Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Negros Island Region
DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL
Cottage Road, Bacolod City

MARKAHANG PAGSUSULIT SA SINING PANG-AGRIKULTURA V


S.Y. 2016-2017

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay mga pakinabang na naidudulot sa pagtatanim ng mga halamang gulay
maliban sa isa. Alin dito ang hindi kabilang?
A. Nakakatulong sa ating kalusugan. C. Nakakapagod sa ating katawan
B. Mapagkakakitaan D. Nakawiwili at nakalilibang na Gawain
2. Alin sa mga sumusunod ang dapat isa alang- alang sa pagtatanim ng mga halamang gulay?
A. Lugar C. Gusto ng mamimili
B. Panahon D. Lahat ng sagot ay tama
3. Ano ang paraan sa pagtatanim ng halamang gulay na petsay?
A. Di-Tuwirang paraan C. Pagpapabuko
B. Tuwirang paran D. Pagdurogtong
4. Ito ay paraan ng pagtatanim kung saan ihulog kaagad ang mga buto sa kamang taniman?
A. Tuwirang pagtatanim C. Pagdurotong
B. Di-Tuwirang pagtatanim D. Pagmamarkot
5. Sa pagpili ng mga halamang gulay na itatanim saan dapat tayo sumangguni?
A. Talaan ng mga tanim C. Kalendaryo ng pag-aani
B. Kalendaryo ng pagtatanim D. Talaan ng mga gulay
6. Sa paggawa ng plot o kamang taniman. Anu ang tamang sukat sa lapad na gagawin?
A. 1 metro ang lapad C. 3 metro ang lapad
B. 2 metro ang lapad D. 4 metro ang lapad
7. Sa maka-agham na gawaing pang- agrikultura tulad ng bio-intensive gardening binibigyan diin
ang______?
A. Paggawa at paggamit ng compost. C. Pag-aalaga ng hayop
B. Paggamit ng mga kasangkapan D. Pag-aalaga ng halaman
8. Sa paggawa ng compost sa isang hukay. Alin ang hindi dapat isali?
A. Dumi ng hayop C. Plastic at mga bote
B. Nabubulok na mga dahon D. Pinagbalatan ng gulay at prutas
9. Dapat dagdagan ng abono o pataba ang lupa kung______?
A. Mabilis ang paglaki ng mga pananim. C. Ang mga ito ay sagabal sa mga pananim
B. Mabagal ang paglaki ng mga pananim. D. Ang mga ito ay umaagaw sa sustansya.
10. Anu ang katangian ang ipinapakita ng isang bata na sinusunod ang tamang hakbang sa paggawa
ng abonong organiko?
A. Masipag C. Masunurin
B. Maunawain D. Malikhain
11. Magdidilig ng mga halaman ang mga bata sa ikalimang baitang. Anong kagamitan ang kanilang
gagagmitin?
A. Lata C. Asarol
B. Regadera D. Pala
12. Bakit kailangan bungkalin ang lupa sa paligid ng mga halaman?
A. Para makapasok ang hangin at makahinga ang ugat ng mga halaman.
B. Para lumaki ng maayos at malusog ang mga halaman.
C. Para mapabuti ang kondisyon ng hangin sa lupa.
D. Ang lahat ng sagot ay tama.
13. Anu ang tawag natin sa lupang pataba na nanggaling sa mga nabubulok na bagay tulad ng mga
tuyong dahon, dumi ng hayop, at pinag balatan ng gulay at prutas?
A. Urea C. Organikong pataba
B. Triple 14 D. Di-Organikong pataba
14. Paano sugpuin ang mga kulisap at iba pang peste na pumipinsala sa mga halaman?
A. Gumamit ng mga pataba
B. Gumamit ng mga pambombang gamot na organiko.
C. Buhusan ng mainit na tubig.
D. Diligan ng tubig
15. Ang pagtatanim ng mga halaman ng dalawa o higit pang tanim na gulay sa iisang kamang
taniman ay tinatawag na?
A. Crop rotation C. Crop prevention
B. Entercropping D. Crop Sanitation
16. Nakita ni Axcel na may mga peste ang kanyang halamang gulay sa bakuran. Ano ang kanyang
gagawin?
A. Gumamit ng organikong pamatay peste na makikita sa paligid
B. Hayaan itong atakihin ng mga peste.
C. Sabihin nya na lang sa kanyang nanay ang tungkol sa mga peste.
D. Bumili sa tindahan ng mga pestesides.
17. Bakit kailangan anihin ang mga halamang gulay sa takdang panahon?
A. Para mapanatili ang mataas na uri nito, mapakinabangan ng husto at ng malaki.
