Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

LEARNING STRANDS 1 – COMMUNICATION SKILLS - FILIPINO

SECONDARY LEVEL

I. I.A. Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap at tanong. Piliin ang
pinakatamang sagot.
1. Kung ang humuhukay ng sariling libingan ay nangangahulugang siyang lumilikha ng
sariling kapahamakan; ang itinulak sa bangin ay nangangahulugang _____________.
A. inilalapit sa kapahamakan C. tinulungan sa kapahamakan
B. inilayo sa kapahamakan D. iniwas sa kapahamakan

2. Sapagkat ngayon na ang JS Prom, hindi kakapitan ng alikabok si Belen. Ang salitang
nakasalungguhit ay nangangangahulugang ______________.
A. hindi madudumihan C. bihis na bihis
B. hindi naplantsa D. plantsadong-plantsado

3. Si Mang Jose ay abot-dili na sa kaniyang sakit na kanser. Ang salitang nakasalungguhit


ay nangangangahulugang ______________.
A. malubha C. malaya
B. magaling D. masagana

4. “Luto ang laban. Paanong hindi mananalo ang pamangkin ng mga hurado?” Ano ang
kahulugan ng luto sa pangungusap?
A. prosesong ginagawa sa pagkain C. may bayarang naganap
B. may dayaang naganap sa laban D. may hindi lumaban

5. “Magdilang-anghel ka sana sa sinabi mong mananalo ako sa lotto.” Ano ang kahulugan
ng magdilang-anghel sa pangungusap?
A. magkaroon ng dila ng anghel
B. magkatotoo
C. maipagsabi sa mga anghel
D. magkaroon ng kaganapan

B.Panuto: Piliin ang wastong salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.Titik lamang ang
isulat.

6. Patungo ________ ang mga kandidato.


a. doon b. roon c. dito d. dun
7. Sa ilog _______ maliligo ang mga bata.
a. daw b. raw c. rin d. rine
8. Makikipag-usap ako _________ Vic at Nora.
a. kila b. kina c. kay d. nina
9. _______ mga lalaking naghihintay sa iyo.
a. Mayroon b. May c. Meron d. Merong
10. __________ kaming palaisdaan sa Bulacan.
a. Mayroon b. May c. Meron d. Merong

11. ____________ ako ng buhok sa pagligo ko mamaya.


A. Nagbasa B. Magbabasa C. Nagbabasa D. Kababasa

12. Ang grupo nina Mrs. Gomez ang ___________ ng silid-aralan ngayon.
A. gagamit B. gumamit C. gumagamit D. kagagamit
13. _______________ ka ba sa opisina mamaya?
A. Papasok B. Pumapasok C. Pumapasok D. Kapapasok

14. ______________ kami nina Tita Helen noong isang linggo.


A. Nagkita B. Nagkikita C. Magkikita D. Kakikita

15. Ako ay ___________________ ng sapatos araw-araw.


A. Naglinis B. Naglilinis C. Lumilinis D. Kalilinis
Piliin ang titik ng wastong sagot na angkop sa paglalarawan ng pangngalan o panghalip.

16. Ang lahat ay natatakam sa pasalubong niyang suhang galing Davao sapagkat ito ay
ubod ng ________.
a. asim b. tamis c. bango d. lambot

17. Ang ________ na palayan ay pagmamay-ari ng pamilya Isidro.


a. malawak b. malapad c. malayo d. maaliwalas

18. Ang mga guro ay nagpakita ng kanilang sayaw na ubod ng _________.


a. liksi b. ganda c. talino d. kisig

19. Si Maki ang _____________ sa mga batang naririto.


a. matangkad b. mas matangkad c. matangkad-tangkad d. pinakamatangkad

20. Ang aso ang maituturing na _______ na hayop kaya nasabing kaibigan ng tao.
a. matapang b. matapat c. mabait d. malambing

