Professional Documents
Culture Documents
Kilalanin Kahit Konte Si Dra Eloisa Eclevia Lat - Print
Kilalanin Kahit Konte Si Dra Eloisa Eclevia Lat - Print
Wala pa po akong 8 years old ay pangarap ko nang maging dentista. Sobra ang
naranasan kong sakit ng ngipin nuon kaya ipinangako ko sa aking sarili na
kailangan maging dentista ako para magamot ko ang mga taong may mga sirang
ngipin lalo na ang mga bata.
Mula nuon hanggang ngayon ay iyon pa rin ang pangako ko sa aking sarili. Ang
mag-serve sa kapwa lalo na sa mga mahihirap na nangangailangan ng aking
serbisyo.
Simula nung naggraduate ako sa medisina at nakuha ko ang aking lisensya
bilang ganap na dentista, D.M.D., ay halos 80% ng aking oras ay nasa Medical
and Dental Missions ako sa iba’t ibang panig ng Pilipinas. Hindi ko ininda kahit
umakyat ako sa mga bundok at tumawid ng mga ilog at dagat para marating ko
ang mga katutubo sa mga liblib na mga bundok para magbigay serbisyo sa
kanila. Kahit mga lugar ng military o lugar ng mga NPA, wala akong pinipili.
Naging kabi-kabila ang mga sulat sa akin na humihiling ng aking serbisyo at
hindi ko na alam kung sino at saan ang uunahin kung puntahan upang mag-
serve. Wala akong kinikita at madalas ay nagugutoman sa napili kong serbisyo.
Madalas ay nagpapadala pa sa akin ang aking asawa ng pamasahe sa akin
pabalik mula sa malayong lugar pauwi sa aming bahay. Pati baon ng aking mga
anak sa eskwela ay ipinapadala nila sa akin upang pandagdag sa pambili ng mga
medical supplies na kailangan ko sa aking mga Medical and Dental Missions.
CREDENTIALS:
• Doctor of Dental Medicine, D.M.D., M.H.C.A., C.H.A., F.P.C.H.A.
• Post Graduate, Maxillio Facial
• Periodontology, Academy of Dentistry International, Republic of the Philippines Section.
• Pedo/Orthodontology, Continuing Education Program, College of Dentistry
• Prostodontology, Graduate School, U.P., QC.
• Associated California Dental Team Consultants, California Dental Board Examiners in
Radiation and Safety Techniques
• Master in Health Care Administration, St. Jude College, Manila
• Certified Health Care Administration
• Fellow Philippine Health Care Administration
• Academy of the Dentistry International Republic of the Philippine Section, College of
Dentistry, University of the Philippine, Manila Padre Faura, Manila *Periodontist
• Continuing Education Program College of Dentistry University of the Philippines *Restorative
Dentistry
• Basic Training Course in Hospital Administration College of Public Health University of the
Philippines Manila
• SEAMED TropMed Regional Center for Public Health
• Doctorate in Public Administration, PCU Taft Avenue, Manila, currently enrolled.
• Master Sargent, Philippine Air Force Reserve Command , Philippine Air Force
• Basic Life Support (G2015) Program, American Safety and Health Institute Training Program
• Trainer Methodology, Prerequisite as Trainer and Assessor for Health Care Services, NC II
TESDA
• President/Founder The People's Dentist, Volunteer Missionary Dentist
WORK EXPERIENCE:
• Provincial Health Consultant, Province of Zambales
• Dentist/Proprietress, Sacred Heart Medical and Dental Clinic, Olongapo City
• Dentist for KAWABATA Dental Clinic, Sabae, Tokyo, Japan
• Dental Assistant, St. Therese Dental Clinic, Buenapark, California
• Dental Assistant for Costales Dental Clinic, Carson, California
A-WARDS AND CERTIFICATES RECEIVED:
• National Certificate II for Barangay Health Services
• Outstanding Professional Award
• Office of the Religious Affairs Angelicum Community Extension Services
• Model Achiever The Equalizer Publication and Public Affairs Foundation Inc. Manila Hotel,
Manila Philippines
• TEFFAFI Certificate of Appreciation Manila Hotel,Manila Philippines
• Most Outstanding Alumni class 73' OCNHS, Ulirang Ina 2018
• OUTSTANDING ROTARIAN, Rotary Club of Mabuhay, Quezon City
• Certificate of Recognition, The Dominican Studendate KADAUPAN, Sto.Domingo Convent
537 Quezon Avenue Q.C
• Angelicum College Q.C.Medical Mission as Part of Disaster Management Program Health and
Education Phase
• Bombo Medico, Bombo Medico Project Univerdidad de Manila, Mla.Philippines
• United Evangelical Church of Greenhills
• Acknowledgment for the Invaluable Support and Services Given to the Marinduque Medical
and Dental Mission 2012
• For Exceptional Support and Effort 3rd year Founding Anniversary of PGBI Candelaria
Chapter June 2012
• Faculty Adviser City of Manila Universidad de Manila in Participation to the Discussion with
Theme"Protect, Respect and Fulfill the Rights of the Filipino People".Dec.30,2010
• BEST OUTSTANDING MEDICAL SUPPORT OF THE YEAR 2009-2010 Bantay Bayan
Foundation Inc.
