang buwan at may kadiliman ang langit. Ngunit nababanaagan pa niya ang
dulo ng mga kawayang nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama, at ang
ilang aandap-andap ng bituing saksi ng unang pag-ibig nito.
Pangunahing Tauhan

 Camille Flor P. Gasco

Pamagat
Tungkol ito sa batang may amang nagkakasakit, inang naghihirap mabuhay lang sila at
nagluluksang mga kamag-anak dahil pumanaw ang isa sa mga kamag-anak niya.
Suliranin
Katunggaliang Tauhan

 Si Danding ang batang nawalan ng kamag-anak


 Ang batang may amang nagkakasakit at inang naghihirap mabuhay lang ang
kanyang mga anak.

 Pangunahing Tauhan
 Katunggaling Tauhan
 Kasamang Tauhan

Tagpuan

 Suliranin
 Tunggalian
 Kasukdulan
 Wakas

Salamat! :)
Tia Juana - Ang kasama ni
Danding patungong Malawig.
Nana Maria - Ang asawa ng namatay.
Tio Goryo - Tiyo ni Danding. Isa rin sa mga nakasama niya patungong malawig
Namatayan ng kamag-anak si Danding
Paksang Diwa
Lola Asyang- Pamangkin niya ang namatay.
Lola Ines- Ang ina ng namatay
Lolo Tasyo- Lolo ni Danding at nagkuwento sa mga naiwang alaala ng ama ni Danding
sa Malawig.
Juan, Ceiling, Maria, Asyas
-Mga pinsan ni Danding.
Kasukdulan
Kasamang Tauhan
Si Tata Inong ang dahilan kung bakit nagdadalamhati ang mga kamag-anak pati na rin
si Danding.
Mahalagang Aral:
Tauhan
Malawig.
~Ang lugar kung saan ipinanganak at namulat ang ama ni Danding.
Mahalin natin ang ating pamilya at pahalagahan ang mga masasayang araw na kasama
sila dahil darating yung oras na mawawala na sila sa ating tabi. Dapat din matuto
tayong magbigay halaga sa ating lupang tinubuan.
Banghay
Nalaman ni Danding ang tungkol sa kabataan ng kanyang ama. Natuklasan niya ang
kaganadahan ng lupang tinubuan nito. Napagtanto niya na kung bakit ito mahalaga sa
isang tao dahil sa dulot na ganda ng lupang tinubuan nito at ang mga sariwang alaala
na naiwan ng ama niya sa Malawig.

SANAYSAY-ANIM NA SABADO NG BEYBLADE


Si Ferdinand Pisigan Jarin ay isang manunulat, musikero at guro. Dating literary editor
ng “ The Touch Publication at Aklas Literary Folio ng PNU. Nagtapos siya ng BSE Social Science
sa Philippine Normal University- Manila. Awtor ng pambatang libro “ Si Lorkan, Matulunging
Butanding “ng 2002 UNICEF/ Tahanan Publishing at naging script contributor sa pambatang
programang Batibot at Koko Kwik Kwak. Madalas ding , mailimbag ang kanyang mga akda
sa ANI, ang Literary Folio ng Cultural Center of the Philippines, (CCP).
Tatlong ulit na siyang nagawaran ng Don Carlos Memorial Award For Literature para
sa Dulang may Isang Yugto ( Sardinas 2001), mailking kwento( Anim na Sabado ng Beyblade
2005) at Sanayasay( D’ Pol Pisigan band , 2010).
Kasalukuyan siyang guro ng Agham Panlipunan at Filipino, Kasapi ng The Writters
Block, KATAGA at Neo- Angono Artist Collective.
Siya ay nakatira sa Cembo, Makati at napatira na rin sa maraming paupahang Bahay
sa iba’t ibang lungsod ng Maynila.
Ang kwento at sanaysay ni Jarin ay nagsimula noong bata siya kung saan ikinuwento
niya ang kanyang buhay sa kanilang probinsya sa Zambales, QUINABUANGAN. Ang
paghangad niya na makasali bilang pinakamaliit na miyembro ng D’ POL PISIGAN BAND na
binuong banda ng kanyang lolo. Ang kabataan niya biolang PULOT BOY ng isang
marangyang club. Maging ang mga naging karanasan niya sa KUMBENTO ay kanyang
naisalaysay. Ang pagiging SERVICE CREW niya sa isang fast food sa bansa na mula umaga ay
pagtungga nan g Michael Jordan at Olajuwon ang kanilang agahan. Ang BACLARAN na
kanyang naging tirahan pagwalang mauuwian. Pinakahuli ay ang ANIM NA SA BABADO
NG BEYBLADE na kung saan ipinakita dito kung paano nakipaglaban ang kanyang anak sa
sakit nito.
Mababasa natin ang mga listahan ng mga rambol na kanyang napasukan at mga
napatumba sa inuman. Hindi lang ito puro bakbakan maging ang mga kalokohan niya sa
larangan ng pagibig ay nakalista rin ditto. Dito din nakalista ang mga pangalan ng ex-
girlfriends at ibat ibang bigpong first loves. Hindi lang din puro pansarili ang kanyang naisulat,
nakalista rin ditto kung paano nilabanan ng kanyang anak ang sakit nito.
Sa mga akda ni Jarin, ang bida ay karaniwan. Karaniwang tao, karaniwang pamumuhay at
iba pang karaniwang karanasan. Ang mga salita ay ating maiintindihan di ganun kalalim ang
mga ginamit na salita. Kung ating iintindihin ang kanyang mga akda makikita dito na si Jarin
ay isang pangkaraniwang tao lamang kaya tiyak na ito’y kunektado sa ating pangaraw araw
na pamumuhay. Marami ring mapupulot na aral.
Hindi lang ito basta karaniwan, ito’y karaniwan at may sining. Hindi lang siya magaling
magsulat kundi napakamalikhain din ng kanyang mga kwento at sanaysay. Ang mga lugar,
pagkatao mga kilos at maging ang mga pangyayari ay napakalinaw sa ating imahinasyon.
Kaya niya ring patawanin at paiyakin nang sabay ang kanyang mambabasa. Kaya tiyak na
tayo’y tatawa at iiyak dahil ito’y sumasalamin sa pamumuhay ng mga Pilipino.

Anim na Sabado ng Beyblade


Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin naniyang magdiwang ng kaarawan
kahit hindi pa araw.Nangumbida ako ng maraming tao kasabay ng biling ‘wag kalimutan
ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday,Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw
na ito.Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Maraming-maraming
laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush Gear, Remote ControlledCars, at
higit sa lahat, ang Beyblade. Ang paborito niyangBeyblade. Maraming-maraming Beyblade.
Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang
pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.

Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay muling naglarong


beyblade kasama ang mga pinsan.

Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko siyang dinalaw. Unti-
unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang
beyblade bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya‟y bulsa.
Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang kaniyang buhok. Subalit pinipilit
pa rin niyang maging malakas bagamat talagang dina kaya ng kaniyang paang tumayo ng
kahit ilang sandali man lang. Nakadudukotna rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa
loob ng kaniyang gilagid.

Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat nang tanunginniya ako
ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-dali kong hinugot atbinuksan ang aking
pitaka at ipinakitang mayroon itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya
na sinagot naman niya ng agarang pagturo saisang kalapit na tindahan. Kung mabilis man
akong nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili, mas mabilis siyang umalis agad sa
tindahan at nakangiting bumalik sa aming kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang
kami’y pumasokna sa loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di
nagalaw namga kendi sa aming kinaupuan.

Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di na kusang nalagas


ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita, sinabunutan niya angkanyang sarili upang
tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon,kinumbida ng isa kong kasama sa
trabaho ang isang mascot upang bigyan ngpribadong pagtatanghal si Rebo nang walang
bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa,
kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.

Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapitng


ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot
ito. Ramdam na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya
sa isang karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Angmga maliliit na helicopter na
tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay nabakal. At sa tuwing tataas, hahanapin
ako ng tingin sa baba at malungkot nangingitian. Pagkababa, mabilis na siyang nagyayang
umuwi. At pagkauwi’y humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.

Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong katapusan.Kasabay ng


pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak. Ilang sandal matapos ang sabay na
paglaglag ng luha sa kaniyang mga mata at pagtirik ng mata,ibinuga niya ang kaniyang
huling hininga. Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang
aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahi lpagpasok ko pa lang ng pintua’y
pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng matinding sakit na di nais danasin ng
kahit sino.

“Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.”

Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado namasisilayan


siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito.Payapa na silang
nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang
gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot.

