Wikang Korean

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“WIKANG KOREAN, ITUTURO NA RIN SA ILANG PAMPUBLIKONG PAARALAN”

Inihambalang sa website ng ABS-CBN news noong taong 2017 ang artikulo ukol
umuugong na balita na ipalalaganap na ang pagtuturo ng wikang Korean sa ilang
pampublikong paaralan sa Pilipinas. Ayon sa nasabing artikulo, matapos lagdaan ng
Department of Education (DepEd) at Korean Embassy sa Maynila ang isang
memorandum of understanding, ang wikang Korean ay laganap ng maituturo sa ilang high
school students sa mga pampublikong paaralan.
Base sa pahayag ng DepEd, ipinapakilala nila ang wikang Korean bilang
pangalawang lenggwahe ng ating bansa at magiging elektibo ito sa pamamagitan ng
isang programa na isasagawa umano simula ngayong taon sa mga piling sampong
matataas na paaralan sa Metro Manila.
Pinabulaanan ni Kim Jae Shin, Korean Ambassador ng Pilipinas na napakahalaga
ng wika sa bawat mamamayan ng bansa, kagaya din lamang ng pagtuturo at pag-aaral
ng banyagang wika sa paaralan. Ito ay magiging kapaki-pakinabang upang palalilim pa
ang bilateral na pag unawa ng isang estudyante sa pagitan ng dalawang bansa.
Binigyang diin din ni Kim Jae Shin, na ang pag-aaral ng wikang Korean ay may
magandang maidudulot sa bawat mag-aaral sa Pilipinas. Wika niya, bukod sa
pagkakaroon ng ilang mga oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa, ang
estudyanteng Pilipino na pumapailalim sa programang ito ay maaaring bigyan ng gawad
o parangal sa edukasyon na magbubukas sa isang mag-aaral upang makapag aral mismo
sa bansang Korea.
Sa ilalim ng Special Program in Foreign Language ng DepEd, binigyang diin nila
na bukod sa pagpapakilala ng wikang Korean ay ituturo na din ang iba’t-ibang lenggwahe
sa bansa gaya ng Spanish, Nihongo, French , German at Mandarin Bilang simula ng
paunang hakbang sa pagpapakilala ng programang ito, binigyang pansin nila ang
kakayahan ng mga guro sa ating bansa na makapag turo ng wikang banyaga gaya na
lamang ng wikang Korean kaya naman naisipan nilang makikipagtulungan mismo ang
DepEd sa Korean Culture Center upang mabilisan itong maisagawa.

You might also like