B. Para madali itong maipagbili.
C. Para hindi mapakinabangan ng maayos
D. Para walang kikitain
18. Ano ang palatandaan ng kamatis na maari ng anihin?
A. Hinog na hinog na C. Mamula-mula ang balat
B. Habang mura pa D. Habang ito ay maliit pa.
19. Ano ang paraan sa pag-aani ng pechay?
A. Pagpitas C. Pagsungkit
B. Pagbunot D. Pagputol
20. Bakit kailangang malaman ang angkop na paraan ng pag-aani?
A. Upang mapanatili itong sariwa C. Upang mapanatili ang mataas na uri
B. Upang manatili itong buo. D. Tama ang lahat ng sagot
21. Si Mang Jose ay nagtinda ng talong sa palengke ang bawat talong ay nagkakahalaga ng Php .50
cents. Magkano ang naipagbili ni Mang Jose sa 150 na talong?
A. Php 75.00 C. Php 80.00
B. Php 70.00 D. Php 85.00
22. Si Aling Marta ay nakapag-ani ng 5 kilong kamatis, kung ang bawat kilo ay magkakahalaga ng
Php 25.00. Magkano ang kabuuang halaga ng kamatis na inani ni Aling Marta?
A. Php 100.00 C. Php 110.00
B. Php 120.00 D. Php 125.00
23. Ang mga sumusunod ang dapat tingnan kung ang mga gulay ay ipagbili maliban sa isa.
Alin ang hindi kabilang?
A. Magkakasinglaki C. Mataas ang uri at sariwa
B. Maayos ang hugis D. May bulok at sira
24. Bakit kailangan ipagbili ang mga halamang gulay na may mataas na uri at sariwa?
A. Para mataas ang halaga nito C. Para madaling ipagbili
B. Para mapakinabangan ng husto D. Lahat ay tama
25. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit kailangan munang ipapakete ang mga inaning
gulay bago ipagbili maliban sa isa. Alin ang hindi kabilang?
A. Para maayos ang pagbebenta ng mga produkto
B. Upang ang mga mamimili ay medaling maakit.
C. Para medaling maibenta ang mga produktong gulay
D. Para hindi mabili ang mga inaning gulay
26. Ang mga halamang gulay tulad ng kangkong at alogbate ay ibinibinta sa pamamagitan ng
_______?
A. Pagtatali o pagbibigkis C. Tinutumpok
B. Paglalagay sa supot D. Paglalagay sa kaing
27. Sa pagtatakda ng presyo ng mga inaning gulay dapat isaalang-alang ang _______?
A. Mataas na uri C. Gulang ng gulay
B. Laki o haba D. Lahat ay tama
28. Alin sa sumusunod na mga gulay ang nasa pangkat ng dahong gulay?
A. Labanos C. Cauliflower
B. Talong D. Pechay
29. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat gawin sa pag-sasaayos ng mga panindang gulay .
A. Pagsama-samahin ang magkakauri ng mga bungang gulay.
B. Lagyan ng tamang presyo ang mga panindang gulay.
C. Pagsama-samahin ang mga may sira o bulok at hindi bulok na mga gulay.
D. Isalansan ng maayos ang mga panindang gulay.
30. Alin sa mga sumusunod ang hindi dapat piliin kung ang mga gulay ay ipagbili?
A. Makikinis ang mga balat C. Magkakasinglaki
B. Maysira at bulok D. Maayos ang hugis
31. Ano ang dapat gawin sa mga paninda upang maakit ang mga mamimili?
A. Maging mapanghusga sa mga paninda ng iba.
B. Pagsama-samahin ang mga panindang magkakauri.
C. Pakitunguhan ng hindi maganda ang mga mamimili.
D. Maglagay ng mataas na presyo sa bawat paninda.
32. Ano ang ibig sabihin kapag malaki ang puhunan o gastos kaysa kinita?
A. Lugi C. Walang kinita
B. Kumita D. Walang tinobo
33. Ano ang lahi ng manok na mainam alagaan para paitlogin?
A. Broiler C. White leghorn o layer
B. Hubbard D. Duroc
34. Ano ang makukuha natin kung tayo ay nag-aalaga ng manok?
A. Itlog at karne C. Karne
B. Gatas D. Itlog
35. Anong hayop ang dapat alagaan sa lugar na may malawak na damuhan o pastulan?
A. Kalabaw, baka at kambing C. Aso ,pusa at kuneho
B. Manok, bibi at itik D. Baboy ,Kambing at manok
36. Anong modernong teknolohiya ang dapat sanggunian para mas lalong madagdagan ang