Maglalaro nang maglalaro. Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pagaaralang


tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.
Anim na Sabado ng Beyblade
Ferdinand Pisigan Jarin
A. Pamagat
Ang maikling kuwentong pinamgatang “ Anim na Sabado ng Beyblade” ay
sumasalamin sa pagiging isang bata. Ito ang pamagat sapagkat mahilig itong laruin ng
batang si Rebo. Ito ang tanging nagpapagaan ng pakiramdam niya sa kabila ng sakit na
kanyang dinaranas. Dahil sa kanyang karamdaman ang ang ikaanim na sabado mula sa
taning ng kanyang buhay ay huling sabado na kung saaan ay wala ng Rebong maglalaro ng
isang beyblade.
B. Paksa
Ang paksa ng kwentong ito ay tungkol sa isang batang maysakit na si Rebo
at kung paano niya dinanasa ang hirap at sakit hanggang sa huling sabado ng kanyang
buhay.
C. Tagpuan / Tauhan
Tagpuan – Sa bahay nina Rebo
Tauhan
Rebo – Isang batang dumanas ng sakit hanggang sa mamatay
Ama – (Ferdinand Pisigan Jarin) ama ni Rebo na nag-alaga hangang sa huling hininga
nito.
D. Banghay
1. Panimula
Unang sabado mula sa pagkakaroon ng sakit ni Rebo ay nagdiwang siya ng kanyang
kaarawan kahit pa totoong kaarawan nito. Nangumbida ng maraming bisita ang kanyang
ama. Pinagdala ng ama ang mga bisita ng regalong mga laruan at huwag kakalimutan ang
laruang beyblade.
2. Saglit na Kakintalan
Tatlong araw bago sumapit ang ikatlong sabado, unti –unti na siyang nanghihina, bihira
na siyang ngumiti. Hindi na niya magawang makapaglaro ng beyblade. Sa kabila ng lahat ay
pilit pa ring lumalaban si Rebo. Hanggang sa naglambing ang kaniyang anak at tinanong siya
kung may pera ito. At ipinakita ng ama na may laman ang wallet nito , agad niyang tinanong
kung ano ang gusto nito. Sabay turo ng bata sa isang kalapit na tindahan at pinabibili ito ng
kendi. Napakabilis niyang bumili at bumalik buhat sa tindahan sa kagustuhang maibigay ang
hiling ng anak. Subalit pumasok sila sa tahanan ng naiwang nilalanggam at nabuksan ang
kendi.

3. Tunggalian
Ang tunggalian sa kuwento ay tao laban sa sarili sapagkat dumanas ang bata ng kanyang
sariling hamon ng pakikilaban sa sarili. Patuloy niyang ipinaglalaban ang sarili sa kabila ng
sakit na kanyang nararanasan upang mabuhay.
4. Kasukdulan
Tuluyan ng nakalbo si Rebo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di kusang nalagas ang
mga buhok nito dahil sa kanyang pagkairita ,sinabunutan niya ang kanyang sarili upang
tuluyang matanggal ang mga buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng kasamahan ng ama
sa trabaho ang isang mascot upang bigyan ngpribadong pagtatanghal si Rebo nang walang
bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya makangiti at makatawa,
kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan. Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.

Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ni Rebo ,pagsapitng ikaapat na


Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam
na ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya ng dinala siya sa isang isang karnabal,
isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na helicopter na tumataas at
bumababa ang tila oktupos na galamay na bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ang
ama ng tingin sa baba at malungkot na ngingitian. Pagkababa nito ay mabilis na siyang
nagyayang umuwi. At pagkauwi’y humiga nang humiga at paulit-ulit na tumingin sa
kawalan.

5. Wakas
Sa huling Sabado ng Pebrero, Ikalimang Sabado ,eksaktong katapusan ay pumanaw na si
Rebo. Kasabay ng pagluha ng kaniyang mga mata at pagtirik ng mata ay ang pagbuga ng
kanyang huling hininga. Namatay ito habang tangan ng ama sa kanyang bisig. Hinintay
lamang ni Rebo na dumating ang kanyang ama bago ito lagutan ng hininga. Di na man
lamang sila nakapag-uasap sapagkat pagdating ng ama ay pinakwalan na nito ang sunod-
sunod na palahaw ng tindi ng sakit.
Sa ikaanim na Sabado, ang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado na masisilayan siya
ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade at ang may-ari nito.Payapa na silang
nakahimlay sa loob ng kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang
gutom, walang hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro. Habang
ang mga naiwan ay paglalabanan at pagaaralang tanggapin ang kirot ng pagkalungkot.

E. Wika
Matatalinhagang Pananalita Kahulugan
Kirot Ito ay pakiramdam na masakit
Nakahimlay Natutulog
Nakapagngagalit Nakakagalit
Palahaw Sigaw
F. Simbolismo

Ang beyblade ay isang mahalagang bagay na ginamit


sa akda na kung saan ito ay sumisimbolo sa pagiging bata.
Ito ang naging simbolo na mapagkakakilanlan sa batang si Rebo na kung saan ito ang laging
magpapaalala sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay.
G. Mga Bisa
1. Bisang Pangkaisipan
Natanim sa aking isipan ang halaga ng buhay at kung paano kayaning harapin ang bawat
hamon at pagsubok ng kapalaran. Napagtanto ko na hanggat tayo ay nabubuhay sa
mundong ito, ipagkaloob natin sa ating mga mahal sa buhay ang wagas na pagpapahalaga
at pagmamahal sa kanila. Naiwan sa aking isipan na lahat tayo ay mawawala sa mundong
ibabaw na kailangan nating tanggapin sa buhay.
2. Bisang pandamdamin
Nalungkot ako para kay Rebo sapagkat sa murang edad niya ay nilisan na niya ang buhay
sa mundong ibabaw na kung saan ay isang batang masayang naglalaro kasama ang ibang
bata. Nakakaiyak sapagkat dinanas ni Rebo ang ganoong pagsubok sa buhay sa murang
edad pa lamang . Mahirap talagang mawalan ng mahal sa buhay kaya para sa ama ni Rebo
masakit iyon. Mahirap matanggap sapagkat lagi mong maalala ang lahat, ang panahong
kayo ay magkasama.

H. Reaksyon
Habang binabasa ko ang kwentong ito, tumutulo talaga ang aking mga luha. Naantig
ang aking puso sa dinanas na pagsubok ni Rebo dala ng kanyang sakit. Nakakaiyak talaga
kasi akala ko mabubuhay si Rebo subalit hindi pala. Huling Sabado na pala iyon ng paglalaro
niya ng beyblade. Humanga ako sa tatag at pagmamhal ng kanyang ama kay Rebo sapagkat
sa kabila ng lahat hindi niya iniwan ang anak na harapin ang sakit na kanyang
pinagdadanan. Lahat ay ginawa ng ama upang maging masaya ang kanyang anak
hanggang sa huling hininga ni Rebo. Lalo akong naiyak nang sabihin ng ama na payapa ng
nakahimlay si Rebo sa kabaong at masayang naglalaro na walang dinaranas na hirap habang
siya ay maiiwang pinaglalalabanan na tanggapin ang kirot at pagkalungkot ng pagkawala
nito. Isang katotohanan ito na kung saan ay talagang nararanasan ng mga taong naiiwan ng
mga mahal sa buhay. Mahirap tanggapin, masakit, mahirap makalimot pero kailangan
nating maging matatag na harapin at tanggapin ang katotohanan. Kailangan nating harapin
ang bagong bukas at kalimutan ang pait ng kahapon ng hindi tayo malugmok sa hirap na
pinagdaanan.
Isang paghanga rin ang aking ipinaabot sa may akda nito na si G. Ferdinand Pisigan
Jarin, nakakaantig talaga ng puso lalo na at ito ay totoong kwento ng buhay ng kanyang
anak. Marami ang makakareleyt sa kwentong ito sapagkat sa totoong realidad ng buhay ay
dumaranas tayo ng mga ganitong pagsubok na kahit masakit ay kailangang tanggapin at
muling bumangon para sa isang magandang bukas na naghihintay

