Professional Documents
Culture Documents
Break The Cassanovaa Heart
Break The Cassanovaa Heart
Break The Cassanovaa Heart
Special Chapter
New Love
***
Chapter 1
"I'm sorry"
Halos madurog ang puso ko ng marinig ko ang mga salitang yun na lumabas sa bibig niya. Expected ko na
naman na ganito ang mangyayari eh. Afer all pagpapanggap lang naman lahat ang namamagitan
saamin.
Masakit? Oo! Sh1t lang masakit talaga! Pero may karapatan ba akong mag reklamo? May karapatan ba
akong magalit? Una pa lang naman eh ako na ang nag pumilit na mag panggap kami. Nakita ko kung
paano siya umiyak at masaktan ng pakawalan niya si Naomi. Nakita ko kung gaano niya minahal ang
babaeng yun. Kahit na pinakawalan na niya ito, natatakot parin siya na baka hindi maging masaya si
Naomi dahil sa kanya. Na baka makonsensya si Naomi sa pag iwan niya kay Drew. Sabi ko sa kanya,
magpanggap kaming dalawa na nagkakamabutihan na. Nung una ayaw niyang pumayag kasi alam niya
ang nararamdaman ko para sa kanya. Ayaw niyang gamitin ako at gawing panakip butas. Hindi niya
gustong masaktan ako pero pinagpilitan ko parin hanggang sa napapayag ko siya.
Oo alam ko masasaktan ako pero ginawa ko yun dahil ayoko ng makitang mag-alala pa si Drew.
�
"I'm really sorry"�sabi saakin ni Drew sabay iwas ng tingin niya saakin.
It's been a week eversince naaksidente si Naomi. Alalang-alala sa kanya ang lahat lalo na nung sinabi ng
doctor na wala na siyang pag asang mabuhay. Nakita ko nun sa mga mata ni Drew ang sakit ng marinig
niya ang mga katagang yun. Afer all mahal na mahal parin talaga niya si Naomi. Pero good thing at naka
recover na si Naomi ngayon. Afer that, kinausap na ako ni Drew at sinabi niyang itigil na namin ang pag
papanggap namin dahil masaya na ngayon si Naomi at Stephen.
Sinabi din niya na bukod sa pagmamahal ng isang kapatid, wala na siyang ibang pagmamahal na
nararamdaman saakin.
Hinawakan ko ang kamay ni Drew at nginitian ko siya �"you don't need to say sorry Drew. Alam ko
naman yun eh at isa pa wala kang kasalanan"
"Jeanell, salamat sa lahat ah? Ginawa mo ang lahat para saakin pero alam ko, wala akong ibang binigay
sayo kundi puro sakit� sorry talaga"
Hinampas ko ng mahina ang braso ni Drew at sinubukan kong pasiglahin ang boses ko "sus ikaw talaga!
Ang drama mo! wala nga lang yun isa pa hindi na ko umaasa no! sayang beauty ko sayo eh! hahaha" �I
told him while faking a laugh.
"Jeanell.."�nagulat ako ng biglang kunin ni Drew ang kamay ko at hinawakan niya ito ng
mahigpit�"stop lying please.."
Napatulala na lang ako sa sinabi niya. Oo, kasinungalingan yung sinabi ko kay Drew. Umaasa parin ako
hanggang ngayon na mamamahalin niya rin ako eventhough deep inside, alam kong hindi ko kayang
palitan si Naomi sa puso niya.
Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya�"ano ang gusto mong gawin ko Drew?"
Kahit nasasaktan ako, hindi ko nilayuan si Drew dahil sa isang simpleng dahilan, masaya ako pag kasama
ko siya. Nasasaktan ako pero as long as nakakasama ko si Drew, kuntento na ako doon. Pero ngayon
pinalalayo niya ako sa kanya?
"hindi.. hindi! Ayoko Drew! Hindi ako lalayo sayo! Please susubukan kong kalimutan ang nararamdaman
ko sayo pero wag mo naman gawin to oh"�hinawakan ko ang braso ni Drew at tinitigan ko siya sa mata
"Wag mo naman akong palayuin sayo"
"gusto kong kalimutan mo na ang nararamdaman mo sakin Jeanell at alam kong hindi ka makaka move-
on pag palagi tayong magkasama"�inalis ni Drew ang pagkakahawak ko sa braso niya at tinalikuran niya
na ako�"I'm sorry Jeanell, I'm really sorry.."�matapos niya sabihin ang mga salitang yun, naglakad na
siya palayo saakin.
Ayun na ang huling beses kong nakausap si Drew. Matapos ang araw na yun, hindi na niya ako pinansin.
He treated me like a stranger. Araw araw, kada may practice kami ng pep squad, nakikita ko si Drew sa
court at lagi kong naiisip, kahit anong gawing pag iwas saakin ni Drew, siya at siya parin talaga ang mahal
ko.
�
During those times, madalas ko na lang titigan si Drew mula sa malayo. Sa totoo lang miss na miss ko na
siya. Nung mga panahong iniiwasan niya ko, lagi na lang nasa isip ko na kahit hindi na ko mahalin ni Drew
pabalik basta maging magkaibigan lang kami masaya na ko. �Pero pati iyon nawala na saakin.
"mahal na mahal mo talaga no?"�natauhan ako bigla ng marinig ko ang boses ni Kryzel
"alam mo girl, ang gusto kong sabihin sayo, mag move on ka na pero alam ko napaka daling sabihin ng
salitang yun, pero mahirap gawin"
"siguro nga Kryzel, mahihirapan talaga akong mag move on. Sana may isang tulad ni Rence din na
dumating sa buhay ko no? Yung tipong gagawin ang lahat, mawala lang lahat ng sakit dito sa puso ko at
makapag move on na ko"
Inakbayan ako ni Kryzel�"kung hindi man matauhan si Drew kung gaano siya katanga para hindi ka
mahalin eh alam ko naman na may lalaki din na dadating na mas higit pa sa kanya. Kaya ikaw girl, tama
na ang pagiging broken hearted mo ok? Sayang naman ang ganda mo eh!"
Medyo natawa ako sa sinabi ni Kryzel. Siguro nga merong lalaking dadating para mahalin ako ng katulad
ng pagmamahal na binibigay ko kay Drew.
Pero sa ngayon, parang ayoko pang bitiwan ang nararamdaman ko sa kanya, �kahit nasasaktan na ako.
�
Afer ng practice namin ng pep squad, nagpalit agad ako ng damit at dumiretso sa locker ko para kunin
ang mga gamit ko. Pagdating ko sa locker ko, nagulat ako ng makita ko si Drew at si Naomi na naguusap.
�
Magtatago sana ako sa may gilid ng corridors para hindi nila ako mapansin kaso nagulat ako ng marinig
ko na lang ang pangalan ko na tinatawag ni Naomi
"Jeanell!"
"o-oh, Naomi"
Dahil sa nakita na nila ako, lumapit narin ako sa kanila. I tried to look at Drew pero iniiwas niya ang tingin
niya saakin.
"Jeanell sama ka din saamin bukas ha? mag mo-movie marathon lang sa unit ni Stephen. Wala namang
pasok eh! dali na para makapag bonding tayo"
"h-ha? uhmm.."
�
"naku kayong dalawa wag na kayong mag dalawang isip!" �bigla naman ngumiti ng nakakaloko si
Naomi�"baka naman may date kayong dalawa?"
"uhmm w-wala kaming date! Sure sama ako bukas!" �sabi ni Drew kay Naomi
"ok bye bye! Ingat kayo pag uwi!"�sabi ni Naomi then nag wave na siya at naglakad palayo
�
"ah Naomi!"�tawag ni Drew sa kanya kaya naman biglang napahinto si Naomi sa paglalakad
"hmm?"
"i-ingat ka"
She smiled then nag wave ulit siya at tuluyan ng umalis.
Simple gesture lang ang ginawa ni Drew, pero alam niyo yung feeling na sa simple gesture na yun,
ramdam na ramdam mo kung gaano siya kamahal ni Drew? Tokwa lang, ang sakit!
Tinalikuran ko na si Drew at naglakad ako papunta sa locker ko para kunin yung gamit ko. Tutal naman eh
iniiwasan niya ako at alam kong wala rin siyang planong makipag usap saakin so what's the use na
pansinin ko siya di ba?!
Tsk nakaakasar!
"Jeanell.."
Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko ng banggitin ni Drew ang pangalan ko kaya naman napalingon
ako agad sa kanya
�
"b-bakit?"
"ok lang kahit di ka sumama. I'll just make an excuse for you"
�
"h-hindi! Sasama ako"
"pero Jeanell�"
"don't worry, I'm not gonna come because of you. Kaibigan ko narin naman sila dib a? and besides, baka
magtaka sila kung hindi tayo magkasama doon. Afer all.." �iniwas ko ang tingin ko sa kanya �"hindi nila
alam na nagpapanggap lang tayo"
Nag madali akong kunin yung mga gamit sa locker ko at dali-dali ko rin itong isara. Tinignan ko si Drew at
tinapik ko siya sa braso�"una na ako"�afer that, kumaripas na ako ng takbo palayo sa kanya.
"nagpapanggap lang kami.."
Nagpapanggap na nagkakamabutihan na but in reality, ako lang ang nahulog, si Drew? Patuloy parin
niyang minamahal si Naomi.
Napatingin ako sa likod ko at nakita kong nakasandal si Drew sa may locker at parang malalim ang iniisip.
Hay.
(Stephen's unit)
�
"Ano iteeeeeeeeey?!"�sigaw ni France pagkadating na pagka dating niya sa unit ni Stephen "bastusan
mga te?! Lahat kayo partner partner samantalang akey forever alone?! Mag breaklalu nga kayo!"
Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi ni France. Hay kung alam lang niya na hindi lang siya ang
nagiisang forever alone dito.
"papa Nico, paano akey maiinlove sa kanya kung mukha mo ang palagi kong nakikita?" �sagot ni France
kay Nico sabay yakap sa mga braso nito
"hoy Fransisco Juan lubayan mo nga ang asawa ko!!" �tulak ni Yannie sa kanya kaya naman nagtawanan
na kaming lahat.
Maya-maya lang din, nag simula na kaming manuod ng movie. Ang napag tripan nilang panuorin ay The
Ring, yung Japanese version pa kaya naman nakakatakot talaga. Sa totoo lang mahina ang sikmura ko sa
mga horror films kaya naman habang nanunuod kami eh takot na takot ako. Nakita kong yakap yakap ni
Rence si Kryzel habang yakap yakap naman ni Nico si Yannie. Sa kabilang side naman, nakayakap si
Stephen kay Naomi habang nakayakap si France kay Stephen.
Napatingin ako bigla kay Drew at nagulat akong nakatingin din siya saakin kaya naman sabay naming
iniwas ang tingin namin sa isa't isa.
Seryoso, sa panahong ito gusto kong sabihin kay Drew na payakap ako tutal nagpapanggap naman kami.
Tokwa kasi natatakot talaga ako T____T
Kumuha na lang ako ng isang unan sa sofa ni Stephen at niyakap ito hanggang sa matapos ang movie.
Afer magkasawaan sa pag mo-movie marathon, napagisipan naman namin na maglaro ng truth or dare.
Pare-pareho din kasi kaming trap sa unit ni Stephen dahil biglang buhos ng malakas na ulan.
Naglagay kami ng bote sa gitna then ini-spin naman ito ni France at sakto, tumapat kay Naomi
"dare"
�
"ayun oh! Magbigay ka ng isang sweet na message kay papa Stephen then afer that i-kiss mo siya! o
yanlalu madali lang yan ah!"
Napatigin ako kay Drew bigla at nakita kong nakangiti lang siya.
"teka bat kailangan ng kiss? Magagalit si kuya Nico! Di ba kuya?" �sabi ni Naomi
�
"ok lang bunso basta si Stephen ang ikikiss mo!"
"oh ayun naman pala ati! Walang maarte!"�pag kantyaw ni France sa kanya
"oo nga naman babes! Sus ilang beses narin naman tayo nag kiss eh!"
�
Hinampas ni Naomi si Stephen habang pulang pula naman ang mukha niya
"a-ayoko! Pass!"
"walang madaya ati! Gora ka na at ikiss si papa Stephen kung ayaw mong ako ang mag kiss sa kanya!"
"oh babes narinig mo yun? payag ka bang maka share si France sa labi ko?" �?sabi ni Stephen kay Naomi
habang nagpapaawa epek
"heh! Atribidang bakla! Sige na eto na!"�pumunta si Naomi sa harap ni Stephen at hinawakan niya ang
kamay nito "Stephen, pen-pen ko, babes ko. Alam mo ba ang gwapo gwapo mo pero nakakaasar yang
kagwapuhan mo!"
