Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sulo ng MRAA 2018, panghabangbuhsay

Tanyag na tradisyon ang pagtakbo at pagtangan ng sulo ng isang atleta sa tuwing magbubukas ang isang
palaro upang opisyal itong buksan at nasaksihan natin itong muli nang maglagablab ang higanteng
tanglaw ng Occidental Mindoro Sports Complex sa pagbubukas ng MIMAROPA RAA Meet 2018 dito sa
San Jose.
Ito ay pagpapatunay lamang na mas matayog, mas matibay, at mas naglalagablab ang MIMAROPA.
Nagsisilbing paala-ala ang naglalagablab nitong apoy ang nagsusumiklab na selebrasyon ng
pagtutunggalian at tagisan ng iba’t ibang delegasyon upang malaman kung sino ang higit na karapat-dapat
sa pedestal ng tagumpay at kumatawan sa isang matikas at palabang Mimaropan. Isinisimbolo naman ng
matayog nitong estruktura at malalim na pundasyon ang matibay na pagkakatanim ng ugat at ugnayan ng
lahing MIMAROPA na layong mas patibayin pa ng isinasagawang MIMAROPA RAA Meet.
Higit sanang pagyamanin ng mga atleta, coaches, mga tagapagsanay, mga kawani ng DepEd at
pamahalaan, at ng lahat ng taong naging saksi sa pagtitipong ito ang damdaming mapagsumikap, matibay,
at mapagmahal sa bayan. Gamitin natin ang pagkakataong ito na mapatunayan na higit sa napakalawak
nitong mga karagatan at matatayog nitong kabundukan, mas buo at mas matibay ang MIMAROPA. Sa
pagtatapos ng mga paligsahan kasabay ng paglamlam ng ilaw nito at tuluyang pag-upos ng apoy mula sa
tugatog na sulo, muli nating papatunayan na ang nag-aalab na apoy sa puso ng isang Mimaropan ay
panghabangbuhay.

You might also like