Mi Ultimo Adios
Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis alindog
sa kagalingan mo ay aking ding handog.
Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.
Saan man mautas ay dikailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.
Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
na sa silinganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.
Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liway-way,
dugo ko'y isabong at siyang ikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw
Ang aking adhika sapul magkaisip
ng kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsan masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.
Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.
Sa kabuhayang ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
pag hingang papanaw ngayong biglang-bigla.
Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hiniga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan.
Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring itapat,
sa kaluluwa ko hatik ay igawad.
At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang iwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.
Kung sakasakaling bumabang humantong
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.
Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng boong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sino man sa katotang giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagka himbing.
Idalanging lahat yaong nangamatay,
mangagatiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.
Ang mga bao't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.
At kung an madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.
Ang kanyang hiwagay huwag gambalain;
kaipala'y maringig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y mag saliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitin.
Kung ang libingan ko'y limat na ng lahat
at wala ng kurus at batang mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kauyang ikalat.
At mga buto ko ay bago matunaw
maowi sa wala at kusang maparam,
alabok ng iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.
Kung magka gayon na'y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang panganorin
mga lansangan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunog ako sa dingig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay ng pananalig ko.
Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugang ko pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Ako'y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang dooy haring lubos.
Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.
Pag pasasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

Inilirawan ni Rizal sa " Mi Ultimo Adios" ang kanyang pagpapahalaga sa inang bayan, sa mga
mamayan, sa ingat yaman, at sa mga kultura nito. Ipinakita niya nag pagmamahal dito sa kanyang
huling sadali. Marahil ay binalikan nya ang mga ala ala sa kanyang pagka bata hanggang sa pagka
mulat tungo sa paghangad sa perpektong konsepto ng isang bayan. Sa kanyang pagbalik tanaw
nakita nya kung anong naging silbi niya bilang taong pinagakalooban ng diyos ng buhay at ng
isang magaling na utak. At nailarawan nya kung paano nya minithing balang araw . makita nya
ang bayan na malaya at payapa. Buong dignidad niyang tinanggap ang kamatayan sa kaloobang
nakita nya na natupad nya ang kanyang layunin, bihira ang mga taong namamatay na natupad
ito kahit man lang nakita ito.

Sa kanyang mga huling sandali, ipanaubaya ni Rizal ang kanyang buhay sa pag aalala sa kanyang
mga nagawa. Nais niyang kilalanin sya higit sa lahat bilang isang taong ibinigay ang sarili sa bayan.
Bayani man o hindi ang mahalaga ay bigyang saysay ang kanyang mga nagawa at kung posible ay
tularan ito ng kanyang mga kababayan. Kapayapaan laban sa karahasan, pag-ibig tungo sa
kalayaan. Sinasalamin ng tula ang kanyang wagas na pag aalay sa kanyang buhay para sa kalayaan
ng inang bayan. Isa itong kulmination sa kadakilaan nya at sa mga minithi nya mula noong sya
namulat sa mundo at sa lipunan. Ito ang kanyang huling mensahe sa kapwa pilipino ukal sa
paghahangad sa kasrinlan, pakikipaglaban para sa kapayapaan at kung ito ma'y makamit ay
pangangalagaan ng kahit pa pagbubuwis ng sariling buhay.

ALAMAT NG BIGAS
Biglang naglaho si Sappia. Nagbalik siya sa langit at minamasdan ang pagtubo ng mga palay at
nakita niya kung paano ito inani ng mga tao.
Puti man o pula, niluto ng mga tao ang mga butil at kinain upang manumbalik ang kanilang lakas.
Tinanggal ni Sappia ang kanyang pang itaas at piniga niya ang kanyang dibdib. ipinandilig niya sa
natitirang puno ng palay ang gatas mula sa kanyang dibdib.
Mga tao
Nang bayuhin ng mga tao ang inaning palay, lumabas ang mga mapuputing mga butil. Iyon ang
nanggaling sa gatas na pinandilig ni Sappia. Ang ilang butil ay kulay pula at iyon ay galing sa dugo
na pinandilig ni Sappia sa halaman.
Minsan noong unang panahon, ang Bohol ay sinalanta ng tag-gutom. Nagmamakaawa ang mga
tao kay Sappia- ang dyosa ng awa, upang silay bigyan ng pagkain. Naawa sa kanila si Sappia kaya
bumaba siya sa lupa at nakita ang kalunus-lunus na na kalagayan ng mga tao.
Sappia - ang dyosa ng awa
Iniwan ng tagtuyot ang mga bukirin na tuyot at bitak na. Mangilan-ngilan na lamang na halaman
ang nabubuhay dahil sa ilang buwang hindi umu-ulan. Maraming tao ang namatay sa gutom.
Lumuhod si Sappia at kanyang ibinulong, "Oh mga halaman, mamunga kayo ng masagana at
pakainin ang nagugutom na tao".
Ang mga palay ay namunga ng masagana katulad ng una kaya't nag diwang si Sappia katulad ng
pagdiwng ng mga tao.
Itinabi nila ang mga palay at kanilang itinanim nang umulan kalaunan.
Ang Alamat ng Bigas
(BOHOL)
Mga Tauhan:
Idinalangin niya sa langit na sana bigyan pa siya ng maraming gatas, ngunit ng muli niyang pigain
ang kanyang dibdib ay dugo ang lumabas at dumilig sa ibang halaman.
Ang mga butil na ito na nagbibigay -buhay at handog ni Sappia sa mga nasalantang mamamayan
ng Bohol ang tinatawag natin ngayong bigas.

Tagpuan:
Mula sa malayong tribu
Alamat ngsampaguita

Tauhan:
Aniway, isa sa mga dalagang ipinagmamalaki ng kanilangtribu.Si Maru- ay ang nanliligaw kay
Aniway
Buod:
Magandang babae, maraming katangiang kaibig-ibig at mabutinganak. Iyan si Aniway,isa sa mga
dalagang ipinagmamalaki ng kanilang tribu. Pihikan sa pag-ibig
angdalaga kaya wala pang nobyo. Isa lang ang lagi niyang dinadasal. Na sana aymakatagpo siya ng
karapat-dapat na lalaki na magmamay-ari ng kanyang puso.Mulasa malayong tribu ang binatang si
Maru. Nang Makita ng binatasi Aniwa ay hindi natinigilan ng panliligaw. Inamin n Aniway na kaiba sa
mga lalaking nanligaw sakanya, malapit agad ang loob niya kay Maru.Makaraan ang
kulang isang taon aytingggap niya ang pag-ibig ng binata. Maligayang-
maligaya si Aniway lalo nangsabihin ni Maru na uuwi itos a kanilang tribu para sunduin ang mga
magulang. Ibigna raw kasi nito namagpakasal sila. Ipinangako ng binata na babalik sa susunod
napagbilogng buwan. Subalit lumipas na ang dalawang pagsikat at paglubog ng buwan,nianino ni
Maru ay hindi na nakita ni Aniway. Ang masama ay ginamit ng isa samga karibal ni Maru ang
sitwasyon para siraan ang binata. Ikinal at nitona nag-asawa ng iba si Maru at hindi na babalik kay
Aniway.Inakalang totoo ang
kumalatna balita, sa labis na sama ng loob at kahihiyan ay nagkasakit ng malubha si Aniway.Bago
namatay ay walasiyang nausal kundi Isinusumpa kita!... sumpa kita! Ang
mgasalitang Isinusumpa kita!... sumpa kita! ang tangingnaiwan ni Aniway kay Maru, nadinapuan
ng sakit kaya hindi agadnakabalik. Sa sobrang paghihinagpis, araw-
araw ay halos madilig ng luha ni Maru ang puntod ni Aniway. indi matanggap ni Maruna namatay
ang dalaga na masama ang loob sa kanya. Ilng lingo makaraan ay maytumubong halaman sa libingan
ni Aniway. Nang mamulaklak iyon ay ubod ng bango. "inawag iyong
sumpakita
, ang huling salitang binigkas ni Aniway bagosumakabilang buhay. Ang
sumpa kita
ay nagging
sampaguitaTema:
Ang pagmamahal ay mahalaga , sa kwentong ito nililigawan ni Maru si Aniway ngunitang
gusto ni Aniway ay karapat- dapat na mag mamay-ari ng kanyang puso.

