Professional Documents
Culture Documents
Parabula
Parabula
Isang araw ay nahulog ang kambing sa balon. Umatungal ito ng umatungal na nakapagpataranta sa
magsasakang may-ari ng kambing.
Wala siyang malamang gawin para maiakyat niya ito mula sa malalim na balon. Kaya minabuti niyang tabunan
na lang ng lupa ang balon kasama ang kambing. Tutal matanda na ang kambing at ang balon naman ay wala ng
tubig na makukuha.
Kaya humingi siya ng tulong sa mga kapitbahay upang matabunan kaagad ang balon para matigil na ang pa-
atungal ng kambing.
Lalong umatungal ang kambing nang maunawaan niya ang gustong gawin ng magsasaka. Ibabaon siya ng
buhay.
Ilang sandali lang ay tumahimik na ang kambing. Dumukwang ang magsasaka kung bakit wala ng ingay na
nanggagaling sa balon. Nakita niya ang kambing na nakatayo sa lupang kanilang itinatabon. Tuwing may itinatapon
na lupa ay niluluksuhan ng kambing para makarating siya sa itaas. Hanggang nang mapupuno na ang balon, ay
tumalon ang kambing sa itaas na ikinagulat ng mga tao.
Para rin yang mga taong nagtatapon sa inyo ng dumi. Kagaya ng kambing ay tinatapakan lang niya at pinapalis
ang dumi hanggang sa siya ay makarating sa itaas.
V. MGA TAUHAN
a. PANGUNAHING TAUHAN
KAMBING
- Ang alaga ng magsasaka na nahulog sa balon.
b. PANGALAWANG TAUHAN
ANG MAY-ARI SA KAMBING
- Ang isang amo na walang puso upang pabayaan na lamang ang kambing sa ilalim na balon at
naisipang tabunan pa ito ng lupa.
c. PANTULONG NA TAUHAN
MGA TAO
- Tumulong sa magsasaka upang tabunan ng lupa ang balon kasama ang kambing.
VI. TAGPUAN
Sa tuyong balon sa palayan.
VII. TEORYANG NAKAPALOOB
REALISMO
Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang
bagay at lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Karaniwang nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.
Para rin yang mga taong nagtatapon sa inyo ng dumi. Kagaya ng kambing ay
tinatapakan lang niya at pinapalis ang dumi hanggang sa siya ay makarating sa itaas.
Hindi maiiwasan sa buhay ang mga taong gustong manakit sa’yo. Ipinakita ng kambing ang kanyang
katatagan sa sitwasyon ng kagipitan, gumawa siya ng paraan upang malagpasan at mapagtagumpayan ang
anumang hadlang sakanya upang mabuhay.
b. KULTURANG FILIPINO
PAGSASAKA
- Ang ikalawang tauhan ay isang magsasaka, hindi naman lingid sa atin na isa sa mga pangunahing
panapbuhay ng mga Pilipino ay ang pagsasaka.
c. SIMBOLISMONG FILIPINO
KAMBING
- Sinisimbolo nito ang pagiging matatag at matapang ng mga Pilipino pagdating sa problema at
paglutas sa mga ito sa matalinong paraan. Ipinakita ng kambing ang determinasyon upang
malampasan ang kamatayan at patuloy pang mabuhay.
d. KAHALAGAHANG PANGKATAUHAN
Ang kambing at magsasaka ay ang maihahalintulad sa klase ng tao sa lipunan. May mga taong
mababa na nga ay pilit pang ibinababa kaysa tulungan. At may mga tao ring ipinagsasawalang bahala
na lamang ang nagagawang mali sa iba dahil sila’y kuntento na at ang taong ito ay wala namang
maitutulong sakanila.