• Congressman Roberto V. Puno Award House of Representatives 1st District Antipolo City Best
Outstanding Medical Support 2009-2010
• CERTIFICATES OF APPRECIATION, DEFEND ZAMBALES Defenders of the
Environment for Genuine Development of Zambales, Purok 4,Brgy. Bayto, Sta Cruz, Zambales
Dec.29,2016.
• Medical &Dental Mission Feeding Program PNP Aviation Security Group Pasay City
Oct.27,2016
• 300th Intelligence and Security Group Maricaban, Pasay City June 4,2011
Bagama’t may tirahan ako sa Maynila dahil taga duon ang aking
napangasawa, ay nananatili akong taga Candelaria dahil may bahay din kami
sa Pamibian na nasa National High Way. Palagi din akong umuuwi sa
Candelaria. Sa Candelaria ako bumuboto. Informed ako sa mga nangyayari
dito sa Candelaria at ang kapakanan nito ang laging nasa isip ko.
Hindi sumama ang aking loob nung natalo ako sa election. Naisip kong hindi
iyon ang ibig ng Diyos para sa akin. May ibang missions akong naghihintay.
Nag-concentrate ako lalo sa aking mga Medical and Dental Missions at
muling nagbigay serbisyo sa ating mga kababayan. Higit na malalayo at sa
lalong mga liblib na mga lugar ng Pilipinas ang naging mga misyon ko.
Iba pa pong Awards. At marami pa pong Awards na makikita nyo sa aking Biodata na
kalabisan na pong ilagay dito. Pinaghirapan ko po ang mga awards na iyon at nagpapatunay
na kinikilala po sa buong Pilipinas ang aking mga Medical and Dental Missions at mga
serbisyo ko sa maraming nangangailangan.
Wala po akong hinihinging kapalit sa aking mga serbisyo. Pati nga po
mga medical supplies galing pa sa bulsa ko. Maligaya na akong
nakatulong sa aking kapwa, sino man sila, saan man sila. Sana po
mabigyan nyo ako ng pagkakataon na sa ating Bayan ng Candelaria
naman magbigay ng serbisyo. Ang puso ko ay para lamang sa inyo!
Lumaya Po Tayo Mula Sa Ating Mga Tanikala!
Kumawala po tayo sa dating kinagawiang piliin ang ating Mayor dahil sa utang
na loob, dahil sa kamag-anak, o dahil sa kapartido. At maraming beses po, dahil
tumanggap tayo ng pera. Dahil po dito ay hindi natin napipili ang karapat-dapat
maglingkod sa bayan. Masyadong kritikal at iba ang election na darating.
Kumawala po tayo sa dating mga kaugalian. Kahit minsan lang. Dahil ang minsan lang na
ito ay very critical sa history ng ating bayan. Nakaumang po sa atin ang posibling
pagkakaruon ng nickel mining sa Candelaria. Tiyak po na magkakaruon ng mining
disaster sa ating bayan. Matatabunan ng putik at masira ang ating kalikasan. Nakataya po
dito ang kinabukasan ng ating mga anak at nang mahal nating Bayan.
Payag po ba kayong lumaya sa ating mga tanikala? Kahit ngayon lang po? Kahit minsan
lang?
Maging mapanuri at iboto ang totoo at walang bahid dungis na pagmimina. Wag
ipagsapalaran ang kinabukasan ng ating mga anak. Wag magtiwala sa mga kandidatong
nagbabalatkayong anti-mining pero ang totoo ay “committed” na sa mga Intsik at ibinigay
na ang “Symbolic Key”ng Candelaria. Wag magtiwala sa mga kandidatong kunyari at
mga anti-mining pero suportado naman ng pondo ng mga mining lords.
Itataya ko ang aking buhay para pigilin ang ano mang uri ng mining sa Candelaria.
Walang pwedeng manuhol sa akin kahit gaanong halaga at walang pwedeng manakot sa
akin upang payagan ang minahan na talagang magdadala ng delubyo sa ating Bayan.
Piliin po ninyo akong maging Mayor ng Candelaria at titiyakin ko pong “Babangon Ang
Bagong Candelaria.” Bibilis ang pagasenso ng ating Bayan sa ilalim ng aking
pamamahala. Sumpa ko po iyan at inyo pong asahan. Sana po ay magtiwala po kayo sa
akin.