KAHIRAPAN:
PROBLEMA NG BAYAN
Isa sa pinakamalaking problemang kinakaharap ng ating bansa ay ang kahirapan. Pero bakit nga
ba maraming Pilipino ang nagdurusa dahil dito?
Ako bilang isang kabataan, may layunin akong iwasan ang pagiging isang mahirap at hindi
maituturing na basura lamang sa isang lipunan. Sa simpleng pamamaraan, ako’y magsisikap
makapagtapos ng pag-aaral. Nang sa gayon ay magkaroon ng magandang kinabukasan. Hindi
lamang ako kundi pati ikaw, tayong lahat ay kinakailangan ng pagkakaisa tungo sa kaunlaran.
Lahat tayo ay may magagawa para sa kinabukasan ng ating bayan, isang bansa na magagamit,
maipagmamalaki at higit sa lahat ay maipapamana sa susunod pang henerasyon.
The End
Hannalet Roguel
Sadyang mahirap ang maging isang
mahirap pero madaming paraan upang
ito’y labanan kung ating gugustuhin.
Marami na tayong nabalitaan mula sa
pagigingmaralita ngayon ay natatamasa
na ang kaginhawaan, dahil iyon sa
kanilang pagsisiskap at pagpupursigi
para sa kanilang gustong makamit.
Maraming mamamayan ang nakararanas ng kahirapan, kung mapapansin natin, nagkalat ang
mga batang iniwan o inabandona ng kanilang mga magulang na walang ibang matuluyan. Lalo na
rin sa mga squatters area. Magulo at tila ba walang kaginhawahan at kapayapaan sa lugar na
yaon. Kung ating susuriin, mas marami ang bilang ng mga taong sadlak sa kahirapan, pero bakit
ang mga taong may mataas na katayuan sa buhay, sa halip na tulungan ang mga ito ay lalo pa
nilang itinutulak sa kahirapan. Kaya ang mga mahihirap lalong naghihirap at ang mga mayayaman
lalong yumayaman. Dulot ng walang pagkakaisa, may pag-asa pa ba ang ating bayan na umunlad?
Dahil sa kahirapan, maraming tao
ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng
kanilang kakulangan sa pera, ay
napipilitan silang gawin ang mga bagay na
hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy
na dumarami ang bilang ng krimen sa
ating bansa. Nadadagdagan din lalo ang
bilang ng mga namamatay. Pero bakit
hindi kumikilos ang ating mga pinuno ukol
sa mga isyung ito?

Ang Kambing at ang Magsasaka (parabula)


Ang Kambing at ang Magsasaka
Isang araw ay nahulog ang kambing sa balon. Umatungal ito ng umatungal na nakapagpataranta
sa magsasakang may-ari ng kambing.

Wala siyang malamang gawin para maiakyat niya ito mula sa malalim na balon. Kaya minabuti
niyang tabunan na lang ng lupa ang balon kasama ang kambing. Tutal matanda na ang kambing
at ang balon naman ay wala ng tubig na makukuha.

Kaya humingi siya ng tulong sa mga kapitbahay upang matabunan kaagad ang balon para matigil
na ang pa-atungal ng kambing.

Lalong umatungal ang kambing nang maunawaan niya ang gustong gawin ng magsasaka. Ibabaon
siya ng buhay.

Ilang sandali lang ay tumahimik na ang kambing. Dumukwang ang magsasaka kung bakit wala ng
ingay na nanggagaling sa balon. Nakita niya ang kambing na nakatayo sa lupang kanilang
itinatabon. Tuwing may itinatapon na lupa ay niluluksuhan ng kambing para makarating siya sa
itaas. Hanggang nang mapupuno na ang balon, ay tumalon ang kambing sa itaas na ikinagulat ng
mga tao.

Para rin yang mga taong nagtatapon sa inyo ng dumi. Kagaya ng kambing ay tinatapakan lang
niya at pinapalis ang dumi hanggang sa siya ay makarating sa itaas.

Ang Pagong at ang Kuneho ni jose rizal


Isang hapon, nagkita si Pagong at si Kuneho sa daan. Biniro ni Kuneho si Pagong sa kanyang
maliliit na paa na naging dahilan kung bakit napakabagal niyang maglakad.Nainsulto si Pagong sa
mga biro ni Kuneho. Sa kagustuhan ni Pagong na patunayang mali si Kuneho sa kanyang mga
paratang, hinamon niya si Kuneho at nagsabing, "Kung gusto mong subukin ang aking kakayahan,
bakit hindi natin daanin sa isang paligsahan. Maaaring mabilis ka subalit malakas naman ang aking
resistensya," ang hamon ni Pagong."Anong paligsahan ang nais mo?" tanong ni Kuneho."Kung
gusto mo ay unahan na lang tayong makarating sa tuktok ng ikatlong bundok," sagot ni
Pagong.Nagalak si Kuneho sa hamon ni Pagong. Tiwala sa sariling magagapi niya si Pagong sa
paligsahan. Bawat isa sa kanila ay nangumbida ng kanilang mga kaibigan upang saksihan ang
kagila-gilalas na paligsahan.Kinabukasan, umagang-umaga, marami ang nagsidalo. Dumating ang
kalabaw na minsan na ring nakalaban ni Pagong, ang kabayo, baboy, palaka, bibe, manok, aso,
pusa, kambing, baka, pato, lawin, usa, baboy ramo at marami pang iba. Hindi, magkamayaw ang
mga hayop sa kasiyahan. Noon lang sila makakapanood ng ganoong klaseng labanan.Ang unggoy
ang nagbigay-hudyat ng pasimula ng paligsahan.Sa pasimula pa lang ay naiwan na nang malayo
si Pagong. Halos hindi na makita ni Kuneho si Pagong dahil sa kalayuan ng kanilang
pagitan.Narating ni Kuneho ang tuktok ng ikalawang bundok. Hindi na niya matanaw si
Pagong."Ah, mabuti pa ay mamahinga muna ako. Malayo pa naman si pagong. Napakalayo ng
agwat naming dalawa." ang sabi ni Kuneho sa kanyang sarili.Naupo si Kuneho sa ilalim ng isang
puno. Nang dahil sa kapaguran, hindi niya namalayang siya ay naidlip.Samantala, si Pagong ay
nakarating sa tuktok ng ikalawang bundok nang magtatanghali. Inabutan pa niya si Kunehong
naghihilik. Himbing na himbing si Kuneho. Dala marahil ng kanyang kapaguran.Magdadapit-
hapon na nang matanaw ni Pagong ang rurok ng ikatlong bundok. Malapit na siya.Noon palang
nagising si Kuneho. Tinanaw niya ang ibaba ng bundok sa pag-aakalang nandoon pa rin si Pagong
subalit wala pa rin. Sinimulan na niya muling tumakbo. Takbong walang pahinga. Laking gulat
niya ng abutan niya si Pagong sa ituktok ng ikatlong bundok na namamahinga na. Hiyawan ang
lahat ng hayop. Lahat sila ay bumati kay Pagong.Si Kuneho naman ay hiyang-hiya sa pangyayari.
Humingi siya ng paumanhin kay Pagong sa ginawa niyang pang-iinsulto. Simula noon ay nagging
halimbawa na ng mga hayop na hindi dapat maliitin ang kanilang kapwa.
ARAL:
Mas mainam pa ang lumalakad nang mabagal na sigurado kaysa matulin na kung matinik ay
malalim.

Kung bakit dinadagit ng lawin ang mga sisiw


Taga-lunsod sina Roy at Lorna. Ibig na ibig nila ang pagtira sa
bukid nina Lola Anding at Lolo Andres tuwing bakasyon. Marami at sariwa ang
pagkain sa bukid. Bukod dito, marami rin bagong karanasan at kaalaman ang
kanilang natutuhan.
Isang tanghali, habang nangangakyat ang magkapatid sa punong bayabas, ay kitang-
kita nila ang lawin na lumilipad pababa. Nagtakbuhan ang mga sisiw sa ilalim ng
damo. Naiwan ang inahing manok na anyong lalaban sa lawin.

Mabilis na bumaba sa punong bayabas ang magkapatid at sinigawan nila ang lawin
na mabilis na lumipad papalayo. Natawag ang pansin nina Lola Anding at Lolo
Andres sa sigaw ng magkakapatid. Mabilis silang nanaog ng bahay at inalam kung
ano ang nangyayari.

Kitang-kita po namin na dadagitin ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok kaya
sumigaw po kami, paliwanang ni Roy.
Lolo, bakit po ba dinadagit ng lawin ang mga sisiw ng inahing manok? tanong
ni Lorna.
May magandang kuwento ang inyong Lola Anding na sasagot sa inyong tanong na
iyon, sagot ni Lolo Andres.
Halina na kayo sa upuang nasa lilim ng punong bayabas, wika
ni Lola Anding. Makinig kayong mabuti. Ganito ang kuwento.
Noong araw, magkaibigan si Inahing Manok at si Lawin. Minsan, nanghiram ng
singsing si Inahing Manok kay Lawin upang gamitin niya sa pista sa kabilang
nayon. Naroroon si Tandang at ibig niyang maging maganda sa paningin
nito. Tinanggal ni Lawin ang suot niyang singsing at ibinigay niya ito kay Inahing
Manok.
Ingatan mong mabuti ang singsing ko, Inahing Manok. Napakahalaga niyan sapagkat
bigay pa iyan sa akin ng aking ina.
Maluwag sa daliri ni Inahing Manok ang hiniram sa singsing ngunit isinuot pa rin niya
ito.

