Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“ANG HIWAGA NG PAGMAMAHAL”

Kristine Mae D. Juan


11- STEM Copernicus

Isang Biyernes, may isang lalakeng nakatayo sa tapat ng isang malaking simbahan at tila
malalim ang iniisip. Di umano’y may isang babae ang bumunggo sa kanya, sa lakas ng
pagkakabunggo ay napaupo silang dalawa sa sahig. Agad namang tumayo ang lalake at itinayo
niya ang babae.

“Ako nga pala si Rose. Alam mo kasi nagmamadali ako ngayon eh. Pero may masakit ba
sayo?” wika ng babae.

“Ah wala naman,” sagot ng lalake. “Sigurado ka? Pasensya na ha? Di ko talaga sinasadya,”
wika ni Rose na halatang nag-aalala.

Tumango lang ang lalake. Paalis na si Rose ng maalala niya na di pa pala niya naitanong
ang pangalan ng lalakae. “Ano nga palang pangalan mo?” tanong niya. “Ako nga pala si Paul,”
wika nito pero halata mo na nagtataka ito. Ngumiti si Rose at tuluyan ng nagpaalam kay Paul.

Araw ng lunes nagmamadali si Rose pumasok. Nang makarating siya sa silid aklatan, may
nakita siya kaya’t nilapitan niya ito at tinitigan ng mabuti at naalala niyang si Paul yon. Maya-
maya, napansin ni Rose si Paul na tila di ito magkandaugaga kung paano niya dadalhin ang
napakaraming libro kaya na isip niya na tulungan ito.

Nilapitan ni Rose si Paul, “Tulungan na kita” wika nito ng nakangiti. “Hindi na kaya ko
naman ito, salamat na lang.” Pagtanggi ni Paul sa alok ni Rose.

Ngunit nagpumilit pa rin si Rose kaya wala ng nagawa si Paul. Simula noon lagi na sila
magkasama sa loob ng eskwelahan, hanggang sa mahulog ang dalawa sa isa’t isa.

Sa di inaasahang pagkakataon nadulas si Rose at na amin niya ang nararamdaman para kay
Paul, ngunit parang walang narinig si Paul at agad na iniba ang kanilang pinag-uusapan. Nagulat
si Rose sa ginawang iyon ni Paul pero inisip na lang nya na mas maganda na iyon kesa sa iwasan
siya nito.

Kinabukasan, nagtataka si Rose kung bakit maski anino ni Paul ay wala, inisip niya nalang
na baka may inasikaso na napaka-importante. Ngunit lahat ng mga guro nito ay hinahanap na siya
gayon din ang mga taong nakakakilala dito. Mas lalong nag-alala si Rose dahil halos tatlong linggo
nang di pumapasok si Paul kaya minabuti na nitong magtanong-tanong pero iisa lang ang sagot sa
kanya, “Hindi ko alam”.
Hanggang isang estudyante ang lumapit sa kanya at sinabi kung saan nakatira si Paul. Agad
namang nagpasalamat si Rose at pinuntahan ang lugar. Walang tao pero mabuti na lang lumabas
ang kapitbahay nina Paul,

“Ay wala pong tao dyan” sabi ng babae. “Ah ganon po ba? Hinahanap ko po kasi si Paul”
Pagtatakang tanong ni Rose.

“Ah! Nasa ospital siya ngayon balita ko nga malala na ang lagay. Kawawa nga ang batang
iyon ang bait pa naman,” pagsisiwalat ng kapitbahay.

Agad na umalis si Rose at pumunta sa ospital kung saan naroon si Paul. Nang buksan na
ni Rose ang pinto ay nagtaka siya na walang pasyente ang nakahiga roon, puro mga tao lang na
nag-iiyakan.

Isang may edad na babae ang nagtanong sa kanya, “Ikaw ba si Rose?”, “Opo, ako nga po
si Rose.” Pagsang-ayon ni Rose.

Niyakap ito ng babae at sabing, “Ako ang kanyang ina, kanina pa naming siya hinahanap
ngunit kahit saang lugar kami magpunta, hindi naming siya makita. Tulungan mo kami, alalang-
alala na kami sa kanya. Di na namin alam ang gagawin, may sakit pa naman siya.” Humahagulgol
na sagot ng babae. “Ano po bang sakit ni Paul?” Pagtatanong ni Rose na ngayon ay humahagulgol
na din. “May sakit siya sa puso. May butas ang puso niya, di namin namalayang lumalaki na ang
butas nito. Dapat bukas na siya ooperahan ngunit nawawala siya.”

Sa ngayon ay tulala si Rose at di niya namalayang dinala siya ng mga paa niya sa tapat ng
simbahan. Pumasok siya sa loob ng simbahan at laking gulat nito ng makita niyang nakaupo si
Paul malapit sa may altar.

“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo!? Mahahalata mo sa boses ni Rose ang labis na
pag-aalala. “Bakit ka umalis sa ospital? dagdag pa nito. Ngunit laking pagtataka ni Rose ng ngumiti
lang sa kanya si Paul at niyaya pa siya nitong umupo sa tabi niya.

“Alam mo Rose sa simbahang ito una akong nanirahan. Iniwan ako dito ng tunay kong mga
magulang, buti na lang dumating ang ina’t ama ko ngayon at kinupkop nila ako at ne-isang beses
hindi ko naramdaman na hindi nila ako tunay na anak” wika ni Paul habang nakangiti.

“At isa pang dahilan kung bakit mas lalong naging mahalaga sa akin ang lugar na ito ay yung dito
ko nakilala ang babaeng mamahalin ko at ikaw yon Rose. Patawad kasi nung sinabi mo yung
nararamdaman mo sakin nagbingibingihan ako, natatakot lang ako noon na baka masaktan ka lang.
Ang gusto ko lang ay maging masaya ka” dagdag ni Paul.

Mas lalong tumulo ang luha ni Rose. “Halika na bumalik na tayo sa ospital” akmang tatayo na si
Rose ng hawakan ni Paul ang kamay niya. “Ayaw ko ng bumalik doon, nakikiusap ako sayo Rose,”
pagmamakaawa ni Paul. Hinigpitan ni Paul ang pagkakahawak niya sa kamay ni Rose. “Rose gusto
ko maging masaya ka. Ipangako mo na tutuparin mo lahat ng pangarap mo. At syempre, huwag
mong kakalimutang dalawin ako kapag natupad mo na lahat yan,” wika ni Paul ng nakangiti.

“Ano bang…”

Di na natapos ang sasabihin ni Rose ng biglang magsalita si Paul. “Dito ako nagsimula kaya gusto
ko dito rin ako magtapos kasi lahat ng nandito ay mahalaga para sa akin. Kaya sa tuwing maaalala
mo ako, dito ka lang pumunta, nandito lang ako pangako. Huwag mong kakalimutan yan ha!?
Ipangako mo,” wika ni Paul at unti-unti niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ni Rose.
Naramdaman na lang ni Rose na unti-unting lumuluwag ang pagkakahawak nito.

Lumipas ang maraming taon nakatapos ng pag-aaral si Rose at ngayon ay nagtatrabaho na sa


malaking kumpanya. Kasalukuyan siyang nasa tapat ng simbahan kung saan una silang
nagkakilala. Nagdasal muna si Rose ng taimtim sa Panginoon.

“Paul ito na, natupad ko na yung pangako ko sayo. Ilang taon na din na hindi kita kasama sobrang
na mi-miss na kita. Alam mo….” Nangingiyak nyang sabi ng putulin siya ng isang tawag mula sa
kanyang likuran.

“Rose”.

“Paul nagbalik ka, ang tagal mong nawala” nagagalak na wika ni Rose.

“Sabi naman sayo nandito lang ako.” Wika ni Paul habang yakap-yakap ng mahigpit si Rose.

“Salamat nga pala kase kung hindi dahil sayo wala sana ako dito, hindi sana ako na idala sa ibang
bansa, na operahan, gumaling at sana hindi ko na makikita ang maganda mong ngiti.”

Ngumiti si Rose kay Paul. Nagulat siya ng biglang lumuhod si Paul, “Will you marry me?” Tanong
ni Paul.

“Oo,” sagot ni Rose na naiiyak na naman at niyakap si Paul.

Sa mismong simbahan na iyon ikinasal sina Paul at RoseS.

“WAKAS”

You might also like