Pantayong Pananaw o Pantasyang Pananaw L

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SURING NOBELA

Ang Pagbabalik ni Maria Makiling ni Will P. Ortiz

I. Pagpapakilala sa May-akda

Si Will P. Ortiz ay guro sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng


Pilipinas, UP Diliman. Siya ay nagwagi ng Gawad Carlos Palanca nang dalawang
beses at isa ring published author. Siya rin ang awtor ng akdang Bugtong ng buwan
at iba pang kuwento na nanalo ng Madrigal Gonzales Best First Book Award. Ang iba
pang niyang naisulat ay ang mga akdang Ang tatlong bubwit at ang bangkang
marikit, Si Maria Makiling at ang alamat ng animas anya, at Palihan: Hikayat Sa
Panitikan at Malikhaing Pagsulat.

Hindi siya naniniwala sa writer’s block, at sinusunod niya ang bilin ni Rene
Villanueva na ang manunulat ay dapat mag-alaga sa kanyang katawan. Sa ibinahagi
ni Ortiz sa kanyang interbyu noong ika-50 anibersaryo ng UP Press, na dapat maging
kritikal o mag-isip ang mga mag-aaral sa tuwing nagbabasa ng Panitikan upang higit
na maunawaan. Sang-ayon din siya sa digital publisher upang mas maarok ang
damdamin ng mga mambabasa lalong lalo na ang mga kabataan dahil sa
nangyayaring globalisasyon. Ayon sa kanya, kailangan na pagtuunan ng pansin ang
literatura nang sa gayon ay yumabong ang panitikang Filipino.

Sa akdang “Ang pagbabalik ni Maria Makiling” tulad ng diwata si Will P.


Ortiz ay malapit din sa mga hayop na gala,nahahalina sa halaman, bundok at
karagatan. Simula bata pa lamang ay naniniwala na siya sa mga kuwento ng
alamat, mito at anting anting. Mahilig siya sa pantasya kung kaya ang kanyang mga
isinusulat ay mga bida mula sa mundong kakaiba. Mga kuwento at tauhang kakaiba
mula sa ibang mundo ang naging inspirasyon ni Ortiz sa kanyang pagsusulat.
II. Pagpapaliwanag sa Pamagat

Sa unang basa sa pamagat ng akdang “ Ang pagbabalik ni Maria Makiling”


agad na maiisip ng mambabasa na ang kuwento ay maaring umiikot sa isang mito at
alamat dahil sa pagkakadawit sa pangalan ng isa sa kilalang diwata sa mga
kuwentong bayan sa Pilipinas na si Maria Makiling. Nilalaman ito ng mga istoryang
kakaiba at puno ng mga hiwaga at misteryo ang mga pangyayari. Si Maria Makiling
ay isang diwata. Marahil napili ang pamagat ng kuwento sapagkat ito ay
nagsasalaysay ng kuwento ng mga pangyayari sa buhay ng bidang si Maria Makiling
sa katauhan ng batang si Aya Aquiling. Kaya ang napili ang pamagat sapagkat
inilalarawan ang transisyon ng buhay ng batang si Aya Aquiling mula sa kanyang
buhay sa kasalukuyan at paghahanap niya ng sarili sa nakaraan natuklasan niyang
siya si Maria Makiling.

May mas malalim pang mensahe ang pamagat ng akda sapagkat maaring
mag-isip ang mambabasa sa salitang “pagbabalik”. Sapagkat sa ibang kuwento si
Maria Makiling ay maituturing na saksi sa kasaysayan. Ang kanyang mito ay kilalang
kilala. Ginamit ang kanyang karakter upang malaman ng mga mambabasa ang
kanyang mga bahagi sa kasaysayan ng bansa. Siya rin ay representasyon ng mga
likas na yaman ng Pilipinas at simbolo ng isang Pilipino. Sa akda maaring ito ang
naginmg pamagat sapagkat may mas malalim na mensahe pang nakakubling nais
iparating ang manunulat upang mas pahalagahan pa ng mga mamamayan ang
kanilang kalayaang tinatamasa at ang bansa. Sa pamagat din ng akda ay
tinutulungan ang mga mambabasa na maging kritikal upang mas maunawaan pa
ang tunay na mensaheng nais na iparating ng akda.

You might also like