Karunungan Bayan

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Karunungan Bayan

Ang karunungang bayan ay isang sangay ng pantikan kung saan nagiging daan upang
maipahayag ang mga kaisipan na nabibilang sa bawat kultura ng mga tao. Nakakatulong ito sa
pag-angkin ng kamalayang tradisyunal, na nagpapatibay ng pagpapahalagang kultural.

Kasabihan
Ang kasabihan ay pahayag na nagbibibigay ng payo o nagsasaad ng katotohanan kung saan
ang mga salitang ginagamit ay payak at madaling maintindihan.

Halimbawa

Ang ibig sabihin ng "kung ano ang itinanim siya ang aanihin" ay kung ano ang ginawa ng
isang tao sa kapwa niya iyon din ang gagawin ng ibang tao sa kanya.

"Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo" ay nangangahulugan na ang


tulong ay dapat ipinagkakaloob sa oras ng pangangailangan at hindi kung kailan wala na ang
nangangailangan nito.

"Ang hindi marunong lumingon sa pinaggalingan ay hindi makararating sa paroroonan"


ay nangangahulugan na ang sinuman na hindi marunong tumanaw ng utang na loob at
magbigay ng pasasalamat sa mga taong nakatulong sa kanya sa maliit o malaking bagay man
ay hindi kailanman magiging matagumpay sa buhay.

"Kapag may isinuksok, may madudukot" ay nangangahulugan na ang taong


marunong mag impok at magtipid ay tiyak na may magagamit na salapi sa
oras ng kanyang pangangailangan.

Ang ibig sabihin ng "ang taong nagigipit sa patalim kumakapit" ay ang mga taong
dumaranas ng kagipitan ay kadalasang gumagawa ng desisyon na hindi naayon sa batas ng
moralidad tulad ng pagnanakaw, pandaraya, at pangungutang.

Salawikain
Naglalayon na pagtibayin at patnubayan ang araw-araw na pamumuhay ng isang tao sa pamamagitan
ng pagbigkas sa isang salawikain.

Pag di ukol ay hindi bubukol.

Kahulugan: Ayon sa kahulugan nito kapag hindi nakalaan sayo ang isang bagay o nakatakda ay
hindi ito mangyayari o magaganap. Parang sa pag-ibig kung hindi talaga para sayo ang isang
tao huwag mo nang ipagpilitan,Manalig ka na merong tao na talagang para sayo maghintay ka
lamang.

Kung walang tiyaga,walang nilaga.

Kahulugan: Ang kahulugan nito ay tungkol sa isang tao na walang pagsasakripisyo para sa
sarili at walang pagsisipag sa isang gawain at kinabukasan ay walang biyaya na matatangap.
Kaya huwag tatamad tamad,matutong magbanat ng buto para sa magandang kinabukas ng
iyong pamilya at para narin sa iyong sarili.

Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda.

Kahulugan: Ang ibig ipakahulugan nito ang hindi marunong magpahalaga sa wikang ginagamit
ay higit pa sa asal na walang ugali at hindi makabansa sa puso at isipan

Ang gawa sa pagkabata, Dala hanggang pagtanda.

Kahulugan: Ang paliwanag nito ay tungkol sa isang ugali na kung saan ang siyang kinasanayan
mula nuon bata pa siya ay naging gawi ng siya ay nagka-edad na.

Ang tunay na kaibigan, Nakikilala sa kagipitan.


Kahulugan: Sinasabi dito ang tunay na kaibigan nakilala sa kung kailan nangangailangan ka ng
tulong ay handa siyang tumulong at magmalasakit at umunawa sayo.

Bulong

Ang bulong ay katagang maaaring gamitin bilang isang salitang nagpapahayag ng isang gawain
o isang panggalang pambalana. Maaaring tumukoy ito sa paraan ng pagsasalita gamit ang
mahinang boses. Sa kabilang banda, kasingkahulugan rin nito ang salitang orasyon, bilin, o
usap-usapan.

Halimbawa

Tabi tabi po

Makikiraan po

Mano po

Paabot po

Paalam

Palaisipan

Ang palaisipan o puzzle sa Ingles ay maaaring maging laro, problema, bugtong, o laruan na

susukat sa kakayanan ng indibidwal na sumagot at gumawa ng mga solusyon sa mga

problemang dala ng mga palaisipan.

Sa umaga ay apat ang paa. Sa tanghali ay dalawa lang. Sa gabi ay tatlo. Ano ako?
Sagot: tao

Si Mario ay isa sa limang magkakapatid. Ang mga pangalan nila, umpisa sa panganay ay
sina Enero, Pebrero, Marso, Abril at ___________. Ano ang pangalan ng bunso sa
magkakapatid?
Sagot: Mario

Ako ay nasa gitna ng dagat, nasa huli ng daigdig, at nasa unahan ng globo!
Sagot: letrang 'G

Kung ang gumagapang sa aso ay pulgas, sa damo ay ahas, sa ulo ng tao ay kuto... ano
naman ang gumagapang sa kabayo?
Sagot: Plantsa

May sampung na ibon ang nakadapo sa isang maliit na sanga ng puno. Limang maya,
dalawang pipit at dalawang kuwago at ang isa ay uwak. Binato ni Bato ang sanga.
Tinamaan at nalaglag ang uwak. Ilang maya ang naiwan sa sanga?

Sagot: 5

Bugtong

Ang bugtong, pahulaan, o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o


nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang
bugtong).

Halimbawa

Isda ko sa maribeles nasa loob ang kaliskis


Sagot: Sili
Sinampal ko muna bago inalok.
Sagot: Sampalok
Nang munti pa ay paruparo, nang lumaki ay latigo.
Sagot: Sitaw
Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: Kalabasa
ALAMAT NG BAYABAS
Isang hari noon na nagngangalang Haring Barabas na ubod ng sungit at
napakabihirang tumulongsa mga taong lumalapit at humihingi ng tulong sa kanya.
Nag iisa lang sa buhay ang hari at wala siyangpamilya. Laging masasarap na
pagkain ang nasa hapag kainan niya, ngunit ni hindi niya man langmabiyayaan ang
mga nagugutom. Minsan, may pulubing babae na nanghihingi ng pagkain sa
kanya,ngunit ayaw itong bigyan ng maramot na hari , kung kaya't ang mga mumok at
mga tira tira niya angpinagtyagaang pulutin at kainin ng pulubi.Hindi nagtagal ay
nagkasakit siya, at nalagutan ng buhay. Ngunit ni wala man lamang nakipaglibing sa
kanya kundi ang kanyang mga katulong sa palasyo.Lumipas ang mga araw, may
napansing kakaibang halaman na tumutubo sa puntod kung saannakahimlay ang
hari. At nagbunga ang punong ito ng bilog na bunga na kung saan ay napansin
ngkanyang dating mga kasambahay na tila may korona ang prutas. Maasim ito
kapag medyo hilaw pa,sumisimbolo ng asim ng pag uugali ng hari ng ito'y
nabubuhay pa. At ang prutas na ito ay tinawag ngmga taong bayabas, ang alaala ni
Haring Barabas.

Tauhan Tagpuan
Mangingisda
Ang Asawa ng Mangingisda ang matatagpuan doon ay
mgabayabas
Ang Binatilyo
Bagong Sultan
Ang mga tao

Saglit na kasiglahan

You might also like