"I love you too babes"�sabi ni Stephen matapos nilang mag kiss ni Naomi
Lahat nag hiyawan at kinantsawan yung dalawa. Napatingin ako kay Drew na nakikikantsaw din sa kanila
pero kitang kita ko sa mata nito ang sakit.
"ay 6pm na pala? Naku kailangan ko ng mauna at may importante akong gagawin" �sabi ni Drew
"ah ako din una na. Sabayan ko na si Drew. Salamat sa time niyo" �paalam ko sa kanila at bago pa sila
makapag react, nagmadali na akong lumabas ng unit ni Stephen at hinabol ko si Drew.
Nakita kong naglalakad siya sa gitna ng ulan papunta sa park. Hindi na ako nag dalawang isip pa at
sinundan ko siya kahit na wala akong payong
"ayoko"
�
Humarap si Drew saakin at kahit umuulan, alam na alam kong may mga luha na bumabagsak sa mata
niya
"ano ba Jeanell? Bakit ba ayaw mo kong layuan?! Nasasaktan kita di ba?! Mahal mo ko pero hindi ko
kayang maibalik yung pagmamahal mo saakin! hayaan mo na kong ganito! Kung patuloy kang mag-aalala
saakin, patuloy ka lang masasaktan!"
"hindi! Ayoko drew! Hindi! Hindi kita lalayuan! Wala naman kwenta ang nararamdaman ko eh! Ok lang
na masktan ako Drew! Gusto ko lang na nasa tabi mo ko! gusto ko lang na kahit sa simpleng bagay
napapangiti kita! Please Drew, wag mo ialis saakin yun. Please? Bilang kaibigan" �I took one step closer
to Drew�"mag open ka ulit saakin. sabihin mo ulit yung mga hinanakit mo. Share your pain to me,
please? Wag mo ng solohin yan dahil mas nasasaktan ako pag nakikita kitang ganyan"
Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Drew ang braso ko at hinatak niya ako papalapit sa kanya
atsaka ako niyakap ng mahigpit.
"Jeanell, bakit ganun? Bakit ang sakit? Masaya na ang taong mahal ko. Di ba dapat masaya narin ako?
Pero bakit patuloy parin ako nasasaktan?"
Niyakap ko pabalik si Drew. Niyakap ko rin siya ng mahigpit at hinayaan ko siyang umiyak sa mga braso ko
habang ako, patuloy din ang pagbagsak ng luha ko.
Oo Drew alam ko masakit. Nararamdaman ko kung gaano ka nasasaktan. Kung pwede lang na ilipat lahat
ng sakit nay an sa puso ko para ako na lang ang mahirapan at hindi na ikaw eh matagal ko ng ginawa.
Pero eto ako, tanging yakap lang ang kaya kong maibigay para sayo.
Kasi naman eh, sana kalimutan mo na si Naomi, sana saakin ka na tumingin, sana ako na lang ang
pansinin mo at sana ako na lang ang mahalin mo.
***
Chapter 2
[Jeanell's POV]
"here"�inabutan ko si Drew ng face towel then ipinunas niya naman ito sa mukha niya. Tumabi ako sa
kanya at pinunasan ko narin ang basa kong buhok.
Medyo matagal kaming nakatayo sa gitna ng ulanan ni Drew kanina kaya naman basang basa ang buo
naming katawan. Medyo matagal kasi bago kumalma si Drew kanina. Nakayakap lang siya saakin nun at
umiiyak. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya kanina, ramdam na ramdam ko kung gaano siya
nasaktan.
Nung medyo kumalma na siya, naghanap kami ni Drew ng pwedeng masilungan at saktong sakto
nakakita kami ng tianggian dito at mura lang ang mga damit.
"buti na lang may nakita tayong tiangge dito at nakabili tayo ng pampalit" �sabi ni Drew
saakin�"pasensya ka na Jeanell ah? pati tuloy ikaw nabasa din ng ulan"
"ano ka ba! Wala yun no! tsaka isa pa hindi naman kita kayang pabayaan eh" sabi ko kay Drew sabay iwas
ng tingin sa kanya
Nagulat naman ako ng biglang hawakan niya ang kamay ko �"salamat ah? Salamat dahil lagi kang
nandiyan sa tabi ko.."
"w-wala yun"
"alam mo sa totoo lang, sayo ko lang nasasabi lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko kasi magawang mag
open sa iba dahil alam ko na ang sasabihin nila. Malamang ang sasabihin nila, napaka tanga ko para
patuloy parin mahalin si Naomi at dapat mag move on na ko. Pero sa totoo lang, napaka daling sabihin
ng mga katagang yun pero pag ikaw na ang nasa ganitong sitwasyon, ang hirap pala. Kung madali lang
mag move on eh why not di ba? sino ba naman ang gustong masaktan ng paulit ulit? Ang problema kasi,
kung sobra mong minahal ang isang tao, mahihirapan kang itapon ang nararamdaman mo sa kanya"
Napa buntong hininga ako sa sinabi ni Drew then nginitian ko siya �"siguro kaya hindi kita sinasabihan
na mag move on ka kasi in some ways naiintindihan kita. Ang salitang move-on ay napaka daling bitiwan
pero para sa mga taong sobrang nagmamahal, napaka hirap nitong gawin. Siguro nga kung madali lang
gawin yan wala ng tao ang nasasaktan dahil sa pagibig"
Tinignan ko si Drew na kasalukuyang naka tingin sa may langit habang pinapanuod niya ang unti-unting
pagtila ng ulan. Inilahad ko ang palad ko at hinayaang mabasa ito ng mga patak ng ambon.
"alam mo Jeanell, minsan ang sarap maligo sa ulan habang umiiyak ka. Hindi dahil natatago mo yung
luha mo pero dahil minsan parang ang sarap ipatangay sa ulan ang lahat ng nararamdaman mo" �sabi
niya saakin habang patuloy parin niyang tinitignan ang langit
"pero minsan hindi yung ulan ang nakakapagpaalis saatin ng sakit kundi yung taong dumating na may
dalang payong at sinilungan ka"
Nakita kong medyo ngumiti si Drew dahil sa sinabi ko "mahanap ko pa kaya ang taong mag aalis saakin
ng sakit na to?"
Hindi ko sinagot ang tanong ni Dew but instead, tinignan ko lang siya.
�
Hay kaso mangyayari ba yun samantalang si Naomi parin ang mahal mo? Kung pwede nga lang itulak ko
si Naomi palabas diyan sa puso mo at ipagsiksikan ang sarili ko ginawa ko na. Para pareho tayong masaya
at wala ng nasasaktan. Kaso hindi.
Bigla naman nag flashback sa isip ko yung mga sinabi saakin dati ni Naomi.
�
"Jeanell, kung merong tao ang makakapagpasaya sa kanya, tingin ko ikaw yun. Please be there for him.
Gawin mo ang mga bagay na hindi ko nagawa sa kanya. Mahalin mo siya ha? and don't ever hurt him.
Masyado ko na siyang nasaktan at ayokong may manakit ulit sa kanya. Please?"
"ako nga ang mahal niya but he told me na sayo siya masaya"
Parang bigla akong natauhan sa naalala ko. Saakin masaya si Drew? Napapasaya ko ba talaga siya?
Siguro nga hindi ko kayang tapatan si Naomi sa puso niya pero meron parin akong kayang gawin para
pasayahin si Drew. Siguro kahit saglit lang kaya kong alisin ang sakit na nararamdaman niya.
Bigla akong napatayo at hinila ko si Drew
"Ah J-jeanell---?"
"hay naku! Wag na tayong mag mukmok no! tara mag laro sa arcade?"
"h-ha?"
(Arcade)
"ang daya mo! bakit lagi kang panalo! Dinadaya mo ko!" �pag aalboroto ko sa kanya.
"hahahaha ang pandak mo kasi"�pang aasar naman niya habang tina-tap niya ang ulo ko
Naglalaro kasi kami ng basketball dito sa may arcade and laging pasok yung shoot niya samantalang
saakin laging sablay. Ang matalo pa naman manlilibre ng dinner sa mcdo T___T
Nakalimutan ko atang varsity ng basketball ang kinalaban ko >__<
"sige na nga!" sabi ko sa kanya ng masama ang loob. Umasa kasi talaga akong mananalo ako sa kanya.
Madaya T___T
"oh bat ganyan ang itsura mo? para kang nalugi!" �sabi niya habang tatawa tawa
"tse!"
"hahaha ihanda mo na yang bulsa mo, ililibre mo ko ng one piece chicken with rice, coke float, large fries,
burger.. uhmm ano pa ba?"
Hinampas ko ng mahina ang braso niya�"madaya ka kasi! Dinaya mo ko! hindi ka fair! Napaka tangkad
mo!" >___<
"uy joke lang yun!"�habol naman niya saakin tapos bigla niya akong hinatak palapit sa kanya at niyakap
ako
"D-drew.."
"joke lang yun. Hehehe ako na manlilibre sayo because I owe you something"
Halos mag blush naman ako sa kinatatayuan ko. Anak ng pating! Kanina nung yakap yakap ko si Drew
habang umiiyak siya, hindi ako nakaramdam ng kilig. Pero bakit ngayon halos himatayin na ako?
Biglang humiwalay si Drew sa pagkakayakap saakin tapos hinawakan niya ang kamay ko �"tara laro pa
tayo doon?"
"ah s-sige.."
Naglibot libot kami ni Drew sa loob ng arcade house habang hawak hawak niya ang kamay ko. Sa totoo
lang para akong matatae na ewan dahil sa nararamdaman ko. Ang sarap kasi sa pakiramdam na hawak
hawak niya ang kamay ko eh. Bakit ba ganun? Hawak pa lang niya eh nagkakaganito na ko. Paano pa kaya
kung halikan niya ko?
Halos panlambutan ako ng tuhod sa thought na hinahalikan ako ni Drew kaya naman napahawak ako
bigla sa railings na nadaanan namin.
"oh Jeanell ayos ka lang ba?!" gulat na tanong ni Drew habang nakaalalay siya saakin.
Anak ng tokwa Drew, wag mo kong hawakan kung ayaw mong mas panlambutan ako dito >__<
Lumapit kami ni Drew doon at nakita naman namin sa gitna na may isang crew doon na naka mic at may
hawak hawak siya na isang box na may lamang necklace.
"Para sa mga couples diyan, sali na po kayo! Paramihan lang po ng masho-shoot na bola dito sa
basketball ring. Doon po sa may pinaka maraming numbers na nai-shoot ay maiiuuwi niyo po itong
bagong bagong design na couples necklace!"
Tinignan ko yung necklace na pinakita nung crew
"gusto mo?"
"doon po sa mga sasali, punta na po kayo sa harap! First five lang po ang tatanggapin namin" �sabi nung
crew sa harap
Bigla naman akong hinila ni Drew at dali-dali kaming pumunta sa harap.
"ok complete na ang pairs natin!" tumingin saamin yung crew �"couples madali katulad ng sinabi ko sa
inyo, padamihan lang ng masho-shoot na bola sa ring pero si boyfriend lang dapat ang mag sho-shoot!
Bawal tulungan ni girlfriend. So mga boyfriend, kailangan nating magpakita ng effort kay girlfriend para
mabigyan niyo siya nitong napaka gandang couples necklace! Girlfriend, bigyan naman natin ng moral
support si boyfriend para mas lalo silang ganahan!"
Napatingin ako kay Drew. Talagang sumali kami dito samantalang di naman kami couple? Napatingin ako
doon sa mga ibang contestants
"go baby kaya mo yan!"�sabi nung babaeng katabi namin doon sa boyfriend niya
"sure baby! I'll get that necklace for you!"�afer that, bigla naman silang nag kiss sa harapan ko.
"oh ang sweet nung contestants number 4 oh! Other couples gayahin niyo sila! Give your partner a
goodluck kiss!"�sabi nung crew
Nagkatinginan naman kami bigla ni Drew at agad naming iniwas ang tingin namin sa isa't isa. Ano ba ito,
ang akward. T___T
Ginawa ko, nilahad ko na lang ang kamay ko kay Drew �"good luck" sabi ko sa kanya
Anak ng tokwang crew to oh! Hindi pa nagsisimula ang game eh pinahihirapan na agad kaming dalawa ni
Drew =__=
Nagulat ako ng biglang umakbay saakin si Drew �"hehe masyadong shy ang girlfriend ko eh" �sabi niya
Napatingin naman ako bigla sa kanya. Girlfriend? Bigla akong napangiti. Alam ko namang sinabi lang yun
ni Drew para makasali kami dito pero hindi ko maiwasang hindi kiligin.
Girlfriend?
"kung shy si girlfriend edi si boyfriend ang mag kiss!" �sabi ni crew
Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko kasi bigla na lang akong hinalikan ni Drew sa pisngi. Afer that,
pumunta na siya sa may ring para maglalo.