Salamat, Lawin, wika ni Inahing Manok. Asahan mong iingatan ko ang iyong singsing.
Kinabukasan, maaga pa lamang ay nagbihis na si Inahing Manok. Isinuot niya ang
hiniram na singsing at pumunta na sa kabilang nayon. Maraming bisita si Tandang at
nagsasayawan na sila nang dumating si Inahing Manok. Nang makita ni Tandang si
Inahing Manok ay kaagad niyang sinalubong nito at isinayaw. Masaya ang
pista. Sari-sari ang handa ni Tandang. Tumagal ang sayawan hanggang sa antukin
na si Inahing Manok.
Pagkagising ni Inahing Manok ng umagang iyon ay napansin niyang nawawala ang
hiniram niyang singsing kay Lawin. Natakot si Inahing Manok na baka tuluyang
mawala ang hiniram niyang singsing. Kaya hanap dito, hanap doon, kahig dito, kahig
doon ang ginawa ni Inahing Manok. Ngunit hindi niya makita ang nawawalang
singsing. Nagalit si Lawin at sinabi na kapag hindi nakita ni Inahing Manok ang
singsing ay kukunin at kanyang dadagitin ang magiging anak na sisiw ni Inahing
Manok.
Araw-araw ay naghahanap si Inahing Manok ng nawawalang singsing. Maging
ang iba pang inahing manok ay naghahanap na rin ng nawawalang singsing
upang hindi dagitin ni Lawin ang kanilang mga sisiw. Ngunit hindi nilamakita ito
hanggang tuluyan nang magkagalit si Lawin at si Inahing Manok.
Namatay na si Inahing Manok at namatay na rin si Lawin ngunit magkagalit pa rin
ang humaliling mga inahing manok at Lawin. Magmula na noon hanggang sa
kasalukuyan ay di pa nakikita ang nawawalang singsing kaya dinadagit pa ng lawin
ang mga sisiw ng inahing manok.

Kahapon Ngayon At Bukas

ni Aurelio Tolentino

Kalayaan : ama ni Walangtutol.

Inangbayan : ang sumimbolo sa bayang Pilipinas.

Dilat na bulag : ang sumimbolo sa espanya.

Bagong Sibol : ang sumimbolo sa amerika.

Masunurin : ang babaeng pilipina.

Tagailog : bidang tauhan, na kumakatawan sa Pilipinong rebolusyonaryo. (rebeldeng tauhan)

Matanglawin : ang gobyerno ng Espanya.

Malaynatin : ang gobyenor Ng Amerika.

Asalhayop : ang mapaglilong tagalog.

HaringBata : ang haring Intsik.


Walangtutol : ang Pilipinong pasibo, at anak ni Inang Bayan.

Halimaw : ang Kastilang pari.

Ang kahapon ngayon at bukas ay nag-papakita di pagsang-ayon ng pagpapalawak ng


kapangyrihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at labas ng kanyang teritoryo at
Naka-pokus ang tagumpay ni InangBayan laban sa mga nangliliit sa kanya. Kasma na dito si
Asalhayop na nakipag-sabwatan kay Haringbata upang ipagbigay alam na Sila Tagailog ay
maybalak babakahin si Haringbata. Ngunit ng siya ay pawing paalis na ay napigilan siya ni
Inangbayan at sinabing dakpin siya dahil ipinagbili ni Asalhayop ang kanilang kalayaan. Sa
kanilang narinig ay hinatulan nila si Asalhayop ng kamatayan at nagpatuloy na sumalakay kay
Haringbata. Nang sila'y magsilusob ay mutikang mapatay ni haring bata si inag bayan kundi
dumating si tagailog at sinaksak siya; nabuwal at namatay si haringbata. Nang namatay si
haringbata ay may dumating sina Dilat na bulag at matanglawin na nangnanais na silay iligtas
sapgkat mayroong sakuna; di lumaon sila'y na papayag at nag-sumpaan gamit ang kanilang
dugo at sabay nila itong ininom.

Reflection:

Ang dulang ito ay nagpapamulat sa ating mga pilipino na dapat ay huwag nating hayaan na
sakupin o angkinin ng mga dayuhan ang ating bayan at siyempre huwag nating traydurin ang
ating sariling bayan para sa sariling nating kapakanan. Kaya sana, mamulat na tayong mga pilipino
at huwag na nating hayaan na sakupin ang ating bansa ng mga dayuhan, mahalin natin ang bayan
natin at huwag natin itong pabagsakin.
Bago ko po tapusin ang aking kumento magpapasalamat po muna ako sa wikianswers dahil sa
inyo ko po kinuha ang buod ng Kahapon Ngayon at Bukas maraming salamat po.

KAHAPON, NGAYON AT BUKAS Ni Aurelio Tolentino


KAHAPON, NGAYON AT BUKAS

(Ni Aurelio Tolentino)

(Dula ng Himagsikan)

MGA TAUHAN

INANGBAYAN (PILIPINAS)

DILAT NA BULAG (ESPANYA)


BAGONGSIBOL (AMERIKA)

MASUNURIN (BABAING PILIPINA)

TAGAILOG(ANG KATAGALUGAN)

MATANGLAWIN (GOBYERNO NG KASTILA)

MALAYNATIN (GOBYERNONG AMERIKANO)

ASALHAYOP (MAPAGLILONG TAGALOG)

DAHUMPALAY(MAPAGLILONG TAGALOG)

HARINGBATA (HARING INTSIK)

HALIMAW (PRAYLE)

WALANG TUTOL (LALAKING PILIPINO)

Mga taong bayan, mga Hukbong Tagalog, mga Hukbong Intsik, Kapisanan ng Cruz Rojang
babae, mga kawal na rebulosyonaryo, mga batang lalaki’t babae, bandang musika ng Hukbong
Tagalog, mga Kaluluwa ng nangamatay sa labanan, ang Haring Kamatayan, Rehimiyento ng
Artiller, Infanteria at Ingeniena.

BAHAGI I

(Isang bakurang may sagingan at iba pang halaman sa tabi. Sa gitna ay isang balag.)

LABAS I

(Asalhayop at mga taong bayan. Nangakahanay ang babae sa kanan at ang mga lalaki naman
sa kaliwa. Nanga-taas ang kanang kamay nilang lahat, na tumatangan sa kopang ginto.
Masasaya ang anyo nila.)

(Asalhayop, Masunurin, Walang tutol, mga taong bayan.)

Walangtutol : Mag-inuman, magsayawan.

Masunurin : Si Asalhayop ay ipagdiwang.

Koro : Ipagdiwang.

1.o : Mapala ang kanyang buhay.


1.a : At lumawig habang araw.

2.o : Habang araw.

Walangtutol : Dangal niya’y huwag dadalawin ng siphayo’y ng hilahil.

2.a : Huwag dadalawin.

3.a : Dangal niya’y magluningning sa ligayang sasapitin.

Koro : Magluningning.

Masunurin : Madlang puri, madlang biyaya sa kaniya’y sumagana.

Koro : Sumagana.

3.a : Madlang yaman, madlang tuwa sa kaniya’y lumawig nawa.

Koro : Lumawig nawa.

Asalhayop : Katoto’t giliw, mga kaibigan, sa inyo’y salamat nang habang buhay.

Ang inyong nais na tungkol sa akin ay aking biyaya sa sasapitin.

Kayo ang dangal ko, at kayong tunay ang tanging suhay sa aking buhay.

(Lalapitang isa-isa ni Asal. Ang mga Koro at ipipingki sa kani-kanilang kopa ang kanyang
hawak.)

Mag-inuman, magsayawan, mag-awitan, limutin ang kalumbayan.

Koro : Mag-inuman.

(Anyong iinumin ng lahat ang laman ng kani-kanilang kopa.

Biglang lalabas si Ina, at si Tag. Magugulat ang mga dadatnan.Titigan sila ng kagulat-gulat ni
Ina.)

LABAS 2

(Sila rin, Inangbayan, Tagalog)

Inangbayan : Mga walang loob,

mga walang damdam,


bago’y nagluluksa

ang kawawang bayan.

Mga walang puso,

mga walang dangal,

nahan ang pangakong

kayo ay dadamay

sa mga pumanaw?

