My Taguro

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

TITLE: MY TAGURO

AUTHOR: QUINN_LIE
STARTED: AUGUST 8, 2018
ENDED: --
DESCRIPTION: MY WORLD BECAME
WONDERFUL WHEN GOD GAVE ME MY
REAL TAGURO. YAH! SHES ALMOST LIKE
TAGURO. UGALI, PANANAMIT,
PAGSASALITA AT GAWA. WALANG SOBRA
AT WALANG KULANG. WELCOME TO MY
WORLD! HOPE YOU ENJOY OUR STORY =)
TAGS: TAGURO, MAXPEIN, HAMBOG,
SENSUI, MAX, PEIN, ZIN, DEIB, DEIB LOHR,
LOHR, WATTYS2018, CUTE, LOVERS
CHARACTERS:
1. XEANA KAETTEA (SEYANAH KEYTI)
2. KAVE LEIKK (KEYB LEYK)
KAVE POV
Hi! I’m Kave, 20 years old. Kakagising ko lang ngayon mula sa pagkakatulog ng mahimbing.
Imbes na bumangon agad ay nag cellphone muna ako para icheck kung nagtext na ba ang
Taguro ko, kaso ayun na naman sya. Wala man lang text miski isa, sabagay kaugali nya nga pala
talaga si Taguro. Nabadtrip ako sa nakita ko na wala man lang syang isang text kaya imbis na
bumangon na talaga ako ay hindi ko na ginawa. Humiga na lang ulit ako at kinuha ang favourite
kong libro na sinulat ng favourite na author ko. HE’S INTO HER by Maxinejiji, yeah! Lalaki ako
pero mahilig ako magbasa ng libro. Ewan ko ba, sa lahat ng nabasa kong kwento ito lang talaga
naka impluwensya sa buong pagkatao ko. Itong kwentong ito lang ang nagpatunay sakin na
pwede palang mangyari sa totoong buhay ang mga kwento lang. Na pwede ko palang mahanap
ang totoong lovestory ko, ang totoong Taguro ko. Binuklat ko ang librong hawak ko, saktong
pagbukas ko ay yung part ng story na nagbreak si Sensui at Taguro ang agad na namataan ng
mata ko. So ayun, na broken ako lalo. Eto yung first break up nila, na sa maling dinig ni Deib
nagkasiraan ang tiwala nila.

‘Tsk, tsk, tsk, masyadong isip bata’ sabi ko sa isip ko nang maalala ko ang pangyayaring ito.

Oo aaminin ko na kaugali ni Xeana (girlfriend ko) si Taguro pero never ko naming ginaya si Deib.
Nakakahiya man kay Xeana, pero ako lang talaga ang mahilig sa mga wattpad book, o kahit ano
pamang tawag dyan. Hindi talaga sya nagbabasa nang mga ganun, o kaya naman magbabasa
sya pero di naman nya tinatapos kasi tinatamad sya. Pero mas madami syang libro kesa sakin
kaya minsan nanghihiram ako sa kanya at sinasauli ko kapag tapos ko na.

*ZZZ* *ZZZ*

Biglang nagvibrate ang cellphone ko, ang inaasahan ko ay hindi naman ito importante. Pero
chineck ko pa din.

“W-what!!!? Wahhh!!! Whoooo!!! Yes!” Tanging naisigaw ko nang todo nang makitang si
Taguro ang nagtext sa akin.

From: Xeana, my Tagurooooo!

‘Hoy! Gising na! Diba may lakad tayo?’

So ayun, yun ang pinagkaiba nila! Si Taguro, woi. Kay Xeana, hoy. Bumangon na agad ako at
kumain. Pagkatapos ay naghanda na ako at tinext na si Taguro!

To: Xeana, my Tagurooooo!

‘Hi babe! Papunta nako dyan at susunduin ka! Hintayin moko habambuhay! I love you =)’
Pagka text ko ay ibinulsa ko na ito, papalabas na sana ako ng main door na biglang nagvibrate
ang aking cellphone.

*ZZZ* *ZZZ*

So dahil mahal na mahal ako ng babe ko, nagreply agad sya!!!

From: Xeana, my Tagurooooo!

‘Wag na.’

Aww, answeet mo talagaaa!!! Nakakainis na!

To: Xeana, my Tagurooooo!

‘Bakitttttt!? Papunta na nga ako e!’

Tch! Nakakabadtrip! Ginagawa akong masyadong babae!

From: Xeana, my Tagurooooo!

‘Kase nandito nako sa labas ng bahay mo, sumimangot ka pa! Kita ko dito. Wahahaha’

Whut!? Napalingon ako sa gate, napaltan ng tawa ang nakasimangot kong mukha.

‘Hindi naman siguro sya masyadong excited, diba?’

Nagmadali akong maglakad papuntang gate upang pagbuksan ang aking taguro, kaso wala
syang pake. Tinitigan nya lang ako ng saglit at tinalikuran na.

“O-oy! Saglit lang! Heyyy! Xeana!” Pagka bigkas ko ng mismong pangalan nya ay tumigil sya at
hinarap ako.

‘The one thing that I love the most from her.’

“Ambagal bagal kase, nag make up ka pa ba?”

“Ha? Ako? Hindi ah! Bat ako mag memake up? Trash.” Minsan talaga kung ano ano ang
pumapasok sa utak nyang babaeng yan. Ang nakakainis pa dun puro mga tungkol sa babae ang
inaasar nya saken. Tskk!

You might also like