Matalinhagang Salita

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Matalinhagang Salita

Ang wika ay sandata na ginagamit ng kahit anumang uri ng tao sa lipunan. Bata,
matanda, may pinag-aralan o wala, mayaman man o mahirap, wikaang bukod tanging
instrumentong pangkomunikasyon na walang pinipili.
Ang lahat ay pantay-pantay. Gamit natin ito upang maipahayag natin ang ating
saloobin, damdamin, at mga ideya o opinion.

Kahulugan ng Matalinhagang Salita

Ang wikang Pilipino ay mayaman at hitik sa maraming klase ng panitikan. Gabay ito at
gamit ng ating mga linggwistiko at mga manunulat sa paglimbag at paglathala ng mga
iba’t-ibang uri ng babasahin. Isang uri ng panitikang Pilipino ang matalinhagang salita.
Ang parte ng wikang ito ay may malalim na mga kahulugan o di kaya’y halos walang
tiyak o kasiguraduhang ibig-ipahiwatig maliban sa literal na kahulugan nito. Ito ay
ginagamitan ng mga kasabihan, idyoma, personipikasyon, simili at iba pang uri ng mga
mabubulaklak at nakakalitong mga salita.

Karamihan sa ating mga manunulat ay gumagamit ng mga matalinhgang salita. Ito ay


sumasalamin sa kanilang malalim na uri ng pagkatao. Naglalarawan din ito ng pagiging
tunay na alagad ng sining ng wikang Pilipino. Ang pagsusulat sa patalinhagang
pamamaraan ay isang istilo para mahikayat ng may akda ang kanyang mga
mambabasa.
Mahirap unawain at intindihin ang isinasaad ng mga matalinhagang salita. Ngunit sa
kabila nito ay nagbibigay ito ng interes at misteryo upang mas unawain pa at pilit na
alamin ang ibig ipahiwatig ng mga may akda. Sa gawing ito ay mas natutuunang pansin
natin ang pagkakaroon ng mahabang oras sa pagbabasa.

Mga Halimbawa ng mga Matalinhagang Salita

1. Kautotang dila – Kakwentuhan


2. Krus sa balikat – pabigat o pasanin sa buhay
3. Itim na tupa – suwail na anak o kapatid
4. Balat sa tinalupan – paglalarawan sa damdamin ng isang taong galit
5. Tubong lugaw – malaking pera mula sa maliit na puhunan
6. Matimtimang Cruz – mahinhin at pino kung kumilos
7. Lintik lang ang walang ganti – Kailan man ay hindi mo magagantihan ang kidlat na
siyang tinutukoy sa salitang lintik.
8. Hampas sa amo ang latay ay sa kalabaw – ang kasiraan ng nasa taas ay mas
masarap kesa sa mga nasa ibaba
9. Balat sa pwet – may dalang malas sa buhay
10. Halik ni Judas – traydor
11. Haba ng buhok – pakiramdam ay maganda
12. Balasubas – Walang modo
13. Nauna pa ang kariton sa kalabaw – Mayabang o adelentado
14. Kambal tuko – di makapaghiwalay
15. Sanggang dikit – matalik na magkaibigan
16. Matapobre – mapanglait
17. May nunal sa dila – madaldal
18. Matigas pa sa riles – kuripot
19. Makapili – traydor
20. Mang-oonse – madaya/makupit

Kahalagahan ng mga Matalinhagang Salita

Mahalaga ang pag-gamit ng mga salitang matalinhaga. Dito nahuhubog ang ating
intelektuwal na kaisipan. Nagkakaroon din tayo ng mas malalalim na pang-unawa at
pag-aaral sa mga salita na ang akala natin ay simple lamang. Nahihimok din tayo na
pagyabungin at mas palaganapin ang wikang sariling atin.

Isa sa mga popular na babasahin na punong-puno ng matatalinhagang salita ay ang


bibliya, na nailathala noon unang panahon. Wala sa anumang uri ng diksiyonaryo
matatgpuan ang kahulugan ng bawat isa dito. Para ito ay lubos na maintindihan,
kailangan ay maging sinsero ka at bukas ang iyong kaisipan upang maintindihan ang
damdamin ng may akda. Ang bawat matalinhagang salita ay likas na may kurot at kiliti
sa bawat mambabasa. Ito ang mga nagsisilbing pampagana at pampalasa ng mga
babasahin.

Maging sa larangan ng pamamahayag sa telebisyon, radio, at diyaryo ay di mahuhuli


ang pag gamit ng matalinhagang salita. Nagbibigay ito ng dagdag na kulay sa bawat
mensahe na gusto nilang iparating.
Dito nila nagagamit ang kanilang katalinuhan sa pagpili ng mga salita o wikaupang
makuha ang atensiyon ng kanilang mga manunuod. Sa sektor man ng sining ng
pinilakang tabing at mundo ng aliwan, madalas din nating marinig ang mga ganitong uri
ng wika. Mga salitang namumutawi sa bibig ng mga artista na nag-iiwan ng tatak sa
kanilang mga pagkatao. Ang mga iba dito ay nagiging parte na sa sirkulasyon ng
wikang Pilipino.
Nakakatuwa at minsan ay nakakainis, yan ang eksaktong pakiramdam pag ikaw ay
nagbasa ng matalinhagang salita. Pero sa likod nito ay andiyan pa rin ang ating
pagnanais na malaman kung ano ang mas malalim na kwento pa nito.
Ligaya, galak, tuwa at dakilang aral sa buhay ang ating natututunan sa bawat
matalinhagang salita na ating naiintindihan. Bawat wika ay dagdag sa gintong butil ng
ating likas na kaalaman. Gaano man katalinhaga ang mga salita ay tunay na sila ay
napakahalaga.

You might also like