(Tatawa nang malakas si Asal at ituturo si Ina.)

Inangbayan : Asalhayop!

Asalhayop : Masdan ninyo si Inangbayan,

Ang buwisit at manggagaway.

(Magtatawanan ang koro.)

Humayo ka, Inangbayan,

Huwag sabihin ang patay.

(Magtatawanan ang koro.)

Koro : Mag-inuman.

(Anyong iinumin ang laman ng mga kopa.)

Inangbayan : Huwag!

Huwag ninyong lagukin, huwag ninyong mainom ang

hinahawakang alak na may lason.

(Magtatawanan ang koro.)

Ang inyong kaluluwa ay malilinggatong, kayo’y isusumpa ng

mga pahanon.

(Magtatawanan ang koro.)


Mainit pang tunay sa mga buruhan ang bangkay ng inyong nuno at magulang.

(Magtatawanan ang koro.)

Hayo at mag-isip ng tinutunguhan, hayo at bakahin ang mga

kaaway.

(Mahabang tawanan nila Asal at ng Koro.)

Koro : Magsayawan.

(Iinumin ni Asal, at ng Koro ang laman ng mga kopa. Tititigan sila nang kagulat-gulat ni Ina.)

Inangbayan : Mga walang kaluluwa! Ang inyong mga kasayahan ngayon ay pagdustang tunay
sa libingan ng ating marangal na lipi. Ano? Hindi baga ninyo nararamdaman sa ibutod ng
inyong mga puso ang lamig ng kamatayan ng bayan? Hindi baga kayo nangahihiya sa sarili,
ngayong kayo nangagsasayahan sa ilalim ng talampakan ni Haringbata ang magiging anak ni
Hingiskang?

Asalhayop : Mahusay manalumpati ang ating ina, ang mangangaway.

Inangbayan : Asalhayop!

Asalhayop : Bigyan ako ng kaunting alak.

Koro : Kami man.

Inangbayan : Ako man.

Asalhayop : Kita ninyo? Kita ninyo’y huminging kusa, pagkakitang hindi natin siya alintanahin?

Magaling na talaga si aling inangbayan.

Asalhayop : (Kay ina) Heto ang alak na alay ko sa iyo. (Bibigyan siya ng isang kopa.) Mag-
inuman!

(Itataas ni Asal at Koro ang kanilang mga kopa.)


Walangtutol : Mabuhay si Asalhayop!

Koro : Mabuhay!

Inangbayan : Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi sa paglapastangan sa araw na ito! Ito
ngang tunay na araw ng kamatayan ng mga tagapagtanggol ng bayan. Ito ang araw ng
pagkalugso ng ating kahambal-hambal sa Balintawak. Sumpain nawa ni Bathala ang hindi
magsisi!Taos sa puso ko yaring sumpa, at sa katunayan ay… ayan!

(Ipupukol sa lupa ang kopang hawak)

Asalhayop : Inangbayan!

Koro : (Biglang lalapitan ni Asal at tatampalin. Si Ina, ay mabubuwal, kasabay ng pagtawa ng


Koro.)

Asalhayop : Manggagaway!

(Kasabay ng tampal at tawanan. Kasabay ng pagsakal sa kanya at pagtindig ni Ina.)

Walangtutol : Huwag! Bitiwan mo. Asalhayop.

(Bibitiwan.)

Inangbayan : Asalhayop, paglapastangan mo sa akin ay nahulog sa Apo, sa kamay ni


Mandagaran, ang taksil mong kaluluwa. At kayong mga nakianib sa kanya, kayong mga anak
kong pinakamamahal, ay nangahawa na mandin sa kanyang sawing palad. Dinudusta ninyo sa
libingan ang dangal ng inyong mga nuno.

Ah! Hindi ko inakala kailan pa man, na kayo’y hindi ko maihahalubilo sa mga angkang nagkalat
dito sa Dulong-Silangan.

Mga anak ko, mga bunsong pinakaiibig, kayo’y nangaliligaw. Panumbalikin ninyo ang inyong
mga loob, pagsisihan ninyo ang paglapastangan sa akin at sa dakilang araw ng pagkalugso ng
bayan. Kapag nilimot ninyo ang araw na ito ay lilimutin din ninyo ang libingang luksa ng inyong
mga magulang.

Kayo’y nangabulag na lubos. Buksan ninyo ang inyong mga mata.


(Biglang itataas ang tabing. Lilitaw ang mga libingang may mga pangalang sulat sa panahong
una at may mga sabit na luksa at sari-saring putong.)

Ayan at tanawin ninyo sila!

(Mangagluluhuran si Tag at Koro at mangangahulog sa kanilang kamay ang mga kopoang


hawak, tanging hindi lamang si Asal at tatalikdan ang mga nasabing libingan.)

Sa mga libingang iyan ay nalalagak ang mga buto nila Gat-Salian, Bituin at laksa-laksang iba
pang bayaning kawal ng bayan.

Oh! Yayamang nilapastangan ninyo ang araw na ito at ang mga libingang iyan; yayamang
dinudusta ninyo ang daklilang pangalan ng inyong mga nuno; yayamang inilublob ninyo sa
pusali ng kapalamarahan ang banal na kasulatan ng ating maharlikang lipi, ay ipagpatuloy na
ninyo ang inyong baliw na kasayahan, 3 colors ipagpatuloy na ninyo, mga bunsong ginigiliw,
nguni’t pakiusap ko lamang, na doon sa ibabaw nila, sa ibabaw ng mga libingang iyan, ay doon
kayo mag-inuman ng alak, doon kayo magsayawan at mag-awitan, doon ninyo sambilatin at
yurakan iyang mga laksang sabit, doon ninyo huwag tugutang libakin ang inyong sariling
dangal.

(Tatangis at marahang lalakad na tungo sa mga libingan.)

Mga bunsong pinakamamahal! Paalam ako sa inyo! Paalam ako sa inyo!

(Mahuhulog na muli ang dating tabing.)

LABAS 3

(Sila rin, wala lamang si Inangbayan)

Tagailog : Mga kapatid ko!… Oh! Ano’t kayo’y nangalulumbay? Dahil baga sa pag-aalala ninyo
sa nalugsong buhay ng bayan sa araw na ito? Ah, tunay nga! Sapul noon hangga ngayon ay
dalawampung taon nang singkad,dalawampung taong pagkakaalipin. Nguni’t huwag. Ngayo’y
nahahanda nang lahat kapag kayo’y umayos sa aking mga panukala…

Koro : Magsabi ka!

Tagailog : Ibig baga ninyong bawiin sa kamay ng kaaway itong bayang sinamsam nila sa kamay
ng ating mga magulang?
Koro : Ngayon din.

Tagailog : Tayo na’t magsandatang lahat.

Koro : Tayo na.

(Aalis na lahat, matitira si Asal.)

LABAS 4

(Asalhayop)

(Tatanawin ang mga nagsisialis)

Asalhayop : Mga mangmang!

Ang mga taong ito ay may mga walang pinag-aralan. Mabuti pa ang aso, mabuti pa ang
kalabaw, mabuti pa ang hayop kaysa sa kanila, sapagkat ang mga hayop ay nabubuhay at
marurunong magsipamuhay, nguni’t ang mga taong ito ay hindi.

Nangatatahimik ang aming mga magulang. At ano? kung ipaghiganti ko baga sila ay
mangabubuhay pa kayang muli? Babawiin daw ang kalayaan ng bayan. At bakit pa? Mabuti
ang may salaping alipin kaysa mahirap na laya. Mga hangal!

(Magkukuro) Mabuti nga.

Hahanapin ko ang mga Intsik, hahanapin ko si Haringbata at aking sasabihin sa kanya ang
lahat ng nangyari. Salapi na naman ito!

(Anyong aalis. Lalabas si Haringbata.)

LABAS 5

(Asalhayop, Haringbata, mamaya’y Inangbayan)

Haringbata : Asalhayop.

Asalhayop : Ako po’y sumasayapak mo, dakila’t marangal na Haringbata.


Haringbata : Salamat.

(Lalabas si Ina, at manunubok sa tabi ng tabing. Hindi siya makikita ng dalawa.)

Asalhayop : Ako po sana ay talagang paparoon sa inyong bahay at may nasang sabihing
malaking bagay.

Haringbata : Ano yaon?

Asalhayop : Si Tagailog at lahat niyang kasama, na pawang kapatid niya’t kapatid ko rin ay
kaaalis din po dito ngayon. Mangagsasakbat ng sandata at kayo po ay babakahin.

Inangbayan : (Mapaglilo!)

Haringbata : Tunay?

Asalhayop : Tunay po.

Haringbata : At bakit daw?

Asalhayop : Ibig daw po nilang mabawi ang kanilang kalayaan.

Haringbata : Mga masiging! At saan nangaroon?

Asalhayop : Ewan po, hahanapin ko sila at pakikialaman ko ang kanilang lihim, upang di
maipagbigay alam ko sa inyo at mangahulog sa inyong kamay.

Inangbayan : (Buhong!)

Haringbata : Salamat. Talasan mo ang iyong mga tainga’t mata. Heto ang salapi mong bayad.

(Bibigyan ng salapi)

At kung mangahulog na sila sa ilalim ng aking kapangyarihan ay dadagdagan ko pa iyan, at


bibigyan kita ng katungkulang mataas.
Asalhayop : Salamat po.

Haringbata : Hihintayin kita ngayong gabi sa aking bahay, at ipagbigay alam mo sa akin ang
lahat nilang panukala. Heto ang tandang ilalahad mo sa taliba upang di ikaw ay papasukin.

(Bibigyan siya ng isang tsapang tanso at aalis.)

Asalhayop : Asahan po ninyo.

(Titingnan ang salapi.)

Heto ang salapi ko, heto ang tunay na Ina kong bayan, ang tunay na Bathala. At madaragdagan
pa; at matataas pa ang aking katungkulan.

Sayang palad!

Inangbayan : ( Walang puri! )

LABAS 6

(Sila rin, Tagailog)

Asalhayop : Tagailog, hinahanap kita.

Tagailog : Ako’y gayon din, kita’y aking hinahanap.

Asalhayop : Sasalakayin baga natin si Haringbata?

Tagailog : Oo, bukas. Humanda ka’t ikaw ay kasama.

Asalhayop : Papaano ang paraang gagawin natin?

Tagailog : Ako’y magdadala kunwari ng buwis.

Asalhayop : Mahusay. At saan tayo dadaan?


Tagailog : Sa tabing-dagat ang kalahati, at ang kalahati naman ay sa Diliman. Heto na’t
nagdadatingan ang ating mga bayaning kawal, kasama ang mga babaeng tagapagsiyasat ng
sugatan.

LABAS 7

(Sila rin, Walangtutol, Masunurin, Korong lalaki at babae. Ang mga lalaki ay pawang
sandatahan.)

Walangtutol : Tagailog, narito na kami.

Tagailog : Hintayin natin ang mga ibang kasama.

Asalhayop : Ako’y kasama ninyo, nguni’t ako’y uuwi pa muna sandali.

Tagailog : Hihintayin ka namin dito, at dito tayo magbubuhat sa pagsasalakay kay Haringbata.

Asalhayop : Asahan ninyong ako’y darating. Asahan ninyong kung saan kayo mamatay ay doon
din ako magpapakamatay. Paalam.

(Anyong aalis.)

Koro : Mabuhay si Asalhayop.

Inangbayan : (Kay Asal.) Hintay! Tagailog, huwag mong paalisin si Asalhayop.

Asalhayop : Ako?

Inangbayan : Ikaw.

Lahat : At bakit?

Inangbayan : Ako’y may itatanong sa kanya dito sa harapan.

Masunurin : Ano kaya?

Koro : Ano kaya?


Inangbayan : Asalhayop, wala ka bagang taglay na salapi ngayon?

Asalhayop : Wala.

Inangbayan : Dinggin ninyo? Wala raw. At wala ka bagang taglay na kahit anong tanso sa
katawan?

Asalhayop : Salupikang mangkukulam! Ano’t itinatanong mo?

Inangbayan : Wala ka bagang taglay na kahit anong tanso sa katawan?

Sumagot ka.

Lahat : Sumagot ka.

Asalhayop : Wala. Anhin ko ang tanso?

Inangbayan : Dinggin ninyo? Wala raw siyang taglay na salapi, at wala rin namang taglay na
kahit anong tanso.

(Tatawa nang malakas si Ina.)

Asalhayop : Ngitngit ni Bathala! Ano’t nagtatawa ka?

Inangbayan : Dakpin ninyo at ipinagbili tayong lahat kay Haringbata.

Lahat : Oh!

Asalhayop : Ako?

Inangbayan : Ikaw.

Asalhayop : Sinungaling si Inangbayan. Sinasabi kong sinungaling si Inangbayan.

Inangbayan : Mga bunso, siyasatin ninyo ang katawan ni Asalhayop, at may taglay na salapi, at
may taglay na tanso.

Tagailog : (Sa Koro) Siyasatin ninyo.


Asalhayop : Hindi ako pasisiyasat.

Tagailog : Dakpin ninyo.

(Tatanganan si Asal ng mga sandatahan ng mga babae ang kanyang katawan. Makukunan sa
bulsa ng salapi at isang tsapang tanso.)

Masunurin : Tunay nga!

Lahat : Tunay nga!

Tagailog : Ano’t ipinagkaila mo ang iyong taglay?

Asalhayop : Ako’y… sapagkat… Datapwat…

(Tatawa nang malakas si Ina.)

Inangbayan : Yayamang hindi niya matutuhang turan ay aakuin ko na siya at ako na ang
magsasabi.

Asalhayop : Inangbayan! Mahabag ka!

Tagailog : Sabihin mo, Inangbayan.

Lahat : Sabihin mo.

Asalhayop : Inangbayan!

Inangbayan : Ang salaping iyan ay siyang pinagbilhan ng nilako niyang buhay ng bayan kay
Haringbata.

Lahat : Oh!

Inangbayan : At ang tansong iyan ay siyang ilalahad sa mga taliba ng kaaway, upang siya’y
papasukin at maisiwalat ang ating lahat ng lihim.

Asalhayop : Sumpa ng Apo! Ngitngit ni Mandagaran!

Inangbayan : Pagmasdan ninyo ang tanso at may tatak marahil ni Haringbata.

(Pagmamasdan ng lahat ang tanso)

Masunurin : Tunay nga.


Koro : Tunay nga.

Walangtutol : Kay Haringbatang tatak.

Tagailog : Asalhayop!

Asalhayop : Patawad!

Inangbayan : Ngayon at inyo nang nakilala kung sino nga si Asalhayop, ay paalam na ako sa
inyo.

(Tuloy aalis. Anyong hahabulin ng lahat.)

Lahat : Inangbayan?

LABAS 8

(Sila rin, wala lamang si Inangbayan)

Tagailog : (Kay Asal) Oh! Walang pusong kapatid! Walang dangal! Sa mga ugat mo ay
tumatakbo ang maruming dugo ni Lakasalian, yaong taksil na nagpagapos ng leeg ng ating
kawawang Inangbayan, kay Hangiskang na ama ng suwail na Haringbata.

Pagmasdan ninyo’t kumikislap sa kaniyang mga mata ang alipato ng kanyang paglililo.

Bayang Tagalog, tandaan ninyo yaring hatol.

Dapat mahalin ang ating mga kapatid, ang ating mga magulang, ang ating sariling buhay,
nguni’t lalo pa nating dapat mahalin ang dangal ng ating kahambal-hambal na Inangbayan.

(Sandaling palipas) Kaya nga, ang sino pa mang maglilo sa kanya, kapatid man natin o
magulang kaya, ay huwag pagpitaganan; takpan ang mata ng awa at idalhag siya sa bangin ng
lalong dustang kamatayan, at idagan sa kanyang ulo ang matinding sumpa ng ating
pagkakapaalipin.

(Sandaling palipas) Bayang Tagalog, kung sakaling mawalan man tayo ng hiya sa mukha
nating bantad, at pabayaan nating makatkat sa ating noo ang limbag ng puri, manang katutubo
ng ating mga kaluluwa, ay magkaroon man lamang tayong kaunting tapang sa pagkitil ng
sariling buhay. Ibuhos natin ang ating dugo,lamurayin natin ang ating laman, iwalat natin ang
ating mga buto, huwag na lamang kumalat-kalat sa lansangan ang mabusilak na dangal ng
liping Tagalog, huwag na lamang tayo ring ito ang maglublog sa putik ng lagim, ng kagalang-
galang na mukhang tumatangis ng ating kahabag-habag na Inangbayan.

(Sandaling palipas) Bayang Tagalog, si Asalhayop ay nagtaksil. Sunugin siyang buhay.

Koro : Patawad!

Tagailog : Bayang Tagalog, kung malaki ang pagmamahal mo kay Asalhayop, ako naman ay
lalo pa, nguni’t lalo pang malaki ang pagmamahal ko sa ating Inangbayan. Inilako ni Asalhayop
si Inangbayan kay Haringbata, kaya dapat siyang mamatay, sapagkat dapat na lipulin ang lahat
ng halamang lasong tumubo at umusbong sa lupang Tagalog.

(Sandaling palipas)

Sunugin s’ya ng Buhay.

Koro : Patawad!

Tagailog : Bayang Tagalog, bayang pinakamamahal kong lubha, wala sino pa mang
makasasalag sa madaling hampas niyaring hatol. Ibig ko pang ako’y mamatay, huwag na
lamang ipahutok ang katuwiran. Kaya nga, sinumang may nais na humingi ng patawad na
naitong suwail, ay patayin na muna ako, saksakin na muna yaring dibdib. Alin sa dalawa:
mabuhay ang kataksilan at ako ang mamatay ang kataksilan

(Sandaling palipas)

Sunugin siyang buhay.

Koro : Patawad!

Koro : Oh! Bayang Tagalog! Bayan ng marangal nan liping Tagalog, huwag mong ihingi ng
patawad ang nagtaksil sa dakilang dangal ng ating mga kasulatan.

(Bubunutin ang kanyang sundang.)

At yayamang ayaw ako ilugso ng mga nagtatanggol sa kanya, ako ang maglulugso sa mga
sasago’t sasanla sa aking matatag na hatol. Iwawalat ko ang dibdib ng balang kumibo,
hahalukayin ko ang puso ng balang magsigaw ng wikang “Patawad”.

(Itataas ang kanyang sundang. Mapapaurong ang lahat.)

Tagailog : Hukbong Tagalog, lahi ng katapangan, mga anak sa digma, tulinan ninyo.

Napaparam ang ulap ng sakim, sumisilay ang araw ng kalayaan: (Tuloy pasok)

LABAS 9

(Masunurin, Korong Babae)

Masunurin : Laban kayo, mga kawal, at bawiin itong bayan.

1.a : Sandali pa’y ating tunay na tagumpay.

Koro : Ang tagumpay.


Masunurin : Nagkaabot ang hukbo at nagkahalubilo.

2.a : Laban kayo, laban kayo, ang kalaba’y…

Koro : Tumatakbo.

Masunurin : Hayo’t abuluyan ang mga sugatan.

Koro : Abuluyan.

LABAS 10

(Maglalabasan ang mga kawal na Intsik, karamiha’y sugatan at nagabubuwal.)

Masunurin : Huwag bayaan , ito’y ating katungkulan.

LABAS 11

(Sila rin, Haringbata, Inangbayan, mamamaya’y si Tagailog. Kaladkad ni Haringbata si


Inangbayan.)

Haringbata : Papatayin kita.

Koro : Si Inangbayan.

(Lalabas si Tagailog)

Tagailog : Haringbata!

(Sabay saksak. Mabubuwal si Haringbata.)

Haringbata : Mamamatay ako!

Koro : Patay si Haringbata!

LABAS 12

(Sila rin, kawal na Tagalog)


Tagailog : Ating-ating ang tagumpay. Atin ang ating katuwiran.

Inangbayan : Mabuhay si Tagailog.

Koro : Mabuhay!

Tagailog : Mabuhay si Inangbayan!

Koro : Mabuhay!

Inangbayan : Mabuhay ang ating kawal!

Koro : Mabuhay!

Tagailog : Mabuhay ang ating lipi sa lilim ng kalayaan!

Koro : Mabuhay!

Inangbayan : (Tatanaw sa kanan.) Sino ang mga dumarating?

Tagailog : Sino kaya?

Koro : Sino kaya?

(Tutugtugin ang Marcha Red Española at lalabas si Dilat-na-bulag at Matanglawin.)

LABAS 13

(Sila rin, Dilat-na- bulag,Matanglawin.)

Inangbayan : Sino kayo?

Dilat-na-bulag: Ako’y si Dilat-na-bulag.

Matanglawin : Ako’y si Matanglawin.

Tagailog : Kalaban ba kayo?


Dilat-na-bulag: Kami ay kaibigan.

Inangbayan : Ano ang inyong nais?

Matanglawin : Ang kayo’y iligtas sa pagkapanganyaya

Tagailog : May sakuna baga?

Dilat-na-bulag: Mayroon.

Matanglawin : Tanawin ninyo sa dakong kanan ang tila wari nagdidilim na langgam na paparito,
at yao’y mga kawal na babaka sa inyong bayan.

Inangbayan : At sino nga sila?

Dilat-na-bulag: Mga kapatid din ninyo.

Tagailog : (Sumpa ng langit!)

Koro : Sumpa ng langit!

Matanglawin : Tanawin naman ninyo sa dakong kaliwa ang lalo pang makapal. Babakahin kayo.

Inangbayan : At sino naman ang mga iyon?

Dilat-na-bulag: Inyo ring mga kapatid.

Tagailog : Sumpa ni Bathala!

Koro : Sumpa ni Bathala!

Matanglawin : Tanawin ninyo sa dakong yaon ang maraming kawal na mapuputi. Yaon ay
aming hukbo. Tanawin ninyo sa dagat ang mga sasakyang pambaka. Ang lahat na iyan ay
amin. At kung kayo ay kakapatid sa amin, ang aming ari, ang aming hukbo, ang aming mga
sasakyan at ang aming mga puso at kaluluwa, ay inyo ring lahat. Ipagtatanggol namin kayo sa
lahat ng ligalig at pagkapaalipin.

Inangbayan : Tapat baga ang inyong pakikipagkapatid sa amin?


Dilat-na-bulag: Tapat.

Tagailog : Hindi ninyo bibigyang ligalig ang kalayaan ng aming mga anak?

Matanglawin : Hindi.

Inangbayan : Matatalaan ninyo ang gayon?

Dilat-na-bulag: Oo.

Inangbayan : Bayang Tagalog, narinig ninyong lahat. Sumagot kayo.

Koro : Kami ay pumapayag.

Matanglawin : (Kay Tagailog.) Talaan mo ito.

(Bibigyan ng pergamino, tatala si Tagailog.)

Tagailog : Ayan. At ikaw?

Matanglawin : Tatalaan ko ito. (Tatala rin sa isang pergamino.) Ayan.

Inangbayan : Ngayon, ang sumpaan.

Dilat-na-bulag: Ang sumpaan.

Lahat : Ang sumpaan.

(Isasaksak si Tagailog at Matanglawin ang kani-kanilang sundang sa bisig sa kaliwa, sasahurin


sa isang sarong ginto ni Ina ang dugo ni Tagailog at si Dilat-na-bulag naman ang kay
Matanglawin.)

Dilat-na-bulag: (Kay Tagailog) Inumin mo ito.

Inangbayan : (Kay Matanglawin) Inumin mo ito.


(Tatanggapin nila Tagailog at Matanglawin ang mga sarong ginto.)

Tagailog : Sa sarong gintong iyong tangan ay nalalamang totoo ang dalisay na dugo ko dugong
tunay ng bayan ko.

Matanglawin : Sa sarong gintong iyong tangan ay tunay na nalalaman yaring duro kong dalisay
na dugo ng aking bayan.

Lahat : Inumin ninyo.

Dilat-na-bulag: (Hahawakan ang kamay ni Ina.)

Ang kamay kong iyong tangan

ay kamay ng aking bayan,

kung di mo pagsisiluhan,

ang dito’y pinagsumpaan,

kamay na ito’y mag-aalay

sa iyo ng biyayang tunay.

Nguni’t kung lalapastangan,

kamay na ito ay tatangan

ng sundang na kamandagan,

ang puso mo’y tatarakan.

Inangbayan : Sa dibdib ko’y masisilip

ang dalisay kong pag-ibig,

ang kaluluwa kong malinis,

ang mga banal kong nais

na sa atin ay bibigkis,

ang puso ta’y nang magkatalik.


Nguni’t kung magbabalawis

sa ating pagkakapatid,

pag-ibig ko’y magngingitngit

at sa iyo’y siyang tutugis.

Koro : Kami naman ay gayon din.

Tagailog : Ang magtapat ay mabuhay.

Koro : Mabuhay.

Matanglawin : Ang magtaksil ay mamatay.

Koro : Mamatay.

Inangbayan : Ang dugong iya’y maging lunas sa puso ng kung sinumang magtatapat. Datapwa’t
kung magsusukab sa buhay niya’y maging lason at kamandag.

Lahat : Inumin!

(Iinumin ni Tagailog at Matanglawin ang dugo. Mahuhulog na bigla ang tabing.)

You might also like