Para tuloy huminto bigla ang mundo ko. Halos hindi mag sink in sa utak ko ang nangyari. Napahawak na
lang ako sa pisngi ko habang natulala ako. Nagstart na ang game pero ayaw parin mag function ng
maayos ang utak ko. Basta alam ko lang eh nakaka rinig ako ng mga cheers habang ako ay nakatayo lang
at nakahawak sa pisngi ko.
Sinabi ni Drew na girlfriend niya ako at hinalikan pa niya ako sa pisngi. ��Alam ko lahat ng ito
pagpapanggap lang pero wala akong paki. Masaya ako ngayon. Masayang masaya.
Hindi ko maialis ang kamay ko sa pisngi ko dahil ramdam na ramdam ko parin ang mga labi ni Drew dito.
Hindi na ko masyadong aware sa mga nangyayari basta ang alam ko eh sa sobrang kakiligan ko, natulala
na lang ako. The next thing I knew is nakatayo na si Drew sa harapan ko habang hawak hawak yung box
na pinaglalagyan nung couples necklace
I was back to reality ng marinig ko ang boses ni Drew habang binabalandra na niya sa harap ko yung
necklace
"nanalo tayo? Nanalo tayo?! Talaga! Uwaaaaaaaaa!!" nagtatalon naman ako doon na parang
sira�"panalo tayo!! Panalo tayo!!"
"grabe ngayon ka lang nag cheer saakin kung kelang tapos na yung game! Nakatulala ka lang kanina! Ano
bang nangyari sayo?"
Bigla naman akong namula sa tanong ni Drew �"ah w-wala lang!" �para ma-distract siya, kinuha ko
yung necklace�"ang ganda naman nito! Kaso may naka engrave na �love' sa necklace. Paano natin to
gagawing friendship necklace?"
"hmm bakit love ko naman ang best friend ko ah?" �sabi niya saakin �"ikaw ba?"
Nginitian ko siya�"oo naman. Love kita"�� yun nga lang hindi bilang best friend.
Kinuha ni Drew yung necklace at sinuot niya saakin then sinuot din niya yung isa pang necklace
"bawal hubarin kundi masisira ang friendship natin" �sabi niya saakin
"oo naman!"
Tumango lang ako then nagikot ikot pa kami sa arcade. Marami din kaming nagawa ni Drew sa loob.
Nung medyo napagod na kami, naupo lang kami sa isang bench doon habang pinapanuod namin yung
mga kumakanta.
"sorry ha?"
"kasi ang dami kong atraso sayo. Kahit na nahihirapan ka, hindi mo parin ako iniwan. Kahit ilang beses
kitang iniwasan noon, hindi mo parin ako inabanduna at lagi kang nandiyan para pangitiin ako. Jeanell,
bakit ba ang bait bait mo saakin? bakit ba sa dinami-dami ng lalaki sa mundong to eh sa tangang tulad ko
pa ikaw nagkagusto?"
"kasi ikaw si Drew. Nakatatak na sa puso ko na ang lalaking mamahalin ko ay si Drew at wala ng iba"
"i-I'm really sorry Jeanell.. kung hindi ko man maibalik sayo yun"
I punched him lightly "sabi ko naman sayo hindi ako umaasa eh ang kulit mo lang! masaya na kong best
friend mo no!"
Nginitian naman niya ako�"thank you Jeanell"�ibinalik naman ni Drew ang tingin niya doon sa
kumakanta "alam mo ba dati nagpunta din kami ni Naomi dito? Kinantahan din niya ako diyan. Sorry ah?
kada kasi pumupunta ako sa lugar na to yun ang naalala ko"
Napatingin din ako sa kumakanta at hindi na ako nag dalawang isip pa, bigla na lang ako tumayo
Hindi ganung kaganda ang boses ko katulad ng kay Naomi. Pero sana, sapat na ang nararamdaman ko
para maikanta ko ng maayos itong kantang to para kay Drew.
Umakyat na ako sa stage and kinuha ko yung mic. Narinig ko naman nag start na yung intro ng kanta.
Napatingin ako kay Drew at nakita kong seryoso siyang nakatingin saakin.
Habang kumakanta ako, hindi ko rin inalis ang tingin ko kay Drew at siya din naman, hindi niya iniwas ang
tingin niya saakin. Siguro hindi ko man masabi ng maayos ang nararamdaman ko, pero sana, sa
pamamagitan ng kantang to ay kahit papaano eh maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal.
Yes, Drew still and will always be the one holding the key in my heart. Kaya siguro naiintindihan ko si
Drew kung bakit hirap na hirap siyang mag move on kay Naomi kasi ako din ganoon. Kahit anong pilit ang
gawin ko, hindi ko magawang mag move on.�
Kahit ipagtulakan niya ulit ako, kahit sabihin niyang ayaw na niya akong masaktan ng dahil sa kanya at
mas mabuti pang hindi na kami mag usap, hindi parin ako aalis sa tabi niya. Kahit ilang beses kong makita
kung paano siya masaktan ng dahil kay Naomi, hindi ko siya iiwan.
Tinitigan ko ulit si Drew at hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil bigla na lang bumagsak ang luha sa
mata ko.
"buti naman!"
Napangiti na lang ako bigla. Naalala ko kasi mga nangyari kahapon sa arcade house. Afer kong kumanta,
wala namang sinabi saakin si Drew nun but instead pinunasan niya lang ang luha sa mata ko at niyakap
niya ko ng mahigpit. Afer that, kumain lang din kami sa mcdo, syempre libre niya. Tapos inihatid na niya
ako nun sa bahay. Pero afer kami maghiwalay nun, may sinabi siya saakin na hindi ko inasahang
sasabihin niya.
�
"Jeanell, promise, hindi na kita lalayuan"
Afer niyang sabihin yun, tumalikod na siya at sumakay ng jeep. Halos lumundag naman ang puso ko ng
dahil sa sinabi niya.
"Ms. Jeanell Montemayor"�bigla akong natauhan ng may tumawag saakin at nakita ko may isang
lalaking nakatayo sa harap ko. Mukhang varsity din siya ng basketball kaso parang ngayon ko lang siya
nakita
"bakit?"
"h-huh?"
Nginitian ako nung lalaki tapos nilahad niya yung kamay niya �"I'm Vin Lince, bago akong varsity ng
basketball team"
Nakipagkamay naman ako kahit na wi-weirduhan ako sa isang to "hehe nice meeting you"
"anyways kaya ako sumali sa team kasi nabalitaan kong lagi nilang kasabay ng practice ang pep squad at
nasa pep squad kasi yung babaeng matagal ko ng gusto. You want to know her name?" �bago pa ako
makapag react ay bigla na lang lumapit saakin si vin at binulungan ako �"it's Jeanell"
"a-anong--??"
"see you around Jeanell! By the way, starting today liligawan na kita!" �nag wave siya saakin tapos
tumakbo na paalis while leaving me here with my mouth hanging open.
OK?
***
Chapter 3
*Vin Lince *
[Jeanell's POV]
Two weeks na simula ng may isang abnormal na lalaki na nagpakilala saakin at nagtapat na gusto niya
ako at ngayon ay nililigawan na niya ako kahit hindi naman ako pumayag. Nung una sa sobrang yamot ko
ay nasigawan ko siya na itigil na niya ang ginagawa niya dahil una pa lang ay hindi ko siya pinayagang
manligaw. At ang sagot niya?
"hindi naman ako nagpaalam sayo na liligawan kita ah kaya wala akong paki kung pumayag ka man o
hindi kasi nasasaakin ang desisyon kung kelan ako dapat tumigil" �nakangiting paliwanag niya saakin
"Edi pag naging girlfriend na kita. Ay wait, ipagpapatuloy ko pala ang panliligaw kahit girlfriend na kita.
Siguro pag hindi na kita mahal tsaka ako titigil"
Di ba nakakabadtrip? Napakalakas ng fighting spirit niya!! Araw, tanghali, hapon, gabi ginugulo niya ako!
Todo effort siyang magpapansin! Lagi niya akong binibilhan ng breakfast sa umaga! Lagi niya akong
sinasamahan mag lunch sa tanghali! Lagi niya akong dinadalhan ng meryenda sa hapon at lagi niya akong
hinahatid paguwi!
Araw araw nakakatanggap ako ng rose sa locker ko galing sa kanya. Araw araw nag tetext siya ng sweet
na message saakin.
� sa sarili ko.
Kasi kada ginagawa ni Vin yun, iniisip ko na sana siya na lang si Drew. Hanggang ngayon, mukhang Drew
pa rin ako!
Bwisit naman na lalaki yan eh! parang linta kung makadikit sa puso ko! ang hirap alisin! Kung meron nga
lang sanang asin na dala si Vin edi sana nilagyan na niya ng asin ang lintang nakadikit sa puso ko ng
tuluyan ng mamatay ito dito.
Hay.
"wow! Edi maganda! Gwapo si Vin, maganda ka! Alam mo Jeanell bagay kayong dalawa sa totoo lang.
Why don't you give him a chance? Malay mo siya na ang lalaking para sayo"
Matapos niyang sabihin yun saakin, huminga ako ng malalim at isinigaw ang mga salitang to sa kanya:
"EH TANGA KA PALA EH!!! WALA NG IBANG LALAKING PARA SAAKIN KUNDI IKAW LANG! BOBO KA BA
HA?! PAANO KO SIYA MABIBIGYAN NG CHANCE KUNG IKAW LANG TONG LAMAN NG BWISIT NA PUSO KO
HA?!?! EH BAKIT BA IKAW! NAPAKA TANGA MO! BAT HINDI MO MABIGYAN NG CHANCE ANG SARILI MO
NA MAHALIN AKO HA?! TAPOS ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA SABIHIN SAAKIN NA BIGYAN KO SIYA
NG CHANCE EH NI IKAW NGA HINDI MO KAYANG GAWIN YUN SASARILI MO!!! BWISEEEEETTTT!!!"
Pero syempre sa isip ko lang lahat ng yun. In reality, binigyan ko lang si Drew ng isang ngiti. Ngiting
nagtatago ng sakit dahil sa mga sinabi niya.
Bakit ba kahit katiting na sign lang ng pagseselos ay di niya pinakita ah? Hay nakakaasar naman eh.
Parang ipinamukha niya saakin na kahit katiting na nararamdaman lang ay wala siya para saakin. As in
wala, zero, ni tuldok wala!
"bakit kasi hindi mo na lang bigyan nga ng chance si Vin? Hindi naman siya mahirap mahalin eh" �sabi
saakin ni Kryzel nung minsan kaming makapag-usap dalawa.
Katulad ng ginawa ko kay Drew, nginitian ko lang siya.
�Chance'
Napaka daling sabihin pero ang hirap gawin. Kung pwede nga lang na burahin si Drew sa puso ko at
ipinalit si Vin edi ginawa ko na.
Hay buhay.
"ay pusa!"�halos mapatalon naman ako sa gulat dahil sa kanya. Paano ba naman kasi, kanina pa ko
nakanganga dito at hindi ko siya napansin sa harapan ko!
"hala di ako pusa!" lumipat siya sa tabi ko at naupo �"gwapong nilalang lang!"
Tinulak ko siya "alam mo, ang yabang mo, ang taas ng self confidence mo, ang hangin mo!"
"pero gwapo kaya naiinlove ka na saakin! siguro kaya tulala ka no kasi iniisip mo ko?" �pang-aasar niya
saakin
Tinignan ko lang siya ng masama.
Tignan niyo tong lalaking to ubod ng yabang! Ni hindi manlang nagpaka humble!! Paano ko siya
magugustuhan eh complete opposite siya ni Drew?!
"sus wag mo na isipin yan"�bigla niya akong hinatak �"tara mag date"
�
"HUH? T-teka mag practice na kami ng sayaw tsaka may practice ka rin ngayon di ba?"
"pero teka--!!"
"huh?"
"perfect!"
�
"na ano?"
Dinala ako ni Vin sa isang park and tinignan ko yung signage sa unahan.
�
"The Adventure Park?"
Nagpunta kami doon sa entrance nung park and nagbayad naman si Vin ng entrance fee na 1000 para
saaming dalawa.
"huh?"
Pumasok kami sa loob ng park at naglibot libot. Halos manlaki naman ang mata ko dahil sa nakikita ko.
Kaliwa't kanan puro mga rappelling, zipline, rock climbing at may bungee jumping pa akong nakikita.
�
"ayoko!!! Ayoko!! Ayoko!! Never akong susubok sa mga yan! Ayoko!!"
"oh come on Jeanell! Sayang ang 500 na entrance ko para sayo oh"
"heh! Kakasabi ko lang kanina sayo na takot ako sa heights di ba?! ayoko! Ayoko talaga!"
Pumunta sa harapan ko si Vin at hinawakan niya ako sa magkabilang braso "kaya nga tayo nandito �para
i-conquer natin yung fear of heights mo eh"
"heh! Ayoko i-conquer to no kaya bahala ka na diyan! Uuwi na ko! bye bye!" �nag wave ako sa kanya at
tumalikod kaya lang bigla naman niya ako hinila babalik
"paano mo malalaman kung gaano kasarap ang isang bagay kung pangungunahan ka ng takot at pag
aalinlangan?"�hinarap ako ni Vin at nakita ko na seryoso siya "paano lalakas ang loob mo kung umpisa
pa lang eh umaayaw ka na?"
"t-teka.. kasi.."
"trust me Jeanell, sa bawat gagawin natin, kasama mo ko dito. Di kita iiwan o pababayaan. Hindi kita
pababayaan, promise. Trust me ok?"
Halos mapanganga na lang ako kay Vin because he look so sincere at pakiramdam ko parang hindi yung
about sa pag ra-rappelling ang tinutukoy niya.
Parang sinasabi niya saakin na ipagkatiwala ko yung puso ko sa kanya and he'll never hurt me.
"Jeanell? Please?"
Nakita ko din na ngumiti si Vin at kitang kita ko ang saya sa mukha niya "yes! Oo naman! Hindi kita
papabayaan promise!" kinuha niya ang kamay ko then nag lakad kami papunta doon sa mga nag ra-
rappelling.
Meron doon na isang parang tower then may sampung �floors siya. Depende sayo kung anong floor mo
gusto mag simula. Syempre dahil medyo takot pa ko, doon muna kami ni Vin pumunta sa pang third na
floor.
Nung makaakyat na kami, pinapili naman kami doon ng crew kung anong klaseng rappelling style yung
gusto namin. Meron kasing iba't ibang klase ng style and pinili ko yung pinaka basic lang kung saan
patayo akong mag ra-rappell. Si Vin naman gusto itry yung pa-eagle style kung saan para siyang
nakadapa na nag ra-rappell. Medyo nakakatakot at feeling ko pag ginawa ko yun ay malulula ako.
Dahil sa aalalayan ako ni Vin, ginawa na muna namin yung basic na rappelling. Sabay kaming ibababa
nung crew sa may bintana nung tower kaso nakababa na si Vin, ako naman pinangunahan ako ng takot.
�
"hindi po kayo mahuhulog ma'am! Kaya niyo yan!"
"Jeanell! Bumaba ka promise mage-enjoy ka!"�dinig kong sigaw ni � Vin �"trust me ok?"
Huminga ako ng malalim at ipinikit ko ang mga mata ko atsaka ako nagpatihulog sa may bintana.
Naramdaman ko na lang na wala na akong inaapakan at tanging lubid na lang ang umaalalay saakin para
di ako mahulog. Dinilat ko yung mga mata ko then tinry ko sipain yung pader nung tower para mas
mapabilis ang pagbaba ko.
Actually kahit natatakot ako, the moment na nagpatihulog ako, doon ko naramdaman na ang sarap pala
sa feeling na mag rappelling. Para kang lumulutang na ewan. Akala ko lang nakakatakot pero in the end
nakaka enjoy pala.
Dahil sa nag enjoy ako, ginawa naman namin ni Vin yung eagle style then umakyat pa kami ng isang floor
hanggang sa makarating na kami doon sa pinaka mataas na part. Afer naman ng rappelling, sinubukan
naming ni Vin yung zipline and sobra din akong nag enjoy doon. Yung park kasi na to is parang pa-jungle
style siya kaya naman sobrang ganda nung paligid habang nag zi-zipline kami.
Bukod sa rappelling and zipline, pwede rin mag kayaking dito kaya naman nung medyo napagod kami ni
Vin, ayun naman ang tinry namin dalawa.
All in all, hindi ko alam na mage enjoy ako ng husto ngayon. Parang kanina lang grabe ang takot ko sa
heights, pero ngayon enjoy na enjoy ko na ang mga activities na may kinalaman sa heights.
Nung medyo pagabi na, kumain kami ni Vin sa restaurant sa loob ng park. Parang nasa tree house yung
restaurant and ang ganda nung view.
"ayan dahil hindi ka na takot sa heights, pwede ka na mag pahagis ngayon pag nagsasayaw kayo sa pep
squad"�sabi ni Vin saakin habang kumakain kami
Medyo natawa naman ako "bat mo alam na ayaw kong nagpapabuhat at nagpapahagis pag may cheering
competition kami ha?"
"ha? wala hula ko lang. ikaw kasi yung tipo ng magbubuhat eh kasi ang taba mo!
hahahahahahahahahhaa"
"de joke lang to naman!"�bawi niya sa sinabi niya �"syempre ako kaya number 1 stalker mo!"
�
"dahil ikaw si Jeanell.."
Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Vin ang kamay ko "seryoso ako doon. Nagustuhan kita dahil
ikaw si Jeanell. Siguro hindi mo ako napapansin dati pero maniwala ka, matagal na kitang napapansin.
Nakikita ko kung ano ang nagpapasaya sayo� at kung sino ang nagpapaiyak sayo Jeanell. Kada makikita
kitang umiiyak, gusto kitang yakapin. Jeanell, sana katulad ng ginawa natin ngayon, sana, sana wag ka ng
matakot na ibigay ang puso mo saakin dahil pangako, hindi kita paiiyakin o sasaktan. Please Jeanell,
pwede bang ako na lang ang mahalin mo?"
Napatitig lang ako kay Vin dahil sa mga sinabi niya. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko dahil
parang nadurog ang puso ko sa mga narinig ko.
"pwede bang ako na lang ang mahalin mo?"
Parang ganyang-ganyan din ang sinabi ko dati kay Drew. Paulit-ulit na sana ako na lang ang mahalin mo,
sana saakin ka na lang tumingin, sana ako na lang ang pansinin mo. Pero wala, hindi ako napagbigyan.
Hindi niya ako nagawang mahalin samantalang ang lalaking nasa harap ko ngayon mahal ako.
"j-jeanell b-bat ka umiiyak? Nabigla ka ba? Sorry kung nabigla kita ah? sorry talaga!"
Pinunasan ko yung luha sa pisngi ko at tinignan ko si Vin �"s-si Drew ang mahal ko"
Umiwas siya ng tingin saakin at kita ko ang sakit na naramdaman niya dahil sa sinabi ko.
"p-pero pwede bang subukan kong mahalin ka? Pwede mo ba kong tulungan Vin? Please turuan mo ang
puso ko.."
Biglang napatingin saakin si Vin at nakita kong napalitan ng saya ang mukha niya "J-jeanell, t-totoo ba to?
Are you really giving me a chance?"
Siguro nga tama na to. Ayoko ng maging miserable. Ayoko ng masaktan. Pipiliin ko na ngayon ang tama at
yun ay ang mag move on ako.
Siguro nga tama narin na ibuhos ko ang attention ko sa taong totoong nagmamahal saakin.
***
Chapter 4
*New heartbeat*
[Drew's POV]
"uy Drew alam mo ba na nag date ngayon si Jeanell at si Vin?" �tanong saakin ni Kryzel habang nakaupo
siya sa bleachers at pinapanuod akong mag practice ng basketball mag isa
"grabe feeling ko nagkakamabutihan na yung dalawa" �pagpapatuloy niya habang tuloy tuloy lang ako
sa paglalaro ng basketball
"kasi naman itong si Vin, mabilis pumorma. Kung gusto niya ang isang tao, hindi na siya nagpapaka
indenial pa, wala ng dala-dalawang isip! Liligawan na niya agad at gagawin ang lahat maipakita lang ang
pagmamahal niya dito!"�sabi ni Kryzel saakin.
Dinedma ko parin siya at tuloy tuloy lang sa pag dribble ng bola. I attempted to shoot the three points
shot at pumasok yung bola sa ring!
"kita mo yun? pasok ang three points shot ko!" �pagmamayabang ko kay Kryzel
Tumayo si Kryzel sa kinauupuan niya at lumapit saakin habang nakasimangot �"Mr. Drew Fernandez
nakikinig ka ba saakin ha?!"
"huh?"
Bigla na lang napa-face palm si Kryzel "you're hopeless really! What I'm trying to say is �" �huminga
siya ng malalim�"HAHAYAAN MO NA LANG BA MAWALA SAYO SI JEANELL HA?! HAHAYAAN MO NA
LANG BA SIYANG MAPUNTA SA IBANG LALAKI?!?!"�sigaw ni Kryzel ng pagkalakas lakas na feeling ko eh
dinig hanggang sa labas ng university namin ang boses niya.
Napatakip naman ako bigla ng tenga dahil sa pag sigaw ni Kryzel �"relax ka lang! bat galit na galit ka
saakin?!" =___=
"nakakaasar ka kasi!" lumapit si Kryzel saakin�"tell me Drew, wala ka ba talagang nararamdaman para
kay Jeanell?"
"hay naku Drew, kung ako sayo pagisipan mo maigi kung ano ba ang tinitibok ng puso mo. Mamaya
magsisi ka sa huli. O siya alis na ko. Nandiyan na si Rence at inaantay ako. Bye bye"
Tinalikuran na ako ni Kryzel at tuloy tuloy siyang lumabas sa gym habang ako naman ay naiwang mag isa
doon.
I tried shooting a three points shot again but this time, sablay na ang tira ko. Nahiga ako sa sahig.
"kung ako sayo pagisipan mo maigi kung ano ba ang tinitibok ng puso mo. Mamaya magsisi ka sa �huli"
Ano ba kasi talaga ang tinitibok ng puso ko? ano ba talaga? Pumikit ako at naalala ko yung time na sinabi
saakin ni Jeanell na nililigawan siya ni Vin. Sa totoo lang parang kinabahan ako na ewan nung sinabi
saakin ni Jeanell yun. Hindi ko nga lang alam kung dahil natatakot akong mawala saakin ang bestfriend ko
o naiinsecure ako dahil baka magmahal na ng iba si Jeanell. Pero naisip ko, ayoko namang magpaka
selfish. Oo alam ko dadating din ang araw na makakapag move on si Jeanell at makakahanap siya ng
lalaking magmamahal sa kanya but I didn't expect it to come this soon.
Hay siguro nga masaydo lang akong nasanay na ako ang mahal ni Jeanell at lagi siyang nandiyan para
saakin kaya siguro ako nagkakaganito.
Kung pipigilan ko si Jeanell, hindi ba masaydo akong magiging selfish? Ilang beses ko ng nasaktan si
Jeanell and it's about time na sumaya na siya. Isa pa tingin ko naman hindi naman siya pababayaan ni
Vin.
Well I guess? Hindi ko naman masaydong close si Vin at hindi ko alam kung paano siya makitungo sa
babaeng gusto niya. Pero kung ang pagbabasihan ko ay yung paglalaro niya ng basketball�
Aggressive?!
Biglang may naimagine ko kung ano ang ginagawa nila Vin ngayon.
~~~~~~~~~~~~~~~
"edi gagawin kitang ready!"�sabay hatak kay Jeanell at dahang dahang naglalapit ang mukha nila �
~~~~~~~~~~~~~~~~
Napatayo ako bigla sa imagination na yun! Bwisit naman! Bat ba ganun agad ang pumasok sa isip ko
>___<
Ano pa ba katangian ni Vin? Hmm, medyo mainitin din ang ulo niya bilang manlalaro. Pag hindi niya
nakukuha yung bola, madali siyang madistract dahil sa init ng ulo niya.
~~~~~~~~~~~~~~~~
~~~~~~~~~~~~~~~~
Napailing naman ako. Ano ba tong imagination ko masyadong wild?!
Pero kahit aggressive at mainitin ang ulo niya, he value teamwork. He's a good team player!
~~~~~~~~~~~~~~~~
"guys! Pagtulungan nating dalhin ang babaeng to sa bahay natin! Team work tayo"
*high five*
~~~~~~~~~~~~~~~~
BWISET! Lahat ba ng papasok sa isip ko puro masasamang bagay? Wala bang maganda? Nakakainis!!!
Tsaka bat ko ba kailangan ikumpara ang paglalaro ni Vin ng basketball sa pakikitungo niya kay Jeanell!
Malamang naman siguro ay magkaibang bagay yun!!
Pero paano nga kung ganun talaga ang ginagawa ni Vin? Paano kung sinasaktan nga niya si Jeanell?
Paano.. paano kung pinagpaplanuhan na niyang gahasain ang best friend ko?! O____O
Dali-dali akong tumayo at nagpalit ng damit. Madalian kong inayos yung mga gamit ko at tumakbo ako
papunta sa bahay nila Jeanell. Makita ko lang na nakauwi na siya, makakahinga na ako ng maluwag.
Naku sana naman walang ginawang masama si Vin kay Jeanell. =___=
Nung makarating ako sa kanila, sakto nakita kong naglalakad narin si Vin at Jeanell papunta sa bahay nila
kaya naman bigla akong napatago sa gilid ng poste.
"thank you Vin ah? talagang nag enjoy ako ngayong araw" �sabi ni Jeanell kay Vin
Naramdaman ko naman na may kumikiskis na kung ano sa paa ko kaya napatingin at dito ayun may
nakita akong isang kuting.
"shh!"
�
Tinignan ko ulit sina Vin
"ngyaw ngyaww!"�sabi nung kuting sa may paa ko habang kinakalmot kalmot yung pantalon ko.
Tinabing ko yung pusa. Bwisit, ang kulit kulit!! >__<
"sige bye"�nag wave na si Jeanell sa kanya at tumalikod pero bigla siyang hinila ni Vin
"wait!"
At talaga nga naman! Kailangan i-kiss na agad sa cheeks eh first date pa lang nila yun?! aggressive nga
talaga ang Vin na to! >___<
"ngyaaw.. ngyaaaaw.."
"O-ok lang y-yun. Salamat din"�sabi ni Jeanell at halatang namumula siya. Wag mong sabihing kinilig na
siya dun? >__<
"Ay anak ng--!!!"�tinignan ko yung kuting sa may paanan ko na kanina pa nanggugulo saakin �"wala
akong pagkain kahit mag meow ka pa ng mag meow diyan? Mamaya na lang ok? Babalikan kita dito
basta wag ka lang maingay at wag mo na muna ko istorbohin dito!! Busy ako!" >____<
"Drew?"�napatigil ako bigla ng makita kong nasa harap ko na si Jeanell "anong ginagawa mo dito? Tsaka
sino kinakausap mo?"
"oh I see. May pupuntahan ka ba dito? Di ba sa kabilang way yung bahay mo?"
"h-ha?! a-ano eh uhmm ano kasi.. n-nag jojogging ako! Tama nag jojogging kasi ako!" �pagpapalusot ko
sa kanya
"ay ganun? Hehe hindi ko napansin! Sige una na ko" �pag papaalam ko sa kanya
"ok. Ingat ka! Bye bye"�she waved at me tapos pumasok na siya sa loob ng bahay nila
Yun lang yun?! Ni hindi manlang ako niyaya pumasok sa loob ng bahay nila para painumin man lang oh
ano! Samantalang yung Vin na yun niyaya niya?! Napagpalit niya na ko ng ganung kabilis?!
Pero sa itsura nila kanina, mukhang ang saya saya nila. Ok narin siguro si Vin para kay Jeanell. Nakikita
kong aalagaan at mamahalin niya to ng husto. Hindi niya sasaktan si Jeanell at alam ko sasaya ito sa
kanya.
Hindi katulad ko.
Kinabukasan maaga akong nakarating sa gym para mag practice. Wala pa yung ibang ka team members
ko. Malamang eh may mga klase pa yung mga yun. Nagpalit ako ng sweat shirt then lumabas na ko para
mag practice. Nagulat naman ako na may tao na doon sa gym pagdating ko.
"Jeanell?"
"ah oo. Maaga kasi nag dismiss yung last subject class ko"
"oh I see. Ako din eh"�nginitian ako ni Jeanell atsaka niya ko nilapitan �"ikaw talaga hindi ka marunong
magtali ng sintas mo"
"h-ha?"
Yumuko si Jeanell at itinali niya yung sintas ng rubber shoes ko
"salamat Jeanell.."
Tumayo siya then nginitian niya ako "uhmm Drew, a-alam mo ba b-binigyan ko na ng chance si Vin na
manligaw saakin"
Napatingin ako sa kanya nung sinabi niya yun. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng kirot sa
dibdib ko pero hindi ko ito pinahalata kay Jeanell.
"g-ganun ba?"�I fake a smile�"edi maganda! Bagay naman kayo ni Vin eh! sagutin mo na kaya siya" �I
told her half heartedly. Sa totoo lang gusto ko talagang sabihin ang mga katagang yun kay Jeanell ng
bukal sa puso pero bat ganito? Bat hindi ko makuhang maging masaya para sa kanya? Bakit parang
nasasaktan ako sa thought baka ma-fall na rin siya kay Vin?
"naisip ko Drew siguro tama narin talaga para saakin si Vin. Mahal niya ako at lagi niya akong inaalagaan.
Alam ko magiging masaya ako sa kanya"
I just nod at her. Sa nararamdaman ko ngayon, parang ang layo pa bago ako maging masaya ng totoo.
Maya-maya lang din ay nagsidatingan na ang mga ka-team members namin at nagsimula narin ang
practice. Dahil kasabay namin ang practice ng pep squad ngayon, tig kalahati kami ng court. Medyo
malapit narin kasi ang competition ng pep squad pati narin ng basketball team kaya naman todo na ang
pag pa-practice namin.
Nag warm-up muna kami then afer ten minutes ay nagsimula narin kami ng practice game. At kung
mangaasar nga naman, kalaban ko si Vin.
Nag jump ball ang magkabilang captain sa team namin at saktong sakto na saamin napunta ang bola.
Agad kong kinuha ito at nag dribble papalapit sa ring kaya lang napatigil ako bigla sa nakita ko.
Sa kabilang court ay nag pa-practice ng pyramid ang mga pep-squad at si Jeanell yung nasa pinaka
tuktok.
"Drew! Concentrate on the game!"�sigaw ng captain namin pero hindi ko ito pinansin. Binitiwan ko ang
bola at napatakbo papalapit kila Jeanell ng makita konga na-o-out balance na siya at parang mahuhulog
na.
Dali-dali akong tumakbo papunta kay Jeanell at saktong �pagkahulog niya ay bigla ko siyang nasalo.
Pareho kaming napatumba sa sahig. Ako nasa ilalim habang yakap yakap ko sa may dibdib ko si Jeanell na
walang malay. Bigla akong nakaramdam ng sakit sa may ankle ko.
"Drew!! Jeanell! Ayos lang kayo?!"�sigaw ni Vin. Nagsilapitan din ang mga members ng pep squad pati
mga ka-team member ko.
"na twist niya ata ang ankle niya gawa ng pagkakatumba nila! Dalhin na natin to sa
ospital"�naramdaman ko na lang na binubuhat na ako ng mga kasamahan ko at inihiga sa isang
stretcher.
"may bone fracture ka sa may ankle mo and it'll take a month para gumaling" �sabi ng coach ko �"hay,
hindi ka muna makakapaglaro para sa tournament natin. Malaking kawalan ka Drew alam mo ba yun?"
Hindi ko pinansin yung sinabi niya instead, sinubukan kong umayos ng upo �"kamusta po si Jeanell?"
"she's fine. Nawalan lang siya ng malay pero ni-galos wala siya"
Napayuko lang ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya �"s-sorry dahil hindi po ako makakapag laro"
"you don't sound resentful. Nararamdaman ko pang masaya ka dahil ligtas siya"
Hindi ko ulit siya sinagot at kinuha ko yung saklay ko �"k-kakamustahin ko lang si Jeanell"
Naglakad ako palabas ng room ko at para pumunta sa kabilang room kung saan nandun si Jeanell.
Papasok na sana ako sa loob ng makita kong kasama niya si Vin at hawak-hawak nito ang kamay niya.
"Jeanell sure kang ok ka a? wala bang masakit sayo o ano? Ayos ka lang ba?"
Vin nodded
Nakita ko namang ngumiti si Jeanell "salamat ha? salamt Vin sa pagligtas saakin. siguro kung di mo
ginawa yun, malamang eh nadisgrasya na ko"
Hinawakan ni Vin ang pisngi ni Jeanell "hindi ko naman talaga hahayaan na may mangyari sayo eh. I'm
glad ligtas ka�"
Napahinga ako ng malalim dahil sa mga narinig ko. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa sarili ko. Kung
di lang ako ta-tanga tanga edi sana ako rin ang nagdala kay Jeanell sa ospital. Ako sana ang nagbabantay
sa kanya at ako rin ang pinasasalamatan niya.
Pero sa kabilang banda, naisip ko, ayos nadin siguro to. Ang mas mahalaga ay ligtas si Jeanell. Ako man o
si Vin ang nasa tabi niya, ang mahalaga, hindi siya nasaktan.
Yun nga lang, meron parin parte saakin na parang nagseselos at hindi ko alam kung bakit ganito ang
nararamdaman ko.
Naalala ko bigla yung sinabi ni coach saakin
"Drew, kung hindi mo siya mahal edi sana ngayon nagmumukmok ka na dahil hindi ka makakapag laro sa
tournament. Importante tong game na to para sayo pero malaman mo lang na ligtas si Jeanell eh ayos
lang sayong hindi makapag laro"
Mahal? Pagmamahal na ba talaga tong nararamdaman ko para kay Jeanell? Nahulog na ba talaga ko sa
kanya?
Kung oo, isa lang ibig sabihin nito. Malas talaga ako sa pagibig.
Dahil kung kelang nahulog na ko sa taong matagal ng nasa tabi ko, ngayon pa siya mawawala saakin..
***
Chapter 5.1
*man-to-man*�
Chapter 5.1
*man-to-man*
Part 1
[Jeanell's POV]
�
"sinabi niya sayo na siya nagligtas sayo?"
"Oo sabi niya tsaka isa pa siya naman naabutan ko sa tabi ko"
Napalingon naman ako sa likuran niya at nakita ko na puro foam at mattress yung sahig.
Kryzel shrugged�"I don't know. Pagdating namin ganyan na yan eh. Siguro yung taong naglagay niyan ay
laking takot na mabagsak ka na naman"�Kryzel told me teasingly.
Nginitian ko si Kryzel�"naku tumigil ka nga diyan!" �tinignan ko yung mga foam sa sahig at napangiti
ako. Alam ko naman kung sino ang naglagay niyan eh kahit hindi pa sabihin saakin.
"Hey Jeanell!"
Pareho kaming napalingon ni Kryzel sa tumawag saakin at nakita namin si Vin na tumatakbo palapit
saamin.
Medyo tinulak ko siya�"tumigil ka nga diyan! Anyway, ikaw nag lagay nun no" �turo ko sa mga foams
"pasaway ka! Hindi naman namin magagamit yan dahil di kami makakapag practice with that. But still
thank you!"
Hay, siguro nga dapat ko ng ibaling lahat ng nararamdaman ko kay Vin. At least siya mahal ako. Atsaka di
naman siya mahirap mahalin eh.
Napatingin ako doon sa mga varsity ng basketball at doon ko lang napansin na wala si Drew. Teka, usually
lagi siyang maaga sa practice ah? tsaka kanina pa nag start ang practice nila, bakit wala pa siya?
"ay wala si Drew, Jeanell! Di siya makakapag practice!" �pag sagot naman ni KRyzel sa tanong ko sabay
tingin ng masama kay Vin
"bakit hinahanap mo pa si Drew, Jeanell?"�tanong ni Vin sabay hawak sa kamay ko �"he doesn't
deserve you. Minahal mo siya kaso hindi niya pinansin yun. Binalewala niya lang lahat ang
nararamdaman mo sa kanya. Please forget him ok?"
"h-ha? ano ka ba Vin! I'm just asking. Don't give it a deeper meaning"
�
"I-I'm sorry. Ayoko lang na masaktan ka ulit Jeanell"
"hay naku bat ganun parang sumama yung ihip ng hangin?!" �pag sabat naman ni Kryzel "nangangamoy
ampalaya! Uy jeanell, mag bihis ka na at maguumpisa na practice natin. Doon muna ako ok?" �afer that
tinalikuran na kami ni Kryzel at naglakad palayo saamin.
I shrug "I don't know. Sige Vin una na ko need ko na magpalit eh"
Sana sa susunod na sabihin ni Vin saakin yan, masagot ko na siya ng buong buo at totoo.
Nagsimula na yung practice namin. This time medyo nagingat na kami sa mga pag bubuhat. Good thing
wala naman na disgrasya na. Nung break time, nagkumpulan lang kami sa gilid at kumain ng mga pang
meryenda namin. Naupo naman ako sa tabi ni Kryzel nun.
"uy kanina ka pa tahimik ah"�sabi ko sa�kanya "nag away kayo ni Rence no?"
Nag buntong hininga si Kryzel then tumingin siya saakin "Jeanell, please answer me truthfully. Tingin mo
ba talaga na binalewala talaga ni Drew ang nararamdaman mo para sa kanya?"
Iniwas ko ang tingin ko kay Kryzel�"b-bat mo naman biglang naitanong saakin yan?"
�
"Jeanell, hindi binalewala ni Drew ang nararamdaman mo sakanya. It's just that he really cares for you
kaya ayaw ka niyang masaktan. Oo maaring confuse pa siya sa nararamdaman niya kay Naomi, pero
never ka niyang binalewala.."
"K-kryzel--!"
"Naiintindihan ko si Drew��because I've been there before. Nakikita ko ang sarili ko sa kanya dahil
lahat ng napagdadaanan niya ngayon, naranasan ko rin bago maging kami ni Rence. Nandoon yung sakit
dahil sa naidulot sa kanya ng past niya. Nandoon din yung takot niya na mag mahal ulit. Maaring
nagpapakaduwag siya ngayon, but I totally understand him. Masakit kaya yung umasang mahal ka ng
taong mahal mo. Masakit kaya yung makita mong masaya sa iba ang taong akala mo eh sayo na. Masakit
Jeanell. Yun nga lang, mas masakit yung kay Drew � dahil dalawang beses na niya tong nararanasan �"
Nginitian niya lang ako ng malungkot at tinapik ako sa balikat and instead na sagutin niya ang tanong ko,
eto ang sinabi niya "Drew's your bestfriend right? Then try to understand him a little more �"
Hindi nakaimik dahil sa sinabi ni Kryzel saakin. Hindi ko alam kung bakit, pero para akong nasaktan na
ewan ng dahil sa sinabi niya.
Hay nakakapagod!
Pagakarating na pagkarating ko sa bahay, agad agad akong sumalampak sa kama dahil ramdam na
ramdam ko ang pagod dulot ng practice namin sa pepsquad. Gumulong ako sa side ko at napatingin
naman ako doon sa picture frame na nasa study table ko. Doon sa picture frame ay nakalagay yung
picture naming dalawa ni Drew. Kinuha ko to at tinitigan. Bigla naman nag flashback sa isip ko yung sinabi
saakin ni Kryzel.
"Drew's your bestfriend right? Then try to understand him a little more �"
Drew's my best friend, pero inintindi ko nga ba siya? Oo alam ko nasasaktan siya kay Naomi alam ko yun.
Pero sa kabila ng yun lagi kong iniisip na bakit hindi niya magawang iwan si Naomi? Bakit hinahayaan
niya na patuloy siyang mahirapan dahil kay Naomi? Bakit ganun? Bakit hindi niya kayang lumingon
saakin?
"Jeanell, hindi binalewala ni Drew ang nararamdaman mo sakanya. It's just that he really cares for you
kaya ayaw ka niyang masaktan. Oo maaring confuse pa siya sa nararamdaman niya kay Naomi, pero
never ka niyang binalewala.."
Parang isang matulis na patalim ang sumaksak saakin ng maalala ko ang sinabi ni Kryzel saakin. Hindi niya
binalewala ang nararamdaman ko? oo tama, hindi niya binalewala. Ayaw niya kong gawing panakip
butas. Ayaw ni Drew na mas masaktan ako.
Napahinga ako ng malalim habang nararamdaman kong may namumuong luha sa gilid ng mata ko.
Hay bat ba napakahirap ng sitwasyon namin? Bakit ba nahantong lahat sa ganito? Mas gugustuhin ko pa
na magalit na lang si Drew saakin eh para mas madali akong makakabitaw sa kanya.
Hanggang ngayon, ramdam na ramdam ko parin kung gaano ko siya kamahal. Pero this time, gusto ko ng
magpaka selfish.
Ayoko ng masaktan
***
Chapter 5.2
Man-to-man�
[Drew's POV]
"So ikaw pala talaga ang naglalagay lahat ng yan" �napalingon ako doon sa nagsalita at nakita ko sa likod
ko si Kryzel.
"nandyan ka na pala"�sabi ko sa kanya
Lumapit si Kryzel saakin at tinignan niya yung hawak kong mga foams �"talagang alalang alala ka kay
Jeanell no at nakuha mo pa talagang maglatag ng foam dito"
I just smiled at her at ipinagpatuloy ko ang paglalagay nung mga foams sa sahig. Medyo nahirapan din
ako dahil isang arm lang ang nagagamit ko dahil nga may bali yung kabila kong braso.
"sinabi niya kay Jeanell na siya ang nagligtas sa kanya. Nung tinanong din siya kung siya ba ang naglalagay
ng mga foams dito, ni hindi man lang niya itinanggi! Drew bat ba kasi ayaw mo na sabihin namin na ikaw
ang nagligtas sa kanya?!"
Napayuko ako. Sinabihan ko kasi lahat ng naka witness na wag na lang sabihin na ako ang nagligtas kay
Jeanell. Ayoko ng magkaroon pa ng dahilan para ma-fall pa ulit saakin ang babaeng wala akong ibang
ginawa kundi saktan. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano ako ka-walang kwenta at kung gaano ko
hindi deserve si Jeanell. She deserve someone better and that's Vin.
"But why?! Para magkatuluyan na sila ni Vin?! Dati gusto ko siya para kay Jeanell, but come to think of it,
hanggang paglalandi lang kay Jeanell ang effort na kaya niyang ipakita dito! "
Napa buntong hininga ako dahil sa sinabi saakin ni Kryzel �"he can make her happy"
"you can also just give yourself a chance! Drew, kung pagbabasihan ang lalim ng pagmamahal, mas
malalim ang iyo! Nung nahulog si Jeanell, sino ang sumalo dito? Di ba ikaw? Si Vin hanggang sigaw lang
ng pangalan niya pero ikaw tumakbo ka papunta kay Jeanell at ayan ang naging kapalit!" �tinuro niya
yung braso ko�"I know how much you love basketball, pero ipinagpalit mo yun para kay Jeanell. Alam
mo ok na sana eh! Mahal mo na eh! Ang duwag mo lang! kumilos ka nga! Mas lamang ka parin ng
sampung paligo sa Vin na yan!" =__=
Medyo natawa ako sa reaction ni Kryzel kaya naman lumapit ako at ginulo ko yung buhok niya
"ikaw talaga! Masyado ka lang bias kaya ganyan iniisip mo!" ^___^
"oh what the�stop that! I'm not a dog!"�sabi ni Kryzel sabay pout "pero Drew naman! Lahat na lang
ng sabihin ko di mo sineseryoso eh! mahal mo ba si Jeanell o hindi?!"
Yumuko ako at nag buntong hininga�"oo inaamin ko, may nararamdaman na ko kay Jeanell, kaso �"
"Kryzel, kada magkasama si Vin at Jeanell, nakikita kong tumatawa si Jeanell. Nakikita ko ang mga ngiti
niya. Nakikita ko kung gaano siya kasaya. Alam mo ba, kada kasama ko siya, madalas umiiyak siya. Lagi ko
na lang nakikita sa mukha niya yung painful expression. Pero iba pag kasama niya si Vin"
"pero ikaw ang mahal niya Drew. Bat hindi mo na lang ipagtapat yang nararamdaman mo ngayon? Tell
her you have a change of heart! Tell her na may nararamdaman ka na para sa kanya. J-just tell her that!
Sabihin mo sa kanya na mahal na mahal mo siya at wag ka niyang ipagpapalit kay Vin! You're a man
Drew! Do everything para makuha mo ang babaeng mahal mo"
Nag buntong hininga ulit ako and I looked at Kryzel with a painful expression �"I did that before. Sinabi
ko kay Naomi na wag niya na ituloy ang contract, na iwan niya na lahat ito para maging kami na. Alam
mo ba, umasa ako nun na ako ang pipiliin niya dahil sinabi niya saakin na mahal niya ko. But I'm
wrong"�huminga ako ng malalim just to restrain myself from crying "alam kong alam mo ang
pakiramdam ng umasa sa wala Kryzel. Masakit di ba? Sobrang sakit. Sige ayos lang naman saakin na
matawag na duwag o tanga o kahit ano eh. But, I'm scared. I'm really scared. Ayoko ng maramdaman pa
ang ganung sakit. Si Vin ang makakapagpasaya kay Jeanell. I'm willing to let her go just to see her smile.."
"Drew�"�Kryzel taps my shoulder�"I totally understand. Pero sabi nga nila, things never happen the
same way twice. Sige maiwan muna kita diyan at magbibihis na ako" nginitian ako ni Kryzel then
tumalikod na siya at naglakad papunta sa girl's locker room.
Not really. Nasaktan na ako noon, nasasaktan parin ako ngayon at alam ko, mararanasan ko paring
masktan sa mga susunod pang araw.
Nung matapos ko ang paglalatag ng mga foams, lumabas na ako ng gym kaya lang bigla ko namang
nakasalubong si Vin na papasok pa lang.
"Drew"
I just nod at him as a sign of greeting. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis ngayong nakita ko siya. Maybe
because I'm jealous dahil sa ngayon, nasa kanya na ang atensyon ni Jeanell.
I walk pass him pero nagulat ako ng tawagin niya ulit ako
Tumalikod si Vin at naglakad palayo. Sumunod narin ako sa kanya. Siguro nga it's about time na magusap
kaming dalawa.
It's about time na ako mismo ang sisigurong hindi na masasaktan ang �best friend �ko.
Nagpunta kami ni Vin sa roofop kung saan kadalasang walang tao kaya naman makakapagusap kami ng
matino dito.
"hindi na ko magpapaligoy ligoy pa Drew.." diretsang sabi saakin ni Vin pagkaakyat na pagkaakyat namin
sa roofop�"mahal ko si Jeanell at hindi ko siya kayang isuko. Gagawin ko ang lahat para mapalitan ka sa
puso niya kaya kung gusto mo si Jeanell at balak mo siyang agawin, sorry pero hindi magiging madali yun
dahil hindi ko siya bibitawan"
I smile a little�"pag lumaban ako sayo at sinabi kong mahal ko si Jeanell, I'm very sure na iiwan ka na
niya dahil ako ang mahal niya hindi ikaw. Kaya kahit anong pag laban pa ang gawin mo, wala kang
magagawa. You're only fighting in a lost battle"
I saw Vin clenched his fist. Aware akong nainis siya sa sinabi ko sa kanya. Ganti na lang siguro yun sa
ginawa niyang pag te-take credit sa mga ginawa ko para kay Jeanell.
"but don't worry�"�dugtong ko doon sa sinabi ko sa kanya �"I'm not going to fight anymore.."
Biglang ngumiti si Vin at nilapitan ako�"ok then buti hindi nap ala ako mahihirapan. Ayoko narin kasing
kalabanin ka bro" he�held out his hand�"makakaasa ka. Hindi ko sasaktan si Jeanell"
Tinignan ko ang kamay niya then inabot ko to at nakipag shake hands �"salamat"
"ano yun?"
"pwede bang layuan mo na muna si Jeanell? Kada lalapit ka sa kanya, alam kong nasasaktan siya at mas
lalong mahihirapan siyang maka move on. Di ba ayaw mo naman ng nasasaktan si Jeanell? Please Drew
nakikiusap ako, layuan mo na muna siya hangga't maari"
Medyo natigilan ako sa sinabi ni Vin. Layuan si Jeanell? Kaya ko bay un? Oo masakit sigurong makita na
magkasama si Vin at Jeanell, pero kung pati friendship namin puputulin ko, makakaya ko ba?
Magagawa ko bang layuan ang bestfriend ko? Ang taong nandiyan nung mga panahong nasasaktan ako?
"hindi ko kaya�"�bulong ko
Siguro nga tama si Vin. Ako ang dahilan kung bakit nasasaktan si Jeanell. Ako ang dahilan kung bakit siya
nahihirapan at umiiyak.
Bumaba na kami ni Vin matapos namin magusap. Dumiretso naman siya sa gym habang ako naman ay
dumaan muna sa locker ko para kunin yung mga gamit ko. Nung maayos ko na ang mga gamit ko, plano
ko na sanang umuwi ng makita ko si Jeanell na naglalakad sa way ko. Bigla akong napatago sa gilid ng
hallway.
"Jeanell! Kanina pa kita hinahanap"�rinig kong sabi ni Vin at nakita ko naman siya na patakbo papalapit
kay Jeanell
"oh Vin, may naiwan lang kasi ako sa room namin. Pabalik na ko ng gym"
"I see, tara sabay na tayo bumalik?" Vin stretched his hand
At parang dinurog ang puso ko ng makita kong hawakan ni Jeanell ang kamay nito habang masaya siyang
nakangiti kay Vin.
Eto naman ang gusto ko dib a? Ang makitang masaya si Jeanell kahit nasasaktan ako. Eto naman talaga
ang tama eh. Kailangan ko siyang pakawalan para maging masaya na siya�
Pero sa kabilang banda, hindi ko parin talaga maiwasang hindi masaktan.
***
Epilogue
[Jeanell's POV]
"Jeanell, dinalhan kita ng meryenda para may makakain ka pag nag break kayo" �inabot saakin ni Vin
ang isang plastic bag�"doughnut yung nandiyan at ang favorite mong mogu mogu"
May practice kami ngayon sa pepsquad. Dahil sa available na yung isang gym, hiwalay na ang practice ng
basketball team pati narin ng pep squad. Every practice, laging dumadaan dito si Vin para dalhan ako ng
meryenda.
Kinuha ko yung pagkain na inabot niya saakin "ikaw talaga lagi kang nag aabalang bilhan ako! Mamaya
tumaba na ko ng tumaba kasi lagi mo na lang akong pinapakain!" �biro kong sabi sa kanya
"yes master!"�tumalikod na si Vin at tumakbo palabas ng gym pero bago siya tuluyang makalabas
lumingon ulit siya saakin�"JEANELL!!! I LOVE YOUUU!"�sigaw niya ng pagkalakas lakas kaya naman
pinagtinginan kami nung mga kasamahan ko sa pep squad kasama narin ng ilang bystanders.
"Jeanell ang sweet naman ng manliligaw mo! kung ako sayo sinasagot mo na yan" sabi nung isa naming
kasamahan sa pep squad
"oo nga! Tsaka grabe ka alagaan oh. For sure magiging perfect boyfriend siya para sayo"
Nginitian ko lang sila then tinignan ko yung dala-dalang food saakin ni Vin.
I sighed.
Naalala ko dati kada break or pagkagaling sa practice sabay kaming nag me-meryenda ni Drew sa 7-11.
Minsan cup noodles, minsan yung mga instant kanin at ulam na di-init sa microwave. Tapos ililibre niya
ko ng mogu mogu or slurpee.
Kamusta na kaya ang lalaking yun? It's been two weeks at hindi ko pa siya nakikita. Ni makasalubong sa
school wala. Ni text nga hindi nagpaparamdam eh. Sa totoo lang miss na miss ko na siya. Hindi ko na
alam ang nangyari sa kanya.
Bakit ba hanggang ngayon grabe parin ako mag-alala kay Drew? Nakakaasar na. Dapat ibaling ko na lahat
ng attention ko kay Vin dahil siya ang nandiyan palagi sa tabi ko, siya ang nag aalaga saakin at siya ang
nagmamahal saakin.
Not Drew
"Jeanell.."
Naupo siya sa tabi ko then tinignan niya yung foods �"dala ni Vin?" �I nod �"I see, naku sayo na yan"
Natawa� naman ako sa sinabi ni Kryzel. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ang init talaga ng
dugo niya kay Vin.
"wag ka mag alala babayaran ko to kay Vin kaya kumuha ka lang" �sabi ko sa kanya
Nagaalinlangan? Sa totoo lang buo na talaga ang desisyon ko na sasagutin ko si Vin, pero aaminin ko,
deep in side, meron at meron parin talagang pag aalinlangan.
"Jeanell, what if Drew told you na mahal ka na niya? Will you give him a chance?"
Nagulat ako sa tanong ni Kryzel kaya naman napayuko ako at iniwas ko ang tingin ko sa kanya �"b-bat
mo naman tinanong yan?"
I sighed�"I don't know Kryzel� hindi ko alam kung magiging masaya pa ako pag nalaman ko yun.
Maguguluhan ako lalo dahil ang naka set na sa isip ko ay kay Vin ako sasaya.."
She tapped my back�"I know not all the times pakikinggan natin ang puso natin, but sometimes, by
listening to our heart, we find happiness.." �sabi niya saakin then nginitian niya ko "mag warm up lang
ako para sa practice ah? sunod ka na lang"
Pumunta na si Kryzel doon sa gitna ng gym habang ako naman naiwan doon.
Ano nga ba ang sinasabi ng puso ko? Oo alam kong si Drew parin ang mahal nito, hanggang ngayon, si
Drew parin ang tinitibok nito.
Saglit lang ang practice namin sa pep squad dahil matagal pa naman ang susunod naming laban. Afer ng
practice, agad akong dumiretso sa dressing room para magbihis. Medyo pagod narin kasi ako at isa pa
baka inaantay na ko ni Vin.
Nang makapagpalit ako ng damit, dumiretso na ako sa locker ko para kuhanin ang mga gamit ko kaya
lang napahinto ako ng makita ko si Drew na naglalagay din ng mga gamit niya sa locker niya.
Tinitigan ko siya. Mukhang pagod na pagod siya pero parang hindi siya umattend sa practice nila dahil
naka school uniform pa siya. Afer two weeks ngayon ko lang ulit siya nakita. �Parang gusto ko siyang
lapitan ngayon at yakapin. Nakaramdam ako ng sobrang pagkamiss sa kanya.
Plano ko na sanang tumalikod at umalis kaya lang napansin kong may injured ang braso niya. Before I
could stop myself, napasigaw na ko ng pangalan niya.
"D-drew!"
Nakita kong biglang napatingin saakin si Drew at gulat na gulat siya ng makita niya ako.
"Jeanell�"
Iniwas niya ang tingin niya saakin�"w-wala, na hulog kasi ako sa hagdan.."
"nahulog ka sa hagdan?! Drew bat di ka nagiingat! Alam mong malapit na ang tournament niyo tsaka ka
pa nainjured! Ang tagal mong inantay ang tournament na to di ba?!" �galit na galit kong sabi sa kanya
"tsaka bat di mo manlang sinabi saakin na ganyan ang lagay mo?" �mangilid ngilid ang luha ko habang
tinatanong ko ang bagay na yun sa kanya.
Hindi naman ako sensitive na tao eh pero hindi ko alam bakit ako nasaktan sa fact na hindi manlang ako
sinabihan ni Drew about sa lagay niya. Alam kong hindi naman niya ako girlfriend eh pero best friend
niya ako! Among others ako ang pinaka nakakaalam kung gaano kahalaga sa kanya ang dadating na
tournament.
Nakita kong yumuko si Drew�"s-sorry kung di ako nagiingat" �afer niyang sabihin yun, isinara niya ang
locker niya at tumalikod na siya saakin at naglakad palayo.
Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, dali-dali kong hinabol si Drew at niyakap ko siya from the back.
"Sorry Drew.. sorry sa sinabi ko. Alam ko namang nade-depress ka ngayon eh. Sorry talaga"
Inalis ni Drew ang pagkakayakap ko sa waist niya at hinarap niya ako �"ayos lang, di naman ako galit.
Sige Jeanell, una na muna ako sayo.."
Patalikod na ulit sana si Drew kaya lang bigla kong hinila ang braso niya
He sighed�"Jeanell, c-can we talk? May kailangan lang akong sabihin sayo" �he told me while looking
uneasy.
Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa friendship namin at kung bakit kami nagiiwasan ngayon. Pero
siguro tama na magusap na kaming dalawa.
I nod�"ok, let's talk. Madami din talaga akong dapat sabihin sayo"
Inayos ko lang saglit ang mga gamit ko then umalis na kami ni Drew. I just texted Vin na umuna na akong
umuwi dahil may kailangan akong gawin.
Sabi ni Drew doon na lang daw kami sa 7-11 mag usap para makapag meryenda narin kami. Though wala
naman talaga akong ganang kumain ngayon dahil sa mga sasabihin ko kay Drew, pumayag narin ako kasi
matagal ko nang di nakakasama tong lalaking to mag meryenda.
Sakto namang pagdating namin sa 7-11 walang masyadong tao at talagang magkakaroon kami ng
"privacy"
"ok then I'll just buy you a slurpee and cup noodles, beef flavor" �sabi niya saakin
Napangiti naman ako. Kada kasi pupunta kami dito yun palagi ang binibili ko.
Tinignan ko lang si Drew habang nagtitingin ng pagkain doon at naramdaman ko na naman na parang
bumilis ang tibok ng puso ko. Mahal na mahal ko pa talaga ang lalaking to. Kung sana nabigyan lang ng
pagkakataon na maging kami, ako na siguro ang magiging masayang babae sa buong mundo.
Yun nga lang, parang napaka layo na mangyari ng bagay na yun. Masyado ng maraming nangyari.
Masyado narin akong nasasaktan kaya siguro, dapat ko na talagang pakawalan si Drew.
"u-uhmm Jeanell�"
Napatingin ako kay Drew at nakita kong nakatingin siya saakin ng seryoso
"sorry kung di ako nagparamdam sayo ng ilang araw ha? nagiisip isip kasi ako"
"Ah Jeanell--"
Tinignan lang ako ni Drew nun at hindi siya umimik sa sinabi ko kaya naman ipinagpatuloy ko ang
pagsasalita
"Aaminin ko na i-ikaw parin hanggang ngayon pero Drew masaya ako kada kasama ko si Vin kaya naman
alam kong hindi ako mahihirapan na mahalin siya. At tama ka, siguro hindi nga talaga tayo para sa isa't
isa dahil alam kong hanggang kapatid na lang talaga ang pag tingin mo saakin. But this time ayoko nang
masaktan. Gusto kong maranasang mahalin ng taong mahal ko kaya naman Drew, sorry kung hihilingin ko
sayo to pero sana, sana wag muna tayo magkita hanggang sa mahulog na ako ng tuluyan kay Vin �"
Hindi ulit sumagot si Drew but instead nakayuko lang siya habang nilalaro laro niya ang straw ng slurpee
niya.
He's wishing me to be happy. Pero bakit nung bitawan niya ang mga katagang yun parang nadurog ang
puso ko?
[Drew's POV]
"Sasagutin ko na si Vin"
Dire-diretso kong ininom yung isang bote ng beer ng maalala ko na naman ang sinabi ni Jeanell.
Alam ko namang dadating talaga ang araw na magiging sila. Akala ko sa ilang araw na pagiwas ko kay
Jeanell, tanggap ko na yun. Pero hindi pala. Nakalimutan ko na hindi parang computer ang puso na
pwedeng mag delete ng memory.
Masakit, sobra.
Nung mga panahong nag uusap kami ni Jeanell, dapat talaga ay aamin na ako sa nararamdaman ko para
sa kanya. Para atleast, kung kailangan man naming maghiwalay ng landas, nasabi ko manlang ang tunay
na nararamdaman ko. Pero nung sinabi saakin ni Jeanell na sasagutin na niya si Vin at layuan ko na siya, I
decided na wag ko na lang ituloy ang pag amin. Ayoko ng makagulo pa sa isip ni Jeanell.
Napalingon ako bigla doon sa nagsalita at nakita ko si Stephen sa tabi ko na kasalukuyang umiinom ng
juice na shake.
"nakakailang bote ka na ba ng beer?"�tanong niya saakin �"tignan mo ko shake lang. Healthy living ako
eh"
"uy bro alam mo ba may alam akong sikreto mo?"�sabi na niya saakin but again, di ko siya pinansin
kaya pinagpatuloy lang niya ang pagsasalita niya. Inakbayan ako ni Stephen �"alam kong hindi naman
talaga kayo ni Jeanell simula pa lang"
Nginitian niya ako then uminom siya ng shake niya atsaka niya ako sinagot �"so that's the reason. Kaya
ba nagpanggap na kayo ni Jeanell is because of Nami?"
"siguro wala nga akong alam sa kung anong nangyari, pero isa lang ang masasabi ko, hindi mo kayang
ipaglaban ang sarili mong kasiyahan"
"shut up!"
"forever ka ng hindi magkaka girlfriend kasi wala kang ibang ginawa kundi ipaubaya ang mga babaeng
minamahal mo sa ibang lalaki"
Tumayo si Stephen at tinapik ako sa braso�"naalala mo dati nung nalaman ko ang contract at nandito
din ako sa bar na to at umiinom? Then dumating ka at ginulo mo ang utak ko nun. Gantihan lang pare"
"pero lahat ng sinabi ko totoo. A simple advice, minsan kailangan natin mag take ng risk para sumaya.."
Napayuko ako habang nakasandal ang ulo ko sa magkabilang kamay ko. Sa totoo lang tinamaan din
naman talaga ako sa sinabi ni Stephen.
Lahat na lang ba ng babaeng mamahalin ko kailangan kong ipaubaya sa iba? Una si Naomi, ngayon
naman si Jeanell. Ano ba talagang problema bakit lagi na lang napupunta sa iba ang mga babaeng mahal
ko?
"siguro wala nga akong alam sa kung anong nangyari, pero isa lang ang masasabi ko, hindi mo kayang
ipaglaban ang sarili mong kasiyahan"
Siguro nga napaka duwag ko. Wala akong ibang ginawa kundi magparaya. Ni hindi ko manlang nasabi kay
Jeanell kung gaano ko siya kamahal.
Binayaran ko lang yung ininom ko at lumabas na ako sa bar. Pauwi na sana ako nun ng makita ko si Vin at
Jeanell na magkasama.
Hawak hawak ni Vin ang kamay ni Jeanell at masaya silang naguusap dalawa.
Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naalala ko dati nung mga panahong nakikita ko rin si
Naomi at Stephen na magkasama. Masakit, but at the same time, ayos narin kasi nakikita kong masayang
masaya si Naomi.
Pero bakit ngayon hindi ko na maukhang maging masaya? Bakit puro sakit na lang ang nararamdaman
ko?
Paulit ulit sinasabi ng puso ko na sana ako na lang ang kinakausap ni Jeanell, sana ako na lang ang
kasama niya, sana ako na lang ang may hawak ng kamay niya at sana, ako ang dahilan kung bakit masaya
siya.
�Pero hindi. Iba ang kasama niya.
"A simple advice, minsan kailangan natin mag take ng risk para sumaya.."
Siguro nga this time kailangan ko ng mag take ng risk. This time kailangan ko ng sabihin kay Jeanell ang
lahat kahit na hindi ako ang piliin niya.
[Jeanell's POV]
�"Jeanell gusto mo bang kumain? Nagugutom ka na ba? Or pagod ka na ba? Gusto mo magpahinga
muna tayo?"
Hay buhay.
"Jeanell?"�naramdaman kong may tumapik saakin kaya naman napalingon ako bigla kay Vin
"h-ha? bakit?"
"kanina pa parang malalim ang iniisip mo diyan ah? sabi ko kung nagugutom ka na ba?"
"ah hindi pa. Tara lakad lakad tayo"�sabi ko kay Vin nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Vin ang
kamay ko kaya napa atras ako bigla.
"ah hindi hindi, nagulat lang ako"�kinuha ko yung kamay niya at hinawakan ito �"sorry"
It's been two weeks eversince makausap ko si Drew. Simula nun hindi ko na nga talaga siya nakita. Putol
na lahat ng communication naming dalawa. Ni-hindi ko narin siya nakakasalubong manlang sa school.
Alam ko ginusto ko to pero sa totoo lang, ang hirap pala. Araw araw umaasa ko na makasalubong
manlang siya, kahit na makita ko man lang siya ng isang beses. Pinilit kong alisin si Drew sa utak ko kaso
wala, siya parin ang laman nito.
At sa totoo lang, ayoko na. The more na minamahal ko si Drew, mas lalo lang akong nasasaktan.
"Jeanell, bakit?"
"hmm?"
"a-ahmm halos isang buwan ka narin nanliligaw saakin at nakita ko naman kung gaano ka ka-sincere
saakin. Nakita ko kung gaano mo ako pahalagahan at alagan. Alam kong alam mo na h-hindi pa ako
ganoong na f-fall sayo pero Vin I want to�"
"Jeanell"�naputol ang sasabihin ko ng banggitin niya ang pangalan ko "bago mo ituloy yan may gusto
muna akong aminin sayo"
"h-ha? ano?"
"hindi ako ang naglitas sayo nung nahulog ka, it's Drew"
"huh? What are you saying? Ikaw yung nakita kong nasa tabi ko!"
�
"ako yung nagdala sayo sa ospital, ako yung nagbantay sayo hanggang sa magising ka pero si Drew ang
sumalo sayo. Kaya hindi ka niya nabantayan is because he got injured by saving you.."
Hindi ako nakaimik agad sa sinabi ni Vin then it hit me. Yung bali ni Drew sa braso. Yung injury na yun. . .
ako ang may gawa nun?
Ipinatong ni Vin ang mga kamay niya sa magkabilang braso ko atsaka niya ako tinignan maigi sa mata.
"Jeanell, alam ko kung ano yung sasabihin mo saakin pero bago yun, may gusto pa akong ipaalam sayo.
Drew loves you.."
Pagkasabing pagkasabi ni Vin nun, bigla na lang bumagsak ang luha sa mata ko.
"i-impossible.. impossible.. hindi niya ko mahal. P-paano nangyari yun! please! Wag kang magbibiro ng
ganyan!"�umiling iling ako habang tinatakpan ang mukha ko ng mga kamay ko �"hindi niya ako
mahal�"
"He loves you Jeanell. Alam ko napakatanga ko para ipaalam pa sayo ang mga bagay na to pero ramdam
na ramdam kong hindi ka magiging masaya saakin. Isa pa, ayoko rin na maging panakip
butas"�hinawakan ni Vin ang kamay ko�"come with me"
Hinayaan ko lang na hilahin ako ni Vin. Wala akong idea kung saan kami pupunta dahil hanggang ngayon,
occupied parin talaga ang utak ko sa mga sinabi niya.
Mahal ako ni Drew? Paano nangyari yun? halos hindi ko mapaniwalaan ang nalaman ko. Parang napaka
imposible.
"Jeanell! Vin!"
Natauhan naman ako ng makita ko si Kryzel na tumatakbo papalapit saamin. Doon ko lang napansin na
dinala ako ni Vin sa quadrangle ng university namin.
"huh? Bakit?" takang taka na tanong ko naman sa kanya but instead na sagutin niya ako, si Vin ang
kinausap niya.
"Wait Vin saan ka pupunta?"�habol ko sa kanya kaya lang tuloy tuloy siyang naglakad palayo
"Jeanell come with me"�sabi ni Kryzel at hinatak niya ako papalapit doon sa stage
�
And again hindi niya ako sinagot, instead, ngumiti lang siya saakin.
An tupa naman oh! Ano bang meron?! Sumasakit na ang ulo ko dito ha! Hindi pa ko nakaka recover sa
mga sinabi ni Vin dumadagdag pa tong sila Kryzel!
Ano ba kasing---
"hello"
Napalingon ako bigla sa stage ng marinig kong may nagsalita at halos malaglag ang panga ko ng makita
ko si Drew na nasa stage at may hawak na gitara.
"uhmm sorry kung naabala ko kayong lahat na pumunta dito. Sa totoo lang, hindi ko nga alam bakit ko
naisipang gawin ang bagay na ito. Siguro dahil isang araw nagising na lang ako na pagod na akong
magpaka duwag" nakita kong naglabas ng panyo si Drew at pinunasan niya ang noo niya �"sorry medyo
kinakabahan ako kasi unang beses ko lang gagawin ang bagay na to. Pero bago ang lahat, may ikukwento
muna ako. Meron akong bestfriend, lagi siyang nandiyan nung mga panahon na sobrang nasasaktan ako.
Hindi niya ako iniwan nun kahit pinagtabuyan ko siya palayo. Sabi niya saakin mahal niya kasi ako. Kaso
ako hanggang kapatid lang ang tingin ko talaga sa kanya nun. Pero kahit ganun, hindi niya ako iniwan.
Kaya lang, lahat ng tao napapagod din lalo na kung paulit-ulit silang nasasaktan. Isang araw nagising na
lang ako na hindi na ako ang may hawak ng kamay ng bestfriend ko. Nakita ko na lang na may kasama na
siyang iba. Nasaktan talaga ako nun. Akala ko nga dahil siguro nasanay lang ako na nandiyan siya. Yun
pala hindi"�ibinaba ni Drew ang mga tingin niya sa audience at nagulat ako ng mag meet ang tingin
naming dalawa�"mahal ko na pala ang best friend ko. Mahal na mahal �" sabi ni Drew habang nakatitig
siya saakin�"napaka tanga ko lang at hindi ko manlang maamin amin sa kanya yun"
At dahil sa sinabi ni Kryzel, napatakip na lang ako ng bibig habang nangingilid ang luha ko.
"imposible�"
"Mahal kita Jeanell. Alam ko huli na ang lahat para aminin ko pa to sayo. Alam ko na ilang beses ka naring
nasaktan ng dahil saakin pero gusto ko, bago mo manlang bitawan ang nararamdaman mo saakin,
naamin kong mahal kita para naman hindi narin ako magsisi"
Nakarinig ako ng malakas na hiyawan galing sa mga tao pero ni-isa sa mga sinasabi nila ay wala akong
naiintindihan. Para akong biglang nabingi at ang tanging boses na lang na naririnig ko ay kay Drew
Drew started strumming his guitar at kumanta siya habang nakapako ang tingin niya sa mga mata ko.
Misused, mistakes
"Jeanell, mukha ba talagang imposible na magustuhan ka niya? Tignan mo tong ginagawa ni Drew,
mukha ba talagang imposible?"
Napailing na lang ako habang pinipigilan ang mga luha sa mata ko.
Mahal ako ni Drew? Mahal ba talaga niya ako? Bakit niya sinasabi to ngayon kung kelang ayoko na?�
Bakit kung kelang nakapag decide akong bitawan siya atsaka siya lumalapit ngayon?
Naramdaman kong may pumatak na luha sa mata ko. Oo nakakaasar talaga ang lalaking to! Nakakayamot
talaga siya! Matapos ng madaming luhang ibinuhos ko dahil sa kanya tsaka niya gagawin to? Matapos
akong mapagod tsaka niya sasabihin ang mga bagay na to?
"I keep dreaming you'll be with me
Pero kahit na iniyakan ko siya, kahit na nasaktan ako ng paulit ulit dahil sa kanya, bakit ako
nakakaramdam ng sobrang saya ngayon? Bakit pakiramdam ko parang gusto ko siyang yakapin ngayon?
Nakita kong napatingala si Drew then he blinked. Alam kong pinipigilan niya na pumatak ang mga luha sa
mata niya
Nasasaktan siya dahil akala niya sasagutin ko na si Vin? Alam kong ang selfish selfish ko, pero bakit ako
natutuwa sa idea na yun?
Kung alam mo lang na halos mabaliw ako nung mga panahong nilalayuan na natin ang isa't isa.
"ay anak ka naman ng--!! Drew Fernandez naman! Bat ka tumakbo!!" �sigaw naman ni Kryzel.
Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, agad agad akong tumakbo paakyat ng stage at hinawakan yung mic na
gamit gamit kanina ni Drew.
"DREW FERNANDEZ!!!"�I shouted at the top of my lungs kaya naman lahat sila napatakip ng tenga nila.
Nakita kong napahinto din sa pag takbo si Drew at napatingin siya saakin.
"a-ano�"�ay anak naman ng tupa� ano nga ba sasabihin ko sa kanya? Na mahal ko pa siya? na siya
parin talaga ang makakapagpasaya saakin? na wala akong ibang minahal kundi siya?
Na wala akong paki kung sinaktan niya ko dati basta ang alam ko mahal na mahal ko parin siya?
Gusto kong ipagsigawan sa lahat ng tao yun pero naisip kong ituloy yung kinakanta ni Drew kanina.
"I wanted
I wanted you to stay
'Cause I needed
Nakita kong unti-unting lumapit si Drew sa stage habang hindi niya inaalis ang mga mata niya saakin
Kahit na nasaktan ako sayo, kahit na umiyak ako ng dahil sayo.. alam ko sayo at sayo parin talaga ko
babalik.
"Hold on to me and
"J-jeanell�"
"h-ha?"
�
"ang corny corny corny corny ng ginawa mo alam mo bay un? Ilang pelikula nab a ang nakita mong
gumawa ng ganitong eksena ha? isa pa kakanta ka pero hindi mo tatapusin!"
Nakita ko naman ang naguguluhang expression sa mukha niya kasabay ng tawanan ng mga tao dahil sa
sinabi ko.
"s-sorry kung ang corny at ang jologs ng ginawa ko. Alam ko mas higit pa ang mga ginawa ni Vin dito pero
hindi ko naman talaga intended na sirain kayong dalawa. Gusto ko lang na umamin sayo Jeanell. At ito
lang ang naisip kong way para maniwala ka sa sinasabi ko. But in the end masakit parin pala talaga na
malamang iba na ang gusto mo"
"h-ha?"
Bigla na namang tumulo ang luha sa mata ko at kinanta ko ulit yung lyrics na kinanta ko kanina.
"I-I l-love you. I h-have lo-ve y-you all a-along �"�hinawakan ko ang kamay ni Drew at nakita kong
tumulo narin ang luha sa kanya�"A-and I forgive you, for being away t-too f-far too l-
long.."�hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ko ang luha na tumutulo galing sa mga mata niya "S-
so keep b-breathing cause i-im not l-leaving you anymore"
Bigla akong hinila ni Drew papalpit sa kanya at niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit
"h-hindi mo ba alam kung gaano ako kasaya marinig na sabihin mo ang salitang yan?"
Humiwalay siya sa pagkakayakap saakin atsaka pinunasan niya ang luha sa pisngi ko "edi araw araw ko ng
sasabihin sayo ang mga bagay na yan. Jeanell mahal na mahal kita. Kung alam mo lang kung gaano ako
nasaktan nung panahong kasama mo si Vin. Napaka duwag ko kasi eh � pero this time ayoko na
magpaka duwag dahil gagawin ko ang lahat maging masaya lang ako �. Tayo.."
End.
**
Mensahe ni majinbu:
Atlast natapos narin po ang BTCHO Special: New Love! Salamat po ng madami sa pag babasa ng story ni
Jeanell and ni Drew! Anyways, as promised dalawa ang magiging special nito. Meron pang BTCHO
Special: The Wedding ... Special chapters naman po for Naomi and Stephen before ng "wedding" nila..
kung nabitin man din kayo sa story ni Jeanell at Drew, don't worry, makikita niyo kung paano sila as
couples sa next btcho special.
Favor naman po kung may time kayo, kindly tweet to me your favorite part sa BTCHO Special: New Love
>> @iamAlyloony�
Salamat po ulit! :)