21. Ang Pilipinas ay bansang _________.


a. malaki b. mayaman c. malamig d. Malaya

22. Ang amoy ng isda ay ____________ dahil ito ay matagal ng nakabilad.


a. matamis b. malansa c. maasim d. maalat

23. Ang bahay nila Edna ay ___________ kaya hirap itong Makita.
a. angkop b. wasto c. tama d. tago

24. Ang yero ay __________ kaya madali itong tinangay ng hangin.


a. mataas b. malaki c. marupok d. mahaba

25. Ang mga tanawin sa Palawan ay ____________.


a. kamukha b. kaakit-akit c. kawangis d. katulad

II. A. Piliin ang Wasto

Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa ibaba.
Piliin ang letra ng wastong sagot.

Mangosteen: Mahika ng Kalikasan


ni Ligaya Tiamzon Rubin
Liwayway, Disyembre 2003

I. May mga nagtataguri sa mangosteen bilang reyna ng mga prutas


sapagkat kakaiba at natatangi ito. Maaaring ito ang prutas na sinasabing
paborito ni Reyna Victoria ng Great Britain.
II. Hugis piramido ang tuktok ng puno ng mangosteen. May katagalan itong
lumaki. Brown na papaitim ang matigas na kahoy nito at may kulay
dilaw na dagta. Pinaniniwalaang magiging mapakla ito kapag natalsikan
ng dagta nito ang bunga. May mga dahon itong manilaw-nilaw na berde,
makapal, madulas, makinis at hugis oblong. May kumpul-kumpol itong
bulaklak na may tuldok-tuldok na pula. Kaakit-akit tingnan ang mga
petalyo nito na kulay berde sa labas at kulay dilaw sa loob. Tulad ito sa
mga ornamental na bulaklak.
III. Ayon sa mga tala, mula sa Thailand ang mangosteen. May mga nagsasabi
naman na mula ito sa peninsula ng Malay, Molucca at Sunda Island.
IV. Karaniwang makikita ang mga taniman ng mangosteen sa Mindanao. Sa
mga tropical na bansa ito madalas tumutubo.

26. Ano ang paksa ng iyong binasa?

A. mangosteen B. mahika C. kalikasan D. prutas

27. Ano ang pangunahing kaisipan ng teksto?


A. Ang mahika ng kalikasan
B. Ang kakaiba at natatanging katangian ng mangosteen
C. Ang reyna ng mga prutas
D. Ang pagiging mabisang gamot na mangosteen.
28. Aling talata ang naglalarawan patungkol sa mangosteen?

A. I B. II C. III D. IV

29. Ang layunin ng teksto ay __________________.

A. maglahad B. maglarawan C. magsalaysay D. mangatuwiran

30. Ayon sa mga binasa, saan nagmula ang mangosteen?


A. Thailand B. Malay C. Sunda Island D. Molucca

B. Panuto: Basahin ang nasa poster. Sagutin ang sumusunod na mga tanong
sa ibaba.

B.

31. Ang binasang poster ay patungkol sa __________________.

A. panahon B. kalinisan C. kalamidad D. tubig

32. Bakit kailangang mapanatili ang kalinisan ng inuming tubig?

A. upang di-magkasakit C. upang mabigyan ang ibang tao


B. upang tumagal D. upang mayroong pampaligo

33. Ano ang pangunahing ideya ng poster na binasa?

A. paalala sa panahon ng kalamidad


B. pagpapanatili ng kalinisan ng inuming tubig
C. tamang pag-iimbak ng tubig
D. paggamit ng hyposol o chlorine tablet

34. Alin sa mga paalala ang higit na gawin sa pagpapanatiling malinis ng tubig sa lalagyan?

A. pangungusap 1 C. pangungusap 3
B. pangungusap 2 D. pangungusap 4

35. Ang paalala ay mula sa ahensiya ng ________________.

MWSS B. Maynilad C. DOH D. DENR


C. Panuto: Bilugan ang tamang sagot sa bawat bilang. Gamitin ang grap upang
masagot.

Si Ronnel ang siyang naghahanapbuhay sa kanilang pamilya, bilang tindero ng Balut,


simula ng maulila silang sampung magkakapatid. Kada buwan ay nagtatabi siya ng bahagi ng
kaniyang kita para sa kanilang mga pangangailangan at pansariling pagkakagastusan ngunit
sa tuwing may nagkakasakit sa pamilya ay mas nahihirapan siyang ayusin ang kanilang
badyet sa bahay. Narito ang grap ng kaniyang mga gastusin.

Pinagkakagastusan sa Loob ng Isang Buwan

Kalusugan
5%
Baon ng
magkakapatid
15%

Bayarin
50%
Pagkain
30%

36. Batay sa grap, ilang bahagdan ng kita ni Ronnel ang napupunta sa pagkain?

a. 30% b. 40% c. 50% d. 15%

37. Bakit nahihirapan si Ronnel sa badyet ng pamilya kapag may nagkakasakit batay sa
grap?

a. Hindi nakabibili ng kanilang pagkain,


b. Maliit lamang ang inilaang badyet ni Ronnel may kinalaman sa kanilang kalusugan.
c. Inilaan ni Ronnel ang kalahating bahagdan ng kanilang badyet sa baon ng kaniyang
mga kapatid.
d. Maliit lamang ang kita ng isang nagtitinda ng balut.

38. Nakakapagtabi ba si Ronnel ng badyet para sa sarili batay sag rap?

a. Oo. Kasama ito sa badyet sa kanilang bayarin sa bahay.


b. Oo, kinuha na niya ito bago pa man paglaanan ang iba.
c. Hindi Dahil hindi naman siya naglaan ng bahagi para sa kaniyang sarili.
d. Hindi, dahil maliit lamang ang kita ng isang nagtitinda ng balut.

39. Anong uri ng grap ang ginamit?

a. Bar Grap b. Pictograp c. Pie Grap d. Line Grap

40. Paano masusulusyunan ang suliranin sa kalusugan upang lumaki ang maitatabi kita
ni Ronnel?

a. Magkaroon ng iba pang pagkakakitaan.


b. Magtipid sa ilaw at tubig.
c. Bumili ng mga bitamina pangkalusugan.
d. Buli ng pagkaing masustansiya.
D.Punan nang angkop na pang-abay ang patlang upang mabuo ang diwa ng mga
pangungusap.

_____ 41. Sina Nena at Marco ay ____________ na nagdasal sa simbahan.

A. malakas B. lagi C. maingat D. taimtim

_____ 42. Si Ingrid ay namili ng gulay ______________.

A. sa palaruan B. sa palengke C. sa paaralan D. sa kalye

_____ 43. Ang mga anak ni Aling Marta ay ____________ tumutulong sa kaniya kaya hindi siya
nahihirapan sa mga gawain.

A. palaging B. hindi C. ayaw D. tunay

_____ 44. Si Alex ay namasyal sa parke ___________ pagkatapos niyang nagsimba.

A. bukas B. sa Huwebes C. noong Linggo D.sa makalawa

_____ 45. Si Mang Kanor ay ________ sa tuwa nang kami ay dumating.

A. naantok B. napalundag C. napalinga D. napaupo

______ 46. Sa Biyernes, ___________________ kami ng aking mga kaibigan.


A. nagkikita B. nagkikita C. magkikita D. kakikita

______ 47. ________________ si Noli ng maraming saging kahapon.


A. Kumain B. Kumakain C. Kakain D. Kakakain

______ 48. Si Anna ay _________ ng makulay na damit kanina.


A.bumili B. bumibili C. bibili D. kabibili

______ 49. Si Ate Beth ay ____________ ng masarap na hapunan.


A. nagluto B. nagluluto C. magluluto D. kaluluto

______ 50. _____________ ako ng maaga bukas.


A. Ginising B. Gumigising C. Gigising D. Kagigising

You might also like