kaalaman tungkol sa pagpili ng hayop o isdang aalagaan?
A. Pamplete C. Internet
B. Tarpulin D. Brochure
37. Bago isagawa ang balak sa paghahayupan at upang matiyak ang ikatatagumpay ng proyekto.
Ano ang dapat munang ihanda?
A. Plano sa paghahalaman C. Plano sa pagnanarseri
B. Plano sa paghahayupan D. Plano sa palaisdaan
38. Sa pagbabalak ng pag aalaga ng mga ibat ibang hayop dapat isaalang-alang ang
____________?
A. Lugar C. Uri ng hayop
B. Puhunan D. Lahat ay tama
39. Ano ang lahi ng manok ang mainam alagaan para patabain at gawing pagkain upang karne?
A. White leghorn C. Broiler o hubbard
B. Layer D. hypor
40. Anong uri ng mga hayop ang mainam alagaan kung may malawak na bakuran?
A. Baka at kalabaw C. Manok at baboy
B. Isda at baboy D. Kambing at baka
41. Bakit kailangan gumawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan bago magsimula sa pag
aalaga ng mga isda at mga hayop?
A. Upang magtagumpay ang plano sa paghahayupan.
B. Upng medaling maisakatuparan ang proyekto.
C. Para maayos ang pagsasagawa ng proyekto.
D. Lahat ng sagot ay tama.
42. Ano ang dapat gawin sa naisagawang plano sa paghahayupan?
A. Isantabi C. Sundin o isakatuparan
B. Pabayaan D. Ibaliwala
43. Ano ang dapat gawin sa kulungan ng mga alagang hayop?
A. Hayaan lamang C. Huwag kumpunihin kapag ito ay nasira
B. linisin araw-araw D. Pabayaan ang mga duming na kakalat
44. Bakit kailangan sundin ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag aalaga
ng mga hayop?
A. Upang makaiwas sa anumang sakuna, aksidenti o disgrasya.
B. Para kumita ng malaki
C. Para dumami ang mga alagang hayop
D. Hayaang marumi at mabaho ang kulungan ng mga alagang hayop.
45. Bakit kailangan ang talaan sa pagsusubaybay sa paglaki ng mga alagang hayop?
A.Para malaman kung maayos ang paglaki ng mga alagang hayop.
B. Upang malaman kung ang mga alagang hayop ay nagkakasakit.
C. Para malaman kung magkano na ang nagastos sa pagkain ng mga alagang hayop.
D. Ang lahat ng sagot ay tama
46. Kung ang mga alagang hayop ay magkakasakit. Saan tayo dapat pupunta?
A. Doktor C. Albularyo
B. Beterinaryo D. Dentista
47. Paano ipinagbibili ng tingian ang alagang hayop tulad ng baka?
A. Por kilo C. tumpok
B. dosena D. Supot
48. Ang mga sumusunod ay mga palatandaan na maari ng ipagbili ang mga alagang hayop maliban
sa isa. Alin dito ang hindi kabilang na palatandaan?
A. Isapamilihan ang mga alagang hayop at ipagbili ito kahit may sakit
B. Malusog at maganda ang pangangatawan
C. Walang bahid ng sakit ang mga alagang hayop
D. Ang mga alagang hayop ay may mataas na uri
49. Ang mga sumusunod ay mga estratihiya sa pagsasapamilihan ng mga produkto mula sa mga
alagang hayop maliban sa isa. Alin dito ang hindi kabilang?
A. Lugar na may maraming tao.
B. Produkto na pangangailangan ng mga tao.
C. Paglalagay ng mataas na presyo ng mga produkto.
D. Sapat na kaalaman sa pagnenegosyo.
50. Si Mang Kardo ay nagbenta ng kanyang mga alagang hayop, limang pirasong manok at Php
130.00 bawat piraso, limang pirasong bibi at Php 110.00 bawat piraso. Kung si Mang Kardo ay
nagkagastos ng Php 850.00 sa pag aalaga ng manok at bibi, magkano ang kanyang tubo o kita?
A. Php 400.00 C. Php 450.00
B. Php 350.00 D. Php 375.00
EPP V AGRICULTURE ARTS PERIODICAL TEST KEY ANSWERS

1. C
2. D
3. A
4. A
5. B
6. A
7. A
8. C
9. B
10. C
11. B
12. D
13. C
14. B
15. B
16. A
17. A
18. C
19. B
20. D
21. A
22. D
23. D
24. D
25. D
26. A
27. D
28. D
29. C
30. B
31. B
32. A
33. C
34. A
35. A
36. C
37. B
38. D
39. C
40. C
41. D
42. C
43. B
44. A
45. D
46. B
47. A
48. A
49. C
50. B

You might also like