Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Depresyon

Ang depresyon o major depressive


disorder ay isang pinakakilala at seryosong
sakit sa pag-iisip na nagbibigay ng
negatibong pakiramdam sa pagiisip at
pagkikilos. Ang depresyon ay nagbibigay
ng kalungkutan at pagbibigay walang
interesado sa mga gawain na dati mong
parating ginagawa. Ito ay pwedeng
magdala ng emosyonal at pisikal na problema sa buhay ng isang tao
at ito ay magdadala ng pagbabago sa kilos ng tao sa bahay at
opisina o eskwelahan.

Ang depresyon ay hindi lamang kalungkutan ang niraramdam


kundi :

 Nakakaramdam ng kalungkutan o nagkakroon ng depresyong


mood.
 Pagkakaroon ng kawalan ng interesado sa mga aktibidad na
nagbibigay ng saya sa kanya.
 Pagbabago ng gana kumain – weight loss or pagdadagdag
ng timbang.
 Hindi makatulog ng maayos sa gabi.
 Madaling mapagod sa mga aktibidades.
 Pagbabago sa kilos, mapabilis man o mabagal.
 Nagiisip ng pagiging walang halaga sa mundong ito o
nakakaramdam ng pagkasala.
 Nahihirapan mag-isip, mag-concentrate o pumili ng desisyon
 Mga saloobin ng pagpapatay ng sarili o kamatayan

*Ang mga sintomas ay dapat suriin sa dalawang linggo lamang.


Ang depresyon ay nakakaapekto sa 15 na matanda (6.7%) at isa sa
6 na tao (16.6%) ay makakaranas ng depresyon sa kahit anong araw
sa kanilang buhay. Ang depresyon ay maaaring dumating sa
anumang oras pero ito ay nagpapakita or paramdam sa mga
kabataan hanggang sa mga mid-20s. Ang mga babae ay mas
nakakaranas ng depresyon kaysa sa mga lalake.

Ang depresyon ay iba sa lungkot at pangungulila

Pagiging malukutin ay hindi parehas sa pagkakaroon ng


depresyon. Ang pagmimighati ay natural lamang sa
bawat inbiduwal at ito nga ay nagbabahagi ng ilang
parehong sintomas sa depresyon. Ang pagmimighati at
depresyon ay maaring kasangkot sa matinding
kalungkutan ng tao.

Mga panganib na naidadala ng depresyon

Ang depresyon ay pwedeng makaapekto ng kahit sino. Mapakaibigan mo man


yan o kapamilya.

Ito ay ilan sa mga kadahilanan ng pagkakaroon ng depresyon:

 BIOCHEMISTRY: pagkakaroon ng diperensya sa mga kemical na nasa utak


at ito ay maaring angbibigay ng sintomas ng depresyon
 GENETICS: Depresyon ay pwedeng mang-galing sa pamilya
 PERSONALITY: Mga taong may mababang tingin sa sarili na madili
makaranas ng stress o yung taong pesimista ay madalas makaranas ng
depresyon.
 ENVIRONMENTAL FACTORS: Mga taong nakaranas o nakakaranas ng
pag-aabuso, kapabayaan, o kahirapan ay madaling magkaroon ng
depresyon.

Paano nagagamot ang depresyon?

Ang depresyon ay isa sa mga nagagamot na sakit sa pag-iisip. Mga 80% - 90% na
tao na mayroong depresyon ay gumagaling dahil sa treatment na binibigay sa
kanila na nakakapag alis ng mga sintomas.
MEDICATION
-Brain chemistry ay maaring magbigay tulong sa
paggaling ng tao. Sa ganitong pangyayari,
madalas na binibigay na gamot ng mga doktor ay
antidepressants para baguhin ang kanilang brain
chemistry.

PSYCHOTHERAPY
-Ito ay matatawag na talk therapy. Ito ay ginagamit para
sa pag-galing ng mild, moderate at severe na depresyon.
Psychotherapy ay madalas lang nagagamit at ito ay
kasama ng antidepressants. Cognitive Behavioral Therapy
(CBT) ay epektibo sa pag-gamot ng depresyon. CBT ay
isang paraan ng therapy na nakatutok laman sa mga
kasalukuyan na problema. Ang CBT ay nakakatulong sa
pag-ayos ng pag-iisip at ibago ang pag-iisip at kilos.

ELECTROCONVULSIVE THERAPY (ECT)


-Isa ito sa medical treatment na nagagamit lamang sa
mga pasyente na may severe major depression o bipolar disorder na hindi
gumaling sa mga nakaraan na treatment nila. Ito ay isang maiksing electrical
simulation ng utak habang ang pasyente ay naka-anesthesia. Ang isang pasyente
ay tumatanggap ng ECT ng dalawa hanggang tatlo na beses sa isang linggo.
Lahat ng ito ay magiging 6-12 total treatments.

Self-help at coping
Mayroong mga bagay na maaring gawin upang mabawas o makatulong sa
pagkawala ng sintomas ng depresyon. Para sa mga tao, ang regular na ehersisyo
ay nakakatulong lumikha ng positibong pakiramdam at mapabuti ang
karamdaman. Ang pagkakaroon ng tamang oras ng pagtulog, pagkain ng
malusog na pagkain at pag-iwas sa alcohol ay maaring makatulong sa pagbawas
ng sintomas ng depresyon.

Ang depresyon ay hindi isang biro, kundi ito


ay isang seryosong sakit kung saan ang pag-
iisip ay apektado. Kung naagapan ito at
binigyan ng tamang paraan sa pag-galing ng
sakit na ito, ito ay mawawala rin. Kung ikaw
ay nakakaranas ng mga sintomas ng
depresyon, ang un among gawin ay kausapin
moa ng iyong physician o psychiatrist. Sabihin mo yung mgaproblema mo at ang
mga nararamdaman mo. Ito ay isang simula sa pagtugon sa malusog na pag-iisip.

You might also like