Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin Sa Filipino 8

I. Layunnin:
Pagkatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Naipapaliwanag ang bawat kahulugan ng Aspekto ng Pandiwa
B. Naipapakita ang kahalagahan ng Aspekto ng Pandiwa sa pagbuo ng pangungusap
C. Nakakabuo ng mga pangungusap gamit ang mga Aspekto ng Pandiwa.

II. Paksang Aralin: Aspekto ng Pandiwa


 Sanggunian: Panitikang Pilipino- Filipino 8
Makabagong Balarilang Filipino
 Mga Kagamitan: Cartolina, Manila Paper, Gunting, Scotch Tape

III. Proseso ng Pag-aaral


 Panalangin
 Pagtala ng mga lumiban sa klase

A. Pagganyak
1)Pagpapakita ng mga larawan isang taong umiinom, kumakain, nagbabasa at
nagwawalis. Ito ay ipakita sa harap ng klase.

2)Paglalahad
 Anu- ano ba ang mga nakikita ninyo sa larawan?
 Gaano nyo ba ito kdalas ginagawa?
 May napapansin ba kayo sa ipinakitang larawan?Ito ba’y naganap na o gaganapin pa
lamang?

3)Pangkatang Gawain:
Activity 1. (Activity)
Mga dapat gawin:
 Pagpapangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong grupo.
 Ang bawat grupo ay pipili ng isang representante upang isagawa ang Aksyon ko,
Hulaan Mo.
 Gawin ito sa harap ng klase.

Activity 2. (Analysis)
 Tanungin ang mga mag-aaral kung may kinalaman ba sa klase ang isinagawang
activity.
 Ipaliwanag sa klase ang bawat kahulugan ng Aspekto ng Pandiwa.
 Gawing malinaw ang pagpapaliwanag.

Activity 3. (Abstraction)
 Magbigay ng mga halimbawa kaugnay sa mga Aspekto ng Pandiwa.
 Ipaliwanag sa klase ang kahalagahan at wastong paggamit nito.
Aspektong Aspektong Aspektong Aspektong
Pangnakaraan o Perpektibong Pangkasalukuyan o Panghinaharap o
Perpektibo Katatapos Imperpektibo Kontemplatibo
magsaliksik- nagsaliksik magsaliksik- magsaliksik- magsaliksik-
kasasaliksik nagsasaliksik magsasaliksik
ligawan- niligawan ligawan- kaliligaw ligawan- ligawan- liligawan
nililigawan

Generalization:
A. Pagkatapos ng pagpapaliwanag, tanungin ang mga mag-aaral kung may natutunan ba
sila sa aralin.
B. Hayaang magtanong ang mga mag-aaral upang mas lalong malinawan sa paksa.

IV. Ebalwasyon:
Activity 4. (Application)
 Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga Aspekto ng Pandiwa.

You might also like