Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Abstrak-Humanidades

"Ang Pinag-aagawang Bata sa Panitikang Pambata:

Folklore , Media at Diskurso ng Bata"

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang tumbukin ang pag-unlad ng panitikang


pambata bilang lehetimong sangay ng pambansang panitikan. Sa pag-aaral na ito malalaman ang
papel na ginangampanan ng estado ayon sa gibyerno at negosyo sa pag-unlad ng panitikang
pambata sa kasalukuyang nitomg porma. Dito tatalakayin ang iba't-ibang sangay o salik na
makakaapekto sa estado ng panitikang pambata sa lipunan.

Ang panitikang pambata noon at ngayon ay may isang gustong makamtan. Uto ay ang
pagbibigay aliw sa kabataan na may dalang aral sa bawat kabanatang ipinapakita dito. Ngunit
dahil na rin sa mga kulyurang nakaimpliwensiya sa panitikan ng pilipino, ang panitikang
pambata noon at ngayon ay may malaking pagbabago s kung paano ito inilathala sa
pamamagitan ng libro, radyo, o maging sa telebisyon na nagbibugay ng bagong tema ukol sa
pangyayari sa lipunan. Dalawa Ng konsiderasyon sa kasaysayan ng panitikang pambata. Ang
puwersang politikal at kultural at nagluwal, naghele at nagpapalaki nuto sa ibang banda na kung
saan ipinapakita dito ang nararapat na nilalaman ng isnag akda. At dahil na rin sa pag-usbong ng
makabagjng panahon na may dalang panibagong simula ng mga ideolohiya sa isang institusyon,
naapektuhan ang daloy sa kung ano ang panitikang pambata ngayon. May pagkakapareho man
ito sa kung ano ito noon ngunit kailangan din bumuo ng panibagong layunin para makiangkop sa
bagong takbo ng lipunan.

Sa pananaliksk na ito naipapakita ang kaibahan ng daloy ng panitikang pambata noon at


ngayon sa kung paano ang estado ng lipunan ay may malaking naibahagi sa pagbuo ng
panibagong tem o ideya na naaayon sa impluwensyang kultura, medya at diskurso sa
pagsisiyasat na ito din maipaliwanag ang tunay na layunin ng panitikang pambata hindi lang
hinggil sa paglago ng ekonomiya kung hindi ang pag-iral ng isang bansang puno ng sining at
mayaman sa kultura na naging tulay upang maghatid ng kaligayahan sa mga bata.
Ano man ang maging sanhi at epekto ng panitikang pambata sa estado ng lipunan noon at
ngayon, kailangan parin isaalamg-alang ang kolektibong karanasang nagbubuklod sa mayorya
ngga bata, sa kamilang magulang ang pamayanan. Ang mahalaga sa lahat ay kung paano natin
mas maipagyama ang ating kultura at sining na walang hinihinging kapalit kung hindi ang
kasiyahan ng mga bata na siyang tunay na depinisyon ng tagumpay sa larangang panitikang
